webnovel

Fool, Frail Heart [ Tagalog ]

She used to be the dugyot at parang kulang sa paligo before. That was five years ago. Kaya nga wala siyang napala sa crush na crush niyang campus heartthrob dati na si Stephen Stonward. On that certain day she confessed her feelings towards him but all that she got was embarrassment and rejection sa gitna ng maraming matang nagmamasid sa kanila. She got judged big time. Labis siyang nasaktan sa pangyayaring yun to the point that she even decided to follow her parents who is currently residing in States by that time. Stephen was her first love, though he's just loving him from afar. But he's also the first man who broke her fragile heart. After five years, she came back to the Philippines. She's no longer the ugly duckling Shania before. Meet the gorgeous 21 year old Shania Lorraine Gomez. Who still have a resentment towards her ex-crush. She came back to take her revenge. Napakababaw man kung iisipin, pero yun ang nais niya. Gusto niyang ipaghigante ang sakit at pagdurusang naranasan niya sa loob ng higit limang taon. Gagawa siya ng bitag na siguradong mahuhuli niya si Stephen. Isang bitag na kapag nahuli niya ang lalaki ay hahayaan niya lang itong makatakas na may baong sakit at pagdurusa. Ngunit pano kung mismo siya na gumawa ng bitag ay mahulog rin sa matinik at malalim na butas nito? What if her plan backfires in the middle of the process? Kakayanin niya bang umahon sa pagkakahulog ng hindi mangangapa at magdurusa? Kakayanin niya bang isantabi ang pagmamahal na unti-unting nabubuhay sa puso niya para lang maisakatuparan ang paghihiganteng ninanais niya? Kakayanin niya ba? O susuko na lang siya?

FebruaPiscium · Urbano
Classificações insuficientes
15 Chs

CHAPTER TWO [ Part 1 ]

It's another boring day. Days passed. Nakabili na ako ng sarili kong condominium, since sina Mom and Dad ay nandun pa sa States. Fifteen minutes drive lang mula sa bahay nina Patricia.

Ayoko namang tumira dun sa malaking bahay namin na ako lang mag-isa.

Nakakalungkot. Yun bang pakiramdam na ang laki nga ng bahay, wala namang kabuhay-buhay.

Patricia even offered me na dun nalang ako sa kanila habang hindi pa umuuwi sina Dad, but, I refused. Nakakahiya naman kasi.

Kaya ako? Heto, kanina pang nakahilata sa kama, doing nothing. Babangon ako, tapos hihiga ulit, tapos mag-iiikot.

What to do? What to do? Mag-isip ka ng magandang gagawin Shania! Yeah, right! Tatawagan ko nalang yung gagang yun, yayain ko na magstroll stroll kami.

Dialing: Bruhang Patricia

"Bruha. Punta ka dito please. Ang boring eh. Stroll tayo." bungad ko kay Pat. Just trying baka hindi siya busy eh.

"Yeah. Good morning to you too! Shania Lorraine Gomez. Gaga ka!" Tsss... Ang aga aga, badtrip agad. Hindi lang nabati ng good morning e.

"So, ano na? You're coming or Pupunta ka?"  pangungulit ko pa. I even make a puppy eyes kahit hindi naman niya makikita. Haha! Baliw lang.

"Yeah, I'm cumming....Ugh! Deeper babe... Ugh! Faster babe." What the eff??

"What the hell! Patricia! Diyos ko. Yung bibig mo! Ang bastos!" Ghad! Ilang taon lang akong nawala naging ganito na kalaswa ang pag-iisip ng gagang 'to.

Humagalpak lang sa kakatawa si Patricia sa kabilang linya na para bang may nasabi akong sobrang nakakatawa.

"Inosente ka girl?Duh? I know you've witnessed more of that in States. Eh baka nga mas skilled ka pa kaysa sakin, pagdating sa usaping yan." Now I imagine Patricia with her rolling eyes.

Ako? Skilled? No way!

"Umayos ka nga. Maayos yung tanong ko eh. Sagotin mo naman ng maayos. Tsaka, anong mas skilled ako? Ghad, Pat, seryoso? Wala pa nga akong first kiss, tapos...Yuck? Bruha ka." Aba eh! Nangilabot ako dun ng kunti e.

Yung boses niya talaga, parang may ginagawang ano.....

Hindi sa inosente ako sa ganoong bagay, but, yeah, I'm not used to it. I've been staying in a liberated country for almost 5 years, but I've never witnessed some actual make out scenes ng mga foreigners dun. Nagpunta akong States to continue my studies, sa kadahilanang ayoko ng masaksihan ang mga mapanghusgang mata sa dati kong school. Because of how Stephen embarrassed me and made me look like an ugly duckling in the amidst of that huge crowd. Nagiging laman na ako ng bawat usapan, tsismisan ng mga schoolmates ko. I bet, the whole university knows about it also.

Aist! Enough with your stupid retrospect Shania! Nakamove-on ka na sa kahihiyang yun, diba? Diba?

Because of that skilled thingy, napapareason out tuloy ako ng wala sa oras. Naungkat pa yung hindi dapat maungkat.

Eh hindi naman kasi ako nakakasaksi ng ganoon e. Once lang ako nakarinig ng ganun, mula sa kwarto ni kuya. Kasalanan ko bang hindi nila isinara yung pintuan? Hatinggabi na yun at saktong pababa ako nun ng hagdanan papuntang kusina kasi nauuhaw ako. Tapos yun, narinig kong may babaeng umuungol mula sa kwarto ng kuya ko. Kaya hindi nalang ako tumuloy sa kusina at bumalik na lang sa kwarto ko.

Ako pa yung nahiya sa kanila nung babae niya. Juicecolored! Mom and Dad was on their bussiness trip outside the country that time. Ilang gabi ko kayang naiisip yun, na baka paglabas ko ng kwarto may ganun na namang kaganapan akong maririnig. Parang may cold war kami ni kuya nun, hindi ko siya pinapansin masyado.  Basta! Ang hirap magkaroon ng babaerong kapatid. Swear! Mawawala yung kainosentehan mo.

"Well, gaga, I really wanted to come but, I can't. Dad gave me an asign task kanina, that's why I'm currently here in his office to handle the company for three days. May bussiness meeting kasi si Dad, somewhere outside Manila. Gaga, sorry." Tsk. Perks of being the next inheritance.

Only one child lang kasi si Patricia ng mga parents niya. Ewan ko ba kina tita at tito kung bakit hindi na nila dinagdagan si bruha. Marami naman silang maipapakain sa mga magiging anak nila if possible kasi mayaman naman sila. Buti nalang ligtas ako sa ganyang bagay, kasi si kuya na yung nagha-handle nung ibang businesses ng parents namin. Kahit pa babaero yun. So, I'm safe and free!

"Oh, wait! I'll ask Dad's secretary kung may free time ba ako. Para masamahan kita."

"Ano ka ba naman. It's okay Pat. Really. Malalagot ka kay Tito kapag di mo inayos trabaho mo dyan." Pagpapagaan ko ng loob sa bruhang nasa kabilang linya. Naa-appreciate ko kung panong maghahanap siya ng free time just to be with me. I'm really blessed to have a friend like her.

"Eh! Kasi naman e! Pano kung mapahamak ka. Kargo de konsensya ko pa." Narinig ko siyang napabuntong hininga sa kabilang linya. Sus! Masyadong ginagawang big deal eh.

"Hoy! H'wag ka ngang magbuntong hininga dyan. Naaamoy ko eh! Pero totoo Pat, it's okay. Galingan mo nalang diyan. I know you're busy working your ass out there, but please, don't forget to eat your meal on time. Dito lang ako sa loob ng village, maglakad-lakad. So, don't worry about me, aright? Bye! Labyou!" with that, we bid our goodbyes.

So, now? Maybe I can stroll alone? Boringness overload na talaga si ako.

I get up from bed. Konting ayos. Black ripped jeans, white tight-fitting crop top na may nakasulat na bitch sa gitna, then flats. I didn't bother to put on some make-up on my face. Liptint lang okay na. Maglakad-lakad lang naman ako e.

Music is one of my best companion when times like this na mag-isa ako. It lightens my mood. That's why I always have an earphones with me wherever I go.

Hinahayaan ko lang yung mga paa ko sa kung saang direksyon ako nito dadalhin.

I'm walking for a quite long now. Naghahanap na lang ako ng lugar kung saan pwede akong magpahinga muna.

"Lola, excuse me po. Saan po ba pwedeng magpahinga dito?" Tanong ko sa matandang babaeng kasama ata yung asawa niya. Nakasalubong ko sila sa daan.

Pero hindi ako kinibo nung matandang babae, bagkos, binigyan lang ako nito ng isang kakaibang titig. Mataas ang maputing buhok nito na abot hanggang sa kanyang bewang.

"May mini park sa village na'to, perpektong lugar tambayan. Diretso ka lang, nasa bandang unahan pa. Bagohan ka ba dito, iha?" Sagot nung matandang lalaki na pulos puti na rin ang mga buhok kaya nabaling ko ang atensyon ko sa kanya.

"Ay, opo! Kakalipat ko lang po nung isang araw. Sige, po manong. Una na po ako, salamat po." Paalam ko kay Lolo.

Humarap ako saglit kay Lola para sana magpaalam rin pero umurong yung dila ko dahil hindi pa rin nawaglit yung kakaibang titig niya sa akin. Bigla akong nangilabot kaya agad na akong umalis at dumiretso sa mini park na sinabi ni Lolo. Malapit na pala ako roon.