webnovel

CHAPTERXVII:DRUNK

Marami pa silang napag usapan, bisyo kalokohan, pamilya at kung ano ano pa. Pumatak ang alas singko naubos na nila parehas ang iniinom nila. Hindi na umiimik ang binata na nakatingin lang sa malayo habang sya naman nilalantakan ang chip na natira nya.

Ano pala pinadeliver mo ke Jorge? ako na kukuha, di ba sabi mo iwan nya nalang sa reception?

No, Ill get it, your'e drunk.

Wow, look whose talking, eh hindi ka na nga makaimik dyan.

Wala naman na kasi ako sasabihin inubos mo na.

Hala sya sinisi pa ko, tumayo ka na nga dyan, liligpitin ko na yan.

Sumunod naman ang binata, diretsong pumasok sa kwartong tinutulugan nya.

Lasing nga. Bulong ni Amiel.

Niligpit nya ang mga pinag inuman nya, hindi nya masyadong napansin na naubos pala ng binata ang isang bote ng wine na dala nito,

Wine lang nalasing na, akin nga beer eh, kausap nya sa sarili.Hindi sya madaling malasing hindi nya alam kung mataas lang ang tolerance nya sa alcohol o praktisado lang sya dahil kaylangan sa ibang misyon nya. Pagkatapos nyang ligpitin amg mga ginamit, sinundan nya ang binata sa loob ng kwarto, nakita nya itong nakahiga sa kama at wala ng pang itaas,

Napakagwapo nga naman talaga. Bulong nya sa sarili habang tinititigan ang binata, Nagbukas sya ng cabinet at naghanap ng bimpo kaylangan nyang mapunasan ang binata para mahimasmasan.Bago punasan ang binata nagpalit muna sya ng sando at shorts,hindi na sya nag abalang pumasok ng banyo bago tanggalin ang damit, balak nyang sa sala nalang matulog at plakda na ang binata. Wala syang kaalam alam na gising naman ang binata at tinitignan lang ang ginagawa nya.

Sh*t Hyacint bakit di mo sya pinigilan na magbihis sa harapan mo, gago ka ba lalo mo lang pahihirapan ang sarili mo, bulong nya sa sarili habang pinanonood ang dalaga habang tinatanggal ang botones ng suot nitong cargo short, matapos matagal,pumunta ito ng banyo, ilang minuto lang ang lumipas, lumabas ito na basa na ang mukha at may dalang bimpo. Isinuot nito ang sandong puti at isang cotton short na may print na sponge bob. Umupo ito sa kama at sinimulan na syang punasan. Mula sa mukha pababa sa katawan nya.

Marahang gumalaw ang katawan nya para mabigyan ng mas maganda at madaling access ang dalaga na mapunasan sya, ninanamnam nya ang bawat pagdampi ng bimpo sa katawan nya at ang paglapat ng kamay ng dalaga sa balat nya, sige pa Hyacint, pahirapan mo pa ang sarili mo, magpadarang ka pa, habang na nararamdaman ang pag galaw ng kamay ng dalaga sa katawan nya, saglit syang nanigas ng maramdaman na hindi na bimpo ang humahaplos sa katawan nya kundi ang mismong kamay na nito ang nakahawak sa dibdib nya, nilalaro laro nito ang n*'ples nya ng isang daliri.

Naramdaman ni Amiel na gising ang binata at nakaisip sya ng kapilyahan, marahil nga lasing ito, pero gising.. Tignan lang naten ano gagawin nya.,sh*t naman kasi bakit ang ganda ng shape ng katawan mo, natutukso tuloy ako eh, malakas ang pagkakabigkas nya, alam nyang sapat yun para marinig ng binata at kung matino ito sa oras na yun, hindi sya maglalakas loob na sabihin ito. Pinagpatuloy nya lang ang paglalaro ng kamay at daliri nya sa katawan nito, nakaabot na sya sa bandang pusod nito, nilaro laro nya ang mga nakalabas na balahibo sa shorts nito, na eexcite sya sa kung saan ito, papunta.. Hoy Amiel umayos ka nga!! Saway nya sa sarili. Akmang aalisin na nya ang kamay ng maramdaman ang paghawak dito ng binata.

Nagulat sya ng magangat ng mukha at makita ang binata na nakatitig lang sa kanya.

Bakit?.. Nauutal na tanong nya habang nakatitig sa mapungay nitong mata.

Hindi ito sumagot, pero ibinalik nito ang kamay nya sa dibdib nito, medyo napalakas ang hila sa kanya ng binata kaya napasubsub sya sa katawan nito.

Narinig nya ang malakas na tibok ng puso nito at malalalim na hugot ng hininga. Naaamoy din nya ang mabangong amoy nito na humahalo sa amoy ng alak.

Samatala si Hyacint, hirap na hirap kung paano pipigilin anh sarili, Sinusubok ng babaeng to ang pagtitimpi ko, one wrong move baka hindi ko na mapigil ang sarili ko,, kaya dont you dare move, babala nya sa isip para sa dalaga, pero inaabangan naman nya na gumalaw ang dalaga...

Napapikit nalang sya ng mariin ng maramdaman na gumalaw muli ang kamay nito para damhin ang dibdib nya.

Thats it!!!

Naputol na ang pisi ng pagtitimpi ng binata.

Hinawakan nya ang mukha ng dalaga sabay ng paghalik sa labi nito,

Nagulat man, tila yun naman ang inaasahan ni Amiel na gagawin ng binata, hindi nya maintindihan bakit tila naging mapangahas sya sa mga bawat galaw nya, Nagugulat sya sa mga ikinikilos nya sa tuwing magkakalapit sila. Tila sya pa ang gumagawa ng paraan para darangin ang binata. Hindi man marunong, sinubukan nyang sabayan ang ginagawa nitong pag galugad sa bibig nya.

Parehas silang napaungol sa pagitan ng mga labi nila, sabay silang humiwalay ng maramdamang kinakapos na ng hininga.

Inihiwalay lang ni Hyacint ang labi sa dalaga,ngunit pinanatili nitong nakahawak ang kamay nya sa batok nito at magkadikit parin ang noo nila, kaya naman kita nya ang pag taas baba ng dibdib nito.

What are you doing to me Amiel? Tanong ng binata sa pagitan ng pag hinga.

Answer that, coz I don't know the answer as well. Tanong din ng dalaga. Sabay sakop ulit sa labi ng Hyacint.

Sh*t Amiel what are you doing? Sigaw ng isip nya pero pinagkakanulo talaga sya ng saeiling katawan.

Nagpatangay ang binata sa gusto ng dalaga, tumugon din sya ng halik, mas malalim mas mapusok naging malikot narin ang kamay nya na tila may hinahanap sa katawan ng dalaga.

Saglit syang huminto at tumingin sa mga mata ni Amiel, namumungay ito dahil sa alak, gusto nyang magpatangay ngunit sa bandang huli mas pinili nyang gawin ang tama,

Lets stop this here babe, habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga, Ayokong angkinin naten ang isa't isa dahil lang sa epekto ng alak, But I promised will do this again and ill make sure youll be mine, Gustong nyang suntukin amg sarili sa ginawang pagpipigil, pero yun ang tama,