webnovel

CHAPTER XVIII: EXTRA SWEET

Tila naman natauhan sya sa sinabi ni Hyacint. Ibinagsak nya ang katawan sa tabi ng binata at ipinikit ang mata, Nakakahiya.. Sigaw sa isip ng dalaga.

Dont feel that way babe, tila nabasa nito ang iniisip nya. I respect you that's why I stop myself. I know you can feel how much I want you now. And Its killing me right now. habang hinahalik halikan nito ang kamay nya, Alam nyang naramdaman ng dalaga ang kahandaan nya kanina habang nasa kainitan sila, At iyon mismo ang dahilan kung bakit sya huminto, baka hindi nya mapigilan ang sarili.

Idinilat nya ang mata at tila naguguilty na tumingin sa binata.

Tinitigan nya lang ang binata habang kinakagat kagat ang labi nya, narinig nya ang pag hugot nito ng hininga. Sabay hawak sa labi nya, Stop doing that babe, baka di ko na mapigil ang sarili ko. Sabay bigay ng mabilis na halik sa labi nya. Hindi parin nito binibitawan ang kamay nya, take a shower Ill just have to go down to get the things that I asked Jorge to send. Saka palang sya parang bumalik sa kasalukuyan.

Ill go with you. Mabilis na sagot nya sa binata.

No, stay here, ayokong lumabas ka na ganyan ang suot, thats for my eyes only. Sabay kindat sa dalaga.

Nagpatong lang ang binata ng jogging pants at lumabas na,

Dumiretso naman sya sa banyo para mahimasmasan sa mga ginawa nya,

No Amiel, don't you do pleasure while on business. Kung ayaw mo mamatay na hindi nakakatikim ng kakaibang putahe. O makatikim ka man, matetegi ka naman.

Pagtapos maligo, nagsuot ulit sya ng puting sando at cotton shorts na may mukha naman ni winnie the pooh. Halos kinse minuto rin ang itinagal ng pag kawala ni Hyacint, pagbalik nito may bitbit itong grocery bags.

Ano yan? Tanong ni Amiel sa binata.

Mga supplies, tinatamad akong lumabas eh, gusto ko lang mag stay ngayon dito andito ka kasi. Sabay kindat sa kanya.

Nakahalik ka lang naging bolero ka na.

Natawa naman ng malakas ang binata, unang beses nyang marinig itong tumawa simula ng maging magkasama sila.

Hindi kaya, baka nakakalimutan mong bago kita nahalikan inutos ko na to ke Jorge.

Sabay nakaw ng halik sa labi nya.

Inusisa naman nya ang mga dala nito at yumakap na ang binata sa likod nya na tila inaamoy ang leeg nya.

Bakit parang ang dami naman nito eh dadalawa lang naman tayo?

Ayoko kasing lumalabas palagi, gusto ko kumpleto ang supplies para pag gusto kong mag hibernate dito lang ako sa loob ng lungga ko.

Kumalas ka na saken, iayos na naten to, baka masira yung mga meat..

Sumunod naman agad si Hyacint, hinugasan muna nito ang mga karne bago inilagay sa mga tray, sya na ang nag salansan ng mga gulay at prutas, ng matapos sila, nag hugas ng apple si Hyacint ay ibinigay sa kanya.

Ano pala sabi ni ninong sa nangyari kanina sa office?. Kunwaring tanong nya sa binata.

They will try to interogate him, pero mukhang matigas daw, ayaw daw umamin pero I know in the long run he/she will be caught.

Ano pala gusto mong dinner? Pagkuwa ay tanong ng binata.

Anything will do, basta masarap.

Give me an idea ng masarap para sayo, bukod saken. Tudyo ng binata.

I like veggie saka fish. Steam fish.

Okay then, fish and veggie. Pero maya maya na maaga pa para sa dinner.

Lumapit ang binata sa kanya at dinampian sya ng halik sa labi.

Kumunot naman ang noo nya na ikinatawa nito.

What? Tanong nito sa pagitan ng pag tawa.

Parang nawiwili ka na ng kakahalik saken ha?

Ayaw mo ba?.. Ang sarap kasi ng lips mo. Sabay yakap sa kanya ng binata.

Kagaya ng nakagawian na sabay silang pumasok sa office. Ang pagkakaiba lang ngayon hawak ni Hyacint ang kamay nya habang naglalakad papasok ng opisina nito. Kitang kita nya ang mga mapanuksong tinginan ni Jorge at ni Ms. Mendoza. Sinimangutan nya lang ang dalawa ng tignan sya nito.

Sabi na iba na ibig sabihin ng biglang pag bait ni Boss eh, alam mo yung palaging may ningning ang mga mata ngumingiti habang nakatingin sa isang parte lang ng office... Alam mo yun nakakagaan ng vibes eh, naka ngiting parinig ng sekretarya sa kanya.

Oo nga eh, dami nga pinabili kahapon, mukhang walang labasan sa kwarto si boss. Sagot naman ni Jorge na sa kanya rin nakatingin.

Tigilan nyo kong dalawa.. Kunwang singhal nya sa mga kasama. Napakamalisyoso nyo. Pero di nya maitago ang ngiti sa labi.

Malisyoso? Romantic kami... Magkaiba yun noh? Sagot naman ni Ms. Mendoza, Ano na ba status nyo ni boss, tanong nito.

Lumapit naman si Jorge na tila interesadong interesado sa isasagot nya.

Status?.. Wala.. Ano ba dapat?

Hala. May pag holding hands na wala pang status, ano ba yan? Aba wag kang pumayag na walang label gurl. Dami umaalialigid dyan ke boss. Ikaw rin baka malingat ka... Alam mo na.. Tila pananakot pa ni Ms. Mendoza sa kanya.

Sasagot pa sana sya ng sumilip si Hyacint sa pinto ng opisina,

Babe we need to discuss something. Tawag ng binata.

Nagkatinginan naman silang tatlo sa endearment na ginamit ng binata sa kanya. Sinimagutan nya ang dalawa bago nya iwan ang mga ito.

Ano yun? Tanong nya ng makapasok sya ng opisina nito.

Nothing, I just want you here. Sabay dampi ng mabilis na halik sa labi nya na ikinagulat nya.

Nginusuan nya lang ang ginawa ng binata na nakapag pangiti dito.

Tigil mo nga yan, pati yung pag tawag saken ng babe na naririnig nila Jorge nakakahiya kaya. Asik nya dito.

Tumawa lang ito ng malakas sabay lapit sa kanya at yumakap sa bewang nya.

Bakit nahihiya ka ? Its my way of letting them know that you are mine.

What?

Bakit hindi pa ba? Tila nagtatampong himig ng binata.

No.. I mean, ewan ko. Paano? Di nya matapos ang mga sasabihin nya sa binata.

Inangat ng binata ang baba nya para mapatingin sya dito.

The moment you let me kiss you, Thats the time you agreed that you are mine. Seryosong wika nito.

Nakagat nya nalang ang labi habang nakatingin dito.

Yari talaga ako ke ninong pag nalaman nya to.... Amiel ano ka ba? Kelan pa nangyaring nagkaganito ka sa trabaho,,pinapagalitan nya sarili sa sitwasyong napasok.

Ngayon na naramdaman na mas kaylangan nyang protektahan ang binata dahil ayaw nya tong mawala.