webnovel

Desliz del Tiempo (Filipino) COMPLETED

After a long arduous day, Alexa found herself in an old 'greasy-spoon'. Habang tahimik siyang kumakain ay bigla na lang lumindol nang malakas at gumuho ang buong gusali, lahat ng taong nandoon ay natabunan pati na siya. Nagising si Alexa sa lugar na kahit sa panaginip ay hindi pa niya napuntahan. Pati ang mga taong nakapaligid ay hindi niya kilala, katawa-tawa din magsalita at manamit ang mga ito dahil animo'y nasa isang dula. Naisip niya na lahat ng iyon ay isa lamang kakatwang panaginip. Sa panaginip niyang iyon ay nakilala niya si Juan Diego Velez, the oldest son of familia Velez , ang mortal na kaaway ng Monserrat, ang kanyang pamilya. Despite the rumors and undeniable family feud, she could not bring herself to fear him, let alone fall inlove at ganoon din ito sa kanya. Ngunit dahil sa komplikadong relasyon, they were forcefully separated by her family. Nasaksihan niya kung paano nagwakas ang buhay nito. That was when she suddenly woke up from a deep slumber ngunit bakit ang lahat ng emosyon lalo na ang sakit na kanyang nadama ay tila totoo? Lalo lamang siyang naguluhan nang makilala ang presidente ng bago niyang pinagtatrabahuhan. The man possessed the very face of Diego.

AuraRued · Fantasia
Classificações insuficientes
21 Chs

Chapter 17

"CONGRATULATIONS, everyone. You've finally surpassed the evaluation. And all of you got high scores! Now, you're officially a part of the regulars," saad ni Marinell sa kanilang lima. It's the first week of the fourth month since the first day they set foot in that huge building. "And for that, magkakaraoon na rin kayo ng mas challenging pang tasks kagaya ng mga kasama ninyo. Sa ngayon bumalik muna kayo desks ninyo, ang mga team leader na ang magdi-dessiminate ng tasks sa inyo. Alexa, come with me in the office."

Nagtataka man ay tahimik na sumunod si Alexa kay Marinell. Pagkapasok nila sa opisina ay pinaupo siya nito sa harap ng lamesa.

"Here's the list of our competitors all over Manila," sabi nito na inabot sa kanya ang isang brown folder. "You will conduct a research about their company profile, products, history, marketing strategies. For short, lahat tungkol sa mga kompanyang 'yan."

'Huh? Ngayon lang ba sila gagawa ng competitor analysis?'

"Annually, gumagawa tayo ng ganyan and as for year to date, hindi pa natin iyan nakukompleto. Si Hope ang gumagawa niyan noon, but for some reason. . . . uh, never mind. Ikaw ang magpapatuloy niyan simula ngayon. Ipi-present sa mga executives 'yan three months from now kaya kailangan ko siya nang earlier. At least give me a month para i-assess and double check."

"Okay, ma'am. Uhm, puwede po ba akong mag-overtime dito?"

"Sure."

"Okay lang po ba kung gumawa ako ng written permission then papipirmahan ko sa inyo?"

"No need for that, Alexa."

"Please, ma'am. In case lang po."

Nakataas ang mga kilay ng babae dahil nagtataka ito sa hiningi niya. "Alright."

"Thank you, ma'am."

***

It was already two weeks after that coversation. At sa loob ng two weeks ay halos gabi-gabi siyang nag-o-overtime para matapos ang pinagawa sa kanya nang dalawang buwan. Maliban kasi doon, may binigay pa si Hope sa kanya na ibang gawain.

Adulting is tiresome. Oh, well. Hiningi niya ito sa wish bone.

Sa alaalang iyon ay naisip na naman ni Alexa ang panaginip, lalo na si Diego. Napatigil siya sa ginagawa at binitiwan ang ballpen, nag-inat sa kinauupuang swivel chair.

"Six-eighteen na. Ilang minuto na lang, uuwi na 'ko. Mga seven siguro," sabi niya sa sarili pagkatapos matingnan ang orasan sa computer.

"Alessandra!" Marahas ang paglingon na ginawa ng magkatipan. "Layuan mo ang lalaking iyan, ahora mismo!"

"Papa, mahal ko si Diego! Nagmamahalan kaming dalawa!"

"Pinapaikot ka ng lalaking iyan sa kanyang mga palad!

"Nagkakamali kayo, Don Pablo. Walang kinalaman ang damdamin ko para sa inyo'ng anak sa sigalot ng ating pamilya. Mahal ko si Alessandra nang walang kalakip na pagkukunwari."

"Alessandra, makinig ka kay ama. Huwag kang mag-alala, nandito ako," saad ni Joselito.

"I love you, Diego. Promise, magkikita ulit tayo," aniya habang humahakbang palayo sa binata.

Ang bahagyang tango na ginawa ni Joselito ay nagpalingon kay Alessandra sa gawi ni Diego. Nanlaki ang mga mata niya sa biglang paglabas ni Aurelio sa likod ng lalaki dala ang mahabang itak.

"Patawad, Senior."

"Diego!"

Padapang bumagsak ang katawan ni Diego sa lupa, nagtatampisaw ang katawan nito sa sariling dugo.

"Diego! Please! Tulungan n'yo siya! Tulungan n'yo siya!" paulit niyang hiyaw.

"Hey, Miss Monserrat!"

Matamang nakatingin sa kanya ang nanghihina nang mata ng lalaki. Puno iyon ng kahulugan. Kahit malabo na ang kanyang nakikita ay ayaw niyang kumisap kahit isang beses man lang.

"Diego. . ." babad na sa mainit niyang luha ang dalawang pisngi pero wala siyang pakialam. Ang gusto niya lang ay madama ang kamay nitong nagsisimula nang manlamig. "Diego, mahal na mahal kita. . . Mahal na mahala kita."

"Hey! What're you saying? Are you day dreaming?"

Napakunot ang noo ni Alexa nang ang nakalagmak na mukha ni Diego ay bigla na lang nag-iba ang anyo. Umikli na ang maitim nitong buhok at nakadamit ng modernong damit.

Nang mapagtanto niya kung sino ang kaharap ay agad niyang binawi ang kamay na mahigpit palang nakahawak sa palad ng lalaki. Nakatulog pala siya sa desk niya, hindi man lang niya namalayan. Lihim siyang napangiwi nang makitang nabasa ng luha niya ang ilang papel na nakalapag sa lamesa.

"Nanaginip ka," saad ni Alvaro na matamang nakatingin sa kanyang mukha.

"S-sorry, Sir," aniyang pinahid ang luhang sa mukha gamit ang palad. Nasorpresa si Alexa nang kumuha si Alvaro ng tissue box mula sa kung saan at inilapag sa harap niya.

"Who's Diego?" Natigilan siyang napatingala dito. Tinitigan ang g'wapo nitong mukha na noon ay ngumingiti sa kanya na puno ng pagmamahal. Muli, namuo ang pilyong mga luha sa namamaga na niyang mga mata. Agad siyang nagbawi ng tingin at pinunasan ulit ang mga mata.

"Wala, Sir." Sa nagmamadaling kilos ay niligpit na niya ang mga gamit para sa pag-alis. Tumayo na siya at bahagyang yumuko sa harap nito. "Excuse me, Sir. Uuwi na po ako. Thank you sa tissue," sabi niya at tumalikod na papunta sa elevator.

"Miss Monserrat," rinig ni Alexa na humabol ito sa likod kaya nang bumukas ang elevator ay magkasabay silang sumakay. "I'll drive you home. Mukhang wala ka sa magandang kondisyon."

"H-huwag na po, Sir."

"Are you sure?" Genuine naman ang nakikita niyang pag-aalala nito sa anyo ng lalaki kaya tumango siya.

"Sige po, Sir. Mauuna na 'ko," aniya na nagmadaling pumunta sa sakayan ng jeep.

Nagsisimula nang kabahan si Alexa sa mga nangyayari nitong nagdaang panahon. That frightening scene in her dreams always plays in her mind like a television possessed by the devil. Parang paulit-ulit iyong nangyayari sa kanya. Ang maliliit na detalye pati ang lahat ng naramdaman niya ay buhay na buhay. Mas madalas ay takot siyang ipikit ang mga mata dahil sa tuwing nahuhulog siya sa pagtulog ay bumabalik ang alaalang iyon.

Kailangan niya na sigurong i-consider ang suggestion ni Weng. Na lumapit sa isang doctor.