webnovel

Desliz del Tiempo (Filipino) COMPLETED

After a long arduous day, Alexa found herself in an old 'greasy-spoon'. Habang tahimik siyang kumakain ay bigla na lang lumindol nang malakas at gumuho ang buong gusali, lahat ng taong nandoon ay natabunan pati na siya. Nagising si Alexa sa lugar na kahit sa panaginip ay hindi pa niya napuntahan. Pati ang mga taong nakapaligid ay hindi niya kilala, katawa-tawa din magsalita at manamit ang mga ito dahil animo'y nasa isang dula. Naisip niya na lahat ng iyon ay isa lamang kakatwang panaginip. Sa panaginip niyang iyon ay nakilala niya si Juan Diego Velez, the oldest son of familia Velez , ang mortal na kaaway ng Monserrat, ang kanyang pamilya. Despite the rumors and undeniable family feud, she could not bring herself to fear him, let alone fall inlove at ganoon din ito sa kanya. Ngunit dahil sa komplikadong relasyon, they were forcefully separated by her family. Nasaksihan niya kung paano nagwakas ang buhay nito. That was when she suddenly woke up from a deep slumber ngunit bakit ang lahat ng emosyon lalo na ang sakit na kanyang nadama ay tila totoo? Lalo lamang siyang naguluhan nang makilala ang presidente ng bago niyang pinagtatrabahuhan. The man possessed the very face of Diego.

AuraRued · Fantasia
Classificações insuficientes
21 Chs

Chapter 10

As they met each other's gaze, Alexa swears that there was an evident unspoken recognition in the CEO's eyes.

"May I call the attention of our new employees? And please be in front to formally greet the chairman." Dahil sa sinabi ni Miss Filar ay nabuwag ang palitan ng titig nila ng lalaki.

Isa-isang lumapit ang mga baguhan papunta sa gitna ng malaking opisina.

"Good morning, Chairman Martin!" sabay nilang bati. May iba yumuko, ang iba naman ay ngiti lang ang binigay. Si Alexa, pinilit ngumiti pero hindi umabot sa mga mata ang emosyon dahil sa pagkalitong dinadanas.

"Good morning." Sinuklian din ng masayang ngiti ng matandang lalaki ang magiliw na bati ng mga empleyado. "I am glad to have finally meet you. It is my pleasure working with competent individulas as you are. I and the whole administration is looking forward to your support and cooperation for the good of everyone."

"We are so honored, Sir!" sabi ng lalaking maputi na katabi ni Alexa.

Pagkatapos ng maikling batian ay umalis na ito kasama ang dalawang babae na sa hula niya ay mataas din ang puwesto sa kompanya. Narinig nila na isusunod nitong bisitahin ang accounting and finance department.

"Ang bait talaga ng chairman," rinig ni Alexa na sabi ng isang babaeng empleyado sa kabilang lane.

"Akala ko makikita din natin ang president! Bakit hindi natuloy?" May panghihinayang ang timpla ng salita kaya napukaw sandali ang curiousity ni Alexa. "Ang bait din noon, e."

"Sinabi mo pa! Minsan nga, nakita kong tinulungan niya si Madam Neri na dalhin ang mga folders."

Hindi na kilala ni Alexa kung sino ang Madam Neri na pinag-uusapan ng dalawang babae. Nabalik siya sa malalim na pag-iisip tungkol sa chairman.

Bakit kamukhang-kamukha ito ni Don Pablo? Puwera nalang ang gray hair na nasa magkabilang gilid ng ulo at ang laging magkatagpo na kilay ng huli. At ang paraan ng pagtingin nito sa kanya, bakit ganoon? Napansin niya na sa maikling sandali ay natigilan ito nang makita siya, hindi siya puwedeng magkamali.

"Alex," napatingala si Alexa kay Hope na sumungaw mula sa office divider. "Nakalimutan kong sabihin, kailangan mong kilalanin ang pangalan ng lahat ng executives dito, pati ang secretaries nila. Kung ayaw mong magkaproblema."

Problema?

"Okay."

A few hours have past. Bumigat na ang ulo ni Alexa at naduling na sa kakasaulo ng mga pangalan ng mga executives; huwag nang isali pa ang policies at code of conduct ng kompanya. She had taken quite a hefty meal during lunch pero dahil sa pinaggagagawa ay mukhang humihingi na naman ng sustansiya ang utak niya.

"Miss Monserrat," tawag sa kanya ni Miss Filar na hindi niya napansin na nakalapit na pala sa likod niya.

"Yes, ma'am?"

"Could you please hand this report to the eighth floor."

"Saang department po doon, maam?"

"Oh, eight floor is the executives' offices, right? I believe nasa handbook iyan."

Oo nga pala. How on earth did she forget that?

"Pakibigay nalang ito kay Miss Rowena."

Ang ibig sabihin ng kausap niya ay ang executive secretary ng chairman.

"Yes, ma'am."

Sa bungad pa lang ng elevator ay makikita na ang may kalakihang lamesa ni Miss Rowena sa kaliwang bahagi ng eight floor. Agad siyang lumapit pero wala doon ang hinahanap sa halip, ang bahagyang nakabukas na pintuan ng chairman's office ang naabutan niya. Mula sa loob ay rinig ni Alexa ang boses ng dalawang nag-uusap—isang babae at isang matandang lalaki. Naisip agad niya na nasa loob niyon ang sekretarya.

Sinubukan ni Alexa na hintayin ng ilang minuto na lumabas si Miss Rowena pero dumaan ang mahigit sampung minuto ay nanatiling dire-diretso ang pag-uusap nito sa loob.

Sinulyapan niya ulit ang relo sa kamay. 'Hindi kaya magtaka si Miss Filar kung masyado akong magtatagal?'

Kaya nagpasya na si Alexa na kumatok sa pinto para iabot ang papeles.

Agad na nahinto ang pag-uusap ng dalawa nang marinig ang pagdantay ng buko ng daliri niya sa pintuan.

"Who is it?" tanong ng sekretarya.

"A, excuse me. Good afternoon ma'am, Chairman. Sorry for the intrusion, may iaabot lang po akong paperwork from marketing department," sabi niya na bahagyang nilakihan ang awang ng pinto para magpakita.

"Oh, yes. Pakilagay na lang sa table ko," saad ng babae.

"Yes, ma--"

"No, come in," putol ng chairman sa salita ni Miss Rowena at nagmuwestra ng kamay kay Alexa.

Hindi parin maiwasan ni Alexa na bigyan ng titig ang mukha ng lalaki kahit aminado siyang rude iyon.

"We may continue with this matter some other time, Rowena."

"Alright, Chairman." Umalis ang sekretaryang sa tantiya ni Alexa ay nasa early forties at iniwan silang dalawa ng amo.

Nang mailapat nito ang dahon ng pintuan ay namayani ang katahimikan sa loob. She felt awkward as the chairman is just staring at her with his mouth compeletely shut. Nakatukod sa baba ang kanang kamay nito habang ang isa ay pahalang na nakalapat sa lamesa.

Hawak-hawak pa rin niya ang report na lumapit sa harap ng mesa ng lalaki.

"Here's the report from Miss Filar, Chairman."

"Alessandra. . ."

Ang kumpol ng mga papeles na nakaangat sa ere para sana iabot dito ay nagkalat sa carpeted na sahig. Nanginginig ang mga kamay ni Alexa na napatingin sa kaharap. Lubos ang pagkagulantang na makikita sa bilog niyang mata.

His word was faint as a whisper, halos hangin lamang ang tunog na lumabas sa bibig nito pero para kay Alexa ay para itong bombang sumabog sa kanyang tabi.

The man twisted his lip upward for a thin smile. Lumalam ang mga nito na tumitig sa kanya. No other words was spoken but that simple gesture made Alexa's eyes wrapped with tears.

"Don Pablo. . ."

Muli, naalala ng isip ni Alexa ang lahat ng emosyon na nadama noong nangyari ang karumaldumal na huling pagkikita nila ni Diego. Ramdam niya ang pagtayuan ng mga maliliit na balahibo sa kanyang katawan. Biglang lumamig ang opisina nito at tila nilukuban ng katakut-takot na aura.

"Umupo ka."

Dahil nanginginig na rin pati ang buo niyang katawan ay sinunod na niya ito. Hinila niya ang isang cushioned chair--mula sa harap ng lamesa--palayo at inukupa. Nakita niya na gumuhit ang amused na tingin sa mga mata nito sa kanyang ginawa.

Ibinaba ng lalaki ang kamay sa mesa at pinagsalikop ang mga iyon. Sumagap ng hangin sa dibdib at nagsalita, "Hindi ko alam kung paano ko ipapakilala ang sarili ko sa iyo, Alessandra. Alam kong hindi kaaya-aya ang alaala mo sa akin, dahil sa isang panaginip. Panaginip na dumalaw din sa akin. Pero ang masasabi ko, kung nagkataong mangyari man ang lahat ng iyon sa panahong ito--bilang ako, si Philip Martin--hinding-hindi ko magagawa iyon."

Nakikinig lang si Alexa, unable to let out a single word dahil maging siya ay hindi alam kung ano ang dapat ikilos at sabihin. Pero hindi maipagkakaila ang kawalan ng tiwala at kumpiyansa sa kanyang mga mata. Maging ang paraan ng kanyang pagkakaupo ay kapansin-pansin. Kalahati lang ng pang-upo niya ang nakalapat sa silya.

"And by the way, bilang Don Pablo, may nais akong linawin sa iyo, Alessandra. Wala akong kinalaman sa pagpatay kay Juan Diego."

"Paano mo nasasabi iyan pagkatapos ninyong pagtulungan si Diego kasama si Joselito?" Mapanghusga ang mga salita na ibinato ni Alexa sa matanda.

"Hiniling ni Joselito na sumama ako nang hapong iyon sa kanya para patunayan ang relasyon ninyo ni Diego. Pero hindi ko alam na may ganoon siyang plano. Kahit ako ay nabigla rin sa nangyari."

"Hindi ako naniniwala. Hindi ako naniniwala sa iyo! Ikaw ang mortal na kaaway ni Diego!"

Nanlalabo parin ang paningin ni Alexa dahil walang pahinga ang mga mata niya sa kakalikha ng luha. Pinahid niya lang iyon gamit ang likod ng kamay.

"Hindi kayo naniwala na nagmamahalan kami. Wala kaming ginagawang masama. Bakit kailangang humantong sa ganoon?"

"Alam kong tunay ang nararamdaman ninyo. But things were complicated, Alessandra. Kung kaya kong baguhin at itama ang lahat ng iyon ay hahayaan ko kayong magkasama."

"Pero wala kang kapangyarihang baguhin ang isang panaginip."

"Kung hindi sa panaginip, bakit hindi sa totoong buhay?"

"Ano sinasabi mo?" naitanong niya iyon dahil hindi umabot sa kanyang pandinig ang sinasabi nito. It's seems that those words were just directed to himself.

Tumayo ang lalaki at lumapit sa upuan niya. This man posseses the very face of Don Pablo, pero ang karakter nito ay iba'ng-iba. Ang maamo nitong mukha ngunit maimpluwensiyang tinding ay kapares ng nakita niya kay Don Ricardo Velez.

"As per destiny's will. . .what's meant to be will always find it's way," saad ng kaharap habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya.

Nagitla ang babae at kapwa nabaling ang paningin ng dalawa sa biglang pagbukas ang pinto ng opisina. Disbelief painted on the incomer's face kasabay ng pagkagulantang ni Alexa.