webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Adolescente
Classificações insuficientes
303 Chs

Chapter 9: Karen Manalo

"Nabalitaan namin na sinundo ka raw nila nung isang araw?.." Ani Karen. Naglalakad kami ngayon papuntang canteen. Gutom daw kasi si Winly.

"Ah oo." Ang akala ko noon si kuya Lance lang ang susundo samin. Yun pala. Kasama nito ang buo nyang tropa. Kaso. Wala ang taong gusto kong makita sa grupo nila. Dinig ko lang naman. Di raw sumama dahil naiwan daw sa anak ni ate Cath. Nalungkot ako noon. Ngunit naisip ko na mabuti na rin yun para mapaghandaan ko ang pagkikita naming dalawa.

Sa loob ng canteen. As usual. Di na naman nawala ang mata ng mga tao sakin. Damn it!. Ayoko ng ganito. "Karen. Anong activity sa school?.." bulong ko sa kanya.

"Intramurals gurl.. manood ka mamaya.."

"Naku.. di ako sigurado nyan. Aalis na rin ako mamaya. May pupuntahan pa kami ni kuya Lance. Dumaan lang ako para kumustahin kayo.."

"Gurl, kasali si Jaden sa pageant. Palalagpasin mo ba yun?.." si Winly ang bumulong nito sakin. Kausap kasi ni Karen yung nagtitinda sa canteen.

Ano bang dapat kong gawin?. Maiwan nalang dito at manood para makita sya ng palihim o sundin yung utos ni mama?.. Haist!..

Suskupo!. I don't know what to do.

"Pero kasi may iniutos sakin si mama---.."

Pinutol nito ako agad.

"Hay naku gurl!..ilang taon mo syang di nakita tapos hahayaan mo na lang na di sya mapanood?.." namaywang pa sa harapan ko. Ngunit bulong pa rin sya kung magsalita.

"Anong gagawin ko?."

"Ikaw bahala. Kung ayaw mo talagang makita sya. It's your choice. Pero kung sya talaga ang ipinunta mo rito. Then stay..." Ani Karen.

Hindi ako agad nakapag-isip ng isasagot sa kanya. I'm torn between to stay and to leave. Ugh!..

"Alam mo bang hindi sya nagkaroon ng girlfriend simula noon?.." agaw atensyon ni Karen. Nakaupo na kami sa dulo ng canteen. Walang gaanong tao dito kaya malaya kaming nakakapag-usap.

"Hinde.." sa burger ako nakatingin. Alam ko naman na iyon. Pero hindi ko na sinabi pa. Updated kaya ako kay Niko. His little brother. Wala e. Di ako mapakali nang walang naririnig na balita about him. Kaya sa kapatid nya, ako kumukuha ng detalye. That's why I knew.

"Paano mo nga malalaman, hindi mo nga pala sya friend sa Facebook. " patuloy nya. Nakikinig lang samin si Winly dahil puno ng pagkain ang kanyang bibig. Kanina pa raw kasi ito gutom Tiniis nya raw para sakin. Kaya nilibre ko na. Ganyan style nyan eh para makakuha ng palibre.

"Bakit di mo sya inadd as a friend?.."

"Nahihiya ako.." totoo. Kahit naman umamin na sya sakin bago kami umalis noon. Andun pa rin yung hiya ko sa kanya. Respeto ko sa kanya. Ang sabi kasi nila. Hindi daw dapat babae ang gumawa ng unang move sa taong gusto nya. Usually daw lalaki. Kaya kung totoo man yung pag-amin nya sakin. Sya ang gagawa ng unang hakbang not me.. But lately. Bago kami umuwi dito. Nagsent sya ng request sakin. Hindi ako nakatulog noon buong gabi. Mabuti nga at wala kaming pasok ng araw na yun. Kaya di halata na di ako natulog.

"Ayan na naman sya gurl. Si mahiyain.." iling ni Winly. Inilabas ang sariling phone. Kinalikot ito.

Nginitian ko lamang sila. Mahiyain pa rin naman ako. Walang nagbago sakin. Yung age ko lang.

"Ano then?. Manonod ka?." kulit ni Karen.

"Sorry. pero kailangan ko kasing sumama kay kuya.. maybe next time.."

"Hay. Ewan sa'yo. Bahala ka. Baka wala nang next time pa.." buntong hininga nya.

"Hayaan mo na gurl. Baka busy nga naman sya. Pasalamat nga tayo pumunta sya dito eh.. may libre tayo.. hahahahaha.." see?. Walang nagbago sa kanya. Yung Winly na mahilig sa libre. Ganun pa rin.

"Okay.. pero kailan mo sya pupuntahan?.."

"Hindi ko pa alam..."

"Tsk.. bilisan mo na yang kilos mo Bamby. Sa gwapo ng lalaking yun. Baka maagawan ka pa.."

"Hehe.. I know him.."

"Talaga?!.." sabya pa nilang tanong.

"You know him?. Kailan?. 4 years ago pa?. Psh.. Ewan ko sa'yo.." naiiling na himig ni Winly.

"Hahahahaha.. ano ba kayo. relax okay?. We are friends already on facebook..." lumaki ang apat nilang mata. "So?.." pinaikot naman ni Karen ang kanyang mata.

"We exchanged chats.." ngayon pati bibig nila umarko pabilog. Ang oa ng mga to.

"Seryoso?.." Si Karen na hindi mapakaniwala base sa kunot ng kanyang noo. Tumango ako ng may suot na ngiti.

"Sabe na nga ba eh.." tinuro ako ni Winly. Tinaasan ko sya ng kilay sabay sabi ng "What?.."

"Hindi ka magiging confident kung di pa kayo nag-kakausap na dalawa. Tama ako gurl... si boy Jaden pa?. Psh.."

"Bakit ano sya?.." nalilito kong tanong.

"Ang sabi kasi namin noon. Kung aalis ka at wala pang isang buwan ay may gf na sya. Hindi yun love. It's just affection. Pero kung taon na at wala pang nagiging gf . That's already love teh... he's still inlove with you..." napanganga ako sa sinabi nya. Totoo bang wala kahit isang babae ang niligawan nya?. Grabe!!. Suskupo Bamby!!. Huminga ka dyan!.. Baka himatayin ka!..

"Tara duon..silipin natin sya.." hinila na nila ako palabas ng canteen kahit di ko pa nakakalahati yung hawak na burger. Umakyat kami sa isang building. Eto raw yung floor nilang grade 10. Sa dulo yung room nila dahil section A pa rin ito hanggang ngayon.

"Uy Karen sino yan?.." tanong ng iilan na nalagpasan namin na di man lang nya sinagot.

"Bamby Eugenio?..." may bumanggit nito sa kanila. Kaya napahinto kami. Pagtingin ko. Si Kian. Isa sa mga kaibigan ni Jaden. Nilapitan nya ako at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Hindi ko alam na andito ka pala. Alam na ba ito ni-?.."

"Ssshhh.." pigil sa kanya ni Karen. "Wag mong sabihin kay Jaden na andito sya..."

"Bakit?.." Anya.

"Dumaan lang ako dito. Aalis din agad. Gusto ko lang kayong makita.."

"Paano sya?.."

"Wag mong sabihin na pumunta ako rito. Gusto ko lang syang panoorin sa malayo sa ngayon.."

Natahimik ito. "Kawawang bata.." umiling pa kalaunan.

Ngunit, wala pang Ilang minuto ang paninitig ko sa kanya. Tumunog na ang cellphone ko. Hudyat na nasa labas na si kuya. Bye for now