webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 10: Strictly for one

Araw ng sabado nang sabihin sakin nina kuya na may party na gaganapin para sa amin ni papa. At first. Ayaw ni papa kasi gastos lang daw. Pero wala na syang nagawa ng si mama ang kinausap ng dalawa. Silang tatlo pa ang namili ng mga kailangan sa gagawing party.

"Sis, anong gusto mo?." tinanong ako ni kuya Lance habang bumababa ng hagdanan.

"Cake and fluffy bread is enough bruh..."

"Party tapos yun ipapabili mo?.."

"Psh.. whatever..." iyon ang kinakain ko madalas kapag stress ako o kinakabahan. Sa gagawin nilang party. Alam kong darating na sya. O my goodness!.. This is it Bamby!.. You better be ready..

Sa pagdaan ng oras. Hindi nya pa rin ako nilubayan. "Hey!.. you ready later?.." nakahiga ako sa sofa. Yakap ang unan at sa flat screen na tv nakatingin. Hindi sya tinapunan ng tingin. Bahala sya dyan.

"Hmm..of course!. why?.." umupo sya sa may bandang tyan ko. Saka tumingin rin sa tv. Korean drama ito na sikat. Ito ang pinagkaka-abalahan ko nito lang dahil wala akong magawa. I'm so bored.

"You should be. He is coming.."

"Kuya?!!.." tinulak ko sya dahil sa pag-iiba ng kanyang boses. Damn!..

"Bwahahahahaha!..." hagalpak lamang neto. Suskupo!. Makaalis nga dito. Aamba akong tatayo ngunit hinarangan nya lang ako gamit ng kanyang braso.

"Hey!.. Saan ka pupunta?..."

"Matutulog sa kwarto ko.."

"Nah!.. I'm not done yet.." iling nya saka ako sapilitang pinaupo. Nagpumilit pa rin ako na aalis subalit mas malakas sya sakin kaya wala akong magawa kundi umupo sa tabi nya nang nakabusangot ang mukha.

"Anong gagawin mo mamaya?..."

"Bakit, ano bang dapat kong gawin mamaya?.." sarkastiko kong tanong. Sinamaan nya lang ako ng tingin.

"Don't be sarcastic lil sis. I'm serious here.." banat pa nya.

"Seryoso rin naman ako ah.." sobrang sama na ng timpla ng kanyang mukha. Ibig sbaihin nun. Konting konti nalang magwawalk out na.

Sa ilang segundong katahimikan

"Gusto mo pa rin ba sya?.." mahina ngunit dinig na dinig ko. Kinagat ko lang ang labi saka itinikom ang bibig. Wala akong balak na sumagot. Baka lokohin nya lang ako.

"Kung gusto mo pa rin sya. Sige.. nasa tamang edad ka na. I know you knew what is wrong and right now..."

"Dati ko naman nang alam ang mali sa tama noon kuya eh.. Minaliit mo lang ako noon..."

"Tsk.. Hindi yun ang punto ko."

"Then what?.."

"Your at legal age now. At alam kong marami ka ng gustong gawin. Pinapayagan na kita magpaligaw pero..."

Hindi ko pinakitang nagulat ako sa mga sinasabi nya. Daig nya pa si papa. Grabe sya!. Lahat ng lalaking lumalapit sakin sa Australia. Hinaharangan o sinasabihan agad na bawal pa akong ligawan. Kaya ayun. Hanggang ngayon, NBSB pa rin ako.

Tsaka. Choice ko rin palang di maligawan. May mga nakakalusot sa kanya ngunit gaya ng desisyon nya. Ganun rin ako. Ayaw magpaligaw. Bakit?. Dahil kay Jaden. Fresh pa rin kasi sa utak ko yung nangyari sa airport noon. Parang kahapon o kanina lang nangyari. Ganun ako kabaliw sa taong iyon.

"Pero?.."

"Pero sa iisang tao lang.." duon na ako nawalan ng kontrol sa sarili ko. What the hell did he just say?.. Sa isang tao lang?.. Baliw ba sya o nababaliw na?. Sino kung ganun ang tinutukoy nya?.

"What the hell bruh!. May I remind you. Di ako prinsesa huh.." halakhak ko. Iyon lang ang naisip kong gawin. Ang tumawa upang maibsan ang kabang dulot ng magaganda nyang sabi.

"Alam ko. Pero hindi mo kailangang maging isang prinsesa para hindi ka namin ituring bilang isa.. you're our one and only sister here. And all we want is treat you as a real one.. A princess.."

I'm so touched. May sakit ba sya o something?. Parang hindi sya si Lance ha.

"Kuya lasing ka ba kagabi?. huh?.." sinapo nito agad ang kanyang noo. Humalakhak ako.

"I know kuya. Kahit naman di nyo sabihin, I know what I'm doing. at alam ko kung sino at ano ang gusto ko. Kaya you don't have to worry about that... huh bruh?..."

"Tssk... kapag ikaw-.."

"What?." magsasalita tapos di tatapusin. Haist. He's something today. So weird.

"Wala. Just enjoy life.. tulog ka na. kukunin ko pa yung pinapabili mo, prinsesa.." sabay halik sa buhok ko at tayo sa harapan ko. Nginitian ko sya. "Thanks kuya. Ingat.." kaway ko.