webnovel

Crumpled Paper

Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?

Kristinnn · Realista
Classificações insuficientes
34 Chs

Nakuha sa akto (1.4)

Namuhay ako sa mundo na may layuning makita ang aking sariling pamilya, hindi ang magpakayaman at magpadami ng pera.

Kung salapi man ang aking hinahangad, noon pa siguro ay isa na ako sa pinakamayamang tao sa mundo. Palaisipan pa rin sa akin ngayon kung bakit ang kikitid na ng utak ngayon ng mga tao. Sa totoo lamang ay mas mangmang pa sila kaysa sa mga Indio noon.

Hindi ko maiwasang mapaluha nang maalala ang sinumbat ng aking sariling kapatid kanina.

' I don't have a brother who's as poor as a stray cat'

Napapahagikgik ako hindi dahil sa ito ay nakakatawa kundi dahil pinipiga nito ang aking buong pagkatao.

Kailangan ba na kung mayroon kang kayamanan ay mayaman din ang iyong mga kadugo?

Parang hindi ko siya kapatid dahil sa masyadong mababaw ang kaniyang pag-iisip.

Hindi niya naisip na mukhang payaso ang kaniyang kinikilalang ama habang siya ay mukhang anghel, iyon ang tunay na hindi magkadugo.

Ipagpaumanhin niyo sana ang aking nagawang panghuhusga subalit ito lamang ang aking pananaw.

Tiyuhin ko si Uncle Jazzib at hindi siya nakakapagsalita, ibig sabihin ba nun ay hindi ko siya tunay na tiyuhin dahil lang sa naiiba siya sa akin?

Walang kwentang pag-iisip iyan.

Imbis na isipin ang mga walang saysay na bagay na iyan ay mas pinili kong tumakbo nang mabilis upang maabot si Uncle Jazzib.

Tiningnan ko ang kalangitan upang malaman kung anong oras na ba. Wala man akong natatanging relo upang alamin ang oras, ginagabayan naman ako ng araw at buwan sa bawat pagpatak ng segundo.

Malapit nang sumapit ang gabi dahil papalubog na ang araw.

Napahawak ako sa dalawang tuhod habang hinahabol ang hininga. Nasa tabi ko na si Uncle Jazzib na katulad ko ring hinahabol ang hininga dahil sa ginawang pagtakbo.

Kusa lamang kaming tumigil nang may matanaw na kaming isang bahay na gawa sa semento.

Hindi ito gaanong kalakihan subalit naaaninag ko ang kagandahan ng pagkakahimok nito. Sa bawat sulok ng lugar ay mayroong nakalagay na iba't ibang klase ng mga bulaklak. Mayroon din silang paradahan na kasya ang mahigit tatlong sasakyan.

Ngunit mas nabihag ang aking mga mata sa pigura ng babaeng nakaupo sa ilalim ng punong mangga.

Kasalukuyan siyang nagbabasa ng aklat habang mahinang tumatawa.

Sa aking pananaw ay siguro nasa labing-tatlong taong gulang na siya.

Kung hindi man halos silang lahat maniwala na ako ay labinlimang taon pa lamang, wala na akong pakialam dun.

Siguro ay magaling lang talagang mag-aruga ang aking tiyuhin at naturuan niya akong buksan ang aking kaisipan sa malawakang estilo.

Kung kanina ay nabihag niya ang aking mga mata, ngayon naman ay mas lalo sigurong lumala.

Sa isang dagling ngiting kaniyang pinakita, tila katawan ko'y nanginginig sa hindi mawaring dahilan.

Kay rikit ng babaeng ito kung aking titigan ng mas malalim; kumikislap sa liwanag ang kaniyang malalaking mata, umiindayog ang mahabang buhok na sumasayaw sa himig ng musika at ang mahinhing halakhak na pawang kay sarap pakinggan sa aking tainga.

Bumalik ako sa tamang kaisipan nang itikom ng aking tiyuhin ang aking nakabukas na bunganga.

Hindi ko namalayang nakanganga pala ako kanina. Agad akong pinamulahan ng mukha dahil sa ngiting binibigay sa akin ni Uncle Jazzib. Umiiling siya ngayon habang nanunukso ang mga tinging nakatutok sa akin.

Hindi ko maitago sa kaniya ang pagkaakit ng aking mata sa dilag na aking nasilayan.

First time niya siguro akong masilayang mapanganga sa kagandahan ng isang babae.

Kung naakit niya ako dahil sa taglay niyang kagandahan kanina, aakitin ko rin siya sa taglay kong kakisigan ngayon.

Tumikhim ako ng malakas upang mabaling ang atensyon niya sa akin.

Napangiti ako sa aking kaloob-looban dahil nagawa ko nga ang aking kagustuhan.

Nagtataka ang kaniyang maamong mukha na nakatingin sa amin habang dahan-dahang sinasara ang pahina ng libro.

Nanginginig ang aking mga palad ngayon sa kadahilanang kinakabahan ako hindi dahil sa kilig na nararamdaman. Pilit kong kinukuyom ang aking palad upang maiwasan ang panginginig nito subalit wala pa rin itong epekto.

Pumapalapit na siya sa amin ngayon. Tindig na tindig ang aking porma habang si Uncle Jazzib naman ay nakatayo na rin ngunit pilit pa ring itinatago ang ngiti sa kaniyang mukha.

"Ano pong kailangan niyo?" Napaismid ako nang marinig ang kaniyang boses. Ang ganda-ganda nga ng dilag na ito subalit napakalalim naman ng kaniyang boses para sa isang babae.

Ang pangit ng kaniyang boses.

Ipagpaumanhin niyo sana ang aking isip subalit ito lamang ang aking pananaw.

Ito ba ang sinasabi nilang turn off?

Ang alam ko lang naman kasing sinasabi nilang turn off ay ang lumiko palayo. Sabagay, ang isang salita na galing sa Ingles naman ay mayroong samu't saring kahulugan kaya't hindi ko na kailangang magtaka pa kung bakit ako nalilito ngayon.

"Ay ganun? Ano 'to dead air?" Napaismid na naman ako nang marinig siyang magsalita.

Nasa bewang niya ngayon ang kaniyang magkabilaang kamay habang tinututokan kami ng masama.

"Ano ba 'yan! Mga pipi ba kayo at hindi kayo nagsasalita diyan?"

Batid ko sa kaniyang hitsura ngayon ang matinding pagkainip.

Sayang, maganda sana ang babaeng ito subalit ang bastos ng bunganga, isama mo pa ang kapangitan ng kaniyang boses.

Ito lamang ang aking pananaw sa kaniya kung kaya't hindi ito matatawag na panghuhusga.

"May tubig ba kayo?" Nais kong sampalin ang aking sarili dahil sa nabitawang mga salitang wala namang kwenta.

Meron pala, naaayon lamang na itanong ko iyon sapagkat labis na rin naman akong nauuhaw.

"Patay na siguro kami ngayon Kuya kung wala kaming tubig. Kayo ba meron? Sa palagay ko ay wala dahil para kayong mga ulol na nadehydrate" Kung patalasan lang siguro ng dila ay mas higit pang matalas ang dila niya kesa sa kutsilyo namin.

Bumuga ako ng malalim.na hininga matapos ay inakbayan si Uncle Jazzib.

"Ulol man kami kung iyong titingnan ngayon, sabihin mo man o hindi ay nabibighani ka pa rin sa taglay naming kakisigan, hindi ba?"

Napanganga siya sa aking sinaad dahil siguro sa tama ang aking nasumbat.

"Alam kong mayroon kayong tubig ngunit ang nais ko sanang iparating ay kung maaari ba kaming makahingi ng tig-iisang basong tubig dahil labis na kaming nauuhaw"

Magsasalita na sana siya nang may biglang sumingit sa aming pinag-uusapan. "Eftehia, anak. Bakit ka pa nasa labas ng bahay?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at laking gulat ko na lamang nang mapagtanto ang kaniyang kasuotan.

"H-hindi po kami nagdodroga!" Naisigaw ko iyon ng malakas nang masuring siya ang inutusan ng aking kapatid na pulis kanina upang hulihin kami.