webnovel

Crumpled Paper

Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?

Kristinnn · Realistic
Not enough ratings
34 Chs

Kagat ng katotohanan (1.3)

Kung ang pananaw ng nakararami ay isang panghuhusga na ang pagsasabi ng katotohanan, nagmumukha lamang pala akong isang mang-aapi.

Napabuga ako ng hangin nang makitang umiiyak na ang guwardyang walang ngipin sa balikat ng kapwa niya guwardya.

Nakokonsensiya ako.

Labis talaga akong nakokonsensiya.

Tinititigan ako ngayon ni Uncle Jazzib ng masama.

Napabuga ulit ako ng hangin at napapailing.

Wala sa sariling pumalapit na naman ako sa mga guwardya.

"Pagpasensiyahan niyo na ang aking bunganga subalit wala naman tayong magagawa dahil ito ang katotohanan-"

"Subalit kailangan mo ring alamin ang sanhi kung bakit nailantad ang katotohanan"

Bumuga na naman ako ng hangin.

"Mas maiiyak ka lamang siguro kung nais ko pang alamin ang sanhi. Halimbawa na lamang nito, "Manong guwardya, maaari ko bang malaman kung bakit nawala ang dalawa ninyong ngipin sa harapan? Ano nga ba ang nangyari at bakit nawala ang inyong dalawang ngipin? May kasagutan ba sa pagkakawala ng inyong dalawang ngipin-"

"Tumigil ka na! Nakakasakit ka na! Tumigil ka!"

"What's happening here?" Bigla kaming napatahimik nang may mahinhin na boses kaming narinig mula sa 'di kalayuan.

Napakaganda niyang titigan.

Agad na pumalapit sa amin si Uncle Jazzib.

"K-kapatid ko" tila isang bulong kong pagkakasumbat.

"Señorita Palestina, nandiyan po pala kayo" Binigyan nilang galang ang aking kapatid sa pamamagitan ng pagbibigay-daan.

"Guards, why are you so noisy?" Maamong tanong niya pa sa mga ito. Hindi pa rin niya napapansin ang presensiya namin ni Uncle Jazzib.

Agad na pinunasan ng guwardyang walang ngipin ang namamasang pisngi bago hinarap ang aking kapatid.

"May mga asungot pong pilit na pasukin itong lupain ng inyong ama" usisa pa nito.

"Kung hindi lang sana makitid ang iyong kaisipan ay napag-alaman mo ng hinuhusgahan mo na ako" Agad na napatingin sa aking gawi ang aking magandang kapatid. Naguguhit sa kaniyang mukha ngayon ang labis na katanungan.

"Sinasabi ko lamang ang katotohanan, hindi ako nanghuhusga" tila ako na naman ang naisahan ng guwardiyang walang ngipin. Siya na naman ngayon ang kumukuha ng aking pwesto kanina.

"Hindi iyon ang katotohanan dahil hindi ako pinalaking asungot. Nais ko lamang kausapin ang aking kapatid" Bulalas ko matapos ay tinitigan ang aking kapatid na ngayon ay naguguluhan pa rin.

Napatawa ang mga guwardya nang isumbat ko ito. "Nababaliw ka na" Nais kong pagsalitaan ang guwardyang nakasuot ng anteoho sa sinabing iyon subalit masyado pang malakas ang kanilang halakhakan.

"Kapatid ba ang turing mo sa aming Señorita upang sa ganun ay makakuha ka ng kayamanan ng mga Marselas?"

Hindi ko na sila pinansin pa at mariin kong tinitigan ang mukha ng aking kapatid na kasalukuyan ding nakatingin sa akin. "M-maaari ba tayong mag-usap?" Nangangatal ang aking mga tuhod.

Hindi pa rin nawawala ang katanungan at kalituhan sa kaniyang mukha.

Masyado kang bata upang hindi makilala ang iyong tunay na pamilya, mahal kong kapatid.

Sa aking pakiramdam ay tinatanong na rin niya ang kaniyang sarili kung bakit kami magkamukha dahil sa pinapakita niyang ekspresyon ngayon.

Hindi ka nababagay sa lugar na ito kapatid sapagkat ang tunay mong pamilya ay hindi nagmumukhang mga payaso.

"Talk about what?" katulad kong mag-Ingles ay mayroon ding tuldik ang kaniyang pagbigkas.

"Maniwala ka man o hindi, ikaw ang aking kapatid" Napahalakhak siya na para bang hindi naniniwala sa aking mga sinasabi.

"And what's your evidence? You don't have the rights to spit that words. That's impossible!" Bigla akong nanlumo sa sinabi niyang iyon.

Pinapaypayan niya ang sarili na para bang nababagot dahil sa init ng araw na tumatama sa kaniyang balat.

"Hindi imposible iyon sapagkat hindi nagkakalayo ang awra ng ating mukha-"

"Are you crazy? I don't have a brother who's as poor as a stray cat!" Aniya matapos ay inilabas ang cellphone mula sa bulsa.

Kung kanina ay maganda ang aking pananaw sa aking kapatid, ngayon ay parang bumabaliktad na ang aking sikmura dahil sa kaniyang mga pinagsasaad.

Kapag ba mahirap ka ay hindi ka na kilalanin kahit na sabihin pa nating ikaw ang tunay na kadugo?

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tuluyan nang tumulo ang aking mga luha.

Gusto kong magwala dahil sa natanggap na panghuhusga sa akin ng sariling kapatid.

Naramdaman ko na lamang ang paghaplos ni Uncle Jazzib sa aking likuran upang pakalmahin ako. Naikuyom ko ang aking mga palad dahil sa sakit na naramdaman.

Napapahagulgol ako na tila nawawalan na ng pag-asa.

Patuloy pa rin sa paghalakhak ang mga guwardya sa tabi.

"K-kapag ba mayroon akong kayamanan at nagtapat ako sa iyo na ako ang iyong tunay na kapatid, maniniwala ka ba?" Nauutal man ay pilit ko itong inilalabas mula sa aking bibig upang ipahatid sa kaniya.

Napahalakhak ulit siya na napapailing."Baliw ka na nga talaga" Aniya pa matapos ay mayroong kinausap sa telepono. "Hello? Yes, Mr. Akiran, may nagsusubok po kasing pumasok sa aming hacienda without any good reasons...yes po, I think that they were users po, namumula po kasi ang mata nila...opo, kindly arrest them Senior Inspector...opo, thank you"

Nais kong sampalin ang kaniyang mukha.

Papaanong hindi pupula ang mata namin ni Uncle Jazzib na kanina lamang ay galing din siya sa pag-iiyak? Nais ko nalang bawiin na siya ang aking kapatid.

Wala akong kapatid na makitid kung mag-isip.

Mapait akong napangiti. Pilit niya kaming ipakukulong.

Kasalukuyan nang sinisenyasan ako ni Uncle Jazzib na tumakbo pero hindi ako kumikilos, nanatili pa rin akong nakatayo habang umiiyak.

Bakit ka tatakbo gayong hindi naman totoo ang kanilang pinaparatang sa iyo?

Hinihila na ng aking tiyuhin ang suot kong kasuotan subalit hindi pa rin ako nagpapatangay sa kaniya.

Dahil siguro sa pagkabagot ay mag-isa na lamang siyang tumatakbo ngayon papalayo sa Hacienda.

"Kung sakaling hindi mo ako matanggap bilang iyong kapatid, kainin mo nalang ang iyong pera" Bulalas ko matapos ay sumunod na sa tinakbuhan ng aking tiyuhin.

Ano ba ang pumasok sa isip niya at dito pa sa magubat na parte ng lugar siya tumakbo?

Hinihingal man ay tuloy pa rin ako sa pagtatakbo upang maabutan si Uncle Jazzib.

Naaayon lamang ang ginawa naming pagtakbo sapagkat hindi kami papanigan ng mga pulis dito sapagkat wala naman kaming perang ihaharap kapag aakusahan nila kami ng kaso. At sa ngayong kapanahunan, walang boses ang mga mahihirap.

Kayamanan ang hinahangad ng lahat ngayon; kapag marami kang pera ay papalakpakan ka ng lahat, kapag mahirap ka naman ay tatadyakan ka na parang isang hayop lang.