Chapter 11 – Rise of the Hero
Nagawa ko nang makaabot sa puntong nakalaban ko na si Cable Blade, nagawa ko ding mapigilan yung balak nyang salakayin yung armored van ng RCBC na aapat lang yung bantay. Natakasan nya yung mga bantay pero tinamaan sya sa tagiliran na parang advantage pa saakin para mahuli sya at hindi nya na maulit ang mga modus nya. Pero nagawa nya pa akong matakasan kahit na alanganin na yung kalagayan nya.
"Mukang wala kang magawang matino ngayon bata!" –Cable Blade
"Hindi kita basta-basta hahayaang makatakas!" –Ako
"Sinira mo yung pinagplanuhan ko ng matagal, ngayon sisirain ko din etong pinagplanuhan mo bigla…." Sabi nya saakin sabay ginamit nya yung grappling gun nya para butasin yung gulong ng naandar na sasakyan!
[BOOM!!] sumabog yung gulong ng sasakyan sa lakas ng pagkakatira ng hook dito.
Nawalan ng control yung sasakyan at malaking kapahamakan ito kapag hindi napigilan! Kaya hindi ko na ininda kung highway man iyon! Nagmadali akong bumaba nun at para subukang pigilin yung sasakyan na mag crash!
Sinubukan kong mapigilan yung sasakyan gamit ang cloud blast pero di effective, kaya sinubukan kong makapasok sa sasakyan sa pamamagitan ng pagtagos dito. Nang makapasok ako sa loob ng sasakayan ay sinabihan ko silang kumapit saakin, hindi ako sure kung magagawa ko ba tong iniisip ko pero sana mag work!
"KUMAPIT KAYO SAKIN KUNG GUSTO NYO PANG MAKALIGTAS!!!" sabi ko sa pamilyang nasa loob ng sasakyang hindi na makorntrol. Buti nalang sumunod sila saakin at saka ako nag cloud phasing habang hawak sila,
"PHASE!!!!!!" nagawa naming makalabas ng sasakyan sa pagtagos namin dito, nahulog kaming lima dito sa kalsada habang yung sasakyan ng pamilya, tuluyan na ngang bumangga sa poste, wasak na wasak ito at umuusok na… muntik pa kaming masagasaan ng isang sasakyan pero buti nalang ay nakahinto agad ito.
"O-okay lang po ba kayo?" –tanong ko sa kanila, nang makita ko yung muka ng driver ay eto yung kanina na minura ako kasi natalunan ko yung sasakyan nya habang hinahabol ko si Cable Blade. Niyakap ako ng isa sa kanila eto siguro yung nanay ng mga bata, umiiyak sya habang hawak nya yung hawak nito yung anak nyang sanggol, mukang wala pang isang taon yung baby. Pinatahan naman sya ng driver na siguro eto yung asawa nya at tatay ng dalawa nyang anak. Umiiyak din yung isa pa nilang anak na mukang 7 years old pa lang…
"Maraming Salamat iha… utang namin ang buhay namin sayo, maging ng mga anak ko ☹" naiiyak si nanay habang sinasabi nya saakin yun. Niyakap din ako nung tatay "sorry po pala sa nagawa ko kanina sa sasakyan nyo" sabi ko then "Hindi na importe kung natalunan mo yung sasakyan ko kanina, ang mahalaga ay nailigtas mo kami ng asawa ko at mga anak ko, hindi ko alam kung paano ko mababayaran tong kabayanihang ginawa mo" sabi saakin ni tatay driver.
Nagsanhi pa kami ng traffic nun sa mga nagmamaneho dahil nga nasa gitna pa kami ng kalsada, buti may mga concerned citizens din na bumaba at nagbigay ng tulong sa pamilyang niligtas ko. May iba ring tumawag na sa MMDA, Hospital, at maging sa pulis para maimbestigahan ang pangyayari dito.
Nagtamo ng onting gasgas si Nanay at Tatay driver at buti nalang safe yung dalawa nilang anak, tamang inosente lang sila na nadamay sa gulo… gulo namin ni Cable Blade.
"Iha… paano mo pala nagawa lahat ng iyon, paano mo kami natunton dito…?" –Nanay
"Meron po akong… kapangyarihan ng ulap. At nakita ko lang po kayong nasa panganib kaya ginawa ko po lahat ng makakaya ko para mailigtas kayo…" –Ako (Claudine)
"Anong pangalan mo iha… alam kong babae ka pero, hindi kita makilala dahil naka-mask ka" –Nanay
Napa-establish nalang ako tuloy ng codename ko ng wala sa oras "Ako po si Cloud Girl… sorry po pero bawal ko ipaalam sainyo yung tunay kong pangalan"
Ilang saglit pa ay may nagsidatingan nang pulis at ambulansya nun, meron ding taga media. Hindi na ako nag-tagal pa nun at umalis na din ako.
"Salamat ulit ng sobra sayo bata, sana'y marami ka pang magawan ng kabutihan. Hindi namin malilimutan tong pagligtas mo saamin, ingat ka" –Tatay Driver
Nagbabye din saakin yung anak nyang mukang grade 1 pa lang. Nakita rin nila akong unti-unti na mag-anyong ulap nung pa-teleport na ako sa ulap na hugis arrow, o danger indicator. Etong ulap na to ngayon ay nakatutok agad sa bahay na inuuwian ko sa Marikina.
What a night is this… andaming nangyari.
..
..
Napa-check ako sa orasan ko habang nasa ulap ako nakaupo, magte-10:00PM na pala pero hindi pa ako nakakauwi sa bahay, tapos di ko na alam kung saan ko na naiwan yung bag ko. Yari ako kay mommy pag mauunahan nya pa akong makauwi. Kaya agad akong lumipad patungo sa bahay namin, sa bahay ko nalang iisipin ulit yung mga poproblemahin ko palang, ang advance ko talaga mag-isip, genius mo Claudine! Wooooooooooooo!
Buti nalang alam netong danger indicator ang bahay ko. But how?
Nang malapit nako bumaba, agad akong nag cloud blast nun, buti nalang wala pa yung sasakyan. Paglapag ko nun ay naandoon pala si Yaya Atria malapit sa gate… this means alam nya nang kaya ko na makalipad!
"Claudine?! Bat ngayon ka lang! padating na sina Madam saka! Nakakalipad ka na?! ika'y galing ata sa langit aba?!" –Gulat si Yaya sakin
"Sorry na ya, may… duty, saka yeah… nakakalipad nako I guess?" –Ako
Biglang bumusina na si Kuya Benjo sa gate, inaantay nalang si yaya para buksan ito. God, halos minuto lang pagitan ko sa kanila.
"Ya! Balik na ako sa kwarto ko ha! Sabihin mo pag hinanap ako sabihin mo kanina pa ako nakauwi! Please!!! Yaya wag moko isumbong na kakauwi ko lang huhuhuhhhhh!!" –Ako
"Bumalik kana dali, magbihis kana ng pang bahay mo!" –Yaya Atria
Napaka masunurin ko namang bata kaya agad akong pumunta sa kwarto ko para magpalit na ng suot. Pagkatapos nun ay agad akong bumaba para salubungin si Mommy, mej namiss ko sya for real, kada matagal kaming hindi nagkikita ang higpit lagi ng yakap ko sa kanya, like everyday could be the last day.
"Mommy… namiss kita nang sobra ;*" –Ako
"Ako rin Claudine, ano kamusta studies mo?" –Mommy
Medyo nahihirapan nako mag-focus gawa nang nahahati atensyon ko "okay naman mommy, lagi ako pasa sa quizzes at! Nagte-take down notes ako"
"Nag dinner na ba kayo ni Yaya?" –Mommy
"Hindi pa po, inaantay namin kayo para… sabay-sabay na tayo hehehe" –Ako
"Magdinner na tayo, at ako'y kanina pa irritated gawa ng traffic kanina" –Mommy
Ang late na ng naging dinner namin nun, around 10:30PM na din, pero dibale nang late ang importante is kumpleto ulit kami. Nanonood kami ng balita habang naghahapunan kami at deep inside nagulat ako ng maibalita yung insidente kanina sa RCBC at Taft Avenue… na ayon sa kuha ng CCTV ay halos magkasunod lang na nangyari.
"Kanina rin naghahabulan yang dalawang yan eh, yang may parang hook na spiderman na yan saka yung isa" –Kuya Benjo
"Yung naka puting jacket ba yun?" –Mommy
"Opo Mam, kaya na-traffic din tayo kanina gawa ng dalawang iyan" –Kuya Benjo
"Pero buti nakalampas na tayo nung may aksidente sa kalsada" –Mommy
Nang tungkol na sa aksidente sa kalsada yung balita, yung about sa nailigtas kong pamilya kanina… agad kong inilipat ng channel, baka may malaman pa silang bawal nila malaman eh.
"Claudine?! Bat mo nilipat ng channel? Ibalik mo dun sa news!" –Mommy
"Nakakamiss manood ng mga teleserye myyy dito nalang, korni ng balita kasi lagi nalang negativity and kung ano ano" –Ako
"Ibalik mo pa din sa news" syempre di ko naman masuway si mommy nun kaya binalik ko nalang sa balita.
I thought tapos na yung about sa balita na yun pero dun pa talaga sa part ng interview natapat, potek I'll pretend nalang na di ko kilala yan or di ko alam yang balitang yan.
REPORTER: "Paano po kayo nakaligtas sa nangyaring aksidente ma'am?"
NANAY: "Iniligtas kami ni Cloud Girl… kaso umalis na sya"
REPORTER: "Paano kayo nailigtas ni Cloud Girl na sinasabi nyo?"
NANAY: "Ambilis po ng mga pangyayari pero nagawa nyang makapasok sa sasakyan at mailabas kami ng mabilis na parang magic!"
REPORTER: "Ano pong nangyari sir bakit po biglang nawalan kayo ng control sa minamaneho nyong sasakyan?"
TATAY: "Nasiraan po kami ng gulong kaya hindi ko na ito nakontrol pero buti nalang dumating si Cloud Girl para iligtas kami ng pamilya ko"
Sa ngayon naman ay nasa maayos na lagay na ang pamilya nila at naibalik na yung daloy ng traffic. Hehehehe! Wala eh bawal kong ipagkalat na ako si Cloud Girl, sobrang overwhelmed ako deep inside mah heart na, ang sarap pala sa feeling ng makatulong ka sa kapwa… lalo na sa 'unusual' na paraan, I just saved their lives in danger… never knowing na maging ako ay pwede ring mapahamak. Tulad ng sa posas kanina. Kinabahan ako dun ng sobra kasi bigla nalang hindi gumana yung phasing ko.
"Cloud Girl? Ano to superhero nanaman? Parang si Rouser?" –Kuya Benjo
"Parang ganon na nga? Diba Claudine?" –Pakshet to si Yaya, baka malaman nilang ako si Cloud Girl
"Di ko alam, malay ko dyan si Cloud Girl na yan" –Kunware wapakels ako sa issue na yan
"Anlaking kalokohan ng pinag-gagagawa ng Cloud Girl na yun, himbis na umuwi sya ng maaga at mag-aral ay ginawa nya pa iyon. Buti nalang nailigtas nya yun… kung hindi, baka maibaliktad pa at masabing si Cloud Girl ang pumatay sa kanila" –Mommy
Wow… medyo… ansakit nun ha. Mej sapul ako sa tinutukoy nya na dapat na umuwi ng maaga at mag-aral. Naguilty ako dun saka, tama rin sinabi ni Mommy na, maging ako e ngayon ko lang naisip na, pwedeng mabaliktad pa yung pangyayari.
"Pero Mommy i-consider mo din yung ginawa nyang kabayanihan, nailigtas nya (Cloud Girl) naman yung pamily eh" –Ako (secretly Cloud Girl)
"I do consider the heroism Claudine, but what if luck lang talaga na nailigtas nya yung mga iyon. We'll never knew din kung anong klase ng mga tao yang niligtas nya" –Mommy
Hindi nalang ako umimik pa nun at baka humaba pa tong usapan namin. Tama si Mommy, what if nga kung luck lang talaga… what if hindi ko sila nailigtas, or nahayaan kong magawa ni Cable Blade yung masama nyang balak. Ang kulang sakin is…
Preparation.
..
..
Bago ako matulog nun ay binisita ako ni Mommy sa kwarto ko nun, mukang hindi to papasok si Mommy bukas sa office nya.
"Claudine, nakatingin ka nanaman sa mga kalangitan?" –Mommy
"Opo myyy, hindi lang ako makatulog agad" –Ako
"May gumugulo ata sa isipan mo?"
Palusot ko nalang "Nai-istress ako sa mga kagrupo ko sa group activity namin myyy"
"Alam kong hindi yan yung iniisip mo" –Mommy
She knows me so well… "Uhhhhhmmmmmmm… yeah"
"Alam mo ba anak, minsan pag nasilay ako sa mga ulap… naalala ko yung daddy mo" –Mommy
"Si Daddy? Antagal na rin pala nung huling punta natin sa Puno nyo ni Daddy…"
"Pag hindi na tayo busy pareho Claudine, mag picnic tayo doon nina Yaya at Kuya Benjo"
"Opo"
"Magpahinga ka na, alam kong nakakapagod tong araw na to sayo, bumawi ka nalang ha, sleep na may class ka pa tomorrow morning"
"Goodnight Mommy 😊, rest kana din"
"Goodnight Claudine… pahinga na muna"
Pero hindi agad ako nakatulog, gawa ng andami kong iniisip na bagay ngayon… yung bag ko, school works, tapos ngayon… yung pinagsasabi ni Mommy kanina. Napa-check pa ako ng phone ko nun bago ako tuluyang makatulog…
Queenie: BEH GAGA KAH BAT INIWAN MO TONG BAG MO SA PARKING LOT? SAN KANA NAMAN BA NAGPUNTA!!
Queenie: BUTI SINUNDAN KA NAMIN NI ALEX AT NAKITA BAG MO ADIK KA PINAG-ALALA MO KAMI KALA NAMIN KINIDNAP KA POTA
Queenie: O SYA SLEEP NA DIN AKO BEH IBALIK KO NALANG BUKAS. ~Byeeeeeeeeee
..
..
..
..
..
"Protektahan nyo sya hanggat maaari… wala na akong ibang mapagkakatiwalaan pa kundi kayo lamang"
"Bale i-activate na po natin yung PROTECTION PROTOCALL?"
"Oo, eto na yung matagal nating inantay"