webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · Urban
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 10 – Cloud Girl VS. Cable Blade

Chapter 10 – Cloud Girl VS. Cable Blade

100% sure akong si Cable Blade yun, yung sumalakay sa Metrobank kahapon lang ata yun!

Wait… hhhhmmmmmmmmmmmmm… okay!

Get's ko na kung ano pinunta ko dito!

Naandito ako ngayon sa ibabaw ng truck at malamang hindi alam ng driver neto na naandito ako. Mukang may pupuntahan si Cable Blade na dapat ko ring mapuntahan. Ambilis nya makakilos gawa ng grappling gun nya, para syang si Spider-Man pero hook nga lang yung gamit.

Nagawa kong makapag-safe landing dito sa truck kanina nang mag cloud blast ako dito. Ibig sabihin nakaya ng cloud blast ko yung mass ko, kahit kanina rin nung nasa ulap ako feeling ko ang gaan-gaan ko. Wala na akong ibang maisip na paraan para mahabol si Cable Blade ng mabalis kundi subukan tumalon sabay gamit ng cloud blast. Gagawin kong trampoline tong mga kotse, jeep, bus na madaanan ko.

"Kaya mo to Claudine! Atapang atao ka!" -sabi ko sa sarili ko, pampalakas lang ng loob

..

Binilisan ko yung takbo ko sabay talon at cloud blast sa babagsakan ko! Pero ansama ng pagkakabagsak ko at muntikan pakong tumama sa salamin nito. Napamura pa yung driver sa loob

"HOYYYYYYYY ANUUBAYANN?! GAGONG BATA TO HA?!!" -Driver sa loob ng sasakyan

"Sorry po kuya may hinahabol lang! bye!" -Agad naman akong umalis nun.

Mga tatlong beses pa akong napalanding sa ibabaw ng kotse ng di maayos nun, hanggang sa matutunan ko yung tamang galaw. Ang taas ng talon ko kada cloud blast ko, para akong may rocket booster sa kamay sa saglitan lang kung gumana.

"Uyyyyyyyy sino yung nakajacket na puting yon?! WOAH!!! MAY NALABAS SA KAMAY NYA GAGSTI ANG LUPET!!"

"Nakuhaan nyo ng video yun? Gago pre ang lupet parang ninja kung tumalon sa jeep kanina!"

"Yan yung nag-trending dati sa fb ah! Yung naka white jacket na may kapangyarihan?!"

"Sya ba yon?! Oo nga noh?! Legit yung kapangyarihan nya!"

Nakita ng ilang tao si Claudine mula sa bus at maging sa foot bridge, na tila hinahabol si Cable Blade.

..

Napatigil ako saglit nun sa Taft Ave. Footbridge dahil hindi ko na alam kung nasaan na si Cable Blade. Napatingin ako sa kalangitan at nanibago ako sa hulma nito na tila 'Halo', di ko alam kung anong ibig sabihin neto para saakin, pero malamang tulad din to ng hugis arrow na ulap.

"Tangina naiwan nya ako, sayang effort ko dun ah… nasaan na kaya sya?"

Habang naglalakad-lakad ako nun dahil di ko na alam kung ano ang next move ko, natingin nalang ako sa mga sasakyan nun tapos nakakita ako ng armored van na kulay dark blue, notice ko lang kasi yun lang naiiba eh, malamang sa banko ang punta nun.

"Armored van?!"

I know! I know! Naandito lang sya pero hindi ko alam kung saan!

Wala nang atrasan to kasi naandito naman na ako, grabe anlayo na neto sa school namin. Bat kaya balak nanaman ni Cable Blade mang-atake sa banko, mukang nakulangan pa sya sa perang natangay nya ha. May pangmalakasan syang hooks, grappling gun, tapos espada pa gamit nya himbis na baril, Cable Blade ang pangalan… actually mga pulis yung nag-bansag sa kanya nun, pang top-tier na kriminal sya eh I mean most wanted agad. Habang ako naman, tamang estudyante lang na may gantong kapangyarihan, di ko alam kung may ibubuga ba ako sa bihasa. Meron sya na wala ako, at meron ako na wala sya… tabla lang naman.

"Ang cute ng van noh?" –Sabi ng lalaking tumabi bigla saakin

Oh my gosh… di ako makalingon sakanya… no… imposible to…

"Anong van yung tinutukoy mo?" –Ako

"Yung armored van, hehehehe…" –Cable Blade

"Anong gusto mo…" –Ako

"Pera… syempre. Pag wala ka nun, hindi ka mabubuhay. Lalo na dito sa pinas" –Cable Blade

"Edi humanap ka ng trabaho" –Sabi ko sakanya

"Kelan mo pa ako sinusundan bata?" –Cable Blade

"Pano mo nasabi?" –Ako

"Hindi ako nakikipaglokohan!" –Cable Blade

"Lalong di rin ako nakikipaglokohan, kala mo naman meme yung tinutukoy ko!" –Ako

"Wag mokong pakailaman iha, kung ayaw mong makita ka ng maraming tao na nakabigti ka sa tulay na to… hindi ako nagbibiro" –Cable Blade

"Hindi nila gagawan ng meme yan, haba ng sinabi mo eh"

Huli na nang malaman kong naiposas nya na pala tong kanang kamay ko, "Pag gagawa ka ng ingay ngayon, papatayin kita agad" at pinosas nya na din tong kaliwang kamay ko. Sabay hinulog nya yung susi sa kalsada.

"Enjoyin mo nalang ang view hehehe… o sya, mauna na ako!", lumayo muna sya bago mag grappling gun.

Na-checkmate nya agad ako, puta!!! So nung sinusundan ko sya kanina, kita nya pala ako nun?! Sinadya nyang tumigil dito para lang din mapigilan nya ako. Tanga-tanga ko sa part na to, ngayon paano ako makakawala dito?!

Inantay ko muna sya makalayo ng onte at saka ako tumakas, kala nya naman madadaan nya lang ako sa simpleng posas lang! ha! Nagawa ko na ngang tumagos sa kutsilyo, bubog at sa mismong tao, feeling naman tong posas na to haha!

Cloud phasing!

Pero hindi nagwork! Teka bat ako nagkakaganto bat hindi tumagos yung kamay ko sa posas?! Fuck no! sa dami ng oras na pwedeng hindi gumana tong kapangyarihan ko puta bat ngayon pa?!

"Tulong!!! Kuya tulungan moko?! Pinosas ako huhuhuhu!! Kuya tulungan nyoko :'( " –Nagmamakaawa ako sa mga nadaan na tao nun pero walang pumapansin saakin

Ilang ulit ko pang sinubukan makawala nun, pero ayaw pa din gumana ng kapangyarihan ko. Ngayon ko lang na-encounter na nauubusan pala ako ng neto! Putcha wrong timing pa!!

"RRRRRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!" –baka madaan ko sa pwersahan!

"oh bat nasigaw yang babaeng yan? Sino yan?"

"bat naka-posas sya?! Tulungan natin!"

At muling nagbalik ang kapangyarihan ko nang nagawa kong makawala sa posas! Tumagos yung kamay ko at gaya ng dati, himbis na dugo parang usok pa ng sigarilyo ang lumabas, pero ulap yun.

"Woah?! Nakawala sya agad pre! Nakita mo ba yun?!"

"Panong nakawala? Pre di ko nakita nagtext sakin jowa ko"

Tangina non ni Cable Blade, dibale di nya na ulit magagawa saakin to. Nawala sa kalangitan yung ulap na halo at nagkaroon muli ng ulap na hugis arrow, na nagtuturo na dapat akong pumunta mula sa kaliwa ko.

"Fast learner ako, pero minsan di ko alam kung bakit ang bobo ko" –Sabi ko sa sarili ko.

Nag lock-in ulit ako sa… 'Danger Indicator' (yung ulap na hugis arrow, ginawan ko lang ng tawag para recognizable) unti-unti ulit ako naging ulap mula sa daliri ko hanggang sa buong katawan ko papunta sa itaas!

..

..

Dalawang beses sa isang gabi ko ngayon nagawa to, at andito muli ako sa ulap… yeah, ang ganda ng view dito, di naman to kataasan. Parang nasa helicopter lang ako pero di gaano nagalaw. Di ko na alam kung asan talaga sya ngayon at kung nasalakay nya na ba yung armored van. Sana hindi pa ako huli.

Kaya agad akong pumwesto at hinanda ko ang sarili ko para ibala ulit ng ulap na to!

"Game… bahala na kung saan ako dalhin ng ulap!"

Muli akong lumipad patungo ulit sa kung saan naroon si Cable Blade! Akala nya naman ganun lang ako kadali mapigilin, pwes nagkakamali sya. Nang mabuo ulit tong pisikal na anyo ko, sa gusali na agad ako lumapag at habang naandito ako sa mataas na pwesto, agad kong nakita si Cable Blade na pa-swing swing pa. Talagang palihim nyang sinusundan yung armored van.

Ngayon RCBC naman ang target nya, nakatago ako ngayon dito sa taas, at kampante naman akong hindi nya ako kita dito, pero dito tanaw ko sya. Nag-aantay na sya ng tamang pagkakataon para sumalakay…

"Jackpot to sakin…" –Cable Blade

Habang nag-aatay sya ng tamang pagkakataon para sumalakay, nagmadali na akong kumilos para makalapit ako sa kanya at magawa ko sya maatake!

"Aapat lang silang nagbabantay huh? Madali silang mapapatay neto…" –Ako

..

Sa tapat ng RCBC Taft Avenue branch…

"Okay doblehin natin ang seguridad natin dahil hindi natin alam kung kelan may pwedeng sumalakay dito, kamakailan lang ay merong armored van na nanakawan ng laman, yari tayo sa boss natin kapag napabayaan natin—"

Nang nag-swing na pababa si Cable Blade para sumugod, agad ko syang binatuhan ng cloud ball pero sa tuhod nya lang tumama! Ang kinalabasan tuloy parang naging smoke bomb ito, natakpan ng makapal na ulap ang kinapupwestohan ng van maging ang mga kalapit nito!

"Isara agad ang van! Red alert tayo ngayon! Humanda kayo!!" –Guard Captain

Hindi inasahan ni Cable Blade yung ginawa kong atake, siguro hindi nya rin alam kung saan ako nagmula "TANGINA!!!!!!! Puta papatayin ko talaga ang may gawa nun!!"

Sayang, kung sa ulo ko sana sya tinamaan, hindi nya sana makikita pinaghuhookan nya. Pwede pa sana syang mahulog. Nakatago lang ako nun nang makarinig ako ng putukan, na para bang naalarma yung mga gwardya!

"Ayun sya sa taas! Barilin nyo!!" –Huli na ng mga gwardya kung saan naka-pwesto si Cable Blade kaya nila pinagbabaril ito.

[RATATATATAT!!! RATATATATAT!!! RATATATATAT!!!]

"Cease fire! Itigil nyo ang pagbaril, baka may iba tayong matamaan!" –Guard Captain

"Siya yung sumalakay sa armored van nung nakaraan! Sya daw yung Cable Blade!" –Guard 2

"Sir mukang hindi natin kakayanin kung tayong tatlo lang! Ambilis nya masyado!" –Guard 3

"Panong tatlo e apat tayo dito?!" –Guard Captain

"Tinamaan po si Casas (Guard 4) sa braso sir, malala po ang lagay nya ngayon!" –Guard 3

"Eh sino yung nagpasabog ng smoke bomb dito?! –Guard 2

"Hindi ito usok, di ko alam kung ano yung ginamit na pampa-usok dito" –Guard Captain

Narating ko yung rooftop na pinwestuhan ni Cable Blade para makaiwas sa pangbabaril ng bantay sa armored van. Mukang tinamaan sya sa tagiliran at tila naghihina na,

"Ahhhhkkkk… tssssss… imposible, nagawa pa akong matamaan ng isa sa kanila" –Cable Blade,

Agad ko syang binugahan ng Cloud Blast at napatumba ko sya! Pero mabilis syang nakatayo dahil pinangtukod nya yung mga espada nya!

"IKAW?! IKAW ANG MAY GAWA NUN SAKIN!!!!" –Sinugod nya ako pero tumagos lang ako sa kanya na parang usok.

"Hindi effective yung posas eh, sorry ha!" nagawa ko syang matamaan sa sikmura, dahilan para muli syang tumumba…

"Iiiiaaaaakkkkkkkkkkkk!!! Argghhhkkkkk…. Hah… hah…" ramdam ko yung panghihina nya…

"Sino ka ba ha?! Bat mo ako kinokontra… hindi naman kita pinapakelaman dyan?!" tanong sakin ni Cable Blade.

"Ako… ako yung pinosas mo kanina… tangina mo ka!" sabi ko kahit mej savage.

"Ang tinutukoy ko ay yung pangalan mo…" –Cable Blade

"Ako si Cloud Girl… naandito ako para pigilan yung binabalak mong krimen"

"Okay Cloud Girl…" sabay bumato sya ng tatlong kutsilyo saakin! Sinubukan kong umiwas pa pero tumagos lang din saakin, yung pagkakabato nya ng kutsilyo, parang tulad ng kay Yaya Atria?!

Ginawa nya pala iyon para magawa nyang makatakas! Rinig ko dito yung mala-tunog baril nyang grappling gun. Mukang hindi nya na ako kaya labanan pa kaya talagang pag-takas nalang yung naisip nyang paraan…

Sinubukan ko syang masundan at nadalian na akong makita sya dahil bumagal ang pagkilos nya. Malapit lang kami sa kalsada, nang sinubukan nyang lumipat sa kabila ay nagsalita ito sakin.

"Mukang wala kang magawang matino ngayon bata!" –Cable Blade

"Hindi kita basta-basta hahayaang makatakas!" –Ako

"Sinira mo yung pinagplanuhan ko ng matagal, ngayon sisirain ko din etong pinagplanuhan mo bigla…." Sabi nya saakin sabay ginamit nya yung grappling gun nya para butasin yung gulong ng naandar na sasakyan!

[BOOM!!] sumabog yung gulong ng sasakyan sa lakas ng pagkakatira ng hook dito.

Nawalan ng control yung sasakyan at malaking kapahamakan ito kapag hindi napigilan! Kaya hindi ko na ininda kung highway man iyon! Nagmadali akong bumaba nun at para subukang pigilin yung sasakyan na mag crash!

"Kaya mo to Claudine! Maliligtas mo sila!!! CLAUDINE!!!!!!"

..

..

..

..

..

Abangan ang susunod na kabanata!