\
\\
...
Hindi kalaunan, naging malapit sina Dennis at Rebecca sa isa't isa. Hangang sa nahantong ito sa pag-ibigan. Dahil dito, namunghi si Nitoy kay Rebecca. Dahil mas pinili pa ni Rebecca na maging kasintahan ni Dennis.
Sa kabila ng lahat, si Nitoy ang namuno bilang hari ng imperyo ng lamang-lupa. Naging isa siyang makapangyarihan na hari.
Papauwi na sina Dennis at Rebecca na sakay ng kotse. Medyo kinakabahan si Dennis kasi malalim na ang gabi at medyo masukal ang kanilang dinadaanan.
"Rebecca, naniniwala ka ba sa mga aswang?" kaba ni Dennis.
"Ano ka ba naman, Dennis. Ang duwag mo!" sabi pa ni Rebecca.
Sa pagmamaneho ni Dennis, may nakita silang isang malaking mansyon. Mukhang may nagkakasiyahan sa loob ng mansyon.
Sabi pa ni Dennis, "Dito muna tayo. Makiusap muna tayo sa kanila na sa kanila tayo magpapalipas ng gabi. Naubusan ako ng gasolina."
Nagulat naman itong si Rebecca, "Akala ko, kinarga mo na yan ng gasolina."
"Sige na. Ngayong gabi lang. Mukhang mababait naman yata ang nasa loob ng bahay na yan."
At dali silang lumabos ng kotse at kumatok sa pintuan. Ang sumalubong sa kanila ay si Pepay, ang mayor-doma ng mansyon.
"Imbitado ba kayo ng may-ari ng bahay sa piging na ito?" usisa niya.
"Huh?" taka ni Rebecca.
"Nawalan ng gasolina ang aming sasakyan. Baka puwede ba kami dito muna magpalipas ng gabi." pakiusap ni Dennis.
AT biglang nakita sila ni Nitoy at binati sila pareho, "Uy! Kayo pala ang dumating. Pasok. Pepay, mga kaibigan ko sila. Welcome sila sa pamamahay ko."
Nagtaka naman itong si Rebecca, "Huh? Anong nangyari? Bakit nagkaroon ka ng mansyon? At bakit ang biglang pagyaman mo?"
"Mahaba ang kuwento at marami kang tanong. Mag-enjoy ka na lang sa party na ito. Dahil kaarawan ko ngayon." sabi ni Nitoy.
"Oo nga pala, Nitoy. Birthday mo pala ngayon. Happy Birthday, Nitoy." sabi ni Rebecca.
At sumama sila sa salu-salo kasama ang iba pang mga bisita.
Sabi naman ni Dennis, "Ang dami ng handa mo, Nitoy. Engrande ka pala magpa-party. Sana araw-araw, birthday mo."
"Wow, naman, Dennis. Parang ngayon ka lang nakakain ng masasarap na pagkain." sabi pa ni Rebecca sa kanya.
"Sige, kain lang kayo ng kain. Pinahahanda ko na ang mga kuwarto niyo. Para maaga kayo magpahinga." sabi ni Nitoy.
At yung pendant ni Rebecca, biglang uminit. Kaya siya napaso, "Ouch."
"Is there something wrong?" taka ni Dennis.
"Dennis, ang pendant ko. Kailangan na natin umuwi. Mukhang hindi safe dito." sabi ni Rebecca.
"What do you mean?" taka ni Dennis.
"I don't feel we belong here, Dennis. I feel it is not right." paliwanag ni Rebecca.
Biglang nagalit naman itong si Nitoy, "Bakit ang weird naman yang pendant na yan, Becky? At teka, bakit ka nagkaroon ng ganyang kuwintas. Ano ka ba talaga?"
Nagexplain si Rebecca, "There's nothing wrong with my pendant. It's just an ordinary accessory. I just don't feel we belong here. It feels it is not right."
"Are you sure, Rebecca?" sabi ni Dennis.
Nagtaka bigla si Rebecca bakit napuna ni Dennis ang pendant niya.
"Alam mo, Rebecca? Meron din akong ganyang bato. Pero, singsing naman yung sa akin." sabi ni Nitoy anng pinakita niya ang singsing.
Isang mamahalng pulang bato sa singsing na kinamangha ni Dennis.
Doon na kinabahan si Rebecca, "I guess I know exactly what you mean."
"Alam mo, Rebecca? Dapat tayo ang magkatuluyan. Kakaiba kang dalaga. Espesyal. Paborito ni Lola Isabel. Pero, pumunta ka sa Maynila. Nagbago ang kinikilos at paguugali mo. Parang nawala na yung mabait at malambing na batang Bek-Bek na nakalaro ko noon." sabi pa ni Nitoy.
"Lahat naman, Nitoy, nagbabago. Si Bek-Bek, pinili niya makisunod sa agos sa Maynila. AT pinili niya ako bilang kasintahan niya." paliwanag pa ni Dennis.
"Ang galing mo din magpaliwanag. Isa ka talagang pilosopo, antipatiko ka..."
Sasalakayin na sana siya ni Nitoy gamit ang kanyang kapangyarihan pero pinigilan siya ni Rebecca, meron siyang dalang compact mirror. Pero ang salamin na ito ay yari sa kristal. Nagkaroon nga liwanag ang kapaligiran at ang sinag ng liwanag ay galing sa compact mirror na dala ni Rebecca.
"STOP!"
Agad nagpakita ang tunay na kaanyuan ang mga dumalo sa bisita. Sila ay pumalipas ng takbo palabas ng mansyon.
"Don't you dare, Nitoy. Huwag na huwag mong sasaktan si Dennis kundi ako ang makakalaban mo." sabi ni Rebecca.
Natakot itong si Dennis, "Isa ka rin mangkukulam kagaya ng Lola Isabel mo."
AT pumalipas na rin ng takbo si Dennis palabas ng mansyon. Sakay ng kotse, habang naiwan si Rebecca sa loob ng mansyon.
"Ibaba mo yang sandata mo. Magusap tayo. Ngayon napuna mo na ang tunay na paguugali ng kasintahan mo. Ano ka na ngayon?" pakiwari pa ni Nitoy.
Itinago na ni Rebecca ang compact mirror sa kanyang bag.
"Ngayon, Rebecca, gusto mo bang sabihin sa akin kung ano ka ba talaga? Saan kayo nagmula ni Lola Isabel?" usisa ni Nitoy.
"Isa akong engkantada, Nitoy. Kagaya ng nanay mo na nagiwan sa iyo ng marangyang buhay at kayamanan. Pero, mas pinili namin ni Lola Isabel na manahimik. Lumayo. Hindi kami para dito. Hindi namin ito mundo. Kung iisipin mo, Nitoy, mas pinili namin mamuhay kasama ang mga tao. Pero, sa kabila ng lahat, nasa iyo na ang lahat. Natupad na ang wish mo. Sana palayain mo na ako." sabi pa ni Rebecca.
"Na magisang naglalakad sa daan. Ayaw kitang mapahamak. Dumito ka muna hangang umaga. Ako ang maghahatid sa iyo sa bahay ni Lola Isabel. Pero, dahil nadiskubre na ni Dennis ang tungkol sa iyo. Sa tingin mo ba tangap ka ng mga tao sa kalagayan mo?" mungkahi pa ni Nitoy.
"Dahil ipapahamak mo ang buhay ni Dennis. Kaya ko..."
"Uy! Tama na ang satsat... Hindi mo pa nakikilala si Dennis ng lubusan. Pero nahulog na agad ang loob mo sa kanya. Kung papipiliin kita, ikaw ang maging reyna at kanang kamay ko o magdudusa ka sa kamay ng mga tao na maghuhusga sa iyo. Bukas ang kaharian ko sa isang nangangailangan na engkantada na kagaya mo."
Nagisip si Rebecca. "Paano si Lola Isabel?"
"Puwede siya sa akin manuluyan. Lumayo tayo sa mga tao. Hindi natn sila kauri. Hindi tayo nababagay sa mundo nila. Bakit at ano pa ang hahanapin mo sa mundo natin. Kung tayo nga, iba ang ating mundo at katauhan. Pero, iniisip mo pa rin na mabuhay ng isang payak na pamumuhay kagaya ng normal na tao. Pero, hinda ka kabilang sa kanila. Niloloko mo ba ang sarili mo?'"
"Sige, papayag na ako na magpalipas ng gabi dito. Pero, hindi ako kagaya mo, Nitoy. Iba ako sa iyo. Malayo ang pinangalingan namin ni Lola Isabel. Ang tanging kailangan lang namin, Magkaroon ng matutuluyan at pareho kaming ligtas. Matanda na siya. Ako na lang inaasahan niya."
"Hindi talaga magbabago ang iyong pasya. Pero, sige. Ikaw ang bahala. Tutulungan ko kayo ni Lola Isabel. Malapit kayong dalawa sa puso ko. Lalo na't may pinagsamahan din tayo. Pero, kung naisipan mo akong dalawin sa aking palasyo. Bukas lagi ang aking pintuan para sa iyo"
\
\\
...
-END-