3 Chapter Three

\

\\

...

Nung gabing iyon, pauwi na si Nitoy sa bahay, may nakasalubong siyang isang matandang babae. Medyo uugod – ugod na ito. Nais tulungan ni Nitoy ang matanda.

"Ale, saan po ba ang punta niyo? Baka gusto niyo na sumabay na sa akin?" sabi ni Nitoy.

Sabi naman ng matanda, "Aba, malayo pa ang pupuntahan ko. Pero, ikaw iho, mukhang ginabi ka yata?"

Sagot naman ni Nitoy, "Oo nga po. Pero kabisado ko naman ang dinadaanan ko."

Sumagot naman ang matanda, "May nakikita ako sa iyong mga mata. Parang malungkot ka. Pero, meron akong alam para mabago ang kapalaran mo. Nais mo bang matupad ang minimithi ng puso mo?"

Nagtaka naman si Nitoy, "Pa-paano po?"

Yaya naman ng matanda, "Sumama ka sa akin sa pupuntahan ko. Doon ko ipapakita sa yo ang nais kong makita mo."

Sumunod nga siya sa matanda. Medyo masukal ang dinadaan nila. At nang nakarating na siya, may kakaibang nararamdaman si Nitoy. Para siyang biglang kinabahan.

At may tinig na nagsasabi, "Nandito na ang hari."

At biglang naglalabasan ang mga kakaibang nilalang o tinatawag na lamang-lupa.

Tatakbo na sana si Nitoy, pero pinigilan sya ng matanda.

"Huwag kang matakot, Nitoy. Dahil ito ang iyong kapalaran. Matagal ka na nila hinihintay."

Nagtanong itong si Nitoy, "Ano ang ibig niyong sabihin?"

"Bata ka pa lang nang kinuha ka sa amin at dinala sa mundo ng mga tao. Pero, hinahanap ka namin dahil kailangan namin ng isang mamumno. At ikaw yon, Nitoy." paliwanag ng matanda.

At nagbago ang hitsura ng matanda, siya ay isang napakagandang engkantada.

"Ako ang iyong tunay na Ina, Nitoy. Hindi na magtatagal ang aking buhay. Kailangan ko ng tagapagmana. Ang hahalili sa aking trono. Mabuti nahanap kita, Nitoy."

Parang nahipnotismo itong si Nitoy nang nasilayan niya ang kagandahan ng engkantada. AT sumailalim na to sa kanyang kapangyarihan.

\

\\

...

-END-

avataravatar
Next chapter