webnovel

Chasing My One Month Husband (TAGALOG)

Only a one-month marriage, Dale Prieto already decided to annul his marriage with Catherine Fernandez. With a reason, Catherine cheated on him. But upon the signing of annulment paper, Catherine learned about her true feelings towards Dale. But it's too late, Dale wasn't listening to her anymore. After two years, Catherine met Dale again. But this time, she is determined to chase back her one month husband. ****************************** I do not own the picture. Credits to the rightful owner.

Cpails · Urbano
Classificações insuficientes
75 Chs

I Still Want It

Catherine

Naka-upo lang ako sa sofa sa salas at nakatingin sa kawalan.

Ilang araw ko na naman bang iisipin siya? Ilang araw na naman ba akong iiyak? Ilang araw na naman ba akong mangungulila sa kanya?

Pinalis ko ang mga luhang pumatak ulit ng marinig ko ang katok na nagmumula sa pintuan. Tumayo ako habang inaayos ko ang sarili ko.

"Sino 'yan?"tanong ko sabay bukas ng pinto. Napatigil ako saglit.

"Ma'am Catherine."tumingin ako kay Greg tapos kay Dale na nakatalikod.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Kung anong dapat kong tanungin. Kung bakit sila nagbalik. Wala. Walang pumapasok sa utak ko.

"Nawalan po ng gas ang sasakyan-"

"Just call somebody, Greg."rinig kong utos ni Dale.

Nagkamot naman si Greg.

"Sir, wala na pong sumasagot sa mga shop dito. Mukhang nagsara na po sila-"

"Huwag mong tigilan na tawagan sila kung kailangan mong magbayad ng libo para pumunta sila rito, gawin mo!"

"Dale, hanggang alas-singko lang ang mga nakabukas ditong shop. Ang mabuti pa, magpalipas na lang kayo ng gabi dito. Uutusan ko na lang 'yung isang tauhan ko bukas sa bayan."

"I don't need your help."tipid na sagot ni Dale. Parehong nagpakawala ng malalim na hininga ang driver at si Greg.

"Naghapunan na ba kayo?"pareho ulit silang umiling.

"Pasok muna kayo. Ipaghahanda ko kayo ng makakain."agad naman na tumalima ang dalawa.

"What do you think are you doing now? Greg, get out."utos ni Dale.

"Sir, ang alam ko lang po ngayon ay pagod na kami at kailangan na naming kumain."

"So balak niyo talagang suwayin ko-"

"Dale, mukhang malayo ang linakad niyo. Huwag mo ng ipagpilitan ang gusto mo-"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko."ngumiti ako sa kanya at pilit kong itinatago ang sakit na naramdaman ko.

"Isang gabi lang Dale. Kawawa ang mga tauhan mo. Sige na, huwag ka ng magpaka-isip bata diyan."sabi ko sabay talikod.

"Umupo muna kayo, ihahanda ko lang ang hapunan."

"Salamat po Ma'am."ngumiti lang ako at nagtungo na ako agad sa kusina.

Agad kong inihain ang mga pagkain sa lamesa pagkatapos kong magluto.

"Kain na tayo."

"Ayun, salamat po Ma'am."saad ng driver.

Si Greg ang unang pumasok sa kusina, sumunod naman ang driver. Bumaling ako kay Dale na nakatayo parin sa labas.

"Dale, plano mo ba talagang tumayo magdamag diyan sa labas? Napakalamig pa naman dito tuwing gabi."tumikhim lang siya.

"Kakain na kami, sumunod ka na."sabi ko pa bago ako pumasok ulit sa kusina.

"Kain na tayo."pinasigla ko ang boses ko at umupo narin sa harap ng lamesa.

Ilang minuto pa ang lumipas bago pumasok narin sa huli si Dale.

"Doon ka."utos ni Dale sa driver sabay turo sa upuan na nasa tabi ko. Hindi ko na lang pinansin at ipinagpatuloy ko ang pagsubo sa pagkain na nasa kutsara ko.

"Ayos lang ba talaga na matulog kayo dito sa salas?"tanong ko habang binibigay ko kay Greg at sa driver ang foam at kumot.

"Ok na ok po, Ma'am. Mabuti na lang po at dito kami pumunta."tumingin ako kay Dale.

"Dale, nasa dulo yung kwarto na pagtutulugan mo."sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Tumayo siya at naglakad na papunta sa kwarto.

Pagkatapos kong maligo, agad na rin akong pumasok sa kwarto ko. Pero kahit ilang baling ko, hindi ko makuha ang tulog ko.

Napa-upo ako ng maalala kong hindi ko pa pala napapalitan ang bedsheet at kumot sa kabilang kwarto. Anim na buwan na ring hindi nagagamit ang kwartong 'yun.

Bumaba ako sa kama at dumeretso ako sa closet ko. Kumuha ako ng bedsheet at kumot pati narin punda ng unan. Pagkakuha ko ng lahat, nagtungo na ako sa kabilang kwarto.

Kumatok muna ako.

"Dale."tawag ko pero hindi siya sumagot kaya pinihit ko na ang sedura at pumasok na ako.

Nadatnan kong naka-upo lang siya sa isang stool, nakasandal ang likod niya sa pader.

"Dale."tawag ko ulit pero nakita kong nakapikit ang mga mata niya.

Dahan-dahan kong ipinatong muna ang gamit sa vanity tsaka ako pumunta sa kama.

Tinanggal ko ang bedsheet pati narin ang punda ng mga unan. Naitakip ko ang kamay ko sa ilong ko.

"Grabe talaga ang pabango ng lalakeng 'yun."nasabi ko pero naibaba ko ang palad ko sa bibig ko. At sinulyapan si Dale kung nagising siya buti na lang hinde.

Kinuha ko na ang bagong bedsheet at inayos ito sa foam. Inisa-isa kong isuot ang punda sa mga unan.

Inayos ko ang mga unan sa kama at ipinatong ko narin ang kumot.

Pag-angat ng tingin ko, sumalubong sa mga mata ko ang titig ni Dale.

"Nagising ba kita?Sorry, naisip ko lang na palitan ang bedsheet baka kasi hindi ka komportable."paliwanag ko pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

Napalunok ako ng tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Halos hindi na ako makahinga ng lumapit pa siya lalo sa akin. Nanlaki ang mata ko ng inilapit niya ang labi niya sa akin. Halos magdikit na ang mga labi namin pero inilipat niya ito sa taenga ko.

"Hindi ba't sinabi kong ayaw na kitang makita. Ano bang gusto mong mangyari?"napapikit ako dahil tumatama ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

"Dale, hindi ko alam na ikaw 'yung client na sinasabi ng assistant ko. Katulad mo, nagulat rin ako."bumalik ang normal na paghinga ko ng humiwalay siya sa akin at umupo sa kama. Tinignan niya akong mabuti.

"Ngayong alam mo na ako nga ang client, may balak ka parin bang ituloy ang deal?"tanong niya.

"Oo."umismid siya.

"Bakit?"

"Gusto ko."

"Gusto mo?Sa anong dahilan na gusto mo?"

Nanatili akong tahimik at tinignan lang siya.

Kung sasabihin kong gusto kong bigyan niya ako ng pagkakataon. Kung sasabihin kong mahal ko siya.

Alam kong hindi niya ito papaniwalaan.

"Gusto ko dahil matutulungan ko narin ang mga tauhan ko na umayos rin ang buhay nila."sagot ko.

"Sa pipirmahan niyong kontrata, kasama doon ang pag-ayos niyo sa farm ng kumpanya namin."

Napatigil ako, nasira na 'yung farm? Kailan pa?

"Ibig sabihin magpapadala ka ng taong tutulong sa pag-aayos sa farm."dagdag pa niya, tumango ako.

"Ayos lang sa akin."mataman niya akong tinitigan.

Gagawin ko lahat, mapatawad mo lang ako.