webnovel

Chasing My One Month Husband (TAGALOG)

Only a one-month marriage, Dale Prieto already decided to annul his marriage with Catherine Fernandez. With a reason, Catherine cheated on him. But upon the signing of annulment paper, Catherine learned about her true feelings towards Dale. But it's too late, Dale wasn't listening to her anymore. After two years, Catherine met Dale again. But this time, she is determined to chase back her one month husband. ****************************** I do not own the picture. Credits to the rightful owner.

Cpails · Urban
Not enough ratings
75 Chs

His My Client

Catherine

"Ma'am, dumating na po 'yung may-ari."humahangos na balita sa akin ng isa sa mga tauhan ko.

"Maging normal lang ang kilos niyo. Huwag kayong kabahan dahil makukuha natin ito."paalala ko habang tumango naman silang lahat.

"Sasalubingin ko na ba?"tanong ko pero umiling ang assistant ko.

"Huh?Bakit?Baka ma-insulto 'yung client natin."saad ko pa pero umiling ulit ang assistant ko.

"Kailangan po na hindi niyo ipahalata na importante siya, dapat po iparamdam niyo na siya ang may mas kailangan sa inyong dalawa."katwiran ng assistant ko habang nag-aalinlangan ako tumingin sa kanya.

"Trust me, Ma'am."tumango ako.

"So anong gagawin ko?"tumingin ang assistant ko sa paligid at nag-iisip tapos bumalik ang atensyon niya sa akin.

"Ganito na lang po, kunwari tinitignan niyo ang mga halaman. Tapos habang kami nagpapatuloy parin kami sa mga gawain namin."

"O sige."

Nagsibalikan narin ang mga iba kong tauhan sa kanilang ginagawa na parang walang nangyaring usapan. Inayos ko muna ang buhok ko habang yumuko na ako at sinusuri na ang mga bulaklak.

Ilang sandali pa ay natunugan ko ng pumasok 'yung client namin. Pero agad kong naramdaman na napatigil na ang lahat sa kanilang ginagawa at sa tingin ko ay nakatingin na sila sa client namin.

Hindi ko alam kung haharapin ko na ba ang client o kung palipasin ko muna ang ilang minuto.

"Ma'am nandito na po 'yung may-ari."buti na lang sinabihan ako ng assistant ko. Unti-unti kong binitawan ang rosas at inayos ang pagkakatayo ko. Tsaka ako humarap at pareho kaming napatitig sa isa't-isa.

Naramdaman ko ang paglukso ng puso ko, hindi ako makasalita at nakatitig na lang sa kanya.

Gusto kong umiyak, yakapin siya. Dalawang taon ko na siyang hindi nasisilayan. Gabi-gabi kong idinadasal na makita siyang muli. At heto na siya sa harapan ko. Heto na siya.

"Ma'am Catherine."bumaling ako sa katabi niya at ng makilala kong siya si Greg ay agad akong ngumiti. Kitang-kita ko kung gaano siya nagulat na makita ako.

Pero si Dale, agad na tumalikod at dere-deretsong lumabas sa greenhouse, sinundan naman siya ni Greg.

Alam kong 'yon ang magiging reaksyon niya. Alam kong hanggang ngayon, hindi niya parin ako gustong makita.

Pero nagkita na kami ulit. Binibigyan ako ng tadhana ng pagkakataon para maayos ko lahat ng pagkakamali ko.

Kaya dali-dali akong tumakbo palabas. Tumigil ako ng nakita kong pinapagalitan ni Dale si Greg.

"Ipinabackground check mo?! Na hindi mo inalam ang pangalan?! Hindi ko alam na ganyan ka na pala magtrabaho ngayon!!"

"Sir, nalaman ko po na Catherine 'yung pangalan ng may-ari pero hindi ko po inasahan na si Ma'am Cathe-"

"Kahit sino pang Catherine 'yan, sana ibinalita mo sa akin! Gusto mo ba talagang mawalan ng trabaho!?"

"Dale."tawag ko habang naglalakad ako palapit sa kanilang dalawa.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin kaya nagsalita ulit ako.

"Ako ang kausapin mo. Huwag mong ibunton ang galit mo kay Greg."maingat kong sabi, doon na siya tumingin sa akin.

"I don't have business with you." matabang niyang sagot at naglakad paalis ulit.

"Dale!"tawag ko at tumakbo palapit sa kanya.

"Kausapin mo ako." hindi siya umimik at linagpasan ako. Lalapit ulit sana ako sa kanya pero mabilis siyang pumasok sa kanyang sasakyan.

"Ma'am, susubukan ko pong kausapin si Sir."umiling ako.

"Greg, sayo niya ibubuhos ang galit niya sa akin. Kaya hayaan muna."

"Pero Ma'am-"

"Greg!Gusto mo bang maiwan dito!"sumulyap muna sa akin si Greg, tumango ako upang ipahiwatig na sumunod na siya kay Dale.

Pinanood ko ang papaalis na sasakyan ni Dale.

Kahit ilang ulit akong bigyan ng tadhana ng pagkakataon para makita si Dale. Kahit ipilit ko pa na kausapin siya. Hindi ko na mababago lahat dahil kahit tignan man lang ako ay nahihirapan na siya.

"Ma'am, ano pong nangyari?Kilala niyo po ba 'yung may-ari?"tumingin ako sa assistant ko tapos sa mga iba ko pang tauhan.

"Mukhang maghihintay ulit tayo ng panibago nating client."nasabi ko. Walang umimik sa kanila, nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Hapon na pala, maaari na po kayong umuwi."saad ko, pilit akong ngumiti sa kanila tsaka ako naglakad papasok sa bahay.

Pagkasara ko ng pinto, agad na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

**************

Dale

Nasa kalagitnaan na kami sa pagbaba sa lugar ng dumungaw si Greg mula sa shotgun seat. Masamang tingin ang sinalubong ko sa kanya.

"Sir."

"Shut up."utos ko.

I loosened my tie and close my eyes. How could she? She still had the guts to look at me straight and even talk to me.

"Pero Sir, sigurado po kayo? Wala na po tayong stock."

"Maghanap ka."

"Sila lang po 'yung mapagkakatiwalaan-"

"Pinapaswelduhan ba kita para suwayin mo lang ang utos ko."napamulat ako at binigyan ko ng masamang tingin si Greg.

Sasagot pa sana siya pero tinuro ko na siya.

Ipipikit ko na sana ulit pero biglang tumigil ang sasakyan.

"What's happening?"

"Sir."mahinang tawag sa akin ng driver ko.

"What?"

"Mukhang nawalan po tayo ng gas."bumaling ako kay Greg.

"Nawalan po tayo ng gas."ulit niya.

Lumabas ako sa sasakyan na agad naman silang sumunod.

"Gusto niyo na ba talagang mawalan ng trabaho!?"tumingin ako sa driver.

"How could you not notice it!?"

"Sir, full tank po naman bago tayo umalis, hindi ko naman po inaasahan na malayo pala-"

"Hindi mo inaasahan!"tinuro ko ang driver ko at si Greg.

"Pareho niyong hindi inasahan ang nangyari! Ganun ba?!"tumindi ang galit ko ng pareho silang tumango at yumuko sila.

"What the hell are you still doing now? Do something!"umatras sila at parehong tumango.

Tumalikod ako sa kanila at nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Sir."hinintay ko ang susunod na sasabihin ni Greg pero ilang minuto na ang lumipas, hindi parin siya nagsalita kaya humarap ako at tinignan ko siya.

"Wala pong..."umatras siya pati narin ang driver ko. "Wala pong signal."napahawak ako sa leeg ko.

"Then walk and find someone to help us."

"Malayo pa po ang kabahayan dito."seryoso akong tumingin kay Greg.

"What are you suggesting?"

"Bumalik po tayo sa farm. Mataas po doon, siguradong may masasagap akong signal Sir."tumunog ang panga ko.

"Maglakad tayo pababa, siguradong may mga bahay diyan-"

"Mas malapit po sa farm, may signal pa po doon. Tsaka dumidilim na po Sir."hindi ako makapaniwalang tinignan si Greg at ang driver ko ng nagsimula na silang maglakad pabalik.

Napabuga ako ng hangin.

Damn it!

Papasok na sana si Greg at ang driver ko sa loob ng farm pero nagsalita ako.

"Hindi natin kailangan pumunta diyan, may mga bahay doon-"

"Hindi po namin sila kilala."

"Prepare to leave my company-"

"Sir, ilusot po muna natin ito. Hindi naman po nangangagat si Ma'am Catherine."nagsimula na ulit silang pumasok sa loob.

Naikuyom ko ang kamao ko.