webnovel

Capture My Heart

Ciara's world turned upside down when her mother died, but then she found a new hope through her little sister Clio. Afraid of losing her little sister, Ciara did everything to make her never leave her side even if it means hurting those people in her world. Her heart was frozen, consumed by fear and hatred. Is it possible for her to redeem herself, and find the light that will pull her out from her lonely world?

Nekohime · Urbano
Classificações insuficientes
5 Chs

Prologue

Takbo ng takbo si Ciara sa tila wala nang katapusang pasilyo ng ospital. Hindi na niya inda ang mga taong nakakabangga niya. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. Binabalot ng matinding kaba ang buong sistema niya.

Nakita niya ang ama na nakaupo sa mahabang upuan sa labas ng delivery room. Habol hininga siyang lumapit dito.

"D-Daddy."

Nag-angat ng tingin sa kanya ang ama. Gaya niya, bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa kanyang ina. Umupo siya sa tabi nito. Inabot niya ang kamay ng ama at matamis na ngumiti.

"Magiging okay lang sila dad. I can't wait to see them," pagpapatatag niya sa kalooban nito.

Lumipas ang ilang minuto, ang ilang oras, lumabas mula sa delivery room ang isang babaeng doctor. Agad nila itong sinalubong, kapwa may tensyonadong ngiti sa kanilang labi.

"Congratulations! It's a baby girl." sambit nito.

Tila tuluyang lumipad sa kung saan ang kaba na kanina'y pumuno sa kanilang dibdib.

"M-My wife? How is she?" tanong ng ama sa nanginginig nitong boses. Mas humigpit ang hawak ni Ciara sa kamay ng ama, habang kagat labing naghihintay sa sasabihin ng babaeng doctor.

Napailing iling ang doctor. Gumuhit ang lungkot sa mata nito. "I am sorry. But your wife didn't make it."

Tila nabingi si Ciara sa narinig. Dahan dahan siyang bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ng ama. Nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Tuluyang umagos ang luha niya nang pabagsak siyang umupo sa napakalamig na sahig ng ospital. Napuno ang paligid nang malalakas niyang palahaw.

Sa isang iglap, ang napakasaya niyang mundo ay tuluyan nang nawasak.