webnovel

Capture My Heart

Ciara's world turned upside down when her mother died, but then she found a new hope through her little sister Clio. Afraid of losing her little sister, Ciara did everything to make her never leave her side even if it means hurting those people in her world. Her heart was frozen, consumed by fear and hatred. Is it possible for her to redeem herself, and find the light that will pull her out from her lonely world?

Nekohime · Urban
Not enough ratings
5 Chs

Chapter 1 - Trouble

"No! I don't like this idea! Hindi ako papayag!" 

Umalingawngaw ang malalakas na sigaw ni Ciara sa loob ng office ng kanyang ama. Wala na siyang pakealam kung naririnig man sa labas ang kanyang boses. 

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Mabait na tao si Melissa, you will like her."

"I don't care! Basta hindi ako papayag na magpakasal ka ulit! Dad naman, 5 years pa lang mula nang mamatay si mommy. Bakit ang dali sa'yo na kalimutan siya?" puno nang hinanakit ang lumabas sa bibig niya. Naikuyom na lamang niya ang kanyang kamao dahil sa matinding galit.

She love her mother. And no one can replace her. Hindi siya papayag.

"Mahal ko ang mommy mo, hindi naman mawawala yun. She will always have this special place in my heart," paliwanag ng ama.

She let out a frustrated sighed. Muli niyang tinignan ang ama, may pagkadismayang mababasa sa nangingislap niyang mata dahil sa luhang nangingilid dito. "Kung mahal mo talaga si mommy, hindi mo siya papalitan."

"Ayaw mo bang sumaya ulit si daddy? Anak, mahal ko kayo ng mommy mo. Mahal na mahal. Hindi naman ibig sabihin ng pag-aasawa kong muli ay hindi ko siya minahal. Please, huwag na natin 'tong pagtalunan pwede ba?" nagsusumamong pakiusap ng ama.

"Okay. Gawin mo kung anong gusto pero huwag na huwag mong hihilingin sa akin na tanggapin siya sa buhay ko, kasi hinding hindi ko magagawa yun," huling sambit ni Ciara bago talikuran ang ama at pabagsak na isinara ang pinto ng office nito sa paglabas niya.

Napailing iling na lamang si Larry dahil sa katigasan ng kalooban ng anak. Mula nang mawala ang asawa niya, ang laki rin ng pinagbago ni Ciara. Tila naging kasing lamig na ng yelo ang puso nito.

******

"Ano na namang nangyari sa'yo? Hindi na naman maipinta yang mukha mo?" sita ni Sofia, isa sa mga kaibigan ni Ciara.

"Lagi namang hindi maipinta ang mukha niyan," komento pa ni Megan habang itinatali ang mahabang buhok niya.

"Pwede ba? Huwag niyo nga muna kong kinakausap?" inis na sambit ni Ciara.

Napabuntong hininga na lamang ang dalawa. Kapag ganitong mainit talaga ang ulo ng kaibigan, kahit sino na lang ay pagdidiskitahan nito.

"Kayo diyan! Puro kayo daldalan. Magsimula na kayo," bulyaw sa kanila ng kanilang P.E teacher. Nasa gym sila kaya nakulob ang malakas na boses nito sa loob.

Mas lalong nagpanting ang tainga ni Ciara, ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang sinisigawan siya. Sobrang sama na ng araw niya simula pa kahapon. Tila naubos na ang natitirang pasensya niya.

Kumuha si Ciara ng bola sa may ball rack. Halos malaglag ang panga sa lupa ng mga kaklase niya nang bigla na lamang niya itong ibato sa P.E teacher niya at malakas na tumama ito sa sikmura niya.

"Ciara!" gimbal na sigaw nila Megan at Sofia. Pero tinaasan lamang sila ng kilay ng kaibigan.

"Miss Velez! To the office now!" tila naging mabagsik na hayop ang P.E teacher nila Ciara. Nakahawak pa rin ito sa tiyan niya, bakas sa mukha ang pamimilipit nito sa sakit. Pero parang walang pakelam si Ciara, wala talagang kinatatakutan ang dalaga, nakipaglaban pa ito ng matatalim na tingin.

"Ciara, magsorry ka na kay sir." pangungumbinsi ni Megan pero parang bingi ito at hindi man lamang siya pinakinggan.

Walang sabi sabing naglakad si Ciara palabas ng gym, hindi inda ang galit ng teacher nila.

*****

Mabilis ang bawat hakbang ni Larry patungo sa may guidance office. Hindi siya makapaniwala sa natanggap na balita. Alam niyang matigas ang ulo ng anak pero ni minsan ay hindi sumagi sa utak niya na magagawa nitong makapanakit. Labis ang dismayang nararamdaman niya. Hindi na niya alam kung paano ba puputulin ang sungay nito.

Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niya si Ciara na prenteng nakaupo sa may sofa. Saglit lang siya nitong tinapunan ng tingin bago muling binuhos ang atensyon sa cellphone na hawak niya.

"Mr. Velez. You're here finally." bati ng Principal na hindi ngumingiti. Nasa tabi nito ang P.E teacher ni Ciara, nakahalukipkip at salubong ang kilay.

"I am sorry. May tinapos lang ako sa office," paliwanag nito bago umupo sa tabi ng anak, parang wala lang dito ang tensyon na bumabalot sa kanilang lahat.

"Why did you do it?" tanong niya agad sa anak. 

"I didn't mean it dad. Dumulas sa kamay ko yung hawak kong bola," saad ni Ciara na hindi man lang inaalis ang mata sa hawak na cellphone.

"Nagsorry ka na ba?"

"Yeah. Kaso ayaw niyang tanggapin. Eh di wag," bagot na saad nito.

Halos manlumo si Larry. Nahihiyang tumingin siya sa principal at sa teacher nito.

"Pasensya na po kayo. Pangako, hindi na 'to mauulit." 

"I am sorry Mr. Velez, but this time hindi na namin mapapalampas ang ginagawa ng anak niya. Sumusobra na siya. Kung hindi nga lang dahil sa utang loob ng eskwalahan na 'to sa inyo, matagal na naming napatalsik ang anak niyo. Hindi lang ito ang unang beses na nanakit siya, alam niyo ho yan. Tapos ngayon, teacher na niya ang sinaktan niya. Hindi na niya kami iginalang," mahabang litanya ng principal.

"We have to suspend her for 1 week, at sana ho pagbalik niya, magbago na ang asal niya," dagdag pa ng principal.

"Pasensya na po kayo ulit," muling paghingi ni Larry. Kulang na lang ay lumuhod siya sa kanilang harapan.

Lulugo lugo siyang lumabas ng guidance office, nakasunod lamang ang anak na taas noo pa rin kahit may mali na itong nagawa. 

Hindi na niya alam kung saan ba siya nagkulang. Lahat naman ng bagay ay ibinigay niya dito. Hindi rin naman siya nagkulang sa pagmamahal. Sinisigurado niyang pantay ang atensyon na binibigay niya dito at sa isa pa nilang anak. 

O baka nga talaga kasalanan niya ang malaking pagbabago nito? Napailing iling na lamang siya.

Sinulyapan niya ang anak, mahirap talaga kapag walang katuwang sa pagpapalaki ng anak kaya inisip niya kung mag-aasawa siyang muli ay baka matulungan siya nito na palambutin ang matigas na ulo ng kanyang panganay.

*****

"Ateeeee," masayang sinalubong si Ciara ng limang taon na gulang na kapatid pagpasok na pagpasok palang nila sa bahay.

Mahigpit na yumapos ito sa binti niya. Madungis ang kamay at mukha nito dahil sa tunaw na tsokolateng hawak nito. Agad niyang kinarga ang kapatid kahit pa madumihan ang suot niyang white na P.E shirt.

"Gusto mo ba magplay play? Maraming time si ate ngayon," malambing na saad ni Ciara. Sunod sunod na tumango ang kapatid. May malapad na ngiti sa maliit na labi nito.

"Yes! Play play tayo ate!" she beamed. Napangiti na lang si Ciara dahil sa pagiging hyper ng bunsong kapatid.

Masayang pinagmamasdan naman sila ng ama. Nawala na sa isip niya na papagalitan niya pa pala ang anak. Natunaw ang puso niya nang makita ang pagngiti nito. Pasalamat na lang siya sa bunsong anak niya, ito lang kasi ang may kakayahang magpangiti sa kanyang panganay.

"Napaliguan mo na ba siya?" baling ni Larry sa kanilang kasambahay. Medyo may kaedaran na ito. Ang asawa niya pa ang kumuha dito at halos ito na rin ang nagpalaki kay Ciara, ngayon naman ay si Clionna na ang inaalagaan nito.

"Opo sir, kaso naglililikot na naman kaya ayan ang dungis dungis na ulit." sagot nito.

"Ako na lang maglilinis ulit sa kanya," prisinta ni Ciara. Malugod na tumango naman ang kasambahay.

"Tara? Linis ka muna tapos play na tayo ni ate?"

Muling masayang tumango si Clionna. Mas lalo pang natawa si Ciara nang itaas nito ang dalawang kamay sa ere na parang ginagaya si superman.

Mahal niya ang kapatid. Dito niya ibinuhos ang lahat ng pagmamahal niya mula nang mawala ang mommy nila. Si Clio ang nagbibigay sa kanya ng lakas para ipagpatuloy pa rin ang buhay. At hindi siya makakapayag na mawala rin sa kanya ang minamahal na kapatid.

Matapos malinisan at bihisan ang kapatid, nagtungo sila sa playroom.  Nakaupo sila sa may foam mat, aliw na aliw si Ciara habang pinagmamasdan ang kapatid na naglalaro ng manika.

Hinaplos niya ang ulo nito dahilan para mapatingin sa kanya si Clio.

"Why sad ate?" inosenteng tanong nito. Umiling lang siya at ngumiti.

"Huwag mong iiwan si ate ha? Hindi kaya ni ate kapag pati ikaw nawala sa akin. Love na love kita, you will always be may little Clionna," buong pagmamahal na sambit niya.

Tinignan lang siya ng kapatid. Masyado pa itong bata para maintindihan ang sinabi niya.

Si Clionna ang bagong mundo niya, at hindi siya makakapayag na may sumira ulit ng mundong binuo niya kasama ang nakababatang kapatid.

Napasilip naman si Larry sa pinto ng playroom, sumilay ang ngiti sa labi niya nang marinig ang masayang tawanan at hagikgikan ng dalawa niyang anak.

"Sigurado na ho ba kayo sa pagpapakasal niyo, sir?"

Napalingon si Larry sa kasambahay. Hindi niya namalayan na nasa likod na niya pala ito. Masyado siyang nawili sa panunuod sa mga anak.

"Manang, para rin naman sa kanila 'to. Gusto kong may gumabay ulit sa kanila. Aaminin ko, hindi ko sila kayang palakihin mag-isa lalo pa't lumalaki na si Clionna, ayokong wala siyang inang kagigisnan sa paglaki niya. Naiintindihan niyo naman po ako, di ba?"

Napabuntong hininga na lang sa kanya ang matanda. "Naiintindihan ko ho, ang ikinatatakot ko lang kasi, baka magdulot lang ito ng gulo. Si Ciara ang inaalala ko sir, alam niyo naman ang batang yun masyado niyang mahal ang mommy niya. Baka mahirapan lang kayo lalo na makuha ulit ang loob niya," puno ng pag-aalalang saad ng kasambahay.

"Buo na ho ang desisyon ko, manang. Pakakasalan ko ho si Melissa. Sana matulungan niyo ko kay Ciara, tulungan niyo sana ako na matanggap niya ang magiging bagong mommy nila," buong pusong pakiusap ni Larry.

"Susubukan ko po, pero hindi ko maipapangako. Ayokong isipin ni Ciara na wala siyang kakampi, kaya nga kahit anong gawin niya, kahit ang tigas tigas na ng ulo niya ay iniintindi ko lang ito."

Tumango tango na lang si Larry. "Salamat manang, salamat," may sinseridad na saad niya pa dito.

*****

Hindi nagpunta si Ciara sa kasal ng ama. Civil wedding lang naman ito pero kahit ganun, hindi pa din maaatim ng sikmura niya na makita ang ama na muling ikinakasal sa iba.

Maghapon lamang siyang nakakulong sa kwarto niya. Masama ang loob niya. Sobrang sama ng loob niya para sa kanyang ama. Ilang beses na nila itong pinagtalunan, tutol na tutol siya sa plano nitong pagpapakasal pero hindi pa din siya nito pinakinggan.

I hate her! Gagawin niya ang lahat para gawing miserable ang buhay ng bagong asawa ng daddy niya. Gagawin niya ang lahat para ito na mismo ang bumitiw sa daddy niya. Hindi niya hahayaang sumaya ito, at kahit kailan hinding hindi niya matatanggap ito bilang parte ng kanilang pamilya.

Pakiramdam niya naagawan siya, ilang araw matapos ang kasal, tumira na sa bahay nila ang bagong asawa ng daddy niya.

May kung anong kirot na naramdaman siya sa puso niya lalo na nang unti-unting nagiging malapit na sa babae ang nakakabata niyang kapatid.

"Don't touch her!" malakas na sigaw ni Ciara habang bumababa sa mahabang hagdan ng bahay nila.

Bakas ang gulat sa mukha ni Melissa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikilala niya si Ciara, pero hindi niya inaasahan ang galit na bumabakas sa mukha nito.

Lumapit sa kanya ang dalaga at marahas na inagaw mula sa pagkakakarga niya si Clio.

"Huwag na huwag mong hahawakan ang kapatid ko!" parang kulog ang boses ni Ciara. Dumagundong ito sa buong kabahayan.

Bahagyang napaatras si Melissa dahil sa gulat. "S-Sorry."

"Ciara!" bulyaw naman ng kanyang ama. Maging si Larry ay nagulat sa inasal nito, alam niyang galit ito pero hindi siya makakapayag na bastusin ng anak ang bago niyang asawa.

"Okay lang, Larry." pagpapakalma ni Melissa.

"Nice to meet you, Ciara." baling niyang muli kay Ciara, sinubukan niyang maging kalmado kahit pa labis ang takot niya sa magiging reaksyon nito. Alam niya ang labis na pagtutol nito sa pagpapakasal nila ni Larry, pero susubukan niyang makuha ang loob nito.

"Well, ako hindi ako masayang makilala ka!" asik ni Ciara.

Hindi na kinaya pa ni Larry ang kabastusan ng anak, inangat niya ang kamay niya ngunit mabilis na napigilan ni Melissa ang asawa bago pa man nito saktan ang anak. Umiling siya dito, nakikiusap ang mata na huminahon siya.

Mariing napapikit si Larry at marahas na napabuntong hininga.

"Magsorry ka," kalmadong saad niya pero tinaliman lang siya ng tingin ni Ciara.

"Ayoko! Ayoko magsorry! Ayoko sa kanya! I hate you, dad! I hate you! I hate all of you!" sigaw ni Ciara. Muli itong tumakbo pabalik sa kwarto niya bitbit ang walang muwang na si Clio.

Iyak lamang ng iyak si Ciara habang nakaupo at nakasandal sa saradong pinto ng kwarto niya. 

"Ate, why are you crying?" tanong sa kanya ng kapatid. Mas lalo lamang siyang napaiyak at mahigpit na niyakap ito.

"Si ate lang ang love mo ha? Si ate lang. Huwag mong iiwan si ate," pagsusumamo niya kahit hindi pa siya nito naiintindihan.