webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · História
Classificações insuficientes
98 Chs

XLVI

Juliet

Mahal ko ba siya?

Aaaargh! Mababaliw na ako kakaisip.

"Aray!" Daing ng pasyente ko kaya nabalik ako sa realidad.

Omyghad! May ginagamot nga pala akong napilayan.

"P-Pasensiya na..." Sabi ko at tinuloy na ang pagbenda sa braso niya.

Pagkatapos ay nagpaalam na akong aalis na dahil masama kuno ang pakiramdam ko which is partly true rin naman dahil hindi ako nakatulog nang maayos at puyat talaga ako. Pagkauwi ko ay nakita ko agad si Caden sa may sala at may kausap na mga kabusiness niya yata. Nang makita niya ako ay mukhang nagtaka siya kaya nagpaalam siya sandali sa mga kausap niya at lumapit sa akin.

"Bakit ang aga mo? Mamaya pa kita susunduin ah." Sabi niya. Siya kasi dapat ang susundo sa akin mamaya dahil may pinuntahan si Niño na trabaho ngayon at speaking of Niño, awkward na kami for the rest of the night kagabi, argh! Nakakastress alalahanin.

Bakit kasi hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya?

"May pancit pa bang niluto ko kaninang umaga? Nagugutom ako." Tanong ko kay Caden.

"Umuwi ka para kumain? Atsaka wala na. Inubos ko na." Sagot niya kaya tumango nalang ako at aakyat na sana nang pigilan niya ako.

"Sandali lang." Sabi niya sa akin at bumalik sa sala. Kinausap niya ang mga kausap niya kanina at nagkamayan tapos hinatid niya sa may pinto at naglakad na papunta sa akin.

"Anong problema?" Tanong niya pagbalik niya kung nasaan ako.

"Wala." Sagot ko.

"Halika nga." Sabi niya at umakyat kami sa kwarto ko at tumambay sa terrace.

"Ano ba ang tinanong niya?" Tanong ni Caden na ikinagulat ko pero narealize ko rin na nababasa nga pala niya ang nasa utak ko.

"Well... tinanong lang naman niya ako kung mahal ko siya." Sagot ko.

"Tapos?"

"Hindi ko alam ang isasagot. Kaya ayun, naging awkward tapos iniba nalang niya ang topic." Sagot ko.

"Eh bakit balisa ka? Iniisip mo 'yun?"

"Siyempre." Sagot ko.

"Kung hindi mo siya mahal, hindi ka magkakaganyan."

Napatingin ako sa kaniya nang marinig ang huling sinabi niya.

"So... mahal ko siya?"

"Malay ko sayo."

Agad ko siyang sinimangutan. Akala ko naman alam niya.

"Paano ko nalalaman eh puso mo 'yan?" Sabi niya. Oo nga pala, nababasa niya ang iniisip ko.

Napabuntong-hininga nalang ako. Paano ko kaya haharapin si Niño next time? Sana naman hindi na kami awkward.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa paligid at halos matumba sa kinatatayuan ko nang makita si Niño sa baba. Ghad! Namamalik-mata ba ako o siya talaga yun?? Kinusot ko sandali ang mata ko atsaka tinignan siya ulit.

Siya nga.

Nakacolor khaki na uniform siya ngayon at may dalang bayong. Teka, bakit siya may dalang bayong???

Nang magtama ang mga tingin namin ay agad namang kumurba ang mga labi niya at as usual, sandali na naman akong napa-day dream dahil sa mga mata niyang akala mo'y laging kumikislap sa ganda.

"Wala ka bang balak babain?"

Napalingon ako kay Caden atsaka narealize na oo nga naman, bakit hindi ko siya babain?

Nagpaalam na ako kay Caden atsaka bumaba. Agad ko rin namang nakita si Niño papasok sa bahay namin na mukhang pinapasok ni Manang Felicitas. Magalang siyang bumati kay Manang bago idinapo ang tingin sa akin na may ngiti sa mga labi.

"Magandang hapon, Binibining Juliet." Nakangiting bati niya kaya lumapit naman ako.

Kahit na may misunderstanding kuno kami kagabi ay pinuntahan pa rin niya ako ngayon at that's more than enough to prove na seryoso nga siya pero... paano ako? Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya?

"Magandang hapon rin, Heneral Enriquez." Bati ko rin at pinaupo ko na siya. Umupo naman ako sa upuan sa tapat niya.

"Ah! Oo nga pala, para sa'yo..." Sabi niya at ipinasok ang dalawang kamay sa loob ng bayong na dala niya na para bang may kinukuha.

"Pumunta ako sa pagamutan ngunit maaga ka raw umuwi." Sabi pa niya habang nilalabas kung anumang nasa loob ng bayong.

Napakunot naman ang noo ko nang habang nilalabas niya 'yung nasa loob ay nakakita ako ng paso. Anong gagawin ko sa paso?

Nang ilapag na niya sa lamesa ang dala niya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Red rose pala 'to na nakatanim sa paso kaya may nakita akong paso kanina.

"Naalala ko ang sinabi mong nais mo ng mga bagay na nagtatagal kung kaya't... naalala ko ang ibinigay kong rosas sa iyo dati at naisip na ilang araw lang din ang itinagal no'n sapagkat hindi ito nakatanim kaya naisip kong bigyan ka naman ng isang bagay na may buhay at magtatagal." Nakangiting saad niya habang nakatingin sa dala-dala niyang halaman atsaka ibinaling ang tingin sa akin.

"Salamat, heneral." Pagpapasalamat ko at sakto namang sumulpot si Caden kaya tumayo si Niño.

"Magandang araw sa iyo, Ginoong Caden." Bati ng napakagwapong heneral ko hihi. Joke!

"Magandang araw rin sa iyo, Heneral Enriquez. Ipagpaumanhin mo sapagkat may pupuntahan kami ni Juliet ngayon kaya maaari na ba siyang umakyat upang makapag-ayos?"

WHAT?! May pupuntahan kami? Saan naman?

"Nauunawaan ko, ginoo." Sagot ni Niño kay Caden atsaka humarap sa akin.

"Mauuna na ako, Binibini. Salamat sa pagtanggap sa akin at mag-iingat kayo sa inyong pupuntahan."

"Sige, salamat ulit sa bulaklak at mag-iingat ka rin." Sabi ko at nagbigay galang naman siya bago tuluyang umalis.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Caden pagkaalis ni Niño.

"Wala. Nang-aasar lang ako." Sagot niya atsaka tumawa. Napasimangot naman ako sa kaniya. Siraulo talaga 'to eh.

"Naririnig kita." Sabi niya pero inirapan ko nalang siya atsaka umakyat at nang makapagsulat na ulit sa diary kuno ko.

Malay niyo madala ko 'to sa pagbalik ko sa present 'di ba tapos ibebenta ko edi naging mayaman pa ako, bongga!

Bago magsulat ay inalala ko pa kung gaano ka-nakakatuwa si Niño. Naaalala niya lahat ng sinasabi ko sa kaniya at ewan ko ba, napakacharming niya talaga kaya kinikilig tuloy ako!

Pero... ewan ko. Kahit na parang okay naman ang lahat ng nangyayari ngayon, hindi ko maiwasang kabahan dahil naiisip ko na hindi magtatagal at magugulo rin lahat 'to... pero please... sana hindi.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts