webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · History
Not enough ratings
98 Chs

XLV

Juliet

"O siya, mauna na kami. Gracias por la deliciosa cena, Señora Cordova." (Thank you for the delicious dinner, Mrs. Cordova.) Ani Don Luis na nasa labas na ng bahay namin habang nandito kami sa may pintuan.

Nagpaalam na rin si Doña Isabela pati na sina Padre Ernesto at Niño na sa karwaheng ginamit ni Niño sumakay. Bago sila tuluyang umalis ay binigyan ako ng kita-tayo-mamaya look ni Niño habang may ngiti sa mga labi. Hay, 'yung ngiti niya talaga ang bumubuo sa araw ko.

Nang makaalis na ang mga karwahe nila ay pumasok na kami sa loob. Pinangaralan pa ako sandali ni Ina tungkol sa pagtanggap at paghatid sa bisita at hinayaan na rin niya akong magpahinga. Jusme. Simula rin noong maconfirm ang kasal namin ni Niño ay araw-araw na akong may Tips How To Be A Good Wife with Doña Faustina Allerton-Cordova.

Kaloka, parang gusto ko na magback-out sa pag-aasawa huhu. Ang daming dapat matutunan, tinalbog ang pre-med at med years ko!

Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay naabutan ko roon si Adelina na inaayos ang kama ko. Tuwing makikita ko yata siya rito sa loob ay laging siyang nag-aayos ng kama ko, jusko.

"Magandang gabi po, binibini." Bati niya at bumati rin naman ako pabalik.

"Umalis na po ba ang mga Enriquez?" Tanong niya at um-oo naman ako habang hinahanda ang ipampapalit kong pantulog at ipantatakas kong damit mamaya.

"Binibini..." Tawag ni Adelina kaya napalingon ako sa kaniya.

"P-Pansin ko lang po na... hindi na kayo nakakapagsulat sa mga ito nitong mga nakaraang araw." Saad niya habang tinuturo 'yung sinusulatan ko ng mga nangyari sa araw ko rito sa 1899.

"Ah, oo nga pala! Salamat sa pagpapaalala, Adelina. Magsusulat ako mamaya." Nakangiting sagot ko sa kaniya at nagbigay-galang naman siya bago lumabas ng kwarto ko.

Lagi kasi akong nakikita ni Adelina na nagsusulat dati tuwing nag-aayos at naglilinis siya rito sa kwarto ko kaya siguro nagtataka siya kasi hindi na ako nagsusulat recently.

Naglinis ako ng sarili ko at nagpalit na ng pantulog at dahil mga isang oras pa naman bago dumating si Niño ay umupo muna ako sa tapat ng lamesa kung nasaan nakapatong ang sinusulatan ko. Nandito pa rin ang letter ko para kay Trisha at sa tulong nito, nat-track ko kung pang ilang araw ko na sa taong 'to.

Ngayon ay ikatlong araw ng Agosto, taong 1899. Pang-65 na araw ko na sa taong 'to at sa huling araw na ng Setyembre ang kasal namin ni Niño. Hindi ko alam kung ano pa ang mga pwedeng mangyari pero sana, sana lang... maging maayos lang ang lahat.

Inupdate ko ang sinusulat ko at pagkatapos ay nagpalit na ng damit. 10PM lagi dumadating si Niño kaya maya-maya ay malamang darating na rin 'yun.

Nang makarinig ako ng tunog ng kwago ay sumilip ako sa terrace at nakita na si Niño. Ayun ang signal niya para lumabas na ako. Actually, kung hindi niyo alam na si Niño ang gumagawa ng tunog na 'yun ay hindi niyo aakalain na tao lang ang gumawa ng tunog na 'yun dahil gayang-gaya niya talaga. Dahil din sa pinauso niya sa aking tunog ng owl na 'yun ay nalaman kong 'Kuwago' ang nom de guerre niya o pangalan niya sa gera at sa Katipunan.

Pagkababa ko ay dire-diretso ako sa pinto sa may kusina at laking gulat ko nang muntikan na akong mabunggo kay Caden na nakatayo pala roon.

"C-Caden... hehe... a-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sabay lunok dahil sa kaba.

Gosh! Bakit gising pa siya?

Nakacross-arms lang siya habang nakaharang sa nakasarang pinto ng bahay namin at nakapantulog na.

"Nagising kasi ako sa ingay ng kuwago sa labas, lalabas sana ako para patahimikin." Sagot niya na mukhang nang-aasar nalang dahil mukhang alam naman niyang si Niño 'yun.

"Caden naman eh!" Asar na sabi ko at papaalisin sana siya sa pagkakaharang niya sa pinto nang magsalita siya ulit.

"Isang sigaw ko lang na tatakas ka ay magigising sila Ama, ano sa tingin mo ang gagawin nila kapag nalaman nilang tumatakas ka tuwing gabi?" Sabi niya na bakas sa mukha ang pang-aasar. Kainis talaga 'to si Caden eh!

Bumuntong-hininga ako atsaka nagcross-arm. "Oh, ano bang gusto mo?"

"Pancit. Bukas. Ikaw ang magluto. Payag ka?" Lahad niya ng kamay niya para makipagshakehands.

Aaargh! Pang-asar talaga 'to eh, paglulutuin pa ako.

"Call." Sagot ko at nakipagshakehands dahil wala naman akong choice.

"Para sa pag-ibig talaga..." Pailing-iling na asar pa niya bago umalis sa pagkakaharang sa may pintuan at umakyat na rin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto atsaka lumabas. Ghad, natagalan ako huhu andun pa kaya si Niño? Dali-dali akong pumunta sa meeting place namin na puno ng sapodilla o chico rito sa may hacienda Cordova at nakita ko rin naman agad siyang naghihintay doon.

"Nino," Tawag ko at pagkalingon niya ay nakita ko ring agad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makita ako.

"Akala ko'y hindi mo na ako sisiputin." Sabi niya pagkalapit sa akin.

"Ah... pasensiya na nalate—este—nahuli ako ng dating." Sabi ko, trying hard na hindi i-mention 'yung nahuli ako ni Caden para hindi na siya mag-alala.

"Bakit ka natagalan? May nangyari ba papunta mo rito?" Tanong niya. Ghad, ayaw ko magsinungaling kay Niño huhu.

"Uhm... magluluto pala kasi ako ng pancit bukas." Sagot ko at WTH JULIET ANONG CONNECT NUN HUHU GAGA KA TALAGA.

"Ah... inayos mo ba ang mga kasangkapan para bukas?" Tanong niya.

Ano ba yan, Niño! Tanong naman nang tanong eh huhu ayoko ngang magsinungaling sayo!

"P-Parang ganun na nga... hehe..." Sagot ko at umupo na kami sa ilalim ng puno.

Sandali niya akong tinitigan na para bang pinagmamasdan niya ako atsaka niya ibinaling ang atensyon sa kalangitan.

"Nakikita mo ba ang mga bituin sa kalangitan, binibini?" Tanong niya na nakatingin sa madilim na langit na mukhang binudburan ng mga stars.

"Oh, ano meron?" Tanong ko naman.

"Para sa akin, mas nagniningning pa ang kislap mo kaysa lahat ng iyan ngayong gabi." Banat niya with his usual sweet smile and matching tagos-sa-pagkatao-ko titig.

Grabe, kahit naman hindi siya bumanat ng mga corny niyang pick-up lines, sa gestures at titig palang niya solved na ako eh. Pero siyempre, nagmention siya ng heavenly object. Magpapatalo ba ako, 'di ba?

"Nakikita mo 'yung buwan?" Turo ko naman sa buwan at napangiti naman siya. 'Yung ngiting mukhang natatae lang sa kilig.

"Oo, bakit?" Tanong niya na kinikilig-kilig pa.

"Ako rin ba ang nagbibigay ng liwanag sa iyong gabi katulad ng buwan na iyan?" Patanong na sagot niya pa sa sarili niyang tanong.

"Ha? Hindi. Tinanong ko lang kung nakikita mo." Sagot ko at 'yung mukha naman niya naging from 100 to 0 real quick.

Malisyosong palaka 'to, siya raw ba ang nagbibigay liwanag sa gabi ko? Bakit, glow in the dark ba siya? HAHAHAH kaloka!

Nakakatawa talaga pagtripan minsan 'tong si Niño eh. Ang cute niya kasi at ang inosente.

Sandali kaming natahimik dahil mukhang nalungkot siya huhu. Gaga ka kasi Juliet eh! Napikon yata.

"Niño—"

"Gusto mo ba ako?" Biglang tanong niya na pumutol sa pagtawag ko sa kaniya kaya napalingon ako sa kaniya.

Nang nagtama ang mga tingin namin ay parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko. Shocks, epekto ba 'to ng pagpupuyat namin? Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko dahil nakapako ngayon ang mga tingin namin sa isa't-isa.

"Juliet, mahal mo ba ako?"

Sa pagkakataong 'to, para nalang akong napipi at naparalyze. Hindi ko alam kung anong isasagot at ire-respond ko.

Mahal... ko ba siya?

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts