Chapter 23: New Found Friend
Great! Just great. Inabot na ako ng umaga para patulugin ang sarili ko pero walang nangyari. Kaya ngayon, 6:30 ako pumasok sa school kahit 7:30 pa ang start ng klase ko. Nakakainis, nilamon na ni Oliver 'yong buong kaisipan ko dahilan para nasa kanya lang nakatuon ang attention ko buong gabi. Jusko, wala akong tulog, ang lusog tuloy ng eyebags ko.
Naglalakad lang ako dito sa hallway ng school namin nang biglang may nagsalita sa likuran ko, si Claire. "Jamilla? Woah. Kagulat-gulat at ang aga mo ngayon ah." Mas-kagulat-gulat yata no'n bigla siyang sumulpot d'yan eh.
"Kaya nga. Eh ikaw, ba't ang aga mo rin?"
"Ipagpapatuloy kasi namin 'yong project namin ngayon, mamaya na ang deadline no'n kaya I'm here so early. Actually, paparating na rin si Jess." Tumango-tango ako sa kanya bilang tugon. "Huy! sakto 'yan na pala siya." Tumingin ako sa babae na naglalakad na papalapit na sa amin, kita rin sa mga mata niya ang pagtataka habang nakaderetso lang ang tingin sa akin. Isa pa 'to, siguradong magtatanong din ito.
"Girl? Woah, ano't ang aga mo?"
"Same reaction here Jess." Sabat ni Claire.
"Wala akong tulog." Walang gana kong sagot.
"Obviously, ang laki ng eyebags mo beh."
"Hays, nakakainis nga kung kailan gust—" Biglang dumako ang attention namin kay Claire na ngayon ay hindi na mapakali. Para siyang kinikilig na ewan habang nakatingin sa likuran namin ni Jess. Naku naman. Problema ng babaeng 'to?
"Kyah! I knew it. Omg. Totoo ba 'to?" Parehas kaming nagtataka ni Jess dahil sa pagka-exaggerate ng reaction ni Claire. Loka, umangang-umaga, ang taas ng energy.
"Huh? Nangyayari sa 'yo?"
Instead na sagutin niya 'yong tanong ko ay tinaas niya 'yong braso niya at may tinuro sa likuran namin. When we followed her hand I immediately shock at napatakip ng bibig. Bakit nandito agad siya nang ganitong ka-aga?
"Hmm.. Kaya pala napuyat." Rinig kong bulong ni Jess pero hindi ko na itong nagawang pansinin pa.
Nang dumako ang tingin ni Oliver sa amin ay kita rin sa mukha niya ang pagkagulat pero binawi rin niya dahil he suddenly smiled at me. Alam kong para sa akin 'yong ngiti na 'yon dahil sa akin lang siya nakatingin. Ayoko sana mag-assume kaso I can't control it. Lumapit siya sa amin, magsasalita na sana siya para batiin kami ngunit biglang nakisabat si Claire.
"Omg! Ang laki rin ng eyebags mo!" Hindi ko napansin kanina pero tama nga si Claire. Hindi rin ba siya nakatulog dahil sa nangyari kagabi kaya ang lusog din ng eyebags niya? No! Imposible, don't assume Jamilla. Hindi totoo 'yon.
"Hindi ako nakatulog eh." He take me a glance after he said that. Bakit kaya hindi rin siya nakatulog?
"Totoo?! Gosh. Claire, may nararamdaman akong kakaibang nangyari kagabi." Hinala naman ni Jess. Hays, ang galing talaga nila sa mga ganitong bagay. Natutuwa naman ako at hindi na siya nahihiya kay Oliver.
"Ako nga rin, eh. Naku! Kinikilig ako!"
"Tam—"
"'Di ba may ipapatuloy pa kayong project? Umalis na kayo kasi ilan minuto na lang ay mag-i-start na ng klase. Bahala kayo, umaandar ang oras." Shookt. Mabuti't pinutol ko ang sasabihin ni Oliver sa kanila dahil alam kong aaminin na niya, kapag sinabi niya 'yon ay baka hindi na nila ako tigilan para ikuwento kung anong nangyari, tsismosa pa naman ang mga ito.
"Hala! Tara na baka mainis na si Aivin." Bago sila tuluyan umalis may paiwan sabi pa itong si Claire. "Hindi pa tayo tapos, Jamilla!"
-
Sabay kaming naglalakad ni Oliver ngayon papunta sa room namin, tahimik lang kaming naglalakad ngunit bigla niya rin itong binasag.
"Ayos na ba ang bike mo?" Tanong niya sa akin.
"Yes, mas madali na siyang gamitin than before na mahirap i-preno." Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat ulit. "Salamat talaga ha."
"No problem, bawi ko sa 'yo 'yon." Ngumiti rin siya sa akin kaya naman tumingin ulit ako sa harapan namin. Gosh! Ito na naman 'yong pagngiti-ngiti niya.
-
Nang makarating kami sa room ay agad kaming umupo sa mga upuan namin. Kaming dalawa pa lang ang nandito kaya ang tahimik pa ng paligid, dagdag na rin na walang umiimik sa amin dalawa. Awkward naman.
"Hindi ka rin ba makatulog kagabi?" Tanong niya sa akin. Shoo! Siya lagi nagbibigay buhay ng atmosphere sa amin, eh.
"Yeah, actually I really really wanted to sleep, kaso hindi ko nagawa. Buwiset nga."
"Ako nga rin eh. I can't stop my mind to thinking about someone who completely made my day yesterday." Someone? Sino naman?
"Who's that someone?"
Ngumiti siya sa akin sabay gulo ng buhok ko. "Mabuti talaga at slow ka." Sinuot niya 'yong earphone niya at mariin pumikit.
Sino kaya 'yong someone na 'yon? Imposible naman na ako 'yon kasi.. Wait? 'Di ba ako 'yong huling kasama niya kagabi? OMG! Ako ba 'yon? No! Pero baka nga ako 'yon, kaso anong dahilan?
-
Hays, mabuti naman at Sabado na ngayon. Walang stress dahil walang project or assignment na gagawin. Yes! Maghapon lang ako dito sa bahay. Aaksayahin ko ang oras ko ngayon sa pagbabake ng cookies.
Nasapo ko ang noo ko nang makitang wala ng laman 'yong garapon ko ng chocolate chips. Jusko, inubos na naman yata ng kumag kong kuya. Pinapak na naman yata. Imposible naman na ako ang umubos nito kasi the last time when I baked is no'n gumawa ako ng banana bread at wala pa sa kalahati ng garapon ang nabawas kong chocolate chips. Nakakabwiset, inubos ni Kuya pero hindi manlang pinalitan.
"Si Kuya talaga." Umiling-iling ako at pumunta sa kwarto ko para kumuha ng pambili. May convenience store sa tapat ng subdivision namin at halos ng kailangan ko ay meron sila.
"Ma! Bibili lang po ako sa labas." Paalam ko kay Mama, hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil nagsimula na akong maglakad palabas ng bahay namin.
-
Nang paglabas ko ng convenience store ay napahinga ako nang maluwag. Mabuti't meron pa silang available na chocholate chips, kasi kanina akala ko'y wala na, wala na kasi akong makitang mga balot-balot nito but luckily may natirang isa. Abot tenga tuloy ang ngiti ko ngayon.
Dadaan na sana ako sa pedestrian lane pero may taong biglang humawak ng braso ko. Tumingin ako sa taong iyon at laking gulat ko na si... Tsk. I forgot his name pero siya 'yon binigyan ko ng banana bread.
"Ano ba!"
"Ito ka na naman, tinatarayan mo na naman ako." Sino ba naman hindi magtataray na bigla-bigla niya na lang hinahawakan ang braso ko. Gosh. Panira siya ng mood ko ngayon.
"Ano ba kasing kailangan mo, Mister?" Naka-cross arm kong tanong sa kanya.
"Nakalimutan mo po itong sukli mo." Nakangiti niyang saad sabay lahad ng palad niya sa akin na kung saan nandoon 'yong sukli ko. Hay naku. Bakit hindi ko hinintay 'yon sukli ko kanina pero kapag wala naman akong sukli, naghihintay naman akong may ibigay sa akin 'yon tindera?
"Ah thank you." Tinanggap ko naman ito at nagmadaling dumaan sa pedestrian lane. Bastos na kung bastos but he absolutely deserve it. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ko sa kanya kahit wala naman siyang masamang ginawa sa akin. Kasi actually, tanging ikinasama lang ng ulo ko sa kanya ay no'n nakahubad niyang binuksan 'yong main door ng bahay nila and other wise wala na siyang ginawang masama sa akin. Hindi naman ako nasugatan d'yan pero inis na agad ako sa kanya. Hays. Pati ako naguguluhan.
Saktong pagkapasok ko sa subdivision namin ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Jusko, wala kong dalang payong. Natataranta akong naghanap ng shed at mabuti't malapit lang ako sa guard house kaya doon agad ako pumunta para makisilong.
"Manong guard? May payong po kayo?"
"Pasensiya na iha, kaso wala eh."
Napakagat ako ng lower lip at bahagyang naiinis. Konting lakaran na lang eh, para makauwi ako kaso umulan pa. Huhu, ayoko naman takbuhin mula dito 'yong bahay namin dahil siguradong papagalitan ako ni Mama. Wala rin akong dalang phone para i-contact si Mama para kaunin na niya lang ako dito. Huhu.
"Huy! Iho. 'Di ba kabit-bahay mo lang 'to? Isabay mo na nga." Tumingin ako sa taong tinanungan ni Manong guard at laking gulat ko na si Ano pala, buti pa 'to may dalang payong.
"Opo, sige po." Nakangiti niyang tugon. "Let's go." Bahagya siyang lumapit sa akin at ningitian ako nang may halong pang-aasar. Timing naman eh, bakit kasi umulan pa. Nakakabwiset. "But wait? In one condition."
"Ano?"
"'Wag mo na akong tatarayan ha? Please?"
"Uhm.. Okay, tara na." No choice ako kung hindi pumayag sa kagustuhan niya, hello? If I wouldn't agree with it, alam kong hindi niya na akong papasabayin. Mukhang hanggang mamayang hapon pa naman itong ulan na 'to.
"Promise?" Ang kulit din ng lahi nito eh.
"Oo." Peke ko siya ningitian. Makuha siya sa ngiti ko para makuwi na ako.
"Tara na." Sumukob ako sa kanya kaya nagsimula na kaming maglakad. "Ako nga pala si Prince."
Huh? Napatigil ako kaya naramdaman kong tumigil din siya. Anong ginagawa niya? Alam kong sinabi na niya sa akin 'yong name niya kahit nakalimutan ko na pero hindi na naman kailangan mag-introduce pa ulit eh.
"Huh? Ba't ka nagpapakila?" Deretso akong tumingin sa kanya at nagtanong.
"When the first time we met, ang pangit ng first impression mo sa akin kaya natarayan mo 'ko agad but now I want to change it since nag-promise ka naman sa akin na hindi mo na ako tatarayan." Pagpapaliwanag niya. "Uhm.. Ano nga pala name mo? Miss?"
Hindi ko mapigilan hindi mapangiti dahil sa inaarte niya ngayon. Weird.
"Ako po si Jamilla." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Unique name. Hehe. Ilan taon ka na ba?"
"16." Ipinagpatuloy na muli namin ang paglalakad. Mas lalong lumalakas ang ulan kaya medyo nababasa na rin 'yong binti ko. "Ikaw ba?"
"17-year-old. Actually, grade 11 na ako."
Nasa Park na kami kaya medyo malapit-lapit na rin 'yong bahay namin.
"Alam mo, mag-isa lang ako sa bahay ko. Meron akong mga magulang pero wala akong sariling pamilya na buo kasi nag-divorce na sila last month, hindi ko alam na may bagong pamilya na pala si Mama at gano'n din si Papa. Nakakalungkot lang isipin na itinago nila 'yon sa akin for almost 5 years. Only child lang kasi ko, eh. Then, no'n April nagbukingan nga na may mga bagong sariling pamilya na pala sila. As for me, sobrang sakit, siyempre nagmumukha akong mangmang kasi wala akong kaalam-alam na may mga sekreto na pala silang tinatago sa isa't isa at sa akin din. Until they decided na gawin akong independent kaya itinira nila ako dito even I don't have enough knowledge to become an independent person." Bahagya akong tumingin sa kanya para makita ang mukha niya. Kita ko ang mamumuo niyang luha na malapit nang bumagsak mula sa nga mata niya. Pero, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya i-open up sa akin 'yan. "S-sorry, napakwent—"
"No, tuloy mo lang." Nakangiti kong saad sa kanya.
"Uhm.. Sige. Sabi nila sa akin, if I needed something or should I say, if I needed money ay sabihin ko lang daw sa kanila. Actually, ayoko ng pera, gusto ko mabuo muli 'yong pamilya namin, kaso alam kong never nang mangyayari. Minsan nga sumagi na rin sa isipan ko na bakit kailangan ko pang mamuhay sa mundong ito, kung mamumuhay lang din pala ako nang mag-isa." I felt him. Minsan na kaming iniwan ni Papa at katulad ni Prince ay may tinatago rin itong bagong pamilya. Kung para sa akin ay sobrang sakit ng ginawa ni Papa sa amin, ano pa kaya 'yong nararamdaman niya na parehong mga magulang niya ay may mga sariling pamilya na? Sa akin isa lang, sa kanya dalawa.
"'Wag mong hahayaan na kainin ka ng negative thoughts mo. Prince, may rason kung bakit ka nabubuhay. Hindi man sa pamilya mo makukuha ito, maraming bagay sa mundo na maaring iyon ang maging tunay na rason. And don't think na mag-isa ka lang. Kahit nag-devorce na ang mga magulang mo ay alam kong mahal ka pa rin nila and they are still in your side para tulungan ka. Besides, I can be your friend for not letting you feel alone. And I have a lot of friends na siguradong maiibalik namin 'yan saya mo." Nakangiti kong saad. "Just always give your mind a positive thoughts and don't let negative thoughts seize it."
"Thank you."
I slowly feel confortable with him. Mali pala no'n ginawa ko sa kanya before na tinarayan ko agad siya. Natuwa naman ako na nag-open up siya sa akin about his life kasi para sa akin ibig sabinin no'n ay may tiwala siya sa akin.
Nang mkarating kami sa bahay ko ay nagpaalam na siya sa akin ngunit no'ng papasok na ako sa loob ay tinawag niya muli ako. May nakalimutan ba siya?
"Uhm.. Sabi mo kanina na pwede kitang maging kaibigan? So, may I?"
"Of course." Nakangiti kong sagot. This time, totoo na ang ngiti na binigay ko sa kaniya, hindi katulad kanina na peke lang.