Chapter 22: Unexpected Night
Guess what? I've been trying to sleep so early but my soul still awake. Halos lahat siguro ng pwesto ay nagawa ko na pero hindi pa rin ako makatulog. Jusko. May pasok pa ako bukas.
Actually, wala naman akong inaalala or ini-imagine ngayon. Sadyang ayaw lang talaga ako patulugin ng diwa ko. Kung kailan hindi na magulo ang utak ko saka naman ako hindi makatulog. Bwiset e!
Maya-maya nagulat ako nang bigla na lang tumunog 'yong phone ko. Sino naman tatawag ng gan'tong oras? Gosh, gan'to 'yon mga napapanonod ko, may tatawag at tatakutin ka, then murder pala 'yon. Over acting Jamilla. Erase.
My forehead immediately pucker when I saw the printed name at the screen. Tumatawag si Mokong. Anong kailangan ng taong 'to? Gabing-gabi na ah.
"Hello?" Walang gana kong tanong.
"Still awake?"
"Obviously. Bakit?"
"Punta ka rito sa Park niyo."
"Hoy! Mokong. Tingnan mo kung anong oras, almost 1 Am na tapos papapuntahin mo pa ako d'yan? Nek-nek mo!" Wala ba siyang relo at hindi aware na madaling araw na? Delikado na at hindi ako papayagan ni mama lumabas. Hello? Nakakatakot kaya sa labas, lalo na't ang lalayo ng agwat ng mga poste ng ilaw dito.
"Bahala ka, pagsisisihan mo kung bakit hindi ka pumunta rito."
"Bakit ba?!"
"May mga importante rito."
"Huh? Importante?"
"Ewan, bye!"
Mokong 'to. Nakakabwiset.
-
Kahit labag sa kalooban ko, sinubukan ko pa rin siyang puntahan. Nakakakonsenya naman 'pag hindi manlang ako sumulpot. Kawawa naman siya, nag-effort siyang pumunta dito kahit gabi na. T'saka in the other side, hindi naman siya pupunta nang gan'tong oras kung hindi talaga importante.
Nagsuot ako ng jacket dahil alam kong malamig sa labas at idagdag na rin na manipis lang 'tong suot ko.
Nag-ala-ninja ako palabas ng bahay namin, I didn't tell to my mother or brother about this 'cause I know they won't allowed me. Mabuting masarap ang tulog nila dahil naririnig ko pa si kuya na humihilik.
Nang makalabas ako ng bahay ay nakahinga ako nang maluwag. First time ko lang 'to gagawin Oliver, pasalamat ka may konsensya ako ngayon.
"'Pag talaga ako napahamak dito sa gimik mo, lagot ka talaga sa akin Oliver." Bulong-bulong ko pa sa akin sarili. Kahit naka-jacket ako ay ramdam ko pa rin 'yong lamig ng simoy ng hangin dito sa labas.
Nang makarating ako sa parke ay tahimik lang at walang tao o anino manlang. Pinapunta niya 'ko rito tapos wala naman pala siya. Talk sh*t.
Pero baka nga nandito 'yon si Mokong, kaso paano ko siya mahahanap? Eh hindi ko siya ma-co-contact kasi iniwan ko sa bahay 'yong phone ko.
"Oliver naman. Nasaan ka ba?"
Tumingin-tingin pa 'ko sa paligid. Pumunta ako sa labasan ng subdivision namin, baka naisipan na niyang umuwi kasi akala niya'y hindi ako darating. Hindi nga 'ko nagkamali dahil meron akong nakitang lalaki na naka-hood habang naglalakad papalayo.
"Oliver!"
Tumigil siya sa paglalakad and after 3-5 seconds he turned around at my direction. Kita sa mukha niya ang pagkagulat at ano.. ewan... Saya? Kilig? Don't assume, Jamilla.
"Akala ko ayaw mong pumunta rito but you came." Ngiti lang ibinigay ko sa kanya. Naglakad siya papalapit sa akin.
I accidentally take a glace on what he was carrying of. Wait? Totoo ba 'to? Kaya ba niya pinapapunta rito dahil do'n? OMG! He's correct, importante nga.
Kaagad ako tumakbo papalapit sa bike ko. Yes! Dala-dala niya 'yon bike ko. Alam kong akin ito dahil alam ko 'yong itsura no'n.
"How did you find it? Thank you, Oliver! Super thank you!" Masaya kong pasasalamat sa kanya habang nakadikit rito ang mukha ko at bahagyang hinihimas-himas. I can't believe this.
"You're always welcome. Basta ikaw."
"Pero paano mo nga nahanap?" Hindi muna niya 'ko sinagot, sa halip ay niyaya niya 'kong bumalik sa Park para do'n niya na lang daw sasagutin 'yon tanong ko.
Umupo kami sa isang bench at pinarada ko 'yong bisikleta ko sa harapan namin. Saya ang nangingibabaw sa akin ngayon.
"No'n uwian natin last monday, hindi ako nagdalawang isip na pumunta agad sa McDo kung saan ka bumili ng fries at kung saan nawala 'yon bike mo. I asked one of their guard if they noticed a beautiful girl na nanakawan ng bike and they sai-"
"B-beautiful girl?"
Ngumiti siya sa akin at bahagyang umiling-iling. That was the first time he called me a beautiful girl so accidentally, napatanong ako sa kanya. Jusko, ayokong kiligin or mainis kapag sinagot niya 'yon tanong ko, kasi naman bakit ko natanong 'yon? Dapat hinayaan ko na lang siya magkuwento.
"Hmm.. Actually, since na nandito na naman tayo, do you want to know what is my first impression on you when we met at MOA?"
"'Wag na, alam kong sasabihan mo 'ko ng pangit, hindi kagandahan, mukhang tigre at ano-ano pa ng may connect sa itsura ko."
"That's actually the opposites. I lied on you."
"Huh?" Anong pinagsasabi ng taong 'to?
"Sa McDo no'n nasa MOA tayo, kaya gusto kong tumabi sa 'yo that time kasi ikaw ang unang napukaw ng mga mata ko. A simple girl who praying for God, that's what I liked. Yes, alam kong nagdarasal ka pero sabi ko sa 'yo hindi 'di ba? Kasi para lang mapansin mo 'ko, kahit medyo bastos." Tumigil muna siya sa pagsasalita. Anong 'medyo'? Bastos ka talaga. "Nagulat nga ako kasi reader pala kita, I admit na nainis ako nang tinakbuhan mo 'ko nang malaman mo na ako 'yong author na binabasa mong libro, pero hindi mo alam na sinundan kita at hinintay hanggang makalabas sa Italian Resto, kung saan ka nagtago." Tama nga 'yon sinabi ni Jess na sinusundan niya kami. Pero bakit?
Hindi na ako nagtanong sa kanya kung bakit dahil hinayaan ko na lang siya na ipagpatuloy 'yong pagkukuwento niya. "Sa totoo lang, gusto pa sana kita sundan no'ng naabutan ka nang cut-off kaso I really need to go inside the venue for my booksigning, tapos ayun no'n turn na ng mga kaibigan mo, tatlong libro 'yong pinapirma nila sa akin, hanggang sinabi na nila name mo kahit hindi ko naman tinatanong. Actually, name lang talaga alam ko sa 'yo before, kaya agad ko 'yon sinearch sa Facebook no'n pag-uwi ko, hanggang gotcha nakita kita kaya sinundan kita sa school na pinapasukan mo tapos ayun, tuloy-tuloy na." Deretso lang siya nakatingin sa kung saan. Nag-co-confess ba siya sa akin? Bakit? Anong nakain nito? Hindi naman niya kailangan sabihin pa 'yon.
"I though you'll going to tell me about your first expression for me. But what are you doing? Confession?"
"Hala. Sorry ang dami ko na nasabi, it just supposed to be na 'yong nangyari lang sa loob ng McDo. Hmm. Pero ito na 'yong tunay na sagot, even you didn't put some of make-up during that time ay nagandahan pa rin ako sa 'yo. You're are so simple yet super pretty in my eyes. Hmm.. sa totoo lang, hanggang ngayon pa rin naman." I literally shocks, kasabay ng pagbukas din ng bibig ko. No, no. Hindi ako kinikilig, pero pakiraman ko ay ang bilis ng tibok ng puso ko. No! Ayoko! Tigilan mo na 'yan sinasabi mo Oliver, baka hindi ko kayanin. Hindi ko naman inaasahan na ganyan pala ka-ganda 'yong sasabihin mo sa akin.
Tumingin ako sa kanya habang gulat na gulat pa rin ang mukha ko pero siya'y deretso pa rin nakatingin sa harapan niya. Ikaw ang unang nagsabi sa akin ng hindi ako maganda kaya sa 'yo ako unang nainis kahit ang babaw lang no'n, pero bakit ngayon, hindi naman ikaw ang unang nasabi sa akin ng 'simple yet pretty' pero bakit hindi mapakali 'yong nasa loob ko? Hay naku.
"Tumigil ka nga. Para kang sira." Sabi ko sabay hataw sa braso niya nang pabiro. Ayokong mahalata niya na naapektuhan ako sa sinabi niya.
"Kilig ka naman?" Inaasar niya pa 'ko. Bigla siyang tumingin sa akin kaya binaling ko agad ang tingin ko sa iba. Mahuli pa niya 'ko, isipin niya pa na pinagnanasahan ko siya.
"Ano ba! Hindi. No! Dapat ba? Alam kong hindi naman totoo 'yan."
"Mukha bang nagloloko 'tong mukha ko?" Anong ka-dramahan 'yan? Bahala siya. "Look at me." Saad niya at bahagyang hinawakan ang magkabilang parte ng pisngi ko para iharap sa kanya pero dahil ako si Jamilla, hindi ko hahayaan.
"Bitawan mo nga pisngi ko! Kung pinagpapatuloy mo kaya 'yon kwento na kung paano mo nahanap 'tong bike ko." Tinanggal ko 'yon kamay niya sa akin.
"Ay, oo nga pala. Ikaw kasi, nag-react pa sa Beautiful Girl na sabi ko." Nag-react lang ako pero hindi ibig sabihin no'n ay gusto ko nang marinig 'yong Point Of View mo.
"Whatever. Continue na. Dali! Gusto ko nang umuwi." Kahit hindi totoo na gusto ko nang umuwi ay sinabi ko pa rin, I just want to change our topic, baka bigla niyang mahalata na guilty ako.
"Asa'n na ba 'ko kanina? Ah.. 'Yon! Nang sinagot no'n guard na meron nga raw nanakawan ng bike ay agad akong nagtanong kung ano ang maiitulong ko, pinapanood nila sa akin 'yon Video ng Cctv Camera. Sabi nila, may naghahanap na raw na tatlong pulis. Alam mo, they asked me kung kaano-ano raw kita, sabi ko friend mo lang ako." Bahagya siyang ngumiti at pinagpatuloy ang pagkukwento. Luh. Anong kangiti-ngit do'n? "No'n una ayaw nilang maniwala na friend lang talaga kita kasi akala raw nila ay Girlfriend kita. No'n paalis na ako sa McDo ay humingi ako ng favor kung maari ako na lang ang tawagan nila, 'wag na lang ikaw." Girlfriend niya ko? Ew.
"Bakit naman?"
"Look at your bike and you'll know the answer. Gusto ko lang bumawi sa 'yo." Tulad nang sabi niya ay tumingin ako sa bike ko. Sa una, hindi ko maintindihan kung anong meron, hanggang napansin kong iba na 'yong gulong at mukhang bago na, pati 'yong kulay nito ay mas tuminkad na. Maraming pang sira 'yong bike ko dati pero ngayon ay nagmumukha na siyang bago, kahit gano'n ay hindi pa rin nawawala 'yon tunay nitong itsura.
"Are you serious? OMG! Thank you na talaga Oliver!" Tinakpan ko 'yong bibig ko gamit 'yong mga kamay ko dahil sa gulat. Ngumiti lang siya sa akin bilang bawi sa pasasalamat ko.
"1:30 Am na pala. Befo-"
"Wait!? Bakit gan'tong oras mo naisipan ibigay sa akin 'to? I mean pwede naman bukas. Bakit ngayon?" Isa pa 'to sa gumugulo ng isipan ko kanina pa pero ngayon ko lang gustong itanong sa kanya.
"I want this night to be memorable for me with you." Pinagsisihan ko kung bakit nagtanong pa ako sa kanya, dahil e to na naman 'yong loob-loob ko, nagwawala ulit. Ano ba!! Tumigil ka nga, si Oliver lang 'yan.
"Ah.. okay? Hm.. ipagpatuloy mo na lang ulit 'yong sasabihin mo."
"Before I bring you back at your home, ibibigay ko na sa 'yo itong bagay na gustong-gusto mong makuha mula sa akin." Tumayo siya at may kinuha sa bulsa niya. Paglabas niya no'n bagay na tinutukoy niya ay agad akong napangiti. "Here, ito na 'yong panyo mo kaya ibig sabihin tapos na ang one week na pagiging slave mo sa akin. Thank you."
"Thank you too." Inabot niya sa akin 'yong panyo ko kaya agad ko naman ito tinanggap at inilagay sa bulsa ng jacket ko. May mga bagay na nawala sa akin nang panandalian dahil sa kagagawan niya pero ngayon unti-unti niya binabalik 'yon.
"Okay, tara na. Ihahatid na kita." Inilahad niya sa akin 'yong kamay niya kaya walang alinglangan ko naman ito kinapitan. Nang makatayo na ako ay agad kong binitawan iyon, nakita ko siyang nagulat sa ginawa ko pero nagkunwari ako na wala lang 'yon sa akin.
"'Wag mo na akong ihatid, mag-bi-bisikleta na lang ako pauwi."
"Ayoko, ihahatid kita."
"Ang kulit mo naman, kaya ko ang sarili ko."
"Eh ano naman? Tara na." Nagsimula na siyang maglakad, kaya no choice akong sumunod na lang sa kanya. Nakakabwiset naman.
Nang makarating na kami sa harap ng bahay namin ay agad kong pinarada 'yong bike ko sa kung saan talaga siya nakalagay. Huhu, two days din siyang hindi natulog dito.
"Bye! Good night."
"Tunay 'yan?" Bigla kong tanong sa kanya, ang ganda kasi no'n kwintas niya, mukhang dyamante na bato, then color white. Simple but attractive.
"Huh? Alin?"
"'Yong kwintas mo."
"Ah ito. Oo tunay 'to, ang mahal nga ng bili ko rito pero hindi ko naman pinagsisihan."
"Magkano?"
"Ayokong sabihin 'yon tunay na price, pero 5 digits. At dahil dalawa 'yong binili ko. Let say na umabot siya ng 6 digits." Napanganga ako sa sinabi niya. Sino naman bibili nang gano'n kamahal? Para lang gawin kwintas. Pwede na nga niya gamitin 'yon pera para ipagpagawa ng bahay eh. Ang liit-liit pero ang mahal.
"Bakit dalawa binili mo?"
"Gusto kong ibigay sa taong binubuhay ulit 'yong kasiyahan ko. Actually, kanina nasa akin pa, pero ngayon ay naibigay ko na sa kanya." Luh. Sayang, hihingiin ko pa naman sana sa kanya. Joke. Ang swerte naman no'n taong binigyan niya no'n. Nakakaselos. Ano? Hindi ako nagseselos 'no. No.
"Kanino? Anong name?" Tsismosa na kung tsismosa, hindi ko lang talaga mapigilan 'yong sarili ko.
"You will get your answer soon."
"Ano ba 'yan."
"Sige na, bye na. Matulog ka nang mahimbing, may pasok pa bukas." Sa tingin ba niya ay makakatulog ako ngayon gabi kung puro kilig ang ibinigay niya sa akin ngayon?
-
Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad kong nilagay sa isang box 'yong panyo ko. Hindi ko na siya dadalhin everytime na aalis ako, baka mawala na naman.
Agad kong tinapon ang sarili ko sa kama at tinaklupan ng unan ang mukha ko.
"Noooo! This is can't be. This is really can't be. Ba't ganito 'yon nasa loob-loob ko?" Mangiyak-ngiyak kong saad. Hindi talaga. Ayoko talaga.
Sinungaling na ba ako 'pag sinabihan ko 'yong sarili ko na hindi ako kinikilig? Natutuwa? Napapangiti kapag ngumingiti rin siya? Kung gano'n, siguro nga, sinungaling nga ako sa nararamdaman ko.