webnovel

Bintang (Accused)

The world is so unfair. Ito na ang kaniyang naging paniniwala simula noon. Hindi totoo ang tinatawag na patas. Alin lang sa dalawa, manglalamang ka o malalamangan ka. Mang-aapi ka o magpapaapi ka. Mananaig ka o magpapadaig ka. Sa lahat ng ito, isa lang ang kaniyang pinaninindigan… hinding- hindi na siya ang lalabas na kaawa-awa katulad noon kundi siya na ang hihingan ng awa.

constancia_23 · Realista
Classificações insuficientes
28 Chs

In a Relationship, Seriously?

He insist to fetch Mady in her place. It so happen that when they meet at the hotel the girl rides a Grab car to get there. Coding kasi ang kotse nito kayat hindi na nito nagamit. Mabuti na lamang at dinala niya ang sariling sasakyan. Hindi naman ito tumanggi ng magprisinta siyang ihatid ito pauwi. Sa isang subdivision sa Taguig ang bahay nito. Seemingly, dahil single pa din ang dalaga, she still lives with her parents. Bagaman medyo malayo sa kaniyang inuuwian sa Mandaluyong ay hindi siya nag-atubiling gawin ito sapagkat nais niyang maramdaman ng babae na sinsero siya sa panunuyo rito. It was a pretty good move dahil napapayag niya ito. Na ibig lang sabihin, lubusan na niyang nakuha ang tiwala nito. Isang paraan upang maituloy niya ang iba pang nais niyang gawin dito. Yes they are officially dating.

"Are you really sure with this?" tanong ni Mady. "Gagabihin ka na masyado pag- uwi."

Managable naman na ang traffic sa mga oras na iyon. Bagaman mag- iisang oras na siyang nagmamaneho, malapit- lapit naman na sila sa area ng Taguig City.

"Okay lang. Mas hindi ako mapapanatag kung hindi ako ang maghahatid sa'yo." sagot niya. " just wanna make sure that you'll arrive safely...."

Sumulyap siya sa passenger seat habang nagmamaneho pagkasabi nito. Kitang- kita niya ang pinong pagngiti nito. Tanda na kinilig na naman ito sa sinabi niya. Mahigit apat na buwan pa lamang ang nakalilipas simula ng makilala niya ito pero huling- huli na niya ang kiliti nito. Malayung- malayo ito sa ibang mga babaeng nakasama niya na napakahirap maintindihan ng mga ugali. This one seems so simple.

"Saka parang nakakahiya naman na nilibre mo na nga ako sa dinner tapos hahayaan lang kitang umuwi ng mag- isa." dagdag niya. "Nasaan naman ang konsensiya ko n'un."

"Hahahaha." tugon nito. " May gan'un, ano ka ba, wala 'yon ano? You we're the one who pay the bill on our first date so now it's my turn. It's not a rule that a man should always pay."

Nagkibit- balikat siya sa sinabi nito. Napaka unconventional nito kung mag-isip, sa loob- loob niya.

"I thank you for giving me a ride back home though…"

Nginitian niya ang babae.

Kung tutuusin, walang- wala ang pinagbayaran niya noong una silang magdinner sa pinagbayaran nito ngayon. Umabot ng almost four thousand ang bill nila sa mga menus na sa sobrang haba ng pangalan ay parang bumibigkas ng isang toungue twister na phrase. Sa sobrang elaborate ng dish ay hindi na halos malasahan ang natural na lasa ng pagkain. The herbs and spices are overpowering that it makes the food taste a little bit bland but with a little bit sharpness. Sa madaling salita hindi na niya maintindihan ang lasa. But the champagne is very good he would say. It was the best one he had ever gulped.

Gayunpaman, masasabi niyang cozy ang lugar. Mabuti na lamang at bumagay naman ang kaniyang naging porma sa kanilang date. Dahil hindi siya masyadong sigurado, nagsuot siya ng isang printed shirt underneath a black vest. Tinernohan niya ito ng isang black cropped pants. Kaya naging parang semi-formal na rin ang kaniyang dating. Samantalang ang kaniyang kasama ay talaga namang parang prepared na prepared sa okasyon. Naka- little black dress ito na bumagay naman sa lumiit na nitong katawan. The funky chelsea boots she wears accentuate her looks. Ngunit ang talagang napansin niya ay ang ayos nito. Naka side- swept ang buhok nito at naka make-up na para bang it was done by a professional make up artist. Hindi malayong isiping nanggaling ito sa isang prestihiyosong salon. She looks pretty and he can't deny it. Ibang- iba na ang hitsura nito after more than four month. Kung noon ay double- chinned ito, ngayon ay parang nabanat ang mukha nito bunga ng pagbaba ng timbang.

"Please turn right…" biglang imik ng katabi niya.

Ito na pala ang entrada ng subdivision. Guarded ang subdivision. Pagtapat sa guard house ay napatigil si Francis ng ibinaba ng guwardiya ang barrier sa gate ng subdivision at saka lumapit ito sa kaniya. Ibinaba niya ang salamin sa kaniyang gilid.

"Sir, good evening," bati nito sa kaniya. " Saan po ang punta nila?"

"Kuya, ihahatid lang niya ako diyan sa Ibarra St." biglang sabi ni Mady.

Medyo yumuko ang security upang maaninaw kung sino ang nagsalita at ng makita nito ang babae ay humingi ito ng paumanhin.

"Ay si Ma'am Madison pala. Pasensya na ma'am. " sabi nito. "Okay po, ma'am. Sige sir, salamat po."

Natataranta itong inangat ang barrier sa entrance saka niya muling pinaandar ang sasakyan. Ekslusibo ang subdibisyon na kaniyang pinasok. Kaya nga hindi na siya nagtaka na sa bawat bahay na nadadaanan nila ay tila malapalasyo ang mga laki. Hindi rin matatawaran ang ganda ng mga istruktura. Sadya ngang mayaman ang babaeng lulan ng kaniyang sasakyan ngayon. Ngunit hindi niya ito kinakitaan ng anumang yabang sa pakikitungo sa kaniya. Humble itong magsalita at hindi rin naman maangas kung kumilos.

"Now turn left, Benj …" wika muli nito sa kaniya.

"Are your parents still awake at this moment?" tanong niya. "Nakakahiya naman na magising pa sila kung nagpapahinga na."

Tinanong niya ito sapagkat nais niyang makasiguro na hindi na siya yayayain pa nitong pumasok sa loob ng bahay at saka ipakilala sa mga magulang nito. Ayaw niyang makaharap ang mga ito saka tanungin siya ng kung anu- ano. He is not into this girl. This is just a plain kind of flirting.

"No, I'ved texted Manang Yolly already, siya ang magbubukas ng gate…"

"Ahhh, okay." sabi niya. "May aso ba kayo? Paki-usap sabihin mo naman sa kasambahay n'yo itali muna…"

" Hahaha, may aso kami, dalawang german shepherd pero don't you worry nasa mga cages naman sila."

"That's good to hear because I got bitten by a dog before and I'm not letting it happen again,.."

"Bakit, konti lang naman ang kagat nila ah, hindi naman malaki..." biro nito sa kaniya.

"Thanks but no thanks…" sagot niya sa nakatawang babae.

"Okay,…" maya- maya pa'y sabi nito. "Nandito na tayo. Yan ang bahay namin, ihinto mo sa puting gate…

Itinigil niya ang kotse sa harap ng isang two-storey na bahay. Nang makababa ng sasakyan ay tumambad sa kaniya ang modern at napakalaking kabuuan nito. Makabago ang disenyo na binagayan din ng nakabibighaning landscape sa frontyard.

"Well, would you mind to come in?" tanong ng babae sa kaniya.

Hindi siya agad nakasagot dala ng labis na paghanga sa ganda ng bahay nito.

"No. I think some other time. Masyado ng late. I know you still have to work tomorrow at ayokong pumasok ka ng puyat." nakangiti niyang tugon rito.

Ngumiti rin ito sa kaniya. Alam niyang naramdaman nito ang concern niya. Gusto niyang laging ipadama rito na napaka-importante nito sa kaniya. Isa lamang pagpapanggap ngunit ginagampanan niya ng ubod ng galing.

Biglang bumukas ang tarangkahan ng gate saka sumungaw ang isang kasambahay.

"Good evening, Ma'am Mady." bati nito sa babae.

"Salamat, Manang Yolly, sige po ako na lang po ang magsasara." sagot naman nito.

Bagaman nasulyapan siya ng kasambahay ay hindi na ito nagtanong pa sa amo kung sino siya. Tumalikod na ito at naiwan silang dalawa na nasa labas pa rin ng bahay.

"Salamat sa paghatid…" sabi nito sa kaniya.

"Walang anuman…" sagot niya rito. "Goodnight, Mady."

Ngumiti muna ito sa kaniya bago muling nagsalita. "Goodnight, Benjie…"

Tatalikuran na sana niya ang babae ngunit tila nag-aalangan siya at hindi pa ito pumapasok ng gate. Nakatingin lamang ito sa kaniya habang patuloy silang magkaharap na dalawa. Wari bang may hinihintay pa itong ibang bagay bukod sa pagpapaalam niya. Tinitigan niya ito samantalang nakatitig din ito sa kaniya. Wala mang salitang namutawi sa kanilang mga labi ay alam niyang iisa lamang ang nasa kanilang mga isip. Sa pagkakataong ito'y hindi na siya nag- atubiling gawaran ito ng isang banayad na halik sa labi. Isa lamang sanang mabilis na halik ngunit hindi niya inaasahang tutugunin nito ang kaniyang halik. Ang sana'y dait lamang ng kanilang mga labi ay unti- unting bumilang ng segundo. Dumilat siya para lamang makitang nakapikit ang babae habang hinahalikan niya ito na tila ba tuluyan na itong nagpaubaya. Alam niyang tuluyan na itong bumigay sa kaniyang patibong. Ngunit hindi niya ito sasamantalahin. Patuloy siyang nagpakita ng respeto at paggalang sapagkat ayaw niyang isipin nito na nagtatake advantage siya. Nang magbitiw ang kanilang mga labi ay muling nagtagpo ang kanilang mga mata.

"Mady, that was, that kiss was, awesome…" mahina niyang imik.

"You are a good kisser, Benj,.." sabi naman nito.

'I know, right. Dalawa na ang namatay dahil sa halik na 'yan, Mady…'

"But honestly, I'm sorry, hindi ko dapat ginawa 'yon pero hindi ko napigilan-" sagot niya sa naging komento nito sa paghalik niya.

"It's okay. I enjoyed it naman."

Ngiti ang naging tugon niya rito. Halik pa lamang ay nabighani na agad ang babaeng ito sa kaniya. Papaano pa kaya kung palasapin niya pa ito ng mga romansang ginagawa niya sa ibang babae. Marahil ay tuluyan na itong mahihibang sa kaniya.

"You know what, I think I better go…" muli niyang paalam rito.

"Can I tell you something?" sabi nitong nakatingin sa kaniya.

"Yeah, what is it?"

"I like you, Benjie…"

Bagaman medyo nabigla siya sa sinabi nito ay hindi na rin siya nagtaka na sa babae unang manggagaling ang mga katagang iyon bago sa kaniya. Wala ng duda na hooked na niya ito. Nalapitan niya ito saka muling siniil ng halik. Muli itong nagpaubaya habang bahagya ng nakayakap sa kaniya. Ginantihan din niya ito ng pagyakap bago kumawala sa mga labi nitong tila nakukulangan pa sa kaniyang ginawa. Ito naman ang gusto niyang mangyari ang lagi itong bitinin upang lalo itong manabik sa kaniya.

"I like you too, Mady." anas niya rito. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayong gabi…"

Bahagyang humilig ang babae sa kaniyang dibdib. Damang- dama niya ang saya nito sa kaniyang sinabi. Ngayon ay batid niyang hawak na niya sa leeg ang babae at simula sa mga oras na ito, susunod ito sa bawat niyang sabihin… sa bawat niyang ipagagawa rito. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay ito rin ang nasasaisip ng babae.

'Now you are under my control, Benjie…' nasabi nito sa sarili. Inakalang tumalab ang kaniyang pagpapakitang mabait siya rito. Paniwalang-paniwala ito na ang pinapakita sa kaniya ng lalaki ay walang bahid ng pagkukunwari. Na may pagtingin talaga ito sa kaniya na lingid sa kaniyang kaalaman ay tanging pagbabalat- kayo lamang ang lahat. Na ang lalaking yakap niya ngayon ay isang tupang nagtatago sa makapal na balahibo ng isang lobo.