webnovel

Bintang (Accused)

Realista
Concluído · 102K Modos de exibição
  • 28 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • NO.200+
    APOIO
Sinopse

The world is so unfair. Ito na ang kaniyang naging paniniwala simula noon. Hindi totoo ang tinatawag na patas. Alin lang sa dalawa, manglalamang ka o malalamangan ka. Mang-aapi ka o magpapaapi ka. Mananaig ka o magpapadaig ka. Sa lahat ng ito, isa lang ang kaniyang pinaninindigan… hinding- hindi na siya ang lalabas na kaawa-awa katulad noon kundi siya na ang hihingan ng awa.

Tags
3 tags
Chapter 1The Personal Trainer

#23 Don Ramon St., Brgy. Bel- Air, Makati City. Genesis Fitness Center. Isang receptionist ang mabubungaran sa pagpasok sa isang automatic door system bago pa makapasok sa loob mismo ng gym. Nahahati sa maraming section ang lugar. Mayroong silid na puno ng mga stationary bike na nakalaan para sa spinning class. Mayroon din namang kakikitaan ng mga nakahilerang gym equipment tulad ng treadmill, rower machine, bench press at iba pa. Samantalang sa isa pang maluwang na kuwarto ay makikita ang mga yoga mat at balance ball na para naman sa mga ilang nagsasagawa ng sikat na Pilates Exercise. Marami pang ibang amenities ang makikita sa loob tulad ng makabagong spa at sauna area. Moderno ang nasabing establisamento. Masasabing halos kumpleto ang serbisyong iniaalok nito sa mga customers.

Sa pagpasok sa isang bahagi nito ay makikita ang mga kliyenteng abala sa mga workout na kanilang ginagawa. Ang iba'y mag-isang nag-eehersisyo at may mangilan- ngilang ginagabayan ng kani- kanilang personal trainer. Kapansin- pansin ang mga trainer dito dahil sa suot na black dry-fit shirt na may logo ng nasabing gym. Isang motibasyon nga naman para sa isang naglalayong magkaroon ng maganda at malusog na pangangatawan ang pagkakaroon ng isang fitness coach na handang magturo sa tamang galaw upang mas maging epektibo ang mga ehersisyong ginagawa at upang maiwasan na rin ang anumang injuries.

Sa kanang bahagi ng gym ay matatagpuan ang dalawang lalaki sa tabi ng isang bench press. Nakatayo ang isang personnel ng gym na matamang nakatingin sa isang kliyenteng sinusubukang iangat ang isang nasa 80 pounds barbell.

" You're doing good,.." sabi ng trainer.

Nasabi nito ng matagumpay na maiangat ng lalaki ang barbell at maayos rin niya itong nailapat sa barbell rack.

Hindi malayo sa kinaroroonan ng mga ito ay matagpuan naman ang isang babaeng kliyente at isang lalaking trainer nito. Pawis- pawisan na ang mukha sa pag-tretreadmill ng nasabing babae. Bakas sa likod ng damit nito ang naipong pawis na bunga ng halos kalahating oras ng paglakad- takbo sa ibabaw ng nasabing equipment. Habang tila nag-susupervise naman sa kanya ang lalaking trainer.

" How fast can you go?!" sigaw ng lalaki. Na ang tinutukoy ang speed range sa treadmill.

" Eight,…?" sagot ng babae.

Tila hindi satisfied sa narinig ang trainer sa sagot ng babae.

" I repeat, how fast can you go?!" muling tanong nito.

" Ugh! Eight point five,..!" naiiritang sagot ng kausap.

" I can't hear you, I said how fast can you go?" mas lumakas pa ang naging pagtatanong nito.

" F--k! I can go nine!" gigil na sagot nito sa kanya.

Agad na isenet ng trainer sa nine ang speed ng treadmill. Matulin na ang naging andar nito. Matapos ang ilan pang minuto ay pinihit ng trainer ang treadmill upang bumagal mula sa pinakamataas na speed. Hanggang sa maya- maya pa'y ang bilis nito ay naging pang cool- down speed na lamang. Exhausted ang kliyenteng mabilis na nagtungo sa locker room ng gym pagkatapos. Nasa cardio exercise pa lamang sila ay tila suko na ito sa ginawa. Napansin naman siya ng kanyang trainer na agad namang sumunod sa gawi na kanyang pinuntahan. Habol ang hiningang umupo ang babae sa isang bench doon. Di nagtagal at bumulwag na din ang kanyang trainer sa loob. Tanging silang dalawa lamang ang naroon. Tila dismayado itong makita ang lalaki kayat tumayo at kinuha ang isang water bottle sa kaniyang gym bag saka uminom.

" You're doing great, Sam…" wika ng lalaki.

Hindi kumibo ang babae bagkus ay tinalikuran nito ang ang nagsalita at maka-dalawang beses na humakbang palayo habang unti- unting umiinom ng tubig.

Lumapit ang lalaki sa kanya.

" Whoa, whoa, wait, wait, do we have a problem?" wika ulit nito.

Bakas ang kalituhan sa mukha nito. Hindi niya malaman ang dahilan at parang biglang naging hindi maganda ang mood ng babae na kanina lamang ay kanyang minomonitor sa pag-tretreadmill.

Tinapunan muna siya nito ng tingin saka umirap.

" You're being harsh,…"sagot nito. " you're pushing me too hard,.."

Tila naunawaan naman ng lalaki ang tinuran ng kausap. Nilapitan niya ito at hinapit sa baywang ng bahagya.

" Come on baby, you know what I' m trying to do. We can't stick with the same routine, with the same speed, over and over again. I have explained it to you before. "

Hindi kumibo ang kausap nito. Sa halip ay muli itong bumalik sa bench at saka naupo. Sinundan naman siya ng lalaki.

" Look, I know how you feel. Pero para din naman iyon sa iyo… you know, if we do the same activity all the time-"

" Your body gets used to it, eventually, the adaptation of your body would result to burning fewer calories" pagpapatuloy nito sa sasabihin niya.

" Yes." tugon niya ng nakangiti at saka sinapo ng dalawang palad ang mukha ng kausap.

Hinagod- hagod nito ang nakapuyod na buhok ng babae na tila inaayos ang mangilan- ngilang hiblang hindi napasama sa pagkakapuyod at saka itinago sa likod ng mga tainga nito. Hindi mababanaag ang pagkukunwari sa kanyang mga gestures.

" You know how I care about you,.." dagdag nito. "I love you, you know that right?"

Tumango- tango ang babae. "Yeah, but please don't be so harsh on me, like…, like your screaming at me, ..."

" You know what's that for, I want to test you, to dare you, push you to the limits,.."

"Nah,.. you are treating me like your ordinary client.."

Hindi siya agad nakasagot sa sinabi nito. 'Well, who do you think you are…?'

Akmang tatayo ang babae kayat pinigilan niya ito. Hinawakan niya ito sa kamay at saka naupo sa tabi nito.

" Hey, okay, I'm sorry. I might have done it too far but-" sabi nito at saka sinapo ang noo na para bang nalilito. " okay, okay, how can I make this up to you, how 'bout dinner tonight?"

Tiningnan siya ng babae habang tila umaliwalas ang mukha sa narinig. Sinamantala naman niya ang pagkakataon, inakbayan niya ito at hindi naman ito tumanggi. Ibinaling niya ang mukha nito paharap sa kanya na para bang nais niya itong halikan na tinugunan naman nito ng isang pinong kurot sa kanyang tagiliran. Sinuklian niya ito ng isang pilyong bulong na nauwi sa mahinang pagtawa ng katabi. Kung anuman ang sinabi niya ay halatang kinilig ito.

" Eight o'clock. Nikkei (Japanese Fusion Restaurant). Be there." sabi nito at saka tumayo.

" Ughhh, that same place again?" tila may pagtangging tugon nito.

" Yeah, " sagot nito. "Why?"

Hindi na sumagot ang babae ngunit halata ang hindi pagsang-ayon nito sa kagustuhan niya.

Maya- maya pa'y tila may naulinigan siyang mga yabag. Hudyat na may paparating na mga tao sa locker room kayat agad niyang inaya ang babaeng lumabas upang maipagpatuloy ang mga kasunod pang workout. Natataranta siya na tila ba ayaw niyang may sinumang makakita sa kanilang dalawa na nag- uusap ng sarilinan.

" Come on Sam, cardio pa lang ang natapos natin, you have to continue." sabi niya rito.

"Mauna ka na. Naiihi ako. Susunod na lang ako." sagot nito.

Hindi na siya sumagot pa rito bagkus ay agad na siyang nagpasyang lumabas. Sa kanyang pagtulak sa pinto upang lumabas ay sabay namang nagbago ang anyo ng kanyang mukha. Kung kanina'y maaliwas at magiliw ang kanyang hitsura sa harap ng babae, sa kanyang pagtalikod ay napalitan ito ng matapang at mabagsik na wangis. Habang naglalakad sa hallway patungo sa gym ay naninigas ang kanyang mga panga, may galit sa kanyang mga mata at salubong ang kaniyang mga kilay.

' You idiot,…' bulong niya sa sarili. ' of course I have to be harsh on you because you are a bitch!'

Napalingon sa kanya ang dalawang babaeng kanyang nakasalubong na tila napansin ang kanyang pagsasalita ng mag-isa. Mabuti na lamang at hindi ng mga ito naulinigan ang kanyang mga inimik. Hindi niya tinapunan ang mga ito ng pansin. Ang kanyang focus ay nakatuon ngayon sa galit na bumabalot sa kanyang pagkatao. Halos may pagkuyom siya ng mga kamao habang gigil sa paglalakad.

' You haven't seen me being harsh enough… I'll show you how harsh I can be,..'

_______________o O o ____________

" Why do we always have to ride on Grab? Why can't you bring your own car? " usisa ni Samantha kay Benjie habang paakyat sila sa loob ng elevator upang magtungo sa kanilang kuwarto sa loob ng isang motel na kanilang napiling puntahan.

Kagagaling lamang nila sa isang japanese restaurant. Hindi naman kalayuan ang kanilang biniyahe patungo rito. Katulad ng kanilang nakagawian, sa tuwing sila ay lumalabas, nagtutungo sila sa mga lugar na tulad nito pagkatapos kumain. Mahigit isang taon na rin nang sila'y maging magkakilala. Ito'y sa pamamagitan ng pag- hire sa kaniya ng babae. Nag-member ito sa gym na kaniyang pinapasukan at nagrequest ng isang personnel para maging hands- on trainer. Nagampanan naman niya ng maayos ang pagiging fitness coach dito. Four times a week kung ito'y magpunta sa gym. Yamang madalas silang magkasama ng lalaki ay naging malapit sila sa isa't- isa hanggang sa mapaibig na nga ito sa kanya. He's sixteen years her junior pero hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy nila ang pagtatampisaw sa kasalanan sapagkat pamilyado na ang babae.

Hindi niya masisisi ang sarili. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa katulad niya. Bilang isang fitness coach, pinananatili niyang makisig ang kaniyang pangangatawan. Matangkad siya sa tindig na 5'10". Kayumanggi ang kanyang balat samantalang may pagka-latino naman ang kaniyang kaguwapuhan. Asset niya marahil ang chiseled jaws kung kayat may pagkakahawig siya sa mga bidang lalaki sa mga Mexican telenovela. Ang kanyang deep- set brown eyes ay inadornohan pa ng mga semi-full brows na bumagay naman sa kabuuan ng kanyang mukha. Ang maninipis na beard ang nagpa-enhance sa frame ng kaniyang mukha.

" Coding ko today, remember?" sagot niya. "Saka mas mabuti na ito,.. no hassle…"

" Ano?" tila hindi nito masyadong narinig ang huling tinuran ng lalaki.

" Nothing…" sagot niya habang nakangiting nakatingin sa babae.

" And why are you having your backpack with you? Benj, we're having a date, we're not going to a drive-in movie theater ..."

Hindi siya agad sumagot. Kung tutuusin, bumagay naman ang kanyang backpack sa kaniyang porma. Naka ordinasyong t-shirt lamang siya na pinatungan ng isang jacket, pantalong maong at baseball cap. Gayundin naman ang kanyang kasama, naka simpleng sleeveless shirt at distressed demin pants. Isa pa'y wala rin namang dress code sa lugar na kanilang pupuntahan na ilang oras lang din naman ang kanilang itatagal.

Matipid na ngiti ang sumilay sa pisngi niya. "Let's just say, I brought something unusual… for a change,.."

" What? A dildo?! Hahaha,.. no way!"

" No, its something… extraordinary…"

Tiningnan siya nito na para bang nahihiwagaan sa kaniyang mga sinasabi. Wala itong ideya sa kung ano ba talaga ang nasa loob ng backpack na dala niya.

' H'wag kang mainip, Samantha... surprises should not be revealed.'

Nang marating na nila ang silid ay binuksan ni Samantha ang pinto sa pamamagitan ng key card ng kuwarto. Katamtaman ang luwang nito. Minimalist ang design ng loob. Kung sabagay, hindi naman talaga kailangan pa ang isang intricate design sa mga lugar na tulad nito at hindi naman na ito binibigyang- pansin pa ng mga nagchecheck- in para sa kaunting oras. May isang flat screen tv sa harap ng isang malapad na kama na tila nag-iimbita sa sinuman na agad nang humiga dito. Inilapag ni Samantha ang kanyang shoulder bag sa isa sa mga night stand at saka pinanatiling bukas ang isang ilaw upang magbigay ng malamlam na liwanag. Kinuha ng babae ang nakapatong na tuwalya sa kama.

" I better take a shower, baby.." mapanuksong bigkas ng babae sa kaniya.

" Yeah, take your time, … just take your time…" sagot niya.

Kinindatan pa siya nito bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo. Ang nakapintang ngiti sa kaniyang mukha ay dagling naglaho sa pagtalikod ng babae. Naging madilim ang anyo niya at pailalim na sinundan ng tingin ang pinasukang pinto nito. Muli na namang masisilayan ang paninigas ng kaniyang mga panga, mabalasik na naman ang kaniyang mga mata at manaka- nakang kinukuyom ang mga kamao. Kanyang inilapag sa kama ang backpack na dala saka isa- isang inilabas ang mga laman nito. Isang ordinaryong duck tape, isang zip tie at isang uri ng straight razor. Nakahanay niyang inilapag ito sa ibabaw ng kama. Muli niyang dinampot ang shaving blade at sinubukan ang talas ng talim nito sa pamamagitan ng bahagyang pag- ahit sa kanyang maiiksi ng balbas. Nang masigurong matalas ito ay muli niyang inilapag. Sinimulan niyang hubarin ang suot na polo shirt at pantalon. Tanging ang boxer shorts ang naiwang saplot niya sa katawan. Saka siya nahiga sa gitna ng kama. Napatingin siya sa kisame ng kuwarto. Ilang babae na nga ba ang naisama niya sa mga lugar na katulad nito. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang lalaking dati ay inaapi- api ay bibilang ng mga babaeng makakalaro sa kama. Sa kanyang pag-iisa, ay muling nagbalik sa kanya ang mga alaala ng nakaraan.

Você também pode gostar

The Birth of Dreams

Sa nakapupukaw ng puso na nobelang "The Birth of Dreams ," tatlong batang lalaki na pinangalanan na Jelo, Jaja, at Janjan ay nagsimula sa isang buhay na puno ng pakikipagsapalaran, mga hamon, at ang lakas ng kanilang di-matitinag na samahan. Isinilang sa parehong araw, ang kanilang natatanging mga talento at suportadong mga pamilya ang nag-anyo sa kanilang mga landas. Kasama ang kanilang mga kaibigang sina Mia, Ben, at Sofia, inilibot nila ang mga kagila-gilalas na bagay sa kanilang maliit na nayon, natuklasan ang mga nakatagong kayamanan, at hinaharap ang mga hadlang na sumusubok sa kanilang tapang at determinasyon. Habang sila ay lumalaki, hinaharap nila ang mga kumplikasyon ng paaralan, nilalabanan ang pag-aalinlangan sa sarili, at sinusundan ang kanilang mga pangarap. Ang artistikong pagsisikap ni Jelo, musikal na talento ni Jaja, at dedikasyon ni Janjan sa pangmatagalang pagsasaka ay nag-uugnay, na nagdala sa kanila sa paglikha ng isang malaking pista ng sining at musika na nagbibigay-inspirasyon sa kanilang komunidad. Sa pamamagitan ng kanilang mga pinagsamang karanasan, ang lakas ng pagkakaibigan ay nagliliwanag, nagtuturo sa mga mambabasa ng kahalagahan ng suporta, pagtibay ng loob, at ang kagandahan ng panghabambuhay na koneksyon. Ang "The Birth of Dreams " ay isang nakakaakit na kuwento na ipinagdiriwang ang mahika ng kabataan, ang lakas ng pagkakaibigan, at ang pag-abot sa mga pangarap.

wendz70 · Realista
Classificações insuficientes
23 Chs

APOIO