Mabilis na lumisan ang lumuluhang si Prinsesa Karimlan patungo sa lupain ng mga tikbalang, habang ang nanghihinang si Prinsipe Matuling ay umuungol ng pagtutol sa gagawin ng kabiyak.
Tanda ng nalalaman nito ang nangyayari sa kanyang paligid, bagaman at unti unti ng nauubusan ng lakas ang kanyang katawan....
sa kaharian ng mga enkantadong usa nag umpisa na ang munting piging ng salo salo makalipas ang halos isang oras mula ng dumating sila Prinsipe Borjo at ama ni Arnie.
Minabuti ni Haring Usarin na mag pahinga sumandali ang mga panauhin bago mag hapunan habang ipinahanda niya sa ilang mga tagapag lingkod ang ilang silid ng palasyo upang doon mag pahinga at magpalipas ng gabi ang mga panauhin....
Isang napaka ganda at napaka laking silid ang ibinigay nila kay Arnie, bagaman at walang palikuran o cr sa bawat silid na ibinigay sa kanilang mag aama, nagawan naman iyon ng paraan sa pamamagitan ng mahika o magic....
Sa hapag kainan, gutom na gutom na dumulog si Jr ngunit nahihiya siyang agad kumuha ng maraming pagkain, hanggang sa matikman niya ang napaka sarap na lasa ng mga espesyal na putaheng naka hapag sa mahabang lamesa.....
ARNIE : mahal na hari..... napaka sarap po ng mga putaheng ito!!! tila ba mga putaheng sa mga five star restaurant lang matitikman....
ang papuri ni Arnie sa mga putahe ng pagkaing nakahapag....
HARING USARIN : Ah eh....
.... ang anak kong si Usana ang nagpahanda ng mga espesyal na pagkaing iyan...
Galing pa sa bansang Australia ang mga pagkaing iyan na binili at dinala dito sa kaharian, namili rin sila ng mga libro ukol sa pagluluto doon sa nasabing lugar na iyon, ang paliwanag kay Arnie ng hari.
ARNIE : ah!!! ganoon po pala? kaya pala napaka sarap!!!
Pero paano kayo nakapupunta ng Australia??? ang pahabol na tanong ni Arnie.
Si Usana na nakikinig lang sa pag uusap ng ama at ni Arnie ang sumalo sa usapan habang ang mga mata ay nakatuon pa rin kay Jr.
PRINSESA USANA : Maaari kaming mag bukas ng portal na lagusan patungo sa Australia at sa iba pang lugar na nais naming puntahan, bagaman at huli sa sibilisasyon ang aming mundong naka gisnan nagagawan namin iyon ng paraan sa pamamagitan ng mahika.....
Sa katunayan ay may mga binili akong mapa ng ibat ibang lugar sa buong pilipinas at buong mundo, iyon ay upang makapag bukas ng portal sa mga lugar na nais naming subukang puntahan ,ang mahabang pag papaliwanag ni Usana kay Arnie....
ARNIE : ganon pala ang gagawin??? wow!!! sa susunod na mamasyal ka, sana ay isama mo naman ako!!! ang masayang saad ni Arnie...
Mabilis na natapos ang oras ng hapunan, sa bulwagan nabanggit ni Prinsipe Borjo ang nangyaring pananambang sa kanila ng mga itim na nilalang at balakyot sa daan ng sila ay papunta pa lamang sa kaharian ng mga enkantadong usa.
Galit na galit si haring Usarin sa nalaman, hindi niya sukat akalain na maglalakas loob ang mga itim na nilalang na sumugod sa kanilang lupain,ngunit namangha rin siya ng malaman ang tungkol sa makapang yarihang liwanag na mula sa mga kamay ni Arnie.....