webnovel

CHAPTER 58 : SA KAHARIAN NG ENKANTADONG USA 5;

Habang umiinom ng pampa lamig na gawa sa enkantadong prutas na tanging sa lupain lamang ng mga enkantadong usa matatagpuan, nag uusap si Haring Usarin at Arnie....

ARNIE : mahal na hari... napaka sarap ng inuming ito!!! ano pong uri ng prutas ito? maaari po ba akong humingi ng binhi upang mai punla sa kaharian nila Borjo at sa aming mundo? ang pag puri at sunod sunod na tanong ni Arnie sa hari na di maka sabay sa kanyang kadaldalan...

HARING USARIN : ah!!! ang prutas na iyan ay tanim pa ng mga naunang hari na aking ka nuno nunuan ang sagot naman ng hari.

ARNIE : ah??? nuno ba ikanyo mahal na hari? hindi ba at enkantadong usa ang pinag mulan ng inyong lahi? paano po naging nuno? ang nalilitong tanong ni Arnie na tila biglang bumaba ang IQ dahil sa sarap ng natikmang inumin....

HARING USARIN : ah .....eh.... ang ibig kong sabihin ay ng aking mga lolo sa ka lolo lolohan, paliwanag muli ng hari habang si Jr at Prinsesa Usana ay walang puknat sa pagti titigan.....

Ahmmmm tungkol sa iyong sinabi, maaari naman, walang problema, ngayon din ay ipa hahanda ko anf mga binhi para sa iyo, ang nakangiting sabi ng hari, pagkatapos ay tinawag ang isang tauhan upang kumuha ng mga binhing ibibigay kay Arnie.

ARNIE : ganoon po ba??? pasensiya na po kayo sa akin mahal na hari at umiiral ang aking pagka tanga, ang namumulang sagot ni Arnie....

Maraming Salamat ho sa binhi ang dagdag pa niya habang kinakamot ang ulo.

Walang anuman Arnie ang sagot ni haring Usarin...

ilang sandali pa ay nagbalik ang tauhang inutusan ng hari dala dala ang supot ng mga binhi....

Masayang tinanggap ni Arnie ang mga binhi mula sa hari, ng pumasok ang isang tagapag hatid balita

TAGAPAG HATID BALITA : nag uulat sa Mahal na hari ang mahal na prinsipe ng kaharian ng mga tikbalang na si Prinsipe Borjo ay nakarating na sa hardin ng palasyo kasama ang ama ng itinakda at mga kawal...

ang mahabang pag babalita nito....

Tawagin ninyo ang punong ministro upang salubungin at samahan ang ama ng itinakda at sila prinsipe Borjo papasok sa loob ng kaharian ,ang pag uutos ng hari sa naghatid ng balita bago sinulyapan at inutusan din ang prinsesa na sumama sa pag salubong sa mga dumating.

Sa bahay nila Arnie, inip na inip namang naghihintay ng mensahe mula kay Arnie at Jr ang ina at mga kapatid ganon na rin ang mga bagong kaibigan ni Arnie'ng kambal na sila Arriane at Morgana....

BETTY : bakit kaya hindi pa nag online si Jr at Arnie hanggang ngayon? ang nag aalalang tanong ni Betty kay Lia...

LIA : sabi po ni Arnie kaninang umaga pupunta sila sa kaharian ng mga enkantadong usa, marahil ay malayo ang nilakad nila kung kaya at hindi pa sila nakapag online hanggang ngayon..... ang paliwanag ni Arnie sa ina.

BETTY : hindi ba sinabi ng kapatid mo kung kailan babalik dito ang tatay at kapatid mo?

LIA : baka pagkatapos na ng piging sa kaharian ng mga enkantadong usa inay, ang sagot muli ni Lia...

Sa kaharian ng mga itim na nilalang sa silid ni prinsipe Matuling at Prinsesa Karimlan

umiiyak na yakap ni Prinsesa ang katawan ni Prinsipe Matuling na unti unti ng nanghihina sanhi ng sugat na mula sa liwanag na galing sa mga kamay ni Arnie.

Walang magawa ang mga manggagamot ng kanilang palasyo sa kakaibang epekto ng kapangyarihan ni Arnie.

MANGGAGAMOT NA ITIM : mahal na prinsesa wala na po kaming magagawa, marahil ay ang tubig mula sa mahiwagang bukal sa kaharian ng mga tikbalang ang tanging makatutulong sa kanya.... ang paliwanag ng manggagamot...

PRINSESA KARIMLAN : kung iyan ang tanging paraan, ngayon din ay pupunta ako sa lupain ng mga tikbalang upang kumuha ng tubig sa mahiwagang bukal, ang desididong sabi ng prinsesa

MANGGAGAMOT NA ITIM : ngunit mahal na prinsesa lubhang mapanganib ang magpunta sa lupain ng mga tikbalang, ang pagpapa alala nito kay Karimlan.

PRINSESA KARIMLAN : walang kaso gaano man ka panganib ang mahalaga ay ma iligtas ko ang buhay ng aking kabiyak, ang sagot ni Karimlan na nagmamadaling lumisan papunta sa lupain ng mga tikbalang...