Hay!!! Salamat nakawala din ako. ang sbi ni Ann sa sarili.
Masaya si Ann sa buhay kolehiyo kasi nagagawa niya ang kaniyang nais, na walang nagkokontrol na mga magulang. Minsan meron tumawag sa bahay ng tita niyang tinutuluyan na hindi niya inaasahan.
Kring....kring....kring....Hello goodmorning po. Sino pong kelangan nila? ang sabi ng pinsan ni Ann na nakasagot.
Pede po ba ke Ann? ang sabi ni Jeff na nasa kabilang linya.
Sino po sila? ang tanong ng pinsan ni Ann.
Pakisabi po si Jeff, aniya niya.
Ate Ann...telepono Jeff daw, ang wika ng kanyang pinsan.
Sandali lang isalang ko lang yong kanin,ang wika ni Ann.
Sino toh? ang wika ni Ann.
Nag maynila ka lang hindi mo na ako agad kilala, ang wika ni Jeff. Si Jeff,
Sinong Jeff?
Si Jeff, yong lalaking nagmamahal sayo. tatawa tawa pa habang sinasabi.
Ewan ko sayo. Wala ako kilala na Jeff. Si Jeff Oy, kilala mo na hehehe. Ah okey, kala ko kung sinong Jeff kasi. Oh ano kumusta ka na. Okey naman pede ba tayo magkita Ann? Saan? Ang wika ni Ann. Sa Glorieta. Sige! Bukas ba? Oo sana, mga alas dos ng hapon.
Kinabukasan, tita Meng maganda na ba ako? Oy!!! may date? ang wika ni tita Meng. Si Meng na bunso kapatid ng nanay ni Ann. Magkikita kami nong ex ko. Maganda na ba ako? Oo maganda ka na. Wag ka maingay kay tita Cory isusumbong ako non kay nanay. Si tita Cory ang may ari ng bahay na tinutuluyan ni Ann na pangalawang kapatid ng kanyang nanay.
Jeff!!! knina ka pa ba naghihintay ? ang tanong ni Ann. Hindi naman bago rin lang ako dumating. Musta na lalo ka gumaganda ah. Hindi naman medyo lang na tatawa-tawa pa si Ann.
Pumasok kami sa isang restaurant, hindi ako sanay kumain sa ganitong kainan ikaw na mag order sakin, ang wika ni Ann kay Jeff. Ano ba gusto mo? Kung ano order mo yun na din order ko. Hindi ko kasi alam kung ano nakasulat diyan sa menu book. Sa isip isip na lang niya. Pagdating ng order....Spageti lang pala at tostado tinapay ,bulong ni Ann sa sarili na akala nya kung ano. Pagkatapos kumain namasyal pa sila. Sumakay sila ng bus pauwi. Ang sabi ni Jeff hindi na kita maihahatid kasi may pasok pa ako ng trabaho. Ano? Pababayaan mo ako umuwi mag-isa. Pag hindi mo ako inihatid hindi na ako ulit makikipagkita sayo bahala ka. Ang wika ni Ann na nakasimangot. Bago lang kasi ako pasok sa trabaho kaya kelangan makapasok ako. Pinag-iwanan talaga ako dito ang bulong ni Ann nang bumaba na ng bus si Jeff.
Dumating ng bahay si Ann pasado alas otso. Ann musta ang date mo, tanong ni tita Meng. Okey naman hindi lang ako inihatid dito pinag-iwanan ako sa bus. Ano ? Wala palang kwenta yan, wika ni tita Meng.
Kring...kring...krinngggg, hello sino po sila? Pede po kay Ann pakisabi po si Jeff. Ann.... Jeff daw tawag ni tita Cory. Pakisabi ninyo po lumabas wala dito.
Tawag ng tawag araw araw si Jeff pero lagi hindi sinasagot ni Ann. Hanggang sa nagbakasyon sa probinsya si Ann. Hindi inaasahan na magkakasabay pa sila umuwi sa probinsya. Sa barko nag-usap sina Ann at Jeff. Please... sorry na patawarin mo na ako, ang wika ni Jeff. Gusto mo sumama ka na sakin magtanan tayo. Grabe!!! tanan agad!!! Ayaw ko nga, ayaw ko pa mag-asawa bata bata ko pa noh. Hindi mo kasi ako paniwalaan eh. Friends na lang tayo. Tama na yun! at naghawak ng kamay. Kung hindi pa ngayon tayo nagkita hindi ko pa mahahawakan kamay mo. Wow grabe siya! wika ni Ann.
Pagdating sa bahay nagpahinga lang kasi nakakahilo pa ang pagsakay sa barko. Makailang araw pa lang ang natatagal ni Ann sa probinsya, balik gulo na naman buhay nya.
Sayang lang ang pera diyan sa batang yan naglalakwatiya lang yan sa maynila, wika ng tatay ni Ann.
Sinong naglalakwatiya, nag aaral naman ako mabuti ah, ano magagawa ko mahina talaga ako sa English, wika ni Ann. Lahat ng English iniwan mo puro ka lakwatiya dito ka na lang at magtrabaho ka na lang, wika ng nanay. Wala nagawa si Ann kundi tumigil na sa pag aaral at magtrabaho na lang. Iaapply kita kay mayor , wika ni nanay. Buti kung makapasok ako hindi pa ako graduate. Ako bahala wika ni nanay. Nakapasok nga ako sa munisipyo namin at natanggap ako bilang casual. Pinag eexam kami ni mayor sa civil service para maregular daw kami sa trabaho.
Nay aalis ako kasama ko kasamahan ko sa munisipyo mag exam daw kami sa civil service. Eh di sumama ka para kung makapasa maisingit ka kung sang pwesto.