Ann si Alden pinsan ng asawa ng tito ko, wika ni Janice na katrabaho ko. Ito naman si Lulu, pakilala sa isa pa kasamahan. Nagka crush agad si Lulu kay Alden.
Ang pogi niya crush ko, ang sabi ni Lulu kina Ann at Janice. Grabe ka naman Lulu crush agad kakikita mo lang crush agad, wika ni Ann. Bakit masama bang humanga? wika naman ni Lulu. Pano yan Ann crush ni Lulu si Alden pero mukhang ikaw naman ang type ni Alden, wika ni Janice. Pagkakita kasi sayo hindi na umalis ang tingin sayo kanina. At makailang araw nila sa pagtitigil sa maynila nagtapat na nga si Alden kay Ann.
Ann, pwede ka ba ligawan?wika ni Alden. Mapunta ka sa bahay namin at don mo ako ligawan, wika nman ni Ann. Sige!!! sagot agad ni Alden. Hanggang sa nakauwi na kami sa probinsiya at makailang araw nagulat ako sa pagdating ni Alden. Alden! Bakit nandito ka? Di ba sabi mo mapunta ako at dito ako manligaw sayo.
Sino yan Ann? tanong ng tatay ni Ann. Magandang gabi po! mano po. Pwede po bang umakyat ng ligaw kay Ann? Pasok ka! wika ng tatay ni Ann. Ann saan mo yan nakilala, hindi po pa yan kilala nagpapaligaw ka na. wika ng kanyang tatay. Napahiya si Ann sa naging tanong ng kanyang tatay. At ganun din si Alden kayat nagpaalam na sya ay uuwi na.Uuwi na po ako.
Tay naman lahat sinusunod ko na kayo ng nanay bakit naman lahat ng gusto ko hindi nyo naman suportahan, wika ni Ann. Hindi mo pa kilala nagpapasok ka na agad, wika naman ni nanay. Taong pumasok yung tao bakit naman binastos nyo. Sino bang nangbastos tinatanong lng, wika ng tatay. Syempre mapapahiya na yun, wika naman ni Ann. Lingid sa kaalaman ng magulang ni Ann tuloy tuloy pa rin ang pangliligaw ni Alden kay Ann. Hanggang sa bumalik ulit ng Maynila si Ann upang mag exam ulit sa civil service dahil hindi nakapasa nong una.
Ann kelan mo ba ako sasagutin, tanong ni Alden. Bakit apurado ka! wika naman ni Ann. Matagal tagal na rin naman ako nanliligaw ano ba may pag asa ba ako sayo? wika ni Alden. Sige oo na nga, sagot ni Ann. Ano hindi ko marinig. Oo sinasagot na kita. Yehey! girlfriend ko na si Ann, sigaw ni Alden. Wag ka maingay bka marinig ka tita ko lagot ako sa nanay at tatay ko. Pede ba ng isa? tanong ni Alden. Anong isa sabi naman ni Ann. Isang kiss sa lipps. Sige isa lang ha bilisan mo kasi baka makita tayo ng tita ko. Bakit nakaikom bibig mo, tanong ni Alden. Eh pano ba first kiss ko pa lang ito hindi ako marunong, wika ni Ann. Sundan mo lang ako, wika naman ni Alden. First kiss mo ba talaga, wika ni Alden bakit marunong ka naman pala. Eh tinuruan mo ako hehehe.
Dinala ako ni Alden sa bahay nila at ipinakilala sa pamilya nya. Ina si Ann po girlfriend ko, wika ni Alden sa kanyang ina. Mano po, wika naman ni Ann sa ina ni Alden. Kaawaan ka ng Diyos iha. Kumain muna kayo at may inihanda ako pagkain sa inyo. Sabi kasi ni Alden dadalhin ka nya dito. Salamat po, wika ni Ann.
Ann isasama pala ako ng ate Dianne sa Negros para daw ako makarating sa kanila. Si Dianne na hipag nya at asawa ng kuya nya. Gusto mo magpasecret marriage muna tayo para hindi na tayo magkakahiwalay, wika ni Alden. Ayaw ko gusto ko kasal sa simbahan, wika naman ni Ann. Hindi kasi uso sakin yung kasal sa simbahan, sabi ni Alden. Kasal din naman ung secret marriage ah.
Dumating ang kaarawan ni Ann. Ano ba yan Ann ni tawag wala man lang paramdam si Alden, biro ng mga kasamahan sa trabaho ni Ann. Oo nga eh huhuhu. Ann baka naman busy sa work si Alden, wika naman ni Jerry na isang pulis na katabi opisina nina Ann. Ang layo pa kasi ng paghahanap mo nandito naman ako, wika ni Jerry. Luko luko, wika ni Ann habang umiiyak. Pero lihim na crush din ni Ann si Jerry. Napunta din sa bahay nina Ann si Jerry para umakyat ng ligaw pero ayaw din ng ina ni Ann sa pulis.
Ann ayaw ko ng pulis mga manloloko ang pulis lulukuhin ka lang noon, wika ng nanay ni Ann. Lahat na lang naman ayaw nyo, ung gusto ninyo ayaw ko naman, wika ni Ann sa kanyang ina. Lingid sa kanilang kaalaman sinagot ko n rin si Jerry. Kaya sumatotal naging dalawa ang boyfriend ni Ann kasi hindi pa naman sila nagbreak ni Alden.
Ate Ann pinagsabay mo dalawa lalaki, di ba boyfriend mo si Alden tapos boyfriend mo din si Jerry, wika ni Lisa na pinsan ni Ann. Paano kung malaman ni Alden. Hindi naman siya seryoso sa akin bahala siya, wika ni Ann.
Ann lilipat na pala kami distinasyon, ang wika ni Jerry. Iiwan mo na rin ako dito, wika naman ni Ann. May inaabot na damit si Jerry kay Ann na may nakasulat " I'll be back". Ano ito?, tanong ni Ann. I'll be back, babalik ako Ann. Inihatid nina Ann at pinsan niyang si Lisa si Jerry hanggang makasakay ng barko. Sa taas kumakaway samin si Jerry at kumaway din si Ann. Sa katabi ni Jerry may kumakaway din. At yun pala ay yung pinsan ni Alden.
Patay! wika ni Ann. Bakit ate? tanong ni lisa. Yung kumakaway na katabi ni Jerry ay pinsan ni Alden. Patay nga!wika ni Lisa.
Kring....kring....hello Ann bakit nagawa mo sakin yun dalawa kami, wika ni Alden. Sorry Alden hindi ka naman din seryoso sakin eh, di ba sabi mo hindi uso sayo ang kasal tapos birthday ko hindi ka man lang tumawag. Nagsorry naman ako sayo di ba? Busy lang kasi ako kasi dumating ang kuya ko, wika ni Alden. Break na tayo! wika ni Alden. Eh di break kong break, wika ni Ann. Lumipas ang linggo....buwan...wala na ding Jerry ang nagparamdam.
Ann malapit na fiesta ikaw ang aming magiging Reyna, wika ng Mayor. Po! Pumayag ka na at sa lahat ng casual ikaw lang ang hindi malalay off at magkakaroon ka ng bonus. Libre pa lahat ng susuotin mo. Sige po, tuwang tuwang wika ni Ann. Sumapit ang fiesta at napakaganda ni Ann sa kanyang ayos at marami humanga lalo kay Ann.
Ann pwede bang manligaw, tanong ni Jordan na may dala pang cake sa opisina. Tuwang tuwa ang mga kaopisina ni Ann at ibinigay ni Ann ang cake na dala ni Jordan.
Ann kumain ka na rin, wika ng isa sa kaopisina nya. Sige sa inyo na lang mamaya may gayuma yan magayuma pa ako, wika ni Ann. Araw araw may regalo dumadating kay Ann.
Ann may pag asa ba ako sayo? wika ni Jordan. Sorry ha friends na lang tayo wala ako nararamdaman sayo eh, wika ni Ann. Kaya tumigil na din si Jordan sa pangliligaw kay Ann.
Tao po! tao po! pwede po bang umakyat ng ligaw sa anak nyo, wika Jepoy. Sige pasok ka iho, wika ng nanay ni Ann. Kay Lagring at Manoling po. Si Jepoy ay anak ng kasamahan ko sa munisipyo. Pinagtataguan ko pa kasi hindi ko type kasi hindi gwapo.
Mukha naman mabait ung batang yun, wika ng nanay ni Ann. Hindi ko yun gusto pangit non, wika ni Ann. Hala gumusto ka sa gwapo kung iiwanan ka naman. Sino gusto mo yung Jeff na iyon na luko luko ama at nambubugbog ng asawa. Ama naman nya yun at hindi siya, wik ni Ann. Kung ano ang puno siyang bunga, wika ng kanyang nanay.
Nag isip isip si Ann, gwapo nga sina Jeff, Alden, at si Jerry pero iniwan lang siya. Sige pangit na lang para hindi siya ipagpapalit sa iba. Si Jepoy na wala pa isang buwan nanliligaw.
Jepoy, kung sasagutin kita pakakasalan mo ba ako? tanong ni Ann. Aba Oo naman , sagot agad ni Jepoy. Sige sinasagot na kita. Agad nagsabi si Jepoy sa kanyang mga magulang na mamanhikan na kina Ann.
Mare pwede na ba kami mamanhikan sa inyo, tanong ng ina ni Jepoy sa nanay ni Ann. Ay sige kayong bahala mare. Kelan ba balak ninyo. Sa Sabado sana. At dumating ang araw ng Sabado at namanhikan na nga ang pamilya ni Jepoy. At napagkasunduan ng matatanda na Disyembre ang kasalan. Apat na buwan pa ang ipaghihintay bago ikasal ang dalawa.