webnovel

Chapter 4

Chapter 4

Zoe's Perspective

Habang nag-iikot kami sa lugar, papunta sa bahay namin ay ramdam ko ang nakaka-awkward na katahimikan sa pagitan namin ni Mr. Herbert. Hindi siya nagsasalita at seryoso lamang siya sa buong biyahe namin. Ako naman ay walang tigil sa pagtingin sa tinted na bintana ng sasakyang ito at minememorize ang bawat lugar na nadadaanan namin. Sinisigurado kong alam ko kung saan ako nanggaling para masabi ko kay Kurt ang lahat. Habang pinagmamasdan ko ang daan ay napansin kong palapit na kami ng palapit sa bahay at hindi ako makapaniwala na medyo may kalapitan lang pala ang lugar kung saan ako kinulong dito sa bahay namin.

 

Maya't maya pa ay huminto ang sasakyan at napagtano ko na lang na nasa tapat na pala kami ng bahay. Nang titigan ko ito, ang kaninang excited kong nararamdaman ay ngayo'y napalitan na ng matiniding kaba. Mabibingi na ata ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Napakabigat ng bawat paghinga ko.

 

"Baba ka ba o hindi?" Bigla na lang akong nawalan ng kaba ng biglang nagsalita si Mr. Herbert napatingin ako sa kanya at tulad kanina, napakaseryoso pa rin ng mukha niya.

 

Agad ko namang binuksan ang pinto bago pa man bawiin ni Mr. Herbert ang desisyon niyang pauwiin ako. Nang makalabas na ako ng sasakyan, gusto kong tumakbo palayo, pero may kung anong pumigil sa akin at napalingon ako kay Mr. Herbert na nakatingin pa rin sa akin.

 

 

"May problema ba?" tanong niya.

Bumuntong hininga ako at saka yumuko sa kanya sabay sabing, "Maraming salamat po, sir."

 

Hindi ko alam pero tila biglang nagbago ang mood niya at parang nagulat pa siya na nagpasalamat ako. Pero dapat lang naman hindi ba? Dahil hinayaan niya akong makabalik. Well, hindi siya umimik kaya naman umalis na lang ako ng tuluyan.

 

Pabagal ng pabagal ang hakbang ko habang papalapit ako sa pintuan ng aming bahay. Hindi ko alam kung nandoon ba si papa pero bakit ba kinakabahan ako?

 

Huminga muna ako ng napakalalim bago ko sinubukan buksan ang pinto, pero napagtanto ko na medyo bukas ang pinto kaya sigurado akong nasa loob si papa. Naglakas loob na akong pumasok para kausapin siya pero pagkapasok ko ay bigla na lamang nanlamig ang buong katawan ko. Bigla akong nanghina, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si papa na nakahandusay sa sahig at may mga dugo sa ibang bahagi ng sahig.

 

Dali-dali ko siyang nilapitan at halos humagulhol ako sa takot

 

"Papa, papa, anong nnagyari?" sigaw ko habang sinusubukan ko siyang gisingin, nanginginig pa ang nga kamay at paa ko habang inaangat ko ang ulo niya at pinatong ko ito sa kandungan ko.

 

"Papa, gumising ka!" iyak ko, sisigaw na sana ako para humingi ng tulong pero hindi ko na nagawa nang mapansin kong inimulat ni papa ang mga mata niya.

 

"Zoe?" nanghihinang bulong niya.

"Opo, papa, ako po 'to," sabi ko at bigla siyang tumayo kahit pa hirap na hirap siya.

 

"Ano pong nangyari? Pumunta po tayo sa hospital, baka po napaano na kayo."

 

Hindi ako pinansin ni papa pero nagulat ako nang bigla niya akong sinakal.

 

"Anong nangyari?" naiinis niyang pagtawa. Hindi ko alam pero natatakot ako sa malahalimaw na titig niya sa akin. Nag-aalab ang kanyang mga mata sa galit habang ako naman ay sinusubukang alisin ng kamay niya. Heto na ata ang pinakamalalang ginawa niya sa akin.

 

"Tinatanong mo ako kung anong nangyari? Kasalanan mo ang lahat!" sigaw niya. Hindi ko siya maintindihan, ano bang ginawa ko?

 

"Kung nanatili ka na lang sana sa mga Shaw at hindi na nagpumilit pang bumalik pa dito eh di sana hindi ako nagkaganito! Napakawala mo talagang kwentang anak!" sigaw niya sabay bitaw sa leeg ko.

 

Agad akong nahulog sa lupa at nangangapa ng hangin. Panay ang ubo ko at hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

 

Bumuhos ang luha ko, gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang sumbatan! Pero nang makita kong nanghihina siyang naglalakad palayo sa akin at halos papilay-pilay na kung maglakad ay hindi ko magawang sigawan man lang siya.

 

"Pa, tara na po sa hospital," sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya para alalayan siya pero tinulak niya ako.

 

"Ano ba, Zoe! Hindi kita kailangan! At mas lalu-lalong hindi ko na gustong makita ang pagmumukha mo!"

 

Nang marinig ko iyon ay hindi ko na kinaya pa, hindi na ako nakapagpigil at bigla ko na lamang siyang sinigawan.

 

"Bakit, pa? Ano bang ginawa ko sa'yo?" sigaw ko habang napapahagulhol na sa sobrang kirot.

"Hindi ko alam kung bakit bigla ka na lamang nagkaganyan pero kahit ang sakit-sakit na dito!" tinuro ko ang puso ko, "Kahit sobrang sakit! Hindi ko alam kung bakit ba nanlilimos pa din ako sa pagmamahal mo. Ayos naman tayo dati di ba, Pa? Pero bakit? Ano po bang nagawa ko? May kasalanan ba ako? Sabihin mo, pa? Mahal niyo naman po ako di ba?"

Takot akong naghintay ng sagot at tinitigan niya ako ng masama.

 

"Hindi kita kailanman minahal, Zoe," malakas niyang sagot.

 

Nanginginig na ako, nangangatog na ang tuhod ko, naghalo na lahat ng emosyon ko, "Hindi yan totoo, Pa. Sabihin mong hindi iyan totoo. Sinasabi mo lang yan para lumayo ako!" hikbi ko.

 

Nanahimik siya sandali at humawak sa pader, hinang-hina siya pero pinipilit niya pa ding tumayo, awang-awa ako sa hitsura niya lalo na't duguan siya pero kahit ano namang pag-aalala ko pinagtutulakan niya pa rin ako.

 

"Hindi kita minahal, Zoe. Lahat ng pinaramdam ko sa'yo ay hindi totoo. Ginawa ko lang iyon para makuha ang loob ng nanay mo. Kaya pwede ba umalis ka na lang!" napangiwi siya at alam kong hirap na hirap na siya gusto ko siyang lapitan pero may kung anong pumipigil sa akin, hindi ko alam kung galit ba ito o ano?

 

"Pa..."

 

"Umalis ka na, Zoe. Parang-awa mo na pagod na ako sayo!" sigaw niya at bigla na lamang siyang natumba at mas lumala pa ang dugo na dumadaloy sa mukha niya kaya agad ko siyang nilapitan pero inalis niya ang kamay ko.

 

"Huwag mong hintaying kaladkadin pa kita palabas dito, Zoe. Hindi kita kilangan!" Tagos sa puso ang sinabi niya sa akin, napakatalim ng boses niya na halos kulang na lang ay sumabog na ang puso ko. Pero hindi ako susuko.

"Tama na po, pa. Huwag na po..."

"Umalis ka na!" halos lumabas na lahat ng ugat niya sa leeg at mukha ng isigaw niya iyon. Nanginginig ang boses niya sa galit. At sa puntong iyon, sumuko na ako, sa sobrang sakit ay lumabas na ako ng bahay, hindi ko na kinaya. Pero nang lumabas ako ay nakita kong nandoon pa rin ang sasakyan ni Mr. Herbert, bukas ang pinto ng sasakyan at nakatitig siya sa akin habang suot ang sumbrero niya. Ang natatakpan niyang mga mata ay tila nag-aalab sa galak. Napakademonyo niya.

Galit akong nilapitan siya.

"Anong ginawa mo sa papa ko?!" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

Tumitig siya sa mga mata ko ng seryoso sabay sabing, "You want to go home, I gave you what you wanted. But it doesn't mean that I'll forget what your father had signed. Kung hindi ikaw ang kapalit, alam mong buhay niya ang kabayaran sa lahat ng utang niya. Kaya mamili ka, marry my son or let your father die. At kung iniisip mong hindi ko iyon kayang gawin , nagkakamali ka."

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit bigla na lamang niya akong pinayagan umuwi. Dahil alam niyang hindi ko kayang hayaang may masamang mangyari sa tatay ko. Matalino siya, pero hindi ko hahayaang mangyari ang gusto niya

"Mananagot ka sa batas sa ginawa mo..." napahinto ako ng bigla siyang nagsalita.

"Anong gagawin mo? Ang isumbong ako?" bigla siyang natawa, at biglang nanliit ang mga mata niya, napakatalim at nakakatakot, "I'm a billionaire, Zoe. Remember that, wala kang laban sa akin. You can't even afford a lawyer."

 

Wala nang boses ang lumalabas sa bibig ko. Tama siya! Wala akong laban sa isang katulad niya. Nang makita ko ng bahay niya, alam kong makapangyarihan siya. Kaya naman wala akong magawa, labag man sa kalooban ko ay pumayag na ako na pakasalan ang anak niya para lamang sa kalayaan ng tatay ko.

"Pumapayag na ako. Papakasalan ko ang anak mo, pero ipangako mo sa akin na hindi mo na sasaktan muli ang amain ko at lulubayan mo na siya!" galit kong sinabi at ngumiti siya bigla.

"That's good, Zoe. Mabuti naman at natauhan ka na. Pumasok ka na cauae I had to talk with my son."

"Hindi mo pa ako sinasagot?" Hindi ako papasok sa sasakyan hangga't hindi ko nasisiguronh magiging maayos ang tatay ko.

"Marunong akong tumupad sa usapan, Zoe. Wala kang dapat ipagbahala!" nakangiting sagot niya. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko, pero sa ngayon ito lang ang naiisip kong paraan. Sumakay na ako sa sasakyan at alam kong wala ng atrasan.

Napasulyap ako sandali sa bahay, nag-aalala ako sa kondisyon ni papa pero nandito na ako.

 

"Paalam, pa!"