Chapter Three
Zoe's Perspective
Ilang araw na akong nandito sa loob ng kwartong ito. Nagmumukmok at halos mabaliw na ako. May banyo at Cr na sa loob ng silid na ito kaya subukan ko mang magpanggap na naiihi ako upang makatakas ay hindi ko magagawa.
Iniisip ko kung kamusta na kaya si Kurt? Ilang araw akong nagdasal na sana may taong magliligtas sa akin pero wala. Sigurado akong nababaliw na si Kurt kakahanap sa akin. At ang amain ko? Wala akong ideya kung ano ba ang nararamdaman niya, pero hindi niya nga siguro ako mahal dahil heto ako, nakakulong sa isang kwarto, at ikakasal sa taong hindi ko naman mahal.
Ilang beses akong nagmakaawa na pauwiin nila ako, pero kahit ano pang gawin ko hindi nagpapatinag ang matandang iyon. Hindi siya tumitigil hanggang hindi ako pumapayag na pakasalan ang anak niya, ni hindi ko nga kilala o alam ang pagkatao ng anak niya, kaya bakit ko siya papakasalan? Hindi ko alam kung bakit sa dami ng tao ay ako pa? Ano naman ang mabibigay ko sa anak niya? Eh isa lamang akong hamak na dukha.
Halos sasabog na ang ulo ko sa dami kong iniisip, isa pa si papa na hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng ganung kalaking utang sa pamilyang ito at dinawit niya pa ako sa problema niya.
Habang nakaupo ako at nakatingala lang sa bintana ay bumukas ang pinto, isang lalaki ang pumasok na may dalang tray ng pagkain.
"Ma'am, kumain na po kayo," sabi niya sabay lapag sa pagkain sa may lamesa na malapit sa pintuan.
"Ayaw kong kumain!" sabi ko.
"Pero ma'am kailangan niyo po ng lakas," sabi niya ngunit hindi ko siya pinansin. Kinuha niya ang pagkain na ibinigay niya sa akin kaninang umaga, at inilapag ang pangtanghalian ko. Kahit hindi ko ginagalaw ang pagkain na dinadala niya ay patuloy pa din siya sa paghatid ng mga kung anu-anong pagkain. Hindi ba siya nagsasawa? Hindi ko rin naman kinakain ang lahat ng mga dinadala niya.
Nang isarado niya ang pinto ay naupo na lamang ako sa kama, yakap ang aking tuhod at heto na naman ako, umiiyak mag-isa, walang masasandalan. Namimiss ko na ang nanay ko, kung buhay pa kaya siya, mananatili lahat ng masasayang ala-ala namin? Kabilang na ang pagmamahal ng amain ko?
"Tahan na, Zoe, di ka ba nagsasawang umiyak?" bulong sa akin ng isipan ko. Hindi ko alam pero wala eh, malakas ang tama sa akin. Kulang na lang magpakain na ako sa nararamdaman ko. Kaya naman nagpatuloy lang ako sa pag-iyak, super naging emotional ako pero nang tumayo ako para maghilamos dahil ramdam ko puno na ng luha ang mukha ko, bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at panghihina. Humawaka ako sa pintuan ng banyo at sinubukan kong humakbang palapit ng kama pero bago ko pa man maigalaw ang mga binti ko ay naramdaman kong unti-unti nang nanlabo ang paningin ko.
Nang magising ako ay isang galit na matanda ang una kong nakita sa may tabi ko. Madalas ata na siya ang nakikita lo sa bawat bukas ng mga mata ko. Gayunpaman, hindi ko alam kung bakit ganun na lang katalas ang tingin niya sa akin, parang patalim ang mga titig niya na.
"Gusto mo bang mamatay? Hindi ka kumakain kaya ka nanghihina!" malakas na sabi niya hindi ko siya pinansin na siyang mas lalong ikinagalit niya. Hindi ko naman siya tatay para sundin ko.
"Ms. Zoe Reyes, don't make me force you to feed you!" mabigat niyang sabi. Hindi na ako makapagpigil pa, ayaw kong maging bastos pero hindi ko na kaya.
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa manatili dito! Kaya kahit pilitin mo akong kumain hindi ko gagawin. Mas mahihirapan lang kayo sa akin kaya mas mabuting pauwiin niyo na lang ako!" sigaw ko nang bigla siyang tumayo at bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko ay bubugbugin niya ako sa sobrang inis niya pero bumuntong-hininga lamang siya at napatingin sa akin ng matagal.
"Sige, ihahatid kita pauwi!" mahinahon niyang sabi.
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ganun na lang iyon? Hindi man ako sigurado kung nagsasabi siya ng totoo, pero kung totoo man iyon, hindi na ako makapaghintay umalis sa lugar na ito.
Ngumiti ako sa kanya at sinabing, "Salamat po, pangako babayaran ko po ang utang ng tatay ko."
Hindi niya ako inimik at tinalikuran lamang ako pero bago pa man siyang tuluyang lumabas ng pinto ay tumingin siyang muli sa akin.
"Magbihis ka na at iuuwi na kita pagkatapos ng isang oras," mahinang sabi niya na tila ang lungkot niya. Gusto ko pa sanang magsalita pero mukhang wala siyang mood na pakinggan ako kaya nanahimik na lamang ako, ang mahalaga ay ang makauwi na ako.
Tumango naman ako at umalis na siya kasama ang dalawa niyang bodyguards.
Gusto ko man isipin kung bakit bigla na lamang siyang pumayag na pauwiin na ako ay binaling ko muna ang isipan ko sa ibang bagay. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano, ang tanging gusto kong mangyari ay ang makauwi at kausapin ang aking amain, kung bakit niya ito nagawa sa akin.
Matapos ng isang oras ay pumasok na muli si Mr. Herbert, nakasuot siya ng itim na suit at nakasuot siya ng sumbrero na pang yayamanin.
"Aalis na tayo!" malamig na sabi niya sabay labas ng pinto at hinayaan niya lang iyon na bukas para makasunod ako sa kanya.
Pagkalabas ko ay hindi ako makapaniwala na nasa isa akong bahay na mala-mansion ang laki. Ngayon ko lang nkaita ang kabuuan ng bahay na ito at di ko matatanggi na namamangha ako sa mga nakikita ko, mga mamahaling palamuti ang nasa paligid at isang lawaran ni Mr Herbert na may katabing babae na sa palagay ko ay asawa niya.
Nang makalayo kami mula sa kwarto ay napakaraming maids ang nakatingin sa akin, di ako makapanilwang halos abutin na din ng mga 20 mga yaya ang nakikita ko. Pero napayuko ako ng mapansin kong nagbubulungan ang mga ito at tila ako ata ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam pero hindi ako kumportable.
Nang makalabas kami ng bahay ay isang magarang sasakyan ang siyang nakahanda na sa labas.
Hindi ko alam kung saang lugar ba ito pero hindi na iyon mahalaga, hindi naman na ako babalik pa dito.
Binuksan ng isa sa bodyguards niya ang pintuan ng sasakyan at tumingin ito sa akin.
"Pumasok na po kayo, madam," ngiti niya at agad ako pumasok ng sasakyan dahil hindi na ako makapghintay na iwanan ang lugar na ito.
"Kurt, papa, pauwi na ako!" iyon lamang ang tanging nasambit ng isip ko.