webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · História
Classificações insuficientes
70 Chs

Capitulo Treinta y dos

Nagising si Kallyra sa mahihinang katok sa pinto ng kaniyang bahay at ang maingay na kahol ng kaniyang aso. Nakaramdam siya ng inis dahil naputol ang kaniyang panaginip.

Mabigat ang katawang bumangon siya. Suot ang maiksi niyang pantulog ay lumabas siya ng silid at hindi na nag-abalang ayusin ang sarili. Nakabuntot sa kaniya ang kaniyang aso na patuloy pa rin sa pakahol.

She will have a word with her cousin, she made a deal na hindi na ito mambubulahaw sa kaniya, nadagdagan pa ang inis niya dito ng maalala ang nangyari kahapon, kung hindi siya umalis ng bahay ay hindi niya makikilala ang lalaking yun. Kunot ang noong binuksan niya ang pinto.

"Good morning....I was only half expecting that I will see you in your night dress but I got lucky, you look stunning sweetheart... "

Walang babalang pinagsarhan niya ng pinto ang lalaki. Napaatras si Kallyra palayo sa pinto na tila ba may mabangis na hayop sa likod noon. Narinig niya ang pagkatok nito at ang pagtawag sa kaniyang pangalan.

Muli siyang napaatras.

The lust she saw in his eyes made her feel that heat again and she felt disgusted to herself. Bakit siya nakakaramdam ng ganito para sa lalaking iyon. She shouldn't feel this way towards him, he was not Lucas.

Napaigtad siya sa gulat ng bumukas ang pinto at pumasok doon ang lalaking pinagsarhan niya ng pintuan, malamig ang mga matang tumitig sa kaniya.

"That was rude sweetheart." malamig na wika nito.

"Get out... " inis na singhal niya.

"I just came in." anito at walang paalam na naupo sa naroong sofa. Kumuha ito ng unan at ipinatong sa mga hita nito at matamang tumitig sa kaniya.

"Bakit ka nandito, and how did you know where I live?" naningkit ang kaniyang mga mata at namewang.

"Hindi ka tumupad sa usapan natin kagabi, I've been calling you, I thought something happened to you kaya nagpunta ako dito only to find out that you are still sleeping like a baby." a small smirk on his handsome face.

She groaned inwardly ng mapasulyap sa wall clock, mag a alas doce na pala, she was so burned out yesterday dahil iyon ang unang beses matapos ng ilang buwan na nagtrabaho siya at nasanay na siyang magising ng late mula ng makabalik siya.

"I'm sorry, i did not set my alarm last night." labas sa ilong na hingi niya ng paumanhin.

"I was really annoyed earlier but it was instantly gone when you open the door for me." muling nagbago ang kislap ng mga mata nito at tila hindi mapigilan ang sariling pagmasdan ang nakahantad niyang mga hita at ang silag niyang pantulog.

Kaagad siyang natauhan. "I-i need to change." mabilis siyang nagtungo sa kaniyang silid at kaagad na humagilap ng kahit anong maaring suotin. Yoga pants at malaking T-shirt ang ipinalit niya. Pagkatapos ay nagtungo siya sa banyo sa loob ng kaniyang silid upang maghilamos at mag-toothbrush, pagkatapos magmumog ng mouthwash ay nagpunas siya ng mukha gamit ang malinis na face towel at nagmamading lumabas ng kaniyang silid.

Kumunot ang kaniyang noo ng hindi makita ang kaniyang bwisita sa salas ng kaniyang bahay, nakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang. Natigilan siya at parang gusto niyang saktan ang sarili.

She felt like she was betraying Lucas dahil sa nararamdaman niya sa lalaki. But it was out of her control, hindi niya gusto ang nararamdaman. Malalim ang pagmamahal niya kay Lucas at hindi niya gustong mawala ang damdaming iyon, she wants to love Lucas until the day she died.

Subalit hindi ganoon ang kinikilos niya, what if Lucas feels the same way, paano kung maramdaman nito sa asawa nito ang nararamdamn niya ngayon sa ibang lalaki. That even he loves her ay nagagawa pa rin nitong magmahal ng iba lalo na at hindi na niya magagawa pang makabalik dito.

Parang dumoble ang nararamdaman niyang sakit, isipin pa lang niyang magmamahal na ng iba si Lucas ay parang malalagutan na siya ng hininga. If only she was still there... kung hindi sana siya umalis.

Kinuyom niya ang kaniyang kamao at mariing kinagat ang ibabang labi, mabigat ang kaniyang paghinga. Tila hindi na siya makakalaya sa kalungkutang kinasadlakan niya at habang buhay niyang pagsisisihan ang desisyong ginawa.

Mabibigat ang hakbang na nagtungo siya sa kusina upang maghanap ng makakain, kumakalam na ang kaniyang sikmura, kahapon ay hindi naman siya nakakain ng maayos.

Nahinto siya sa pintuan ng malawak niyang kusina ng makita ang malapad na likod ng kaniyang bisita na nakaharap sa kalan at nagluluto.

Muli na naman niyang naramdaman ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Kahit ang likod nito ay walang pinagkaiba kay Lucas. Parang nais niyang lumapit dito at yakapin ito mula sa likuran katulad ng palagi niyang ginagawa noon kay Lucas. A lone tear escape her glassy eyes. Kaagad niya iyong pinahid ng lumingon ang lalaki.

"Oh.. you're done.. " muli nitong pinasadahan ng tingin ang kaniyang suot. Kumunot ang noo nito subalit agad ding napalitan ng nakakalokong ngiti. Mas lalo pang bumilis ang pintig ng kaniyang puso. Even his smiles looks exactly like Lucas.

"Why are you in my kitchen Mr. Sarmiento, akala ko ay umuwi ka na." sita niya dito.

"I know your hungry, kaunti lang ang kinain mo kagabi at hindi ka pa nag-aalmusal." Pinatay nito ang kalan at kumuha ng plato at inilapag sa mesa. Sumandok ito ng kanin sa rice cooker, pagkatapos ay inilagay sa tasa ang soup na niluto nito nauna ng nakahain ang pinirito nitong itlog at ham.

She crossed her arms and raised her one brow. Daig pa nito si superman sa bilis magluto. Ibang klase din ang lakas ng loob nito at parang hindi natatakot na magalit siya sa kapangahasan nito. Kung kumilos ito ay para bang matagal na silang magkakilala at may karapatan itong kumilos ng ganoon at makiaalam sa kusina niya.

"I think you have a prolem Mr. Sarmiento, you keep on invading my personal space like you have the right to do so. I don't even know you."

Parang wala itong narinig at nagpatuloy sa ginagawa. Nagtimpla pa ito ng kape at gatas. Inilapag nito ang gatas sa kaniyang harap. Kumunot ang noo niya, how did he know that she likes milk more than a cup of coffee. Binalewala na lang niya iyon, it might be a wild guess on his part o pina-imbestigahan siya ng hinayupak.

Siguro ay mas tama ang huli niyang naisip, he will not be able to get her address by her employees o kahit saang website. Pribado ang buhay niya kaya siniguro niyang walang makakalusot sa media. Nobody even knows na isa siya sa pinakamayaman sa bansa.

No wonder kung papaano ito nakakalap ng impormasyon sa kaniya, Sarmiento Corp. worth are more than her wealth. Sa nakalipas na ilang taon ay naungusan pa sila ng mga ito subalit wala na siyang balak makipagkompetensiya. Tapos na siya sa ganoon, she was actually planning to donate all of her assets and pass the management to Minalinda.

At pagkatapos ay titira na lamang siya sa bahay na binili niya sa Batangas, isang lumang bahay na itinayo pa noong eighteenth hundreds ang bahay ng mga De la Torre.

"Call me by my last name again or I'll kiss you." nagbabanta ang malamig nitong mata subalit may ngiti sa mga labi. "Have a sit sweetheart and eat." utos nito at naupo din ito sa tapat niya at humigop ng kapeng tinimpla nito para sa sarili.

Hindi niya mapigilang mapaismid subalit sinunod niya ito at naupo. Hindi niya kayang tanggihanan ang pagkain, that was one of her weakness other than Lucas.

"I wanted to see you try and let see if you can get out of my house still breathing and I am not your sweetheart stop calling me that." aniya at sumubo ng kanin.

Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. "Shall i call you Lyra...? "

Natigilan siya sa pagsubo at ikinuyom ang nanginig niyang kamay, the way he say her name shook her world. Matalim ang mga matang tiningnan niya ito ng masama. "Call me that way again, I'll kill you." ramdam niya ang galit sa sariling tinig at hindi niya pinansin ang gulat sa mga mata nito.

Hindi ito kaagad umimik. "I'll stick to sweetheart then." nakangising turan nito. Napabuntong hininga na lamang si Kallyra.

Naalala niya ang kaniyang aso at agad hinanap ng kaniyang mga mata. Napansin ng kaniyang kaharap ang pagkabalisa niya, tumayo siya upang hanapin ang kaniyang aso baka nasa kaniyang silid.

"Hindi ka pa tapos kumain." anito.

"Tatawagin ko lang si Lucas sa kuwarto." napansin niya ang pagkatigil nito na tila ba sandaling lumipad sa kung saan ang isip.

Subalit mabilis din itong nakabawi at tumalim ang tingin sa kaniya. "You're with someone?" tila maglalabas ng apoy ang matatalim nitong mga mata.

She frowned. "Yes, my dog. I need to feed him."

Nawala ang talim sa mga mata nito at umiwas ng tingin sa kaniya upang muling humigop ng kape. Sandali niya itong pinagmasdan, tila nahulog naman ito sa malalim na pag-iisip.

"Lucas!" tawag niya sa kaniyang aso ng makalabas ng kusina. Nakarinig siya ng mabibilis na yabag ng mga paa.

Patakbong lumapit sa kaniya ang aso at agad na dumamba sa kaniya. Natatawang kinamot niya ang malago nitong balahibo at iniiwas ang muka upang hindi nito madilaan.

"You're getting heavy..." aniya sa aso at hinalikan ito pagkatapos ay ibinaba, tumahol naman ito na para bang naintindihan nito ang kaniyang sinabi. Natatawang bumalik siya sa kusina.

Nagulat siya ng makita ang pagkaing nakahanda na para sa kaniyang aso sa baba ng lamesa. Nararamdaman niya ang mga titig ng lalaki kahit hindi siya nakatingin dito. Bumalik siya sa pagkain matapos maghugas ng kamay at ipinagpatuloy ang pagkain.

"About the contract... papupuntahin ko ang lawyer ko ngayon dito. Since you are already here." basag niya sa sandaling katahimikan.

Tumango lamang ito at sumandal sa upuan, tapos na siyang kumain ng maalalang hindi man lamang pala niya ito inalok, nasanay na siyang mag-isa lang na kumakain.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng muka. "Ah.. pasensiya na hindi man lang kita naalok kumain."

"Kumain na ako bago pumunta dito." anito na nanatiling seryoso ang muka, nakasalikop ang mga braso nito at nakatitig pa din sa kaniya.

Uminom siya ng tubig, wala siyang maisip na pwedeng sabihin. "I.. I think its better kung magkita na lang pala tayo mamaya sa cafe o kaya naman ay pupuntahan ka na lang namin ng abogado ko sa opisina mo, mukang matatagalan pa siya." aniya.

"I don't mind waiting, sanay na ako." makahulugang sabi nito. Muling nabalot ng katahimikan ang paligid.

Hindi siya mapakali, wala siyang maisip na sasabihin katulad kahapon, at hindi rin niya matagalan ang matiim nitong mga titig na para bang binabantayan ang mga kilos niya. "I've been wanting to see you Kallyra... after you ditched me on our wedding day."

Tumigil sa pagtibok ang puso niya. Pagkatapos ay sinalakay ng kaba ang kaniyang dibdib. Hindi niya maalis ang takot niyang mga mata sa malamig nitong titig. Realization hit her like a bullet.

"I-its you... " halos bulong lamang iyon. Subalit narinig ng kaharap at muling tumaas ang sulok ng labi nito.

"Yes its me wife... missed me?" napakapit ng mahigpit si Lyra sa hawak niyang baso. She was now staring blankly at his cold and dark eyes. That boy she married ten years ago, no, it should be almost a hundred years ago.

He was now a handsome man. Ito ang lalaking pinagselosan ni Lucas, ang una niyang halik na naganap sa araw mismo ng kanilang kasal. Gusto niyang matawa, pinaglalaruan talaga siya ng tadhana.

"I followed you, that's what they told me. I don't remember anything."

"B-bakit ngayon ka lang nagpakita?" nagawa niyang itago ang panginginig ng kaniyang tinig, itinago niya sa ilalim ng mesa ang nanginginig niyang kamay.

"You sounded like you don't wanna see me anymore sweetheart. Dahil ba natatakot kang gawin ko sa pamilya mo ang ginawa mo sa pamilya ko?" he drawled.

Umiwas siya ng tingin. "Hindi ko yun sinasadya..." mahina niyang tugon kahit ang sarili ay kinukumbinsi.

Muli niyang narinig ang mahina at sarkastiko nitong tawa. "Yan ba ang sinasabi mo sa sarili mo sa tuwing inuusig ka ng iyong konsensya?"

Ibinalik niya ang tingin dito, pilit tinatago ang takot at kaba sa kaniyang mga mata. "What do you want, wag mong idamay ang pamilya ko Maxwell." banta niya dito.

"I'm no longer using that name sweetheart." anito. "Wag kang mag-alala hindi ko idadamay ang mama mo at ang spoiled brat mong pinsan, that is kung gagampanan mo ang tungkulin mo bilang asawa ko." Naningkit ang kaniyang mga mata sa sinabi nito.

"I'm no longer your wife!" parang patalim ang kaniyang mga salitang binitiwan dito subalit wala man lang nagbago sa muka nito, nanatiling malamig at matigas.

"I did not sign any document that will void our marriage sweetheart, they all told me that I was obsessed with you kaya hindi ko pinirmahan ang pinadala mong annulment paper sa kabila ng mga ginawa mo sa pamilya ko."

"Then why not sign it now. " nakikita niyang hindi na ito ang lalaking pinakasalan niya noon. Wala na rin siyang nababasang pagmamahal sa mga mata nito. Para bang hindi na siya nito kilala.

"Not until I have my memory back, you have to help me with that."

Nabuo ang tanong sa isip ni Kallyra. It sounds like something bad happened to him at binabalot siya ng matinding kaba. Tila nabasa nito ang tanong sa kaniyang isip.

"I got into a terrible accident, I was brain dead for years, I just woke up two years ago at ikaw ang unang taong hinanap ko, even though I don't really remember you.. just your name and some blurry memories with you."