webnovel

Charlotte [The Missing Princess]

Geral
Concluído · 66.7K Modos de exibição
  • 15 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • N/A
    APOIO
Sinopse

She's a real princess... But she can't remember anything from the past. To her, she's only an ordinary girl living in a farm and married to a handsome farm owner. The Princess series is all about the three Princess of Aurum Castle. All of them were seeking of a normal life. A life without concealing what they really feel and wants. Join Charlotte, Zara and Serenity as they find life despite of the huge responsibility waiting for them. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Copyright © 2019 by Mary Ruth Oba All rights reserved. No part of this novel may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including typing, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

Chapter 1Charlotte's Great Mistake

MABILIS NA TUMAKBO PALAYO si Charlotte nang makitang nasa ibang bagay ang atensyon ng mga gwardya niya. May sumilay na ngiti sa mga labi niya nang hindi 'man lang namalayan ng mga iyon na nakalabas na pala siya. Inayos niya ang suot na cap upang itago ang kanyang mukha. Pinalitan din niya ang damit niya magara at sinuot ang nabiling faded skinny jeans, white V-neck shirt at sneakers. Sa gano'ng anyo, malabo na makilala pa siya bilang si Princess Charlotte Elisabeth Aurum. She is the eldest daugther of King Richard Aurum II to Crown Princess Elisabeth Grande.

May dalawa pa siyang kapatid sa ama. Ito sina Princess Zara Louise Aurum at Princess Serenity Adelaide Aurum. Dahil siya ang pinaka-matanda sa tatlo, sa kanya nakatakdang iatang ang korona at pamamahala sa buong Aurum Kingdom. That facts limits her to do what she really want in life. Minsan naiinggit siya sa kapatid na sina Zara at Serenity dahil nabuhay ito sa labas ng palasyo. Close siya sa dalawa kahit na nakikipag-kumpetensya ang mga ina nito sa kanyang ina. Kahit na malaking threat sa pagiging reyna niya ang dalawang kapatid. Sa totoo lang ayaw niya sa pagiging prinsesa niya. Mas gusto niya mamuhay ng simple at malayo sa responsibilidad. Ngunit hindi maari dahil siya ang unang anak at natatanging karapatdapat sa korona.

Agad tinungo ang naka-hintong bus ilang dipa ang layo sa kanya at sumakay roon. Hindi niya alam kung saan siya tutungo ngunit isa lang ang importante sa kanya ngayon. Ang makalayo sa sa Aurum Kingdom pansamantala upang makapag-isip isip. Hindi pa talaga siya handa sa mga responsibilad na maari niyang pasanin. Alam niyang mahina na ang kanyang ama at mas lalo siyang natatakot kung isang araw ay mawala na lamang ito sa kanila.

Nakita niyang papunta sa kabilang bayan ang bus na kanyang nasakyan. Ayon sa mga kwentong nadidinig niya, sa bayan na iyon ng San Miguel makikita ang malawak na hardin na tinatawag nilang Garden of Eden. Hawig daw kasi iyon sa hardin na base sa kwentong bibliya. Gusto niya makita iyon bilang bulaklak ang pinaka-paborito niyang bagay sa mundo. With flowers, she can make scents and soap. Bigla tuloy siyang na-excite dahil sa naisip. Maaring bumuti ang lagay ng kanyang amang hari kapag naamoy nito ang kanyang gawa.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na umandar ang bus. Nilingon niya ang kinaroroonan ng mga gwardya niya. Mukhang hindi pa napapansin ng mga ito na wala na siya. Muli siyang napangiti. Hindi niya gustong pasakitin ang ulo ng mga ito. Gusto lang talaga niya maranasang mabuhay ng mag-isa sa labas ng kanilang kaharian.

Nadaanan ng bus ang matayog na palasyo ng Aurum. Bawat sakay na kasama niya ay namangha nang makita iyon. Maganda at punong puno ng buhay iyon. Iba ang klase ng seguridad na meron doon. Bago ka makapasok sa palibot ay dadaan ka muna sa samu't saring inspeksyon at interview. Walang sinuman ang maaring makalapit sa miyembro ng royal family na walang pahintulot ng kanilang security.

"What does it feels like to be a Princess living in that castle, mama?"

Napalingon siya sa batang nagtanong. Nasa edad kinse na ito sa kanyang tantya. Maganda at may alon alon na buhok gaya ng sa kanya. Nakita niyang ngumiti ang mama nito at hinalikan ito sa noo. Bigla siya nakadama ng lungkot. Kailan ba ang huling pagkakataon na ginawa iyon sa kanya ng ina niya. Sa palasyo bawal niya tawaging mama ang Crown Princess. Kailangan kumilos siya aayon sa kanyang posisyon. Bawal maging mahina at dapat magmukhang kagalang galang.

"Being a Princess has a great responsibility since they portray a good character in front of their people." Sagot ng ina ng batang babae na nagtanong.

Tama ito sa mga sinabi nito. Being a Princess means a lot of concealment and doing nice acts in front of their people. She heaved a deep sigh as she remembers all the trainings and class she went through in the past. Hindi siya nakapasok sa normal na eskwelahan at nanatiling home schooled hindi katulad ng dalawa pa niyang mga kapatid. She hasn't really have a normal life. Kailangan niya gawin kung anoman ang ipagawa sa kanya upang maging karapatdapat na maging susunod na reyna ng Aurum Castle.

Walang normal na buhay ang isang Prinsesa… Bulong niya sa kanyang isipan.

Você também pode gostar