webnovel

Late Night Conversation and a Kiss

TULOG NA SI ALYANA nang maka-uwi silang tatlo galing sa panonood ng fireworks display sa paboritong lugar ng yumao niyang asawa. Si Maine ang nagturo sa kanya ng lugar na iyon kung saan kita ang kabuuan ng Santa Luisa at karatig bayan. Sa umaga tanaw din doon ang isang palasyo na kung hindi siya nagkakamali ay palasyo nina Klara sa Aurum. Sinabi ni Klara na sa kwarto na lang niya patulugin si Alyana na sinunod naman niya. Nang mailapag niya sa kama ang anak, agad itong kinumutan ni Klara saka hinalikan ito sa noo.

"Gusto mag-tea sa front porch?" tanong niya sa dalaga.

"Sure." Tugon nito saka ngumiti.

Sabay sila lumabas ng kwarto nito at tumungo sa kusina para maghanda ng tea. Drinking tea helps him to sleep easier at night. Lalo kapag gano'ng sobrang daming tumatakbo sa isipan niya, hirap siya makatulog. Lubos siyang naapektuhan sa demand ng pamilya ng yumao niyang asawa. Nakarating sa mga ito na may mayroon na siya ulit asawa kaya gusto ng mga ito na kuhain sa kanya ang custody ni Alyana.

To them, Alyana is the only person that reminds them of Maine. Giniit ng mga ito na maari na siyang magsimula muli at bumuo ng pamilya kasama si Klara. Sinigurado pa ng mga ito sa kanya hinding hindi mapapabayaan ang anak niya kapag nasa poder na ng mga ito ang bata. Tumanggi siya at nag-walk out silang mag-ama. Sa tuwing sasapit ang death anniversary ni Maine, iba't iba ang demand ng pamilya nito sa kanya. Iyon taon taon na lamang nagpapasakit sa ulo niya.

"Did the palace people visit you today?" tanong niya dalaga.

"No. Kagagaling lang nila Zara at Serenity dito kahapon. They played with Alyana whole day." Sagot nito sa kanya.

"They try to convince you, right?"

"Nope. Binalita lang nilang bumubuti na kahit papaano ang kalusugan ng ama kong hari."

Huling dalawang ng mga taga-palasyo sa bahay nila ay noong kinumbinsi si Klara ni Crown Princess Elisabeth na bumalik. Wala siya noon at sinabi lang sa kanya ng papa niya na hindi pumayag na sumama sa mga ito si Klara.

"It's a good that the King is already in a good condition. Mas hindi ko kailangan na bumalik doon."

"A normal life just like what you have now is your real dream, right?" tanong niya dito.

"Siguro gano'n nga ang gusto ko kaya ako tumakas noon at naaksidente. Sa totoo lang, ako ang nahihirapan para sa kanilang lahat. They're all trying to feed my mind that I don't belong here and telling how I live my life before."

Sinabihan na niya noon si Serenity na dahan dahanin lamang ang pag-ku-kwento kay Klara ng mga bagay at pangyayari mula sa nakaraan para hindi ito mahirapan. Ngunit mukhang desidido ang mga ito na pabalikin si Klara at tanggapin ang tungkulin nito bilang Princess Charlotte of Aurum.

"Shall I call you Princess Charlotte?"

"Nah, I much prefer my current name. Alyana gave it to me and its special."

Klara Marie Marquez was from the lost doll of Alyana. Sinabi nang anak niyang mukhang manika si Klara kaya iyon ang pinangalan ng bata sa dalaga. Kailan lang iyon naipaliwanag sa kanya ng anak niya. Ang buong akala niya walang kwento sa likod noon ngunit nagkamali siya.

"You want to know what did Alyana wished awhile ago upon blowing her birthday cake?"

Napatingin siya dito. Dahil sa nangyari sa pagitan niya at ng mga magulang ni Maine, nagkulong na naman siya sa study room niya. Hindi niya tuloy nasamahan ang anak na i-celebrate ang kaarawan nito kanina.

"What is it?"

"Baby brother. She want a baby brother." His lips parted upon hearing his daughter birthday wish. "Natawa si Papa mo nang madinig iyon." Dagdag pa nitong sabi.

"What did you answer?"

"What am I supposed to answer in that kind of question, Isaiah?"

Oo nga naman. Stupid question, Isaiah! Singhal niya sa isipan.

"I choose not to answer. Ayoko siya bigyan ng false hopes. Masyado pa siyang bata para masaktan."

"Thank you dahil palagi mo iniisip ang mararamdaman ng anak ko,"

"Wala 'yon. I just want to be a good mom to her."

"Believe me, you are a good mom. Thank you for coming to our lives."

Pumihit siya paharap dito at tingnan ito derecho sa mga mata. Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito.

Bakit ba sobrang siyang nakakatukso halikan? Tanong niya sa isipan niya.

Tinawid niya ang pagitan nila at hinawakan ito sa pisngi. He caresses her face and pulled her a little more closer until their lips touch.

Its their second kiss already but it feels like a first time. Every moment with Klara feels like a first time for him. Was he slowly falling for her?

Another kiss! Is Isaiah slowing falling in love with Klara?

Next update will be next week Tuesday ? One chapter pa then volume 1 will end na ❤ Mga 5 volumes na may tig-15 chapters each ang balak ko sa novel na 'to. ? Sana kayanin ko ?

-CL

CaireneLouisecreators' thoughts
Próximo capítulo