webnovel

Tears In Her Eyes

NAGMAMADALING bumabasa sa sasakyan ang anak niyang si Alyana pagkahimpil niya ng sasakyan sa parking lot ng San Miguel Hospital. Mabilis din siyang bumaba para mahabol ito. Kagabi pa ito excited na makita ang babaeng dinala niya doon. Kung hindi niya pa sasabihang matulog na ito ay hindi pa ito titigil sa ginagawa nitong card para sa babae. Humawak ito sa kamay niya at hinila na siya papasok sa ospital. Lahat ng nurse maging doktor ay nasa kanilang mag-ama ang atensyon. Nadadalas ang pagdalaw niya doon at ngayon nga sinama pa niya ang anak niya para lang dalawin ang babaeng walang kaugnayan sa kanilang mag-ama.

Nang malapit na sila sa kwarto kung nasaan ito ay huminto muna siya at hinawakan sa magkabilang balikat ang anak. Lumuhod siya kapantay nito at sinalubong ang tingin nito.

"Alyana, you have to be gentle, okay?" Tumango lang ito at ngumiti. Kinuha niya ang hospital gown at mask saka sinuot sa anak. Marahan silang pumasok na mag-ama sa loob. Sandaling natigilan ang kanyang anak at kung ano ang dahilan ay hindi niya alam. Muli siyang lumuhod kapantay nito. "What's wrong?"

Umiling ito saka nagpatuloy sa paglapit sa babae. "Gaano po siya katagal na matutulog, daddy?"

"Hindi ko alam. Maaring months o years, anak."

Nakita niyang ginagap ni Alyana nang marahan ang kamay ng babae. Dinala ng anak niya ang kamay nito sa pisngi marahil para bigyan ng init.

"Please wake up. Daddy and I were waiting for you." Nadinig niyang sambit ng anak.

Who would've thought that he will hear those words in a seven years old kid? He really have a grown and matured thinker daughter. Patuloy na hinawakan ni Alyana ang kamay ng babae at panaka-naka ay kinakausap ito. Sabi ni Georgette, makakatulong daw iyon sa development ng pasyente. Naupo siya sa silyang katabi nang tinutungtungan ng kanyang anak. Tumunghay din siya sa babae at doon lang niya napagtanto na maganda ito sa kabila ng mga sugat nito sa mukha. He silently wished that wouldn't leave any scars. Sa puntong iyon pumasok ang isang nurse na may dalang gamit para palitan ang benda sa ulo ng pasyente. Lumabas muna silang mag-ama para magawa iyon ng nurse.

"Daddy, we should bring flowers on our next visit." Ani sa kanya ni Alyana. "What flowers do you think she likes?"

"Hmmm, roses maybe. We'll buy a bouquet next Saturday." Sagot niya sa anak.

"And I bring book to read for her." Alyana flash a sweet smile at him. Ilang minuto pa ay muli silang pumasok sa kwarto dahil tapos na nurse sa ginagawa nito. Muli silang naiwan na mag-ama doon. "Daddy, look." Dagli siya napatingin sa tinuturo ng kanyang anak.

May mga luhang naglandas sa pisngi ng pasyente. Naalarma siya at pinindot ang button para tumawag ng doktor. Mabilis naman sila napuntahan at tiningnan ang pasyente. Sa loob ng tatlong araw na pagkaka-comatose ng pasyente, iyon ang pinaka-unang development na nakita ng mga doctor dito. Marahil nakatulong ang ginawang paghawak ni Alyana sa mga kamay nito kanina. Kinausap siya ng doctor tungkol sa progress ng pasyente at sa maaring mangyari dito kung sakaling magising ito. Naiwan sa loob ng kwarto ang kanyang anak.

"Maybe your daughter's touch and voice moved the patient's heart. Once in a while, I advise to bring your daughter whenever you visit. Malaking tulong iyon para tuluyan na siyang magising." Sabi sa kanya ng doctor. "May balita na ba ukol sa identity niya?"

"Wala pa. Ilang araw na lumipas ngunit wala pa ako nadidinig mula sa pulisya na rumesponde sa accident site." Tugon niya sa doctor.

Napatingin siya sa anak na nasa loob ng kwarto ng babae. Kitang kita niya ang patuloy na pakikipag-usap ng anak dito kahit pa na wala itong nakukuhang sagot. Napangiti siya. Isa iyon sa nama nitong trait sa yumao nitong ina. His late wife was a doctor. Malambing at palaging nakangiti kagaya ni Alyana. It was a love at first sight. Unang kita palang niya sa yumaong asawa, nasabi na agad niyang ito na ang mapapangasawa niya at magiging ina ng mga anak niya.

Hindi 'man sila pinalad na magkasamang tumanda, nag-iwan pa din ang asawa niya ng isang anghel na nagpupursigi sa kanya na magpatuloy na mabuhay. Ngayon ay stable na ang farm na pag-aari niya at ng kanyang ama. Natapos na din ang extension ng bahay niya na pinagawa niya noong isang taon. Dumadami na ang investors sa pumapasok sa farm niya at lumalago na din ang palayan na nagsimula lamang sa maliit. With that success, he got the full custody of Alyana since Maine's parents were angry at him. Hindi niya alam kung bakit ngunit may kinalalaman iyon sa pagsunod niya sa kagustuhan ni Maine na piliin niya ang anak nila.

"If there'll be any progress, we will contact you immediately, Mr. Marquez." Iyon lang iniwan na siya ng doktor. Matama siyang pumasok at sinamahan ang anak sa pagbabantay sa pasyente.

Magigising na kaya si Jane Doe? Stay tuned for the next chapters ❤

CaireneLouisecreators' thoughts
Próximo capítulo