webnovel

EPISODE 1: CRUSH

"Girls tara sa food court bilis!"

"Mara, Courtney, Angel!"

Narinig niyo naman siguro ang signal ng bell, ano? Tumayo na kayo para may maabutan pa tayong upuan doon malakas na sabi ni Cristine.

Cristine Angeles, Mara Reyes and Angelica Dela Vega are my bestfriends since childhood days. They are my closest person maliban sa aking family members.

All of them are my bestfriends according sa kanila kasi ayaw nila ang label as friend only. We treat each other like siblings too sa tagal na ng samahan.

"Napakaganda talaga ng school natin, ano girls?" Mabuti na lang at dito tayo pinag-enrol ng parents natin sabi ni Mara habang kami ay naglalakad papunta sa food court ng school.

"Mabuti na lang at sumama ako sa inyo noong magdesisyon kayo na dito mag-aral". Sabi ko naman sa kanila.

"Courtney, tingin mo ba papayagan ka namin na humiwalay sa grupo? NO WAY! Kahit saan ka pa mag-aaral susundan ka namin, hirit naman ni Angel.

Walang iwanan girls kasi what we have is a solid friendship, sabi ni Cristine sabay sigaw ng 'Group hug'.

"Girls, doon tayo sa may dulo malapit sa corner ng garden para hindi masyadong crowded", sabi ko sa kanila.

"I agree with Courtney", ayoko ng nakakakita ng mga malalanding nagtatawanan girls. Ayoko ko ng gulo kasi baka makipagsabunutan ako. Hindi ko matiis ang kaartehan nila, sabi naman ni Angelica sabay irap sa kung saan.

Lumingon kami kung saan nakatingin si Angelica and confirmed! Sa table nila Faye and her group of friends na nasa center part ng food court area.

Ayaw na ayaw talaga ng friends ko ang grupong iyon kasi masyado daw malalandi.

"Cristine, tayo na lang ang pumunta sa food counter para mag-order". Mara, Angel kayo na ang bahalang maghanap ng mauupuan natin. Sa bandang corner sa dulo sana kayo maghanap para hindi masyadong magulo sabi ko naman.

Naghiwahiwalay muna kami ng direksiyon para makakain agad. Pumila na kami ni Cristine habang sila Angelica at Mara ay nagbantay na sa place namin para hindi maagaw. ' First come first served' ang policy sa food court.

"MGS International School",that's our school name. I am proud to say that most of our schools products are successful in their chosen careers.

Our parents are also products of MGS International School. One reason why we are close is that, our parents are business partners too in our Financing business.

Popular ang eskwelahang ito sa buong Pilipinas kahit nasa probinsya dahil sa standing nito in terms of quality education offered.

Ang totoong dahilan kung bakit madaming students here, specially females ay ang mga varsity teams na ubod ng gwapo maliban syempre sa delicious foods na offer ng canteen.

May magandang view daw na nagbibigay inspirasyon to study sabi ng dalawa kong loko-lokong bestfriends. Tambayan kasi ang lugar na ito ng mga poging varsity team players.

Pinaikot ko ang aking paningin sa paligid para makita ang taong lagi kong gustong masilayan kahit sa malayuan lang. Sekreto na muna kasi bata pa ako at hindi pa pwedeng magmahal.

No one knows about my secret crush kasi nahihiya akong malaman ng iba." I am not ready yet!"

Nakita ko siya at kanyang mga kaibigan na nagtatawanan habang nagkukwentuhan at nagmemeryenda sa table na malapit sa pinili nila Mara na uupuan namin.

Sa panaka-nakang pagtingin ko sa pyesto nila ay biglang nagsalubong ang aming mga mata. Lumingon din ito sa gawi namin kaya agad kong binawi ang direksyon ng mga mata ko at tumingin na lang sa dinadanan namin.

"Bestie! Look." Nakatingin dito sila Captain Kent at mga kaibigan niya sabi ni Cristine na may halong excitement noong nakarating na kami sa table namin.

"Ano naman ngayon kung nakatingin sila?" Wala lang siguro silang magawa sa buhay pambabalewalang sagot ko kahit ang totoo ay hindi na ako mapakali.

Sa wakas ay napansin din ang beauty natin na walang kapantay at fresh na fresh like blooming flowers, sagot naman ni Mara ng may malaking ngiti.

Hindi naman sa atin nakatingin! Tignan niyo kasing mabuti girls ah! Kay Courtney lang nakatutok ang mga mata nila. Mga ambisyosa naman kayo bestfriends, tumatawa namang banat ni Angelica.

"Manahimik na kayo diyan at ikain niyo na lang baka gutom lang kayo kaya kung ano-ano na nakikita niyo," sagot ko naman sa kanila.

"Oo nga! Oo nga!" Ang galing mo talaga mag-observed daig mo pa ang imbestigador na pati direksyon ng mata napansin mo sagot naman ni Mara.

"Hindi na ako nagulat kung kay bestie nga sila nakatingin. Iyong isa kasi doon lantarang sinasabi na gusto si Courtney. " Inaasar lang siguro kasi hindi makaporma-porma biglang sambit naman ni Cristine.

Hindi na rin nakakapagtaka girls kung sa atin man tumingin ang varsity team. Sa ganda nating ito tapos kasama pa natin si Ms. Perfect. "WOW".

"Tama ka diyan bestfriend, appear!" Sabi ni Mara kay Angel sabay palo ng mga kamay nila.

Pasalamat na lang talaga tayo dahil bestfriend natin si Courtney. Nadadamay tayo sa kasikatan ng beauty and brain lady ng school dugtong naman ni Mara.

"Ang drama niyo girls, kung kailan nasa madaming tao tayo saka kayo nagdradrama. Lahat naman tayo magaganda at matatalino huwag niyo nga pinapalaki ang ulo ko".

"Fine! The humble lady talks!" Kumain na nga lang tayo baka sakaling maambunan tayo ng katalinuhan at kagandahan, sabay subo naman ni Cristine sa kanyang bake mac.

"Yeah right! Don't argue with Courtney Jane Daza. Top student!" Matatalo lang tayo pang-aasar ni Cristine sa akin.

My teachers used to say I have the beautiful face and body that can win in every beauty contests. Pinipilit pa akong sumali kasi full package daw sana ako.

The thing is I prefer reading books and staying inside my room watching and planning things rather that interacting outside. Sa academic contest lang talaga ako sumasali like in quiz bee activities in different subjects.

Habang kumakain kami tuloy lang ang asaran ng aking mga kaibigan. Kinikilig-kilig pa sila kasi malapit lang sa amin ang varsity team at sumusulyap-sulyap pa rin sila sa pyesto namin.

My bestfriends are all indeed beautiful, georgous and intelligent ladies. Choice lang ng dalawa kong kaibigan talaga na maglaro lang sa pag-aaral. Ang mahalaga raw ay nakapagtapos sila at aanhin daw ba nila ang sobra sa 3 or 75 na grado.

"Bestie Courtney, sino pala ang crush mo dito sa school? Sa dami kong crush na sinabi sayo wala man lang ni isa akong narinig mula sa'yo kung sino ang natitipuhan mo dito." Ang daya-daya mo talaga sabi ni Cristine sabay simangot.

Si Cristine ay maganda at matalino din pero hindi siya honorole kasi ayaw niya daw ng stress at kawawa lang daw ang beauty niya kapag aral ng aral.

"Oo nga best, malihim talaga si bestie Courtney nakakatampo. Kakasabi ko lang na crush ko si Ace noong isang linggo pero wala man lang reaction."

"Kahit violent reaction na sana basta may feedback man lang", hirit naman ni Mara.

Siya ang sobrang pranka at daldal na kaibigan ko pero may sense ang lahat ng sinasabi nito. Madalas kasi ay sawi ito sa pag-ibig pero hindi naman sumusuko sa laban.

Kayo lang naman ang papalit-palit ng crush kaya huwag niyo na kami isali sa trip niyo. "Study first ang motto namin ni Courtney" awat naman ni Angelica. Like my two besties she is also beautiful at smart.

Like me, Angelica belongs to the top students circle as she is the top three in our class. The second honor was Faye Laurel na kinaiinisan niya.

Our friendship is not perfect dahil hindi naman maiiwasan ang awayan pero agad namang naayos.

We are complete opposite at magkakaiba ng hilig pero kilala na namin ang isat-isa sa tagal ng panahong lumipas. We learned to fit in to our every bestfriends wants.

"Wala ka ba talagang naging crush dito sa MGS best? So dami ng mga pogi sa paligid wala kang napansin or naging crush man lang? Hindi ka naman robot!" Pangungulit ulit ni Cristine.

"Tumigil nga kayo diyan sa topic niyo!" Meron naman pero secret at hindi pa ako pwede sa ganyan girls sabi ko sa dalawang makulit dahil pakiramdam ko madami ng lalaki ang nakatingin sa gawi namin na parang naghihintay ng mga kasagutan.

Lumapit sa akin at bumulong si Cristine. " May kilala kasi ako na may crush sayo kaya ko tinatanong kasi bestfriend siya ni Rixor Martinez.

"Kilala mo ba si Rixor? Manliligaw ko iton ngayon na nasa ibang section at kasali din sa varsity team.

Oh! Ano naman ngayon bestie? Sagot ko dito.

Sa mga varsity team or sa swimming teams wala ka bang natitipuhan? Ang popogi kaya nila!

"May Carlo Alvarez, Kent Alvarez , Lester Santillan, Jessie Ong amd many more! All yummy bestie!"

Ay excempted pala si Jessie kasi pinsan mo siya! Kay Angel na iyon kasi parang bagay damay pa niya sa katabi na walang imik.

Mga hot boys sa school ang mga iyon at varsity players pa sila. 'WOW' na lang talaga bestie kung wala ka pang nagugustuhan sa kanila! Sunod na sabi ni Mara ng medyo mahina lang din.

Kayo talaga ang kukulit niyo hindi ba sabi ko nga, aral lang muna ako girls. "Ayaw ko muna ng destruction sa studies ko, alam niyo naman ayokong masira ang pagtingin nila mama sa akin".

Wala ka man lang bang naging type sa kanila ? Ilalakad ka namin kung may tipo ka para makita ka naman namin na kiligin.

Girls, tao pa din naman ako kaya natural may crush ako! Secret na lang kasi madadaldal kayo lalo ka na Cristine. Baka wala pang isang oras alam na ng buong campus kung sino, sabi ko para sana tumigil na sila.

"Grabe siya oh, It hurts!" Kunwari drama pa nito.

Hindi nga! Sino nga kasi best?

Excited lang naman kami to witness kung paano magmahal ang isang Courtney Jane Daza, hirit ni Mara.

Girls, change topic na kayo diyan dahil hindi pa ako handa sa ganyan. Kabilin-bilinan ng mama ko na huwag daw love life ang unahin ko.

"Mag -aral daw mabuti kasi mahirap daw ang umibig ng maaga baka hindi makapagtapos. Patay ako!

Panganay pa naman ako dapat role model daw ako sa mga kapatid ko. Kaya wala pa sa isip ko ang ganyan mga BFF, clear? saad ko.

Kill joy ka talaga kahit kailan bestie! Sa talino at ganda mong iyan impossibleng wala kang mararating.

"Sa ganda natin na ito impossibleng walang mahuhumaling kahit sa murang edad. Lahat naman tayo maiinlove best, why not try now para matuto ka. Experience kumbaga sabi ni Cristine.

Basta! Kukulitin ka namin ulit next time sa love life na iyan, hindi pwedeng hindi namin alam hirit naman ni Mara.

Hindi ba dapat tayo muna ang makakaalam kung may nagugustahan na si Courtney mga bestie? Tanong pa niya sa dalawa.

Agree mga bestie!

Laban para sa puso ng pihikan nating bestfriend, sigaw ni Cristine.

"Laban para sa pag-ibig."Sabay namang sigaw nila Mara at Angelica na kinalingon ng lahat ng nasa canteen.

Pok....! Pok...!

(Tunog ng pagsapok ko sa dalawa pero hindi naman malakas).

Aray naman bestie! Reklamo nila. Isusunod ko sana si Cristine kaso nakatayo agad kaya iyong dalawang nasa harap ko lang ang nasapok ko pero mahina lang naman.

Gumawa ba naman ng eksena nakakahiya sa paligid lalo tuloy kaming pinag-titinginan.

Aray naman bestie! Nagiging amazona ka na mababawas iyan sa good image mo sige ka! Kunwari banta pa ni Mara.

"Kaya nga bestie, ouch iyon kaya." Mabuti nakailag ako sabi ni Cristine na tumabi na ulit sa akin.

Since ayaw mong sabihin kung sino ang crush mo may ipapakilala na lang ako. Kilala mo na siya for formality na lang ito.

I will introduce him later baka sakaling mapansin mo na siya. Baka kasi hindi mo pa pala kilala kasi laging sa libro mo ikaw nakatingin daw. Sabi ni Christine.

Bahala ka nga sa life mo diyan girl. Ikain mo na lang iyan baka makalimot ka sa trip mo sabi ko sabay subo sa isang piraso ng siomai sa bibig nito.

Nilunok naman niya agad ng walang reklamo. " Sabihin ko na lang kung sino may crush sayo pero huwag mo sasabihin na kinuwento ko ha? " Cristine ulit na parang kilig na kilig pa at ayaw akong tantanan.

"Huwag na, hayaan mo nang wala akong alam para di nakaka-ilang bestie." Sabi ko na lang ulit kasi kinakabahan din ako.

He is your seatmate sa Chemistry natin kaya, pagpapatuloy lang nito. Crush ka na daw niya since 1st year high school kaso snobber ka daw best kaya ako na ang magiging tulay niyo. Bagay na bagay naman kayo sa tingin ko, pahayag pa nito.

Sure ka diyan best? Parang kilala ko ang tinutukoy mo sabi naman ni Angelica sabay tingin sa akin na may ibig sabihin. Parang kinikilig din siya sa suspect niyang tao na may gusto sa akin.

"Courtney, hindi ba siya din iyong crush mo?"

Kaya pala sa atin sila nakatingin kanina. Si Captain pala ang tinamaan sa iyo. Ooops! Sorry my bad! Nadulas na wika niya pero sa itsura niya inaasar lang talaga ako.

OMG, talaga? Sinabi niya sayo na crush niya si Kent as in Kent Alvarez, the captain?!

O....M....G..... Ikaw best , ha! Sabay hila at palo sa buhok at balikat ko ng mahina lang naman madrama lang talaga si Mara.

"Ang daya mo! Mas matagal mo ako na bestfriend tapos sa kanya mo sinabi. Hmmmp!" Tampo na ako ako sayo kunwari reklamo naman ni Cristine.

"Huwag nga kayong madrama diyan." Naalala mo noong nasa Elementary tayo unang beses ako magkaroon ng crush. Sinabi ko na crush ko si ganito? Anong ginawa mo?

"Nilantad mo lang naman sa buong school. Kaya ayokong sabihin sayo masyado ka excited. Nakaka- trauma bestie saka nakakahiya sa tao."

"Peace bestie pero kunwari lang naman na nagsusungit si Joel noon. Maniwala ka, alam kong crush ka din niya. Huwag nga siyang maarte nakita ko pa ngang may FLAMES games sa notebook niya ng pangalan niyo! Take note, madaming beses pa na parang pinipilit maging married pero napupunta sa enemy." Hahahaha!

"Nataranta lang siguro iyon kaya ka sinungitan noon. Sinong hindi magkakagusto sayong lalaki? " Tanga lang talaga siya best mahabang paliwanag nito.

Hahaha!

"Guys!" Biglang singit na tawa ni Angelica. Hindi naman niya sinabi sa akin kasi nabuking ko siyang naka tingin kay Kent noong may activity tayo.

May time na nahulog iyong pen ni Courtney tapos si Kent ang pumulot at nag-abot. Nakita ko siyang namula noong pagkakuha niya ng pen. Tapos noong asarin ko namula ng todo parang ngayon tignan niyo, oh! Hahaha, hindi ba halatado siya girls? Sabi ulit ni Angelica.

Hiyang-hiya na ako buti na lang mahina iyong boses niya habang binabanggit ang pangalang Kent kundi lumubog na ako sa kahihiyan dahil sa pang-aasar ng mga kaibigan ko sa akin.

"Pwera biro best? As in totoo ang sinabi mo na crush din siya ni Kent, the captain pogi? Destiny pala sila talaga. Ayieeee!"

Support kami diyan kapag naging kayo 100 percent. Sasamahan namin kayo sa lahat ng dates, kahit secret pa yan!

Oo, kinuwento sa akin ni Rixor kasi bestfriend niya si Kent. Nahihiya daw sa kanya iyong tao. Puro aral daw kasi! True naman kasi hindi naman talaga namamansin ng mga boys maliban sa mga pinsan ang isang to sabay kurit sa akin ni Cristine.

"No comment!"

Aral muna priority ko sabi ko sa kanila pero deep inside kinikilig ako at hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa aking mata pinipilit ko lang itago sa kanila. Totoong siya din anng matagal ko ng crush, hindi na iyong tao from my Elementary days na ayon sa kwento ng mga baliw kong kaibigan.

Mabilis ko siyang napansin kasi napapangiti niya ako tuwing nag-jojoke siya during our laboratory classes. Nagkakataon na partners kami sa mga experiments at activities. Mabait at gentleman din naman siya talaga kaya mapapansin talaga ito

Noong matapos ang breaktime bumalik kami sa classroom and listened to our teachers lecture hanggang sa matapos ang aming mga klase sa araw na iyon.

Author's Note:

Enjoy reading guys......Hope you like my story.....

Please like or comment po kung nagustuhan niyo ang umpisa ng kwento ....

Thanks po.

Lady_Courtneycreators' thoughts