webnovel

EPISODE 2: FRIENDS

Riiiing.....

"Uwian na mga bestfriends." Makakakain ulit sa wakas, sabi ni Mara.

"Nagugutom na ako at mga alaga ko kaya tumayo na kayo diyan, please!" Sigaw pa nito habang nasa pinto ng classroom.

" Mga bestfriends kong magaganda na ubod ng bait", makikisabay daw sa atin hanggang sa may kanto sila Rixor, Kent , Jessie at Carlo sigaw naman ni Cristine habang nag-aayos ng gamit.

"Ooops! Bawal ang kumontra!" Biglang tugon pa nito ng makita sigurong tatanggi sana ako.

Huwag ka na kumontra saka binigay ko na pala number mo kay Kent. Iyong picture mo din na nasa akin kinuha niya kapalit ng picture ni Rixor.

Binigay ko na kasi pagkakataon ko na iyon para magkasouveneir kay Rixor ng picture hindi ka naman pwedeng magalit sa akin kasi bestfriend mo ako." Peace".

"Hindi ko alam kung paano kita naging kaibigan talagang babae ka! Pinamigay mo talaga ako para kay Rixor mo ano?" Kunwari nagtatampo ako pero ayos lang naman sa akin, larawan lang naman iyon.

"Sorry not sorry bestie!" Ito, kumuha din ako ng picture ni Kent palit daw kayo sabay ipit ng 1x1 na litrato sa likod ng school ID ko na bigla niyang inagaw mula sa aking leeg.

Baliw ka talagang babae ka! Ano pa nga bang magagawa ko?

Alam kong hindi ka magagalit bestie. Iyong number niya ibigay ko na lang bukas, hindi ko alam kung saan ko na nilagay iyong sinulatan niyang papel. Hindi ko kasi dala cellphone ko kanina, basta kung may magtext sayo replyan mo lang baka siya na iyon.

Parating na pala sila bestie, girls tara na!

Hoy Courtney, Angelica bilisan niyo naman daw para sulit pa ang time with them, drama pa ni Cristine.

"Ito na nga binibilisan na atat naman ito." Nagliligpit pa lang kami ng papers kita mo naman sambit naman ni Angel na nagmamadali na din.

Rixor, nandyan na pala kayo tara na lakad na tayo. Sabay alis ni Cristine at nauna nang lumapit sa boys.

Kent, dito ka na lang sa tabi ni Courtney. Magkwentuhan muna kayo para masaya. Tahimik iyan kaya ikaw na ang bahala. Kausapin mo siya para makilala mo pa ng husto saad ni Cristine sabay tulak naman ni Rixor kay Kent kaya napunta na ito sa tabi ko.

Hi!Kilala mo naman siguro ako ano? Biro pa nito habang nakangiti sa akin.

Oo naman! Palagi tayo magkapartner sa laboratory tapos ako pa tagasulat ng pangalan mo sa activities. Paano kayang hindi kita kilala sa lagay na iyon? Captain? Sagot ko naman.

Mabuti ng sigurado baka mamaya nakalimutan mo pala pangalan ko biro naman nito sa akin. "Akala ko kasi hindi mo ako napapansin." Bulong pa ni Kent na kinatingin ko sa kanya dahil sa huling salita nito.

May sinasabi ka ba Kent? Kunwari tanong ko.

Ha? Wala naman, papaalam ko lang pala na kinuha ko cellphone number mo kay Cristine. Ayos lang ba sayo ? Tanong niya.

"Oo naman. Wala namang problema at magkaklase naman tayo so normal lang na makuha mo din contact number ko".

Deep inside kinikilig ako pinipigilan ko lang kasi hindi pwede." Pwede ba ako magtext at tumawag kapag may extra time? Kung maaring magpapaturo kapag may hindi ako maintindihan sa lessons natin. Pwede? "

"Sure, no problem basta alam kong sagutin, ha?"

Ikaw pa ba Ms. Beauty and Brain. Lahat yata ng lessons alam mo na in advance sabi nito ng tumatawa na rin.

"Grabe siya oh! Hindi naman ako ganoon kagaling. Sobra naman ang beauty and brain na bansag sa akin ng school. Hindi naman totoo iyon dahil sa dami ng magaganda dito parang wala namang ganoon sa akin. I also have insecurities and weaknesses. "

"Believe me Courtney, you are the most beautiful girl in the campus tapos you are so intelligent too kaya kilala ka ng halos lahat ng boys dito."

You have tons of admirrers in the campus hindi mo ba napapansin ang tingin ng mga tao? Lalo na ang mga boys?

Sabagay, hindi mo talaga makikita kasi hindi ka naman tumitingin sa paligid mo sabi ulit nito.

Naramdaman kong nag-init ang aking pisngi dahil sa mga sinabi niya. I felt I blushed for his compliments. Hindi na ako makatingin sa mga mata niya habang nagdadaldal siya buti na lang nakanatural make-up look ako kaya hindi masyadong halata ang pamumula ko.

"Thank you," if ever totoo man iyon sabi ko na lang sabay tingin sa kanya kasi medyo nakarecover na ako sa hindi ko mawaring pakiramdam.

Wrong move! Kasi iyong mga mata niya nakatingin pala sa akin na parang may gustong makita at mukhang may hinahanap.

Nakakaintimidate at parang nang-aakit ito kaya binawi ko ang aking mga tingin. Nagfocused na lang sa dinadaanan namin.

Here, sabi niya sabay tapat ng payong na bigla niyang inilabas mula sa bag niya. Lalo kaming nagkalapit at ramdam ko sa balat ko ang pagdampi ng kanyang braso at gilid ng katawan sa akin.

Namumula ang mukha mo hindi ka kasi sanay sa init, ano? Payungan na muna kita sabay lapit pa lalo sa akin para matakpan ng payong ang aking buong katawan mula sa sinag ng araw.

Wala ka ng payong, sa akin na nakatutok iyan baka sumakit din ulo mo sabi ko ng mapansin kong halos ako lang ang nakasilong dito.

"Don't worry, sanay akong maarawan. Varsity ito kaya sanay sa mainit na panahon."

"Thank you", pero lumapit ka ng konti Kent para masilungan ka din I said na sinunod naman niya while walking kasi nakakakonsensya pa din kahit sabihin pa niyang sanay siya.

Nakarating kami sa crossing kung saan kami magiiba na ng way from the boys.

"Here, take the umbrella muna maiinit dito while waiting sa sundo niyo."

Hindi na Kent, nakakahiya na. Gamitin mo na iyan. Malapit naman na ang sundo namin kaya ayos na kami rito.

No. Just use it. Hindi naman ako nagpapayong sa arawan at ipapasok ko lang rin iyan sa bag ko kung hindi mo kukuhanin. Ibalik mo na lang next time at magkikita naman tayo lagi sabi ni Kent sabay kuha sa isang kamay ko at sinabit doon ang payong.

Pinilit kong ibalik pero ayaw talaga kaya I have no choice but to keep it, for now.

Wooooo!

Bulok na ang style mo pareng Kent! Payong sa bag? Really? Biglang sigaw mula sa likod kaya napatingin ako. It's Rixor who is talking or should I say pissing off Kent.

Kailan pa nagkapayong ang bag mo dude? Pinaghandaan mo talaga ha! Sabi nito kasabay ng napakalaking ngiti nito na mukhang gusto pang humagalpak.

Gago! Diskarte ko ito kaya manahimik ka nga diyan. Baka ano pang isipin ni Courtney sa mga pinagsasabi mo.

Sige lang, rason pa more Captain Kent. Bilisan mo lang ang diskarte baka maunahan ka. Madami kang kalaban diyan kaya huwag babagal-bagal baka maglupasay ka sa kabiguan niyan sabay hagalpak nito ng tuluyan. "Hindi ko feel ang mag-alaga ng broken hearted na kaibigan sinasabi ko na! "

Hahahaha! Hindi ko maimagine Kent! Tuloy pa sa pang-aasar nito pero hindi na pinansin ng katabi ko.

Salamat sa pagpayag na sumabay kami ngayon, sa uulitin! Sabi nito ng may matamis na ngiti sa akin. Hindi na nito pinansin ang sinasabi ni Rixor kahit nagpaparinig pa din sa likuran.

Mag-ingat kayo, sabi pa nito habang tumatakbo paalis para habulin si Rixor na biglang tumakbo pagdating ng aming sundong mga girls.

Nakita ko pa na sinapok niya ng pabiro ang kaibigan ng maabutan niya ito kaya ako napapangiti habang nakatingin sa kanyang likod.

"Hoy!" Bigla akong nagulat ng sinigawan ako ni Mara sabay tawa niya din na sinusundan ang tinitignan ko kanina.

Courtney napaghahalataan nga na may gusto ka din sa kanya! Huwag ka naman masyado magpahalata. Pakipot naman ng konti, pang-aasar din ng girls sa akin.

Ayieeee...!

Wala na sila! Malayo na sila kaya tingin ka na sa amin sabi ni Mara sabay tawa ulit kaya binaling ko na ang atensyon ko sa kanila.

Confirmed nga mga bestie sabi ni Cristine. Bagay sila girls! Let's name their love team CK!

Anong CK? I asked.

Team Courtney and Kent for the win bestie! Ang hina ng pick -up niya girls! Nagloading yata siya dahil sa kilig. Delikado pala itong mainlove.

Mga baliw huwag na nga kayong maingay marinig kayo ng ibang tao malalagot ako kila mama sabi ko sa kanila.

Nag-aasaran kasi kami habang nasa daan nakisabay ang tatlo sa sundo ko kasi madadaanan naman mga bahay nila. Malapit na din kami sa kanya-kanyang houses.

"Secret lang naman natin". Don't be paranoid nasa likod mo lang kami palagi.

"Your bestfriends since childhood to forever." Duet pa nilang tatlo na kinatawa namin at madami pang kalokohan na pinag-usapan. That is how our weekdays ends palagi. Nagaasaran at kwentuhan ng mga kung ano-ano bago makauwi ng hapon sa kanya-kanyang houses.

Wooooooo....!Woooooo.....!

Sigaw ni Kent ng tuwang-tuwa na tumatakbo habang paakyat ng hagdan para pumasok sa room niya.

Tok. Tok.Tok!

Sunod-sunod na malalakas na katok bago bumukas ang pinto ng kwarto niya.

Kent! Anak? Anong nangyayari sayo at sumisigaw ka diyan? May problema ka ba? Naririnig ka ng mga kapit bahay! Ang ingay mo, biglang sabi ni mama na nakadungaw na pala sa room ko.

Pagtingin ko sa mga mata ni mama, parang sinasabing nababaliw na yata ang anak niya pero natatawa din naman ang ekspresyon niya.

Wala ito mama pagbigyan niyo na ako. Sobrang saya ko lang po kasi kinausap ako ng crush ko kanina! As in kanina lang po at magkasabay pa kaming naglakad hanggang sa kanto ng school.

Mabuti na lang nililigawan ni Rixor iyong bestfriend niya nagkaroon tuloy ako ng chance makalapit pagkukwento ko pa.

"Woooo...!" Sigaw ko ulit.

Ang saya-saya ko mama sabi ko ng hindi matanggal-tanggal ang ngiti ko. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya dahil sa tuwa tapos hinalik-halikan ko pa sa pisngi.

Gago kang bata ka, tumigil ka nga sa kakayakap at kakahalik sa akin! Malalawayan pa mukha ko, kakaligo ko lang reklamo pa nito.

In love ka nga talaga anak, never kang naging sobrang sweet sa mama mo tapos ngayon nangyayakap at halik ka pa! Isang malaking himala, big boy na ang panganay ko! Sakay pa nito sa akin.

Anak, bawasan mo naman kakasigaw daig mo pa ang malanding babae niyan. Pigilan mo naman at nakakahiya sa mga kapitbahay natin. Akala ko kung ano na ang nangyayari sa iyong bata ka kaya kita sinundan.

Hiningal pa ako doon loko kang bata ka! Binilisan ko pa maglakad para lang makita kung bakit ka nagsisigaw diyan.

Bilisan mo na ngang magbihis tapos bumaba ka na lang kapag gutom ka na para matulungan mo akong maghain ng makakain na tayo. Malapit na din dumating sila papa mo tinawagan na ako kanina.

Opo ma! Susunod na ako sa baba. Ito na, behave na ako promise! Sabi ko naman.

Paalis na ang mama ng biglang, siguraduhin mong uunahin mong atupagin ang pag-aaral mong bata ka! Lagot ka sa akin kapag bumagsak ka malapit na sa palakol ang mga grado mo kaya umayos ka! Mahiya ka sa babaeng plano mong ligawan nakakaturn-off kapag may bagsak na graod anak.

Mama naman, pinamukha pa talagang hindi ako nagseseryoso sa pag-aaral. Huwag kayong mag-alala gagalingan ko na sa school kasi ang natitipuhan ko ay Ms. beauty and brain ng school namin, medyo alanganin ako!

Make sure na good girl at maganda iyang crush na sinasabi mo para approved sa akin! Ayoko ng basta-basta , baka pangit at masamang ugali na girlfriend ang makuha ng anak ko, biro pa nito.

Sana iyong si Ms. Daza na lang natipuhan mo kasi anak. Maganda, matalino at mabait ang batang iyon. Nakilala ko na sila ng mama niya noong may meeting sa school niyo. Siya sana ang gusto ko para sa iyo baka mapatino ka niya pero kung saan ka masaya syempre susuportahan ka namin.

Biglang nanlaki ang mga mata ko at lumuwang pa lalo ang ngiti ko. "Mag-ina talaga tayo mama parehas tayo ng taste". Sabi ko sabay yakap ulit sa kanya. Lumapit ako sa kanya kasi paalis na siya.

Anong ibig mong sabihin anak? Biglang nagliwanag ang mukha ni mama, really? Siya ang tinutukoy mong girl na nililigawan mo?

"Yes ma! Her full name is Courtney Jane Daza". Kaso parang medyo tagilid pa ako kasi sabi niyo nga pasaway ang anak niyo tapos si Courtney kilala sa school dahil sa ganda at talino. Ako naman gwapo lang meron ako walang masyadong talino, kunwari drama ko sa mama ko.

Matalino ka naman talaga anak, mas madami ka lang lakwatsa at oras sa mga barkada mo kumpara sa pag-aaral kaya ganyan ang academic records mo. Pwede mo naman baguhin kung gusto mo talaga.

Mama naman, sana pinalubag mo man lang ang loob ko hindi iyong ginatungan mo pa na talagang tagilid ako!

Nasa iyo naman na iyan kung anong diskarte mo para mapasagot ang babaeng natitipuhan mo. Wala sa talino at gandang lalaki iyon nasa diskarte sa pagpapatibok ng puso nakasalalay ang lahat.

Tama ka naman diyan mother. Dahil approved na approved na sa inyo ang nililigawan ko kapag naging kami papakilala ko kayo sa kanya agad.

Siyang nararapat iho! Dalhin mo siya dito kapag napasagot mo na para lalo kaming maging close.

Don't worry mama gagawin ko talaga iyon. She is perfect for me mama, sana lang magustuhan niya din ako.

Nagdradrama na ang anak ko humaba na ang usapan. Sige na, balik na muna ako sa baba. Magbihis ka na at ituloy natin ang kwentuhan tungkol sa crush mo doon.

Sige ma, susunod na ako magbibihis lang ako. Open ako sa nararamdaman ko sa parents ko since super close kaming lahat nila mama , papa at bunso.

Cool kasi talaga ang aking mga magulang. They will support their children needs and wants basta sa ikabubuti at ikasasaya ng mga anak nila.

Dalawa lang kasi kami ng kapatid kong babae. Makikilala niyo rin si Klea ang aming bunso nasa Elementary pa lang ito. Wala pa siya sa bahay dahil after her school lumabas kasama si papa na naunang umuwi galing office kasi may project daw na bibilhin.

Kailangan daw ni bunso ito bukas kaya kami pa lang ni mama ang nasa bahay.

Hindi na siya sumama para makapagpahinga at makapagluto ng makakain kasi naka day-off ang aming katulong. Dadalo daw sa birthday ng anak nito kaya pinayagan na ni mama.

Pagkabihis ko hinanap ko ang number ni Courtney na nakuha ko kanina kasi naisipan kong kumustahin kung nakarating na sila. Kanina ko pang gustong gawin iyon kung hindi lang ako pinuntahan ni mama.

I finished encoding my message. "Hi, kumusta nakarating na ba kayo? This is Kent by the way ".

Isesend ko na sana kaso biglang nakaramdam ako ng hiya kaya binura ko na lang din ang mensahe ko dapat baka ano pa isipin.

Tinabi ko na lang muna ang aking cellphone sa gilid ng aking higaan.

Bumaba na lang ako para samahan muna si mama sa kusina para magprepare ng pagkain.

Marunong din kasi akong magluto kahit papaano dahil tinuruan ako ni mama noon. Saka ko na itutuloy isipin ang love of my life pagkatapos kumain kasi baka magmukha akong baliw sa harap ng kainan mamaya habang kilig na kilig.