webnovel

Sino nga ba siya?

"Guys.. I want you to meet Stephanie Bautista, bago nating dining staff." pinakilala siya ng kanilang manager sa kanyang mga bagong makakatrabaho sa isang kilalang Fine Dining Restaurant.

Lahat ng mga ito'y binati siya at magiliw ang pagtanggap sa kanya. Maya-maya pa ay napukaw ang kanyang tingin sa isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan, sa may gawing kusina.

"Siya nga pala Steph, si Raffy ang ating chef cook." maagap na sabi ng kanilang manager.

Ang lalaking iyon... Nakatitig ito sa kanya at ang mga mata niya'y malamlam na tila ba nangungusap at binabasa ang buong pagkatao niya. Siya na nga iyon, ang aroganteng lalaki na nakabangga sa kanya. Sa dinami-dami ng mapapasukan, makakasama pa niya talaga ang lalaking ito.

"STEPH!, ok ka lang ba?" tila natauhan si Steph sa pananahimik ng mapagtanto niyang kinakausap pala ito ng kanilang manager.

"Ha? ahhh..,ehhh...yes sir." dagli nitong sagot at muli itong bumaling sa kinaroroonan ng lalaki.

Ang mga matang iyon, bakit ang lakas ng hatak sa kanya, bakit sa tuwing tatama ang tingin niya dito ay tila ba bumibilis ang pintig ang puso niya.

"Huwag ka masyado tumitig kay Raffy, chick boy yan." pabirong kantyaw sa kanya ng katabi. Si Nikka, isa ring (dining staff). Maganda si Nikka, maputi, may dimples, nasa 5'4 ang tangkad, at slim.

"Ahhh kwan kasi... parang familiar ang mukha niya.." depensa niyang sagot.

Naging madikit agad sa kanya si Nikka, dahil narin sa pagiging friendly nito.

COFFEE BREAK...

Palabas na ng restaurant si Steph para sa kanyang 15 minutes coffee break, nagtungo ito sa likod ng restaurant para doon magtambay dala ang kanyang baon na tumbler na may lamang mainit na kape.

Pagdating niya doon ay agad na bumungad ang makapal na usok ng sigarilyo sa kanyang harapan, pilit niyang pinawi ang usok at inaninag ang lalaking may gawa nito. Laking gulat niya ng muling makaharap ang mukhang iyon.

"Ikaw?!"

Nabigla din si Raffy ng makita siyang bumungad ngunit saglit lang ito at muli siyang humithit ng sigarilyo na nakaipit sa kanyang daliri at bumuga ng usok na para bang nang-iinis pa.

"Arte-arte naman.." ani nito

"Excuse me lang po, hindi ko po gusto ang amoy ng sigarilyo, for my health security po.. maarte agad? Judgemental lang?" depensa nitong sagot sa lalaki.

Itinapon ni Raffy sa hindi kalayuan ang kanyang hawak na sigarilyo at saka ito dahan dahan na naglakad palapit sa kanya.

" Hindi ako judgemental.. ate. " aniya

At walang anu-ano'y biglang mas lumapit ang lalaki sa harap nya, konting-konti nalang at magdidikit na ang mga mukha nila, ang mga mata nitong tumititig hanggang sa kaibuturan niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya, hayan na.. Palapit na siya ng palapit, sobrang lapit na. Napapikit siya ng kanyang mga mata, sa pag-aakalang bigla siyang hahalikan nito.

Hanggang sa biglang dinakma ng mga palad nito ang kanyang mga nanginginig at namamasang mga kamay. Halos mapaihi na siya sa kaba na para bang may kuryente na dumadaloy sa katawan niya.

"Ate, itong kape mo mainit ba? .." pabulong nitong sinabi sa kanyang tenga.

Laking gulat niya ng maramdaman ang init na likidong dumadaloy sa palad niya. Tumatapon na pala ang kanyang kape sa nakabukas nitong tumbler, saka palang siya natauhan. Agad naman itong naagapan ni Raffy at bago pa siya nakakibo ay hawak na nito ang kanyang mga basang palad at pinupunasan na nito gamit ang kanyang malinis na panyo.

"Sa susunod ate, mag-iingat ka ha, mabuti at hindi na masyadong mainit ang kapeng hawak mo."

Napatingin siya sa kaharap, habang pinupunasan nito ang kanyang mga kamay. May taglay din palang kabaitan ang taong ito.

"Oh hayan, ok na.." nakangiting sabi nito.

Ang ganda pala ng ngiti niya, ang mukha niya biglang umamo ng ngumiti ito, ang mga maninipis niyang labi ay tila ba nanunukso. Masarap kaya siyang humalik?