webnovel

Raffy

"Hon, naririnig mo ba ako? sabi ko kumusta iyong bagong work mo?" paulit na tanong ni Jason.

"Ahhh.. ano hon, ok naman. Mababait naman sila dun at saka magaan lang naman iyong trabaho ko." nakangiting sagot niya sa asawa.

"Bakit kasi honey, magtratrabaho ka pa? tapos diyan pa sa Fine Dining Restaurant ang napili mo, mapapagod ka niyan." nag-aalalang sabi nito sa asawa habang sinusuklay ng kamay nito ang hibla ng mahabang buhok ng asawa.

"Hindi hon, kaya ko naman ehhh.. At saka mas gusto ko iyong marami akong ginagawa kesa iyong nakaupo lang ako maghapon." aniya sa asawa na bahagya niyang niyakap. Ngunit kakaiba ang kanyang nararamdaman, dahil kahit katabi na nito ang kanyang asawa ay hindi mawala sa kanyang isipan ang ginawa sa kanya ni Raffy.

Sa buong pag-aakala niya ay sinalo na ng lalaking iyon ang lahat ng kasungitan sa mundo Ngunit nagkamali siya dahil kaya din pala nitong maging kasing bait din ng isang anghel.

Ano ba itong naiisip niya, masyado na yatang ginugulo ng lalaking ito ang utak niya? At dahil doon ay mas lalo siyang naging interesado na malaman ang totoong pagkatao ni Raffy.

"Raffy..." tahimik nitong nasambit.

"Sinong Raffy hon?"

"Sabi ko manunuod ako ng Raffy Tulfo In Action honey." agad niyang sagot, mabuti na lamang at nanunuod siya sa YouTube ng Raffy Tulfo.

"I love you hon, matulog na tayo at pareho pa tayong may pasok kinaumagahan" pahikab na sabi ni Jason at tila inaantok na ito.

"Honey, diba may schedule tayo ngayon? Alam mo na, natitigang na si puday..." pilya nitong paalala sa asawa.

"Sorry honey, pagod ako." antok na antok na ito at sabay pikit ng kanyang mga mata, na halatang pagod na pagod ito sa trabaho, pagkalipas lang ng ilang segundo ay humihilik na siya.

Kinapa niya ang butotoy ng asawa at talaga ngang tulog na tulog ito.

"Pagod nga."