webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · 都市
レビュー数が足りません
165 Chs

Napakatanga Mo. Paano Mo Nagawang Makasurvive Hanggang Ngayon?

Pumasok si Lin Che sa bathroom at naghanda ng hubarin ang suot para maligo.

Mas malaki ang bathroom nila dito kaysa sa sala ng dati niyang tinitirahan. Ang hydromassage tub pa lang ay napakalaki na, sapat na ang laki nito para makalangoy ang sinuman.

Ngunit, madalang niya lang itong gamitin dahil hindi siya gaanong sanay na gumamit nito.

Nakita niya kanina ang mga katulong na naglagay ng mainit na tubig sa tub, kung saan nakikita niya pa ngayon ang mga singaw mula dito. Pagkatapos mag-isip, napagpasyahan niyang hubarin na ang suot at maingat na umakyat sa bathtub.

Pagkababad niya pa lang sa tubig ay na-relax kaagad ang kanyang pakiramdam.

Ilang sandali lang ay bigla niyang naalala ang sinabi ng stepmother at ni Gu Jingze.

Ikakasal na si Qin Qing kay Lin Li.

Una niya itong nakita sa paaralan. Si Qin Qing ang captain ng kanilang drum corps samantalang siya ay isang drummer. Dahil sa isang aksidente na sanhi upang masugatan siya, inihatid siya nito sa kanilang bahay. Maliit at mahina pa ang katawan nito noon habang kinakarga siya sa likuran nito. Nang makarating na sila sa kanilang bahay, naliligo na si Qin Qing sa sobrang pawis. Napukaw ang musmos niyang puso nang makita ang ganitong hitsura ni Qin Qing. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay ito na ang pinaka-the best na kanyang nakilala sa tanang buhay niya.

Nasa primary school pa lang sila noon.

Hindi nagtagal ay lagi na itong iniimbitahan ng mga Lin upang makipaglaro sa loob ng kanilang bahay. Nalaman kasi ng mga ito na si Qin Qing ay ang ikalawang anak ng mga Qin.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, ito ang dahilan kung paano nagkakilala sina Qin Qing at Lin Li.

Nagtagal pa siya sa pagbabad ng sarili sa loob ng tub hanggang sa nanghina ang kanyang katawan at nakaramdam na siya ng antok. Pagkatayo niya ay bigla siyang nahilo kaya natumba siya sa tub.

Umalingawngaw ang tunog ng tubig mula sa loob.

Mula naman sa labas ay narinig ni Gu Jingze ang ingay na iyon at mabilis na tumakbo papunta doon.

Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Lin Che na nagkukumahog na tumayo palabas sa tub. Namumula ang mukha nito at natatakpan ng makapal na hamog. Hindi maganda ang hitsura nito.

Hindi na pinansin pa ni Gu Jingze ang ibang bagay at nagmamadaling lumapit para kunin si Lin Che.

Parang nakahanap ng lubid na mahahawakan, kumapit siya nang mahigpit sa leeg ni Gu Jingze.

Agad naman itong nabasa dahil sa pagkakadikit ng basang katawan ni Lin Che.

Malalaki ang kanyang hakbang na binuhat niya si Lin Che palabas.

Hiniga niya ito sa kama at marahang tinapik ang mukha. "Ano'ng nangyari sa'yo? Lin Che? Gumising ka."

Hinihingal namang gumising si Lin Che. Noon lamang bahagyang nawala ang nag-uulap at nahihilo niyang pakiramdam.

Sa tabi niya ay naroon si Gu JIngze na malalim ang pagkakakunot ng noo at balisa ang mukha. Tumibok ang kanyang puso nang walang dahilan nang makita ito.

"Okay lang ako. Nahilo lang ako nang kaunti." Hinawakan niya ang kanyang pisngi.

"Ano ba'ng ginagawa mo?" Natatarantang tanong ni Gu JIngze.

"Siguro, dahil hindi naman talaga ako madalas maligo dati. Parang gusto kong maligo kanina kaya medyo nagtagal ako doon. Nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo habang nakababad sa tubig, pero hindi ko naman inaasahan na mangyayari 'yon nang tumayo na ako..."

Ah, so ganoon pala ang nangyari. Agad namang naibsan ang kanyang pag-aalala dito. Nang iunat niya ang kanyang katawan, noon niya lang napansin na...

Nakahubad pala si Lin Che.

May kaunting pagka-pink ang katawan nito dahil sa pagkababad nang matagal sa tubig. Kitang-kita niya rin ang magandang hubog ng katawan nito. Higit sa lahat, hindi niya magawang iiwas ang tingin sa may dibdib nito na kumikislap dahil sa pagkakabasa sa tubig.

Kumabog ang kanyang puso. May naramdaman siyang umakyat na init sa kanyang utak, sumunod ang kanyang puson at nagsimula itong sumakit.

Pinipilit na iiwas ang kanyang tingin na kinuha ni Gu Jingze ang kumot at binalot ito sa katawan ni Lin Che.

Napansin din ni Lin Che na parang may mali sa kanya. Kasakuluyang nag-iinit ang kanyang mukha na para bang dudugo na ito mamaya. Hinablot niya ang kumot at parang may nagtatambol sa loob ng kanyang dibdib.

"Hindi mo pa ba nararanasang maligo?" Sabi ni Gu Jingze. "Hindi ako makapaniwala na mahihimatay ka sa simpleng pagligo lang."

Sumagot naman si Lin Che, "Siyempre. Sa palagay mo ba lahat ng tao ay katulad mo na ipinanganak nang mayaman? Noong nasa poder pa ako ng mga Lin, doon ako natutulog sa kwarto ng mga katulong. Kaya malamang, wala akong lugar para maligo."

Tiningnan naman nito ang kanyang mga mata. "Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?"

Pero tiningnan niya ito nang masama. "Tumalikod ka... Magsusuot lang ako ng damit."

Napilitan naman itong tumalikod. "Nakita ko na ang dapat kong makita."

"Ano..." Lalo lang namula sa galit ang mukha ni Lin Che.

Nakadama lang siya ng kaunting security nang makapagbihis na siya nang mabilis.

Humarap si Gu Jingze para tumingin sa kanyang mukha. Namumula pa ang mukha nito at medyo namamaga ang labi. Nang punasan nito ang basang buhok, maraming patak ng tubig ang nahulog sa maputi nitong leeg.

Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. Habang nakasunod ang tingin dito, nararamdaman niyang unti-unting umiinit ang kanyang katawan.

Ngunit sa oras ding iyon, biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Kinuha niya ito at nakita niyang lumabas ang pangalan ni Mo Huiling sa screen.

Nagpakawala muna siya ng tuyong ubo bago iniwas ang tingin at sinagot ang tawag.

"Oh, Huiling, what's up?" Tanong niya.

Nang marinig ni Lin Che ang pangalang 'Huiling', nilingon niya si Gu Jingze at narinig na nagsalita si Mo Huiling mula sa kabilang linya. "Jingze, bumalik ako at naisip ang aking ginawa. Masyadong naging mapusok ang aking pananalita. Please, wag kang magalit sa'kin."

Sumagot naman si Jingze. "Hindi. Naiintindihan ko naman. Hindi ako nagagalit."

Maingat na nagsalita si Mo Huiling. "Nagalit lang naman ako dahil mahal na mahal kita. Matagal na tayong magkakilala at ikaw ang higit na nakakaintindi sa akin. Hindi talaga ako mapakali at nag-aalala ako dahil lagi mo siyang nakakasama. Alam ko namang maingat ka lang talaga at ayaw mong may mapapahamak na ibang tao. Alam kong iniisip mo lang naman ang makabubuti para sa ating dalawa. Sorry. I was too insensible."

Pagkarinig niya sa sinabing ito ni Mo Huiling, sumagot naman si Gu Jingze. "No, Huiling. Para sakin, hindi ka ganyan. Simula pa man, wala akong masyadong ginagawa para sa relasyong 'to. Nangyari 'to dahil wala akong ginagawa. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ka mapanatag ngayon."

"Kahit na. Susuportahan pa rin kita ano man ang maging desisyon mo. Alam mong hindi ako aalis sa tabi mo."

"Salamat, Huiling", tugon ni Gu Jingze.

Sa sandaling iyon, natapos na ni Lin Che na punasan ang kanyang buhok at kukunin na sana ang blow-dryer. Nang igalaw niya ang kanyang binti, nakaramdam siya ng kaunting sakit at naisip na baka epekto ito ng pagkakatumba niya kanina. Napatigil siya at nakagawa ng ingay dahil sa sakit.

Napansin ni Gu Jingze ang kanyang paggalaw kaya't nakasimangot itong lumapit.

"Anong nangyari?"

"Wala 'to. Baka natamaan ko ito kanina. Kukuha lang ako ng ointment para ipahid dito." Ito ang sabi ni Lin Che habang pinipilit na tumayo at nakahawak sa mesa bilang alalay.

Matagal na tiningnan siya nang masama ni Gu Jingze. Nang makita niya na pinipilit pa rin nitong gumalaw, lumakad siya nang ilang hakbang palapit kay Lin Che. "Tumigil ka. Wag ka masyadong kumilos."

Pagkasabi niya dito, inunat niya ang kanyang kamay papunta sa bewang nito at walang pag-aatubiling binuhat ito.

"Aiyo..."

Sa isang iglap ay nasa itaas na ang mga paa nito.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Lin Che

"Tumahimik ka lang at wag kang gagalaw. Ang tanga mo talaga," sabi nito habang nakatingin sa kanya para pandilatan siya.

Kumalabog naman ang puso ni Lin Che, pero nang maisip niya na tinutulungan lang siya nito, tumahimik na lang siya. Hindi niya sinubukang gumalaw man lang. Ang ginawa niya lang ay iangat ang kanyang ulo para titigan ito nang iniupo siya nito sa maliit na sofa.

Kitang-kita at halata ang malaking pasa sa kanyang tuhod.

Sabi ni Gu Jingze, "Nagtataka talaga ako. Paano mo nagawang mag-survive nang maraming taon kung sa simpleng pagligo lang ay masasaktan ka na nang husto?"

Nanghahamon namang sumagot si Lin Che. "Sanay ako sa hirap. Hindi lang talaga ako sanay sa ganitong buhay-Madam. Okay?"

Sinamaan na naman siya ng tingin ni Gu Jingze. "Then, simulan mo ng sanayin ang iyong sarili dahil kailangan mong mabuhay bilang Madam sa ilang taon pa na darating."

Parang sasabog na naman ang puso ni Lin Che. Hindi niya talaga lubos na mapaniwalaan na makakasama niya pa ito sa susunod na mga taon...