webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · 都市
レビュー数が足りません
165 Chs

Lin Che, Napakaswerte Mo Talaga Sa Asawa Mo

Agad-agad namang binitiwan ni Shen Youran ang kamay ni Chen Yucheng. Napalabi nalang siya at sinulyapan ang nayayamot na mukha ng lalaki.

Sinabihan siya nito na sumakay na sa kotse para maihatid na pauwi.

"Sana naman bukas eh wag ka ng maging tanga-tanga ulit at hayaan lang ang ibang tao na mautakan ka. Ano pa man ang mangyari, dapat ay ikaw ang may control sa sitwasyon. Malinaw naman kasi na hindi maganda ang ginawa niya sa'yo. At ang pinakatamang gawin sana ay ikaw ang unang nagdemanda sa kanya. Bakit mo naman hinayaan lang ang mga 'yon na mautakan ka't ikaw pa tuloy ang pinakulong?" sabi ni Chen Yucheng.

Napabuntung-hininga naman si Shen Youran. "Eh malay ko rin naman! Nang mga oras na iyon kasi eh hawak-hawak pa niya yung ano niya at yung hitsura niya ay para bang mamamatay na siya. Nataranta din ako, kaya hindi na ako nakapag-isip pa nang maayos."

Sinamaan siya ng tingin ni Chen Yucheng. "Kung hindi mo naman pala gustong makakita ng ganoon eh di sana'y sa una palang ay hindi mo na ginawa. Sobrang sensitibo pa man din ng sinipa mo."

". . ."

Nang makarating na sila Lin Che sa restaurant, noon niya lang naalala na naiwan niya pala ang kanyang cellphone.

Pero wala na siyang magagawa dahil nandoon na sila. Kaya, isinantabi nalang din muna niya ang ibang pinag-aalala niya. Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso din naman agad sila pauwi.

Pagpasok pa lang nila sa bahay ay sinalubong agad siya ng katulong, "Madam, pinapasabi nga po pala sa'yo ni Doctor Chen na tumawag sa'yo si Miss Shen. May emergency daw po kasi pero pinuntahan na siya ni Doctor Chen para tulungan siya."

"Ano?"

Hindi na siya naghintay pa sa sagot ng katulong at dumiretso na agad siya sa kwarto para hanapin ang kanyang cellphone. Agad-agad niyang hinanap ang number ng kaibigan at tinawagan ito.

Kaagad din namang nakapasok ang tawag at sinagot ni Shen Youran. "Hello po, mahal kong kaibigan. Kung hinintay ko pa kung kailan ka darating ay malamang natuyo na ako nang husto sa loob ng presinto."

"Anong nangyari? Paano ka napunta sa presinto?" tanong ni Lin Che.

"Eh sino pa nga ba? Edi yung hinayupak na Zhou Minhan na naman! Sinundan niya pala ako pauwi ng bahay. Nakasunod lang siya sa akin hanggang sa makarating na ako ng bahay at kung ano-ano nalang ang pinagsasabi sa akin. Sinabihan ko siya na umalis pero ang ginawa niya? Binastos niya pa ako. Nagalit ako syempre kaya sinipa ko ang ano niya. Hindi ko din naman inaasahan na ganun pala siya kahina. Natumba agad siya at halos mawalan ng malay sa daan. Nabigla din ako at sobrang kinabahan kaya tumawag agad ako ng ambulansya. Pagdating ng mama niya eh yun na, pinadampot ako sa mga pulis."

". . ." Hindi makapaniwala si Lin Che sa kwento ng kaibigan. "Hindi mo rin naman kasalanan na nangyari yun. Sadyang may pagka-manyak lang talaga ang lalaking yun. Kumusta ka naman?"

"Heto, hinahatid na ako pauwi ni Chen Yucheng. Nasa byahe pa kami."

"Kung ganoon, hindi ka naman kakasuhan talaga ng pamilya niya, ano? Zhou Minhan… may problema ba siya sa pag-iisip?"

"Kung siya lang ang pag-uusapan eh, wala naman akong magiging problema. Pero mas nakakainis ang ugali ng mama niya. NApakaarogante at hindi ko talaga maintindihan ang personalidad niya. Sa tingin ko'y hindi nun babawiin ang kasong isasampa sa'kin."

"Kung ganun, kailangan pala nating magkita at mag-usap kung ano ang kailangan nating gawin."

"Sige…"

Habang nagmamaneho ay narinig ni Chen Yucheng ang sinabi ni Shen Youran, napasimangot ito at nagtanong, "Hindi ka pa uuwi?"

"Hindi na muna. Ibaba mo nalang ako sa Cadena Café."

Ang Cadena Café ay isang café sa isang seven-star hotel.

Ang hotel na ito ay pagmamay-ari ng mga Gu. Kaya, nang makarating sina Lin Che at Gu Jingze doon ay sobrang galang ng mga staffs sa kanila.

Nagpumilit si Gu Jingze na ihatid si Lin Che dito at hindi pumayag na mag-isa lang itong pupunta.

Nang makita siya ng mga staffs na kasama si Lin Che ay hindi makapaniwala ang mga ito. Ganoon pa man, bilang mga empleyado ng Gu Company, naunawaan din naman agad nila na talagang misteryoso ang kanilang amo, hindi ito mahilig magsa-publiko ng mga ganap sa buhay, at hindi nito gusto na pinag-uusapan ng ibang tao. Kaya, ang nagagawa lang nila ay pagmasdan silang dalawa na magkasama at sa mga isip ay hulaan kung ano nga ba ang relasyong namamagitan sa kanila. Hindi rin maiiwasan ang maiinggit ng mga kababaehan kay Lin Che dahil nagagawa nitong makatabi si Gu Jingze.

Nagsalita si Gu Jingze, "Alam mo, magkapareho talaga kayo ng kaibigan mo."

"Bakit naman?" patanong na sagot ni Lin Che.

"Pareho kayong mahilig pumasok sa gulo. Iba-iba at kakaibang klase ng mga gulo."

Pinagtanggol naman ni Lin Che ang kaibigan. "Malinaw naman kasi na may nanggugulo lang sa kanya. At sadyang hindi talaga kami ganyan kahina para hindi lumaban."

Kumunot ang noo ni Gu Jingze. "Ano?"

". . ." Naisip niya na baka hindi naintindihan ni Gu Jingze ang sinabi niya. "Ang ibig kong sabihin ay mahilig talaga kaming lumaban pasalita."

Nakakunot pa rin ang noo nito pero hindi na ito pinansin pa ni Lin Che. Hinila na niya ito papasok sa loob. "Ganoonpaman, kung lampa man ako, eh mas lalo naman si Shen Youran. Noong mga bata pa kami ay sabay kaming pumapasok sa school. Simula preschool kami ay kami lang ang pumupunta sa school at walang naghahatid sa amin. Kami lang din ang nagbibitbit ng bag namin habang naglalakad nang mahigit kalahating oras papasok sa eskwela. Tapos sabay din kaming umuuwi. Isang beses nga eh nahulog siya sa isang kanal sa gilid ng kalsada at ang baho-baho niya talaga noon. Nang makarating na kami sa school ay hindi siya pinapasok ng guro namin kaya sobra-sobra ang iyak niya noon at umuwi pa para magpalit ng damit. Mayroon ding isang beses na nahuli ako ng teacher namin na nakikipag-away sa katabi ko sa upuan at hindi ako pinaniwalaan ng guro naming iyon. Ang sabi kasi ng kaklase ko ay ako daw ang unang nanakit sa kanya at siya ang pinapaniwalaan ng teacher namin, dahil lang sa mas matataas ang grades niya kaysa sa akin. Pinatayo ako noon ng teacher sa gilid ng basurahan buong maghapon bilang parusa niya sa akin. Pero alam mo ang ginawa ni Shen Youran? Wala siyang pakialam sa baho ng mga basura doon at sinamahan pa nga niya maghapon. Nang makauwi na kami ay grabe talaga ang baho ng mga damit namin."

Mas lalong kumunot ang noo ni Gu Jingze. Magkadikit din ang mga kilay.

Mas lalong nalulukot ang mukha nito habang pinapakinggan ang pagsasalaysay ni Lin Che kung paano ito binu-bully noong kabataan nito.

Gaano ba talaga kamiserable ang buhay nito noon na parang wala lang dito ang mga nangyaring iyon?

Tinitigan niya si Lin Che. "Alam mo bang malaking insulto ang ginawang pagpapatayo sa'yo doon ng teacher mo? Napaka-unprofessional naman ng gurong iyon! Saang school ka ba nag-aral?"

"Kung nasa primary school ka pa, maituturing pang simpleng parusa lang iyon, okay? May mas malala pa nga diyan eh. May sinipa pa nga ang teacher na iyon na aming kaklase dahilan para mapilayan ito nang husto. Pero wala namang may nagbago. Sa tingin mo ba'y katulad ang school namin sa school ninyo na kung saan mga taga-ibang bansa pa ang mga guro ninyo at sobrang alaga sa inyong mga estudyante? Wala silang karapatan na pagalitan o saktan kayo. Sa mga taong katulad ninyo, kung sakali mang pagalitan ka kahit isang pangungusap lang, sa tingin mo ba'y hindi ipapasara ng pamilya ninyo ang buong Paaralan na iyon? Sa panahon naming iyon, ganoon ang buhay namin."

Tiningnan siya nang malalim ni Gu Jingze. Hindi na siya makakapayag na mangyayari ulit ang mga ganitong bagay kay Lin Che.

Nang oras ding iyon ay nakita na nila si Shen Youran na nakaupo sa loob kasama ni Chen Yucheng.

Narinig din ni Gu Jingze ang nangyari dito mula kay Lin Che. Muli niya itong tiningnan at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Lin Che, nandito ka na pala."

"Grabe talaga siya! Sumusobra na siya. Hindi man lang siya nahiya sa sarili niya at ikaw pa ang sasampahan niya ng kaso?" agad na litanya ni Lin Che.

"Tama na. Mas lalo lang akong naiinis kapag naiisip ko iyan. Pero sa ngayon, hindi ko rin talaga alam ang gagawin."

Sumali din si Gu Jingze sa usapan ng dalawa. "Miss Shen, ang mga abogado na ng pamilya namin ang bahala sa isyung ito. Sila na ang bahala dito at wala ka ng ibang iisipin pa."

Agad namang napataas ng ulo si Chen Yucheng. Pagkatapos ay tiningnan nito si Shen Youran. "Sineswerte ka talaga ngayon. Alam mo bang ang mga abogado ng Pamilyang Gu ang pinakamagagaling sa bansang ito? Kahit bigyan mo pa sila ng pera eh hindi mo sila mapapatrabaho para sa'yo. Ilang minuto lang ang gugugulin nila para ayusin iyang problema mo."

Nang marinig iyon ay mabilis na nagsalita si Shen Youran, "Talaga? Maraming salamat. Salamat talaga nang marami. President Gu, the best ka talaga! Lin Che, mamaya pag-uwi ninyo, ikaw na ang bahalang magpasalamat nang maayos sa asawa mo alang-alang sa akin ha."

Kapag masaya ito ay talagang kahit ano nalang ang lumalabas sa bibig nito. "Habang tumatagal na pinagmamasdan ko kayong dalawa eh mas lalo talaga akong naniniwala na itinadhana kayo para sa isa't-isa. President Gu, alam mo, simula ng ikaw na ang laging kasama ni Lin Che eh medyo nagkatimbang na siya at mas lalo pang gumanda. Mukhang masayang-masaya talaga siya nitong mga araw."

Bagama't alam ni Gu Jingze na may halong pambobola na ang mga sinasabi nito ay masaya pa rin ang puso niya habang nakikinig. Nilingon niya si Lin Che para tingnan ito, at totoo ngang mas naging maaliwalas at mas naging may laman na ang mukha nito kumpara sa unang beses nilang magkita. At masaya rin siya na mayroon siyang papel na ginampanan sa pagbabago ng buhay nito. Natutuwa siya na hindi ito nahihirapan sa piling niya. Napakagaan ng kanyang dibdib dahil sa mga isiping iyon.