webnovel

What If? (Book 1 Of Questions Trilogy)

Jael_Balcoba · LGBT+
レビュー数が足りません
29 Chs

Chapter 7: Hint

PS: Ito po ang kauna-unahang chapter na magsisimula ang love story ng mga unnie't oppa ko, hehez! Hindi na po kasi nasundan ang weightlifting eh! Kaya eto ako ngayon at nag-iimbento, hehe! Iba na talaga pag fan na fan, diba po? Hehe. Ilang taon din akong nagpakabaliw kay bok joo yah at joon hyung ah, hahaha! Kaya ayan! Sa mga katulad kong fan nila, heloww po! Enjoy reading this chapter! Sana po ay ma-enjoy nyo ang pagbabasa gaya ng pagka-enjoy ko nung sinusulat ko ang bahaging ito, hehe! As usual THANK YOU PO! I LOVE Y'ALL AND GOD BLESS!❤

CHESSY'S POV❤:

Isang linggo na ang nakalipas magmula nung na-ospital ako. Sa pangyayari'ng naganap ay hindi tuloy ako makalabas ng bahay ni te jes ngayon, haist. Miss ko na ang mundo, punyemas! Ang bobo ko kasi magmaneho eh,kainis!

Kasalukuyan akong nakaupo sa couch at lumalantak ng alibaba kaharap ang telebisyon na naglalaman ng corny'ng love story na hindi ko alam kung bakit ko pinanonood.

Agaran kong nilipat ang channel sa yey at mas nag-enjoy pa ako sa napapanood ko. Doraemon na madla, hehehe.

Nabigla ako ng may balabag na umupo sa tabi ko. Walang iba kung hindi ang panget kong kapatid. Saglit niya akong binalingan ng tingin at biglaan na lamang kumuha ng isang alibaba na nasa malaking plastic na binili ko lang naman. Wala ng mas i

kakapal pa ang mukha sa panget na kapatid kong to.

Napailing na lamang ako at muling bumaling sa telebisyon. Maya-maya pa'y narinig ko ang halakhak ng kumag sa tabi ko. Dahilan ng pangingialam ko na sa presensya niya rito.

"Wala ka bang magawa,ha?" nakakunot ang noo kong binalingan ito.

Hindi niya lang ako pinansin at muling nagbukas ng alibaba chips na kinakain ko. Argh! Buyset, tangina.

Muli ay galit na naman akong napaharap sa telebisyon. Di ko nalang din siya papansinin, ma-i-stress pa ko sa kanya. Ampanget naman ng mukha.

Nang mawala si novita sa istorya ay muli akong napabaling sa katabi ko. Humihikbi ang loko, baliw na ata to.

Nang mapatingin sa supot kung nasaan ang sandamukal na alibaba ko ay nagulat ako nang makitang nag-iisa na lang ito. Kukuhanin ko na dapat ito ng may biglang kamay na agarang kumuha rito. Mas lalo lang nangunot ang noo ko at hindi na pinalampas pa ang ginawa ng napakapanget kong kapatid.

"Akin na yan!" Sigaw ko rito.

Agad niyang pinunasan ang mga luha niya at nakakunot din ang noo'ng bumaling sa akin.

"Bakit? Ikaw ba bumili nito?!" namumula ang mga mata at ilong niyang singhal sakin.

"Oo ako! Akin na nga yan panget, isa!" pinandilatan ko pa siya ng mata.

"Ayaw ko nga! Nauna na akong kumuha eh, nyenye!" dinilaan pa ako nito at nilayo pa sa akin lalo ang chips.

Aagawin ko na dapat ang chips ngunit naagaw ang atensyon ko ng may biglaang maglapag sa amin ng dalawang malaking plastic na ang laman ay puros chichirya.

Napalingon kaming dalawa rito at agarang tumayo ang panget kong kapatid at natuwa sa nakita niya.

"Kuya iverrrr!!!" tili nito at agarang niyakap ang mokong na nakatayo sa harap namin ngayon.

Niyakap din niya ang kapatid ko at ginulo ang buhok nito.

"Na-miss kita kuya, ambango mo naman!" masayang sabi nito na nagpaikot ng mata ko, plastik pwe!

"Oh ikaw senyora musta?" nakangising baling sa akin ng mokong.

"Pwede huwag ka humarang sa tv? Kung pwede lang sana nuh,hehehe!" sarkastiko kong tugon na nagpahalakhak dito.

"Hayaan mo yan si ate kuya may sapak na ang ulo niyan kasi broken-hearted. Pagmasdan mo siya kuya ang wasted na nga oh, di pa naliligo, ewwie!" maarteng bulong ng kapatid sa isa pang panget na nilalang dito na alam ko namang sadyang pinaririnig talaga sakin, edi wow.

Agad akong tinabihan ng mokong at naamoy ko ang pagkatapang-tapang ng pabango nito.

"Ambaho mo naman!" agaran kong tinakpan ang ilong ko ng kamay ko.

"Mas mabaho ka ate, di ka pa nga naliligo eh, ilang araw na, wahaha!"

"Ikaw bata ka---!!" tatayo na sana ako at inambahan ko na ang panget na kapatid kong to ng tumakbo ito papalayo at tuluyan ng umakyat sa taas kung nasaan ang mga kwarto namin.

Susundan ko pa sana ito ng pigilan ng kamay ng kumag na katabi ko ang pagsunod ko rito sa pamamagitan ng paghawak niya sa kamay ko.

"Relax, maton. Easy ka lang diyan ayan oh maraming sitsirya!" kalmadong boses nito at muli akong hinatak papaupo.

"Bakit ka ba nandito,ha?!" nakakunot ang noo kong baling dito.

"Eh ano naman chessy, ha? Ako ang nag-imbita sa kanya. Wala namang masamang imbitahin siya rito diba, chessy gurl, hihihi!" biglaan ang pagsulpot ni te jes na naka-apron pa.

Kaya pala kanina pa ako may naaamoy na masarap, tinatakam ako lalo sa di ko malamang niluluto niya.

"Ano niluluto mo ate kong maganda?" masayang baling ko sa kanya na nagpahalakhak sa mokong na katabi ko.

"Mamaya mo na malalaman, chessy. Sa ngayon pakitunguhan mo muna ng maayos yung bisita natin, okaayy? Hihihi!" muling sambit ni ate.

"Ano iyang mga dala mo iverson grey, ha? Sinabi ko bang magdala ka ng kahit na ano?"

Napakamot ang ulo ng mokong na katabi ko at napatingin sa mga dala niya.

"Aba! Imbes na prutas eh chichirya ang mga dala mo, ha? Al---!"

"T-te jes! Bat parang may amoy sunog? Ate yung niluluto mo, i-check mo naman, haist!" sabat ko sa paniguradong napakahabang sermon na naman ng magaling kong pinsan.

"A-ayyy! Oo nga, shettt waaa!" agad namang tumakbo si ate patungo sa kusina.

Nagkatinginan kami ng mokong sa tabi ko at sabay na napahalakhak. Nag-alok ng apir ang loko at umasta akong aapir sa kanya pero syempre.

"Owishiii airplane wisheng wisheng!!!" pag-iwas ko sa apir niya, paki nyo ba? Gusto ko eh.

Nag-make face lang ang kupal at lumayo sa akin na animo'y nagtatampo. Sampalin ko pa sya eh.

"Di bagay." maikling sabi ko rito.

Tumaray pa ang mokong na parang isang babae'ng may regla.

Inismiran ko nalang siya at muling nanood ng tv. Takte, tapos na tuloy yung doraemon! Ay di bale harvey beaks na pala, peyborit ko rin to hehehe.

Nang aasta pa lamang ako papakuha sa isa sa mga chips na dala niya ay agad niyang pinigil ang kamay ko.

"Ooppss! Sino nagsabing kumuha ka riyan? Remember hindi tayo bati." ani neto na parang bata, badtrip!

Ako naman ngayon ang napairap at hindi na nanlaban pa. Kasi naman eh dala dala ng sandamukal na chips tapos di magbibigay! Magkasakit sana siya, nayupak.

"Uy joke lang!" muling pagsasalita nito at inabutan ako ng isang maanghang na alibaba.

"He! Wala na, nawalan na ako ng gana!" pabalang na sagot ko rito na ikinahalakhak na naman niya. Grabe may mas nakakairita pa palang nilalang bukod sa kapatid ko.

"Eto naman...oh!" sabay abot niya sa akin ng...

Nagningning ang mga mata ko ng makita ang inabot niya sakin. Gin, prends.

"Ano yan?" kunwari'y mataray pa ring tono na pagkakasabi ko.

"Alak."common sense niyang sagot, bobo hayup.

"Alam ko! I mean para saan yan, tungak!" ani ko sabay batok sa kanya ng pagkalakas-lakas.

"Aray naman! Malamang iinumin natin! Para saan ba ang alak? Panghugas ng pwet?" nakangising ani niya habang hinihimas-himas ang ulo niyang pinompyang ko.

"Nuyan suhol?" nakangisi na ring ani ko.

"Ha?" nakakunot ang noo niyang tanong.

"Alam ko namang bet mo kapatid ko eh." mahinahon at nakangisi'ng paliwanag ko.

"Pinagsasabi mo riyan? Gusto ko lang uminom, duh." maarteng sagot nito.

"Asus, kunwari pa." napailing na lamang siya ng bitiwan ko ang mga salitang yan.

"Alam mo senyor este senyora, parehas kayo ng kapatid mo na napaka-pusong babae kaya alam kong wala akong palag senyo." mahinhin at sarkastikong pagpapaliwanag niya.

"Buti alam mo!" sarkastiko ring tugon ko na muling nagpahalakhak sa kanya.

Naputol ang usapan namin ng muling sumulpot si te jes sa harapan namin.

"Oh bat may alak diyan?" mataray na tanong nito.

"A-ah, e-eh k-kasi s-san---" nagkanda-utal-utal na sagot ng mokong.

"Sino nagsabing magdala ka ng alak sa bahay ko, aber?!" muli ay masungit na tanong ni te jes.

"Eh ate, malalaki naman na kami eh atsak---" mahinahong pagpapaliwanag ko na agad din naman niyang pinutol.

"He! Di ikaw ang kausap ko, chessy! Remember may kasalanan ka pa sakin! Kaya ikaw ay mag-shut up!" mataray na singhal nito na nagpatahimik sakin. Apakasunget talaga ni te jes, haist.

"Eh ate jes kasi po gusto po sana naming mag-inuman ni chessy kasi tagal na rin po naming di nakakapag-bonding eh." nahihiyang tugon ng mokong. Napairap naman ako ng marinig ang tawag niya sakin. Nakiki-chessy, kupal talaga.

"Uhm, okaay sige! Basta wag masyadong dadamihan ang inom ha? At alalayan mo yang kasama mo iverson grey sa kwarto niya dahil lalampa-lampa yan, hmm?!" nakataas pa rin ang kilay na tugon ni te jes.

"Yun oh! Maraming salamat ate jes, ako na po ang bahala kay chessy!" masayang sambit ng mokong.

Natigilan ang loko ng muli'y pompyangin ko ang ulo niya.

"Aray! Nakadalawa ka na ah!" nakakunot ang noong baling nito sakin.

"Bat ba nakiki-chessy ka ha?" nakakunot ang noong suhestiyon ko rito.

Ngumisi lang siya kasabay ng pagbukas niya ng dala niyang gin at sinalinan ang parehong baso namin.

Tumitig lang siya sa akin sa seryosong paraan na wari'y hinihintay ang sasabihin ko.

Napalunok ako ng maalala ang insidente noong nakaraang linggo.

Itinaas niya lamang ang isang kilay niya kasabay ng deretsong paglagok sa shot glass.

"Haist!" Panimula kong di alam kung saan talaga sisimulan ang usapan.

"Why did you do that?" seryosong tono ang ipinamalas niya.

"A-a e-eh,k-kasi ng---"

"Tell the truth wag ka ng lumihis pa sa usapan, kabisado kita." mahinahon ngunit bakas pa rin sa tono nito ang paggiging seryoso.

I just nod and starts getting honest of what i feel.

"Yeah, i admit, i commit suicide." mahinahon kong panimula.

"Without thinking we would get worried?" he raises his voice.

Napapikit ako ng mariin sapagkat alam ko namang maiipit ako sa ganitong mga interogasyon niya anytime and tama nga ako because right now i'm in the hotseat.

"Who's gonna be worried at all, oh dude stop!" I sarcastically said but he just look at me directly.

He shook his head na para bang di naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Look, we've been abandoned months ago and i mean it like it's true, they have nothing to do with it knowing what we've been through this entire month they just basically threw us because we're fucking homosexuals!" di ko namalayan ang magkahalong pait at sakit sa tinig ko ngunit nanatiling hindi bumibigay ang mga luha ko.

He just patted my back atsaka itinaas ang shot glass, inaalok ako uminom.

I accepted it and drink it straight.

Even without mixing a juice with it, it still tastes sweet. Oh baka nasanay lang ako sa mga hard liquor this past few months.

"Di mo man lang naisipan yang sabihin sa akin."

"Nasa ibang bansa ka." i may sound bitter saying it.

"Kahit pa, ang pagkakaalala ko sa tm meron ding text na kapag mayroon kang load eh kaya akong masagap."

Awtomatiko akong napahalakhak sa sinabi niya.

"Busy ako eh bat ba!" saad ko habang tumatawa-tawa pa rin.

"Oo nga eh ano hmm, sa sobrang busy mo naisip mong magpakamatay." he sarcastically said. Nililihis ang usapan at pinagagaan ang atmospera.

"But u're my savior!" dagdag ko na mas lalong nagpasimangot sa kanya.

"And u're still troublemaker, anlaki-laki mo na." napapailing siya habang nagsasalita.

Naubos namin ang dalawang malaking pink gin na inilabas niya. Isang case pala ang binili ng kumag.

"Pagod nako, pahiga!" isip bata niyang saad kasabay ng paghatak ng unan na malapit sa kinaroroonan namin.

Agad-agaran siyang humiga sa hita ko at nakangiting nag look up sa akin.

"Ampanget mo." pang-aasar ko rito.

Sumimangot muli ang mukha niya.

"Nagpapacute ka pa eh hindi ka naman cute." sambit ko na nagpahalakhak din sa akin di kalaunan.

"Edi wow, chessy!" nang-aasar na ani neto.

"Leche." sabay irap ko rito.

Napahalakhak pa ang kumag sa sinabi ko.

"Sapakan nalang ano?" maangas na sabi ko.

Ngumisi lang siya at ipinikit ang kanyang mga mata.

Sa ganoong posisyon kung saan nakahiga siya sa hita ko habang ako naman ay nakasandal sa couch at may unan din sa bandang likod at ulo ay di ko namalayang unti-unti na rin pala akong nakatulog.

IVER'S POV❤:

Naalimpungatan ako sa ingay na di ko alam kung saan nagmumula. Napabangon ako ng marahan at saka ko lamang napagtanto ang pwesto naming dalawa ng maton. Haist, kung ibang babae lang ang isang to malamang sasabihin na sa akin neto ay napaka-ungentleman ko buti na lamang at hindi babae ito hehehehe.

Ngunit muli akong nakarinig ng ingay mula sa baba na sa aking palagay ay sa bandang garahe. Sino namang mag-iingay ng 4 a.m ng madaling araw? Katakot tuloy.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na bumaba at hulihin ang mga ito kung sino man sila. Dahan dahan ang aking paghakbang patungo sa garahe at hindi kalayuan ay mayroon akong natanaw na dalawang babae na nag-uusap. Sa tindig pa lamang di kalayuan ay tiyak si ate jes ang isa sa mga iyon. At si.... tita?

Why is tita jaz here? Maybe kinukumusta niya ang mga anak niya.

Balak ko na uli sanang magtungo sa taas upang ibalik ang naudlot kong tulog ngunit bago pa man mangyari ito ay naagaw ng atensyon ko ang tao na mayroong kaunting layo na nakatakip ang buong mukha at naka-bend ang mga tuhod at mayroon itong camera na nakatutok kung saan mismo nag-uusap sina ate jes at tita jaz.

Ito ang malinaw na hindi ko kilala, ngunit sa tindig nito ay napagtanto kong babae ang isang ito. Ngunit sa kabilang banda ay magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko at nag-iwan ang isang ito ng mga katanungan sa akin. Sino siya? At ano ang motibo niya sa aming pamilya?

A/N: I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞

(2,376 words)