webnovel

What If? (Book 1 Of Questions Trilogy)

Jael_Balcoba · LGBT+
Not enough ratings
29 Chs

Hiding A Secret (Part 2)

*flashback

-(continuation of Chapter 4)

IVER'S POV❤:

"Finally men, we're official!" maluha-luhang balita ni alex sakin pagkapasok na pagkapasok ko palang sa nirentahan naming kwarto.

"O-oh? T-thats n-nice, congrats!" hindi ko malaman ang mararamdaman at ekspresyong mababakas sa kabila ng pilit kong pagngiti sa ngayon.

Lumipat ng kusa ang paningin ko sa katabi niyang babae na si franchessca. Ang babae'ng mahal na mahal ko magmula pa lamang sa umpisa.

Kasalukuyan siyang umiiyak at nakayapos ang kaniyang mga kamay at braso kay alex, malamang overwhelmed ang isang to, masayang masaya siya kumbaga, hehehe. I must be happy for them, hindi pupuwedeng ako pa ang sisira sa kanila.

Napatalikod ako sa hindi ko malamang dahilan at napatingin sakin si kie dahilan ng muli kong paglabas sa kwarto. Hindi ko malaman ang gusto kong gawin sa ngayon. Magpapanggap ba ako na ayos lang o magmumukmok na parang pinagsakluban ng langit at lupa?

Napabuntong-hininga na lamang ako at nagtungo sa kanina kong pinagtambayan ng pansamantala.

Muli ay napatingin ako sa buwan. Tila nais kong marinig ang suhestiyon nito sa sarili kong pagdedesisyon.

"Ano bang mararamdaman ko?" Tanong ko na animo'y may kausap.

"Oh eto na nga, tapos na. Sila na nga eh, anong magagawa ko?" muling pagsasalita ko na para bang may sapak sa ulo, nagsasalita lang naman ako sa hangin, oo alam ko.

"Haist!" nabigla ako nang may maramdamang tumapik sa balikat ko.

"K-kie?" tanong ko matapos mapabaling sa ngayong kinaroroonan niya, sa takteng tabi ko, tangina.

Pinandilatan lang naman ako ng mga mata ng kupal at tinaasan ng mahiwaga niyang dalawang kilay.

"Kailan pa yan?" mahinahong tanong ng monggi.

"Bat nandito ka?" mabilisan kong pag-iiba ng usapan.

"Tactics mo bro, wag ibahin ang usapan. Wag dugtungan ang tanong ng isa pang tanong, kailangan natin ng kasagutan!" nakangising ani neto sabay kindat, kadiri.

Muli ay napa-buntong hininga na lamang ako, ano pa bang magagawa ko? Nadali na, prends.

"Simula nung makilala ko siya." maikling sagot ko habang inaalala ang una naming pagtatagpo ni franchessca.

Since elementary kilala ko na siya di nga lang siya masyadong showy pa sa totoo'ng siya nung mga time na yon. Sa kalagayan ng pamilya niya ay mahihinuha mo na talaga ng kusa kung bakit hirap siyang lumantad sa lahat, dahil sariling pamilya niya pag nagkataon, hindi siya matatanggap.

Bumalik ako sa ulirat ko ng ikaway sa harapan ng mukha ko ang mabahong kamay ni kie.

"Tama na kakaisip dun bro, may iba na eh." Humalukipkip siya at muli ay tinapik ang balikat ko.

Pipihit na dapat siya papatalikod ngunit napatigil siya sa biglaang pagsasalita ko.

"Sana ako na lang, hehehe." mahinang tugon ko rito.

"Sayo rin naman ako kampi tulok kaso hindi naman ako siya, ako jowain mo para masaya,hahaha!" muli siyang bumalik sa pwesto niya kanina at idinungaw ang mukha niya sa akin.

"Nakakadiri ka talagang nilalang,kie!" umiiling-iling na ani ko na ikinahalakhak niya.

"Pero seryoso pre kwentuhan mo nga ako, bakit siya?" biglaang balik sa seryosong mukha ang pinanatili ng kumag.

"Hindi ko rin maipaliwanag eh." seryoso ring sagot ko.

"Paano natin sisimulan kwentuhan niyan, bugok! Sige eto na lang, bat mo siya nagustuhan?" nakadungaw pa rin ang mukha niyang tanong sakin.

Nilayo ko muna ang nakakadiri niyang mukhang malapit ko ng mabigwasan bago sumagot.

"Kasi kaugali ko siya, ka-vibe ko sa lahat maging sa problema at masaya siyang kasama. Parang hindi babae at mas maalaga pa ako sa katawan kaysa sa kanya. And lastly simple lang siya pero hindi mapagkakailang maganda." mahabang sagot ko.

Nagulat naman ako sa biglaang pagpalakpak ng mokong na katabi ko. Kahit kailan talaga! Hindi makuhang magseryoso, parang gago! Kabadtrip!

Nangunot ang noo ko sa reaksyon niya dahilan kung bakit muli siyang nagseryoso at nag-peace sign pa ang loko, gago.

"Ayuuunnn! Mahal mo pre, mahal na mahal na mahalll! Hindi mo lang gusto!" maingay na sambit nito at para bang kinikilig pa. Tangina, bading.

"H-hay---"

"Oh bat kayo nariya'ng dalawa? Kj nyong mga pakshet kayo!"

Sandali kaming nagkatinginan ni kie at hindi malaman ang ire-react ng may biglang pumutol sa usapan namin.

Lumapit pa ito sa amin at nangunot ang noo nang makita ang weirdo'ng pagmumukha namin.

"Ang papanget ninyo, grabe! Lika na nga kayo, pasok na sa loob mga tubol!"

Oo, hindi kayo nagkakamali si franchessca yang nagsasalita. Diyan ko siya minahal, sa walanghiyang ugali niya.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Nagkasabay ang tawanan namin ni kie na mas lalong nagpakunot ng noo ng maton na nasa tabi namin ngayon.

"Tangina naman!" napakamot ng ulo ang dragon sa tabi namin at sabay kaming binatukan.

"ARUY!" Muli ay sabay na naman ang pagsasalita namin ni kie, oo nga ang weirdo namin, pota hahaha.

"Sa ayaw at sa gusto ninyo halikayo rito, sapilitan ko kayong ipapasok sa kwarto!" nakakunot ang noong ani ng senyora.

"Halikan este-- ang ibig kong sabihin halika na nga son, pumasok na tayo sa loob." nakangising mukha ang tumambad sa harapan ko ng magsalita si kie. Gago,gago,gago!!!

"Oh siya, arat na!" ani ko habang napapakamot sa ulo.

Nang muli kaming makapasok sa nirentahan naming kwarto ay para bang nawalan na ako ng gana'ng magsaya. Yung para bang mas gusto ko na lang mapag-isa at uminom tas isipin pa rin yung babae'ng kasalukuyang kasama ko naman, ngunit sa kasawiang palad, hindi naman sakin. Gusto ko magmuni-muni at palitan yung mga ala-ala namin na iniisip ko noon na nilalanggam, gusto kong palitan yun sa isipan ko na walang iba pang namamagitan samin kung hindi magkaibigan lamang. Oo masakit, pero kaya ko to ako pa ba? Eh strong ako. Siya lang naman kahinaan ko eh. Kaya nga nagkakaganito ako, dahil sa kanya. Mahal ko siya eh. Lagi na lang talaga akong talunan pagdating sa pag-ibig. Nakakalokong isipin pero eto yung totoo, lahat ng mga nagugustuhan ko at natitipuhan hindi naman ako nagugustuhan pabalik hehehe. Siguro ganito nga talaga ang buhay kung hindi mo mamahalin sarili mo, sino magmamahal sayo? Mahalin pala dapat ng higit ang sarili, at iyon ang mali ko. Inisip ko kasi meron nang kahit papaano'ng "something" between us. Kaya ang hirap mag-assume eh, sa huli ako lang din ang mapag-iiwanan at talo. Ayaw ko na, ayaw ko na muna pansamantala rito, kailangan ko ng katahimikan sa paligid at kailangan ko ring makapag-isip-isip. Oh ayun, plantsyado na pala ang plano, mangingibang bansa nalang ako.

A/N: Annyeong madla! So ang buong chapter na ito is about lang po sa past ng mga bida'ng tauhan sa istoryang ito,hehehe! Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta sa wala kong kwentang istorya hahaha! Iniiklian ko na lang po ang bawat chapters at ang hahabaan ko lang po is yung may mahahalagang mga pangyayari, ay taray. Hahaha! Ayun lang hehe. Maraming salamat pong muli, love ko po kayong lahat!!! -J❤  (1,164 words)

I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞