Hindi pinansin ni Duan Ling Tian ang pangungutya ni Li Xiao.
Ang medicine store manager ay nilagay sa counter ang nakabag na medicinal materials at sinabi kay Duan Ling Tian, "Kagalang-galang na mamimili, ang mga hiningi ninyong medicinal materials ay nairirito lahat. Tulad ng iba pang medicinal materials, 487 na pilak ang lahat."
Bago pa matapos ng manager ang kaniyang sasabihin, nagsimula nang kutyain ni Li Xiao si Duan Ling Tian. "Bumibili ng mga murang materyales, inaasahan na sa isang taong mangmang. Ang daming medicinal materials ngunit nagkakahalaga lamang ng 487 na pilak, hindi pa kalahati ng halaga ng limampung gramo ng limampung taong gulang na Blood Lingzhi!"
Bagaman hindi sumali si Li Yuan, ang gilid ng kaniyang bibig ay may mapangkutyang ngiti.
Ang manager ng medicine store ay normal na tiningnan lamang si Li Xiao, ngunit ng tumingin siya kay Duan Ling Tian, napakamabini lamang nito. "Kagalang-galang na mamimili, bilang pasasalamat sa pagtitiwala sa aming tindahan.
"Manager, ito ang 50,000 na pilak. Maaari mong bilangin."
Kumuha si Duan Ling Tian ng isang salansalan ng tig-iisang libong halaga ng perang pilak at nagbilang ng limampung piraso bago tuluyang ibigay.
"Ayos na lahat. Ito ay 50,000 na pilak, Salamat! Hihintayin naming ang muli mong pagbisita."
Sa mabining tingin ng manager, kinuha ni Duan Ling Tian at ng dalaga ang tumpok ng medicinal materials, nilagpasan sina Li Xiao at Li Yuan na mayroong hindi makapaniwalang eskpresyon, at umalis sa medicine store.
Nagyelo na ang mga tingin nina Li Yuan at Li Xiao at ang kanilang mga puso ay marahas na nanginginig.
Hindi sila makapaniwala sa nakita nila ngayon.
Kinurot ni Li Xiao ang kaniyang hita. Nang maramdaman niya ang sakit ay doon lamang niya napagtanto na hindi siya nananaginip.
Dala ang eskpresyon na hindi makapaniwala, huminga nang malalim si Li Xiao at nagtanong, "Manager, ang 50,000 na pilak ay pera para sa binili niyang Blood Lingzhi?
"Oo, ang kagalang-galang na mamimili na iyon ay bumili ng limang libra ng limampung taong Blood Lingzhi."
Tumango ang manager.
Limang libra!
Ang itsura ni Li Xiao ay parang tinamaan ng kidlat.
Ang mukha ni Li Yuan ay talagang hindi kaaya-aya.
Hindi nakapagtataka kung bakit siya tinawag na kuripot ni Duan Ling Tian.
Ito ay totoo na sa harap ng limang libra ng limampung taong gulang na Blood Lingzhi, hindi na babanggitin ang pangakong pagregalo sa dalaga ng 50 gramo ng limampung taong gulang na Blood Lingzhi, ang 250 gramo ng limampung taong gulang na Blood Lingzhi na bibihin niya para sa kanyang sarili ay wala wala lang.
Pagkatapos ng paggasta ng 5,000 pilak at pagbili ng 250 gramo ng limampung taong gulang na Blood Lingzhi, silang dalawa ay umalis sa medicine store.
"Li Xiao, sigurado ka bang is asiyang disipulo ng sangay na pamilya?"
Mabigat at mababa ang tono ni Li Yuan.
50,000 na pilak!
Kahit kaniyang ama ay hindi kayang maglabas ng ganoong halaga ng pilak.
"Kapatid na Li Yuan, sigurado akong isa siyang disipulo ng sangay na pamilya. Kahit ako'y hindi ko maintindihan kung paano siya nagkaroon ng ganoong pera… Bakit hindi tayo pumunta sa registration office ng sangay na pamilya at hanapin siya?"
Hindi rin makapaniwala rito si Li Xiao.
"Oo, alamin mo ang pinagmulan niya. Kung talagang isa lang siyang disipulo ng sangay na pamilya, ngayon ay gusto ko na pareho ng kayaman at babae niya!"
Tumango si Li Yuan. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay makikita ang bakas ng kasakiman.
Hanggang ngayon, hindi niya makalimutan ang dalaga.
Mas matindi pa ang pakiramdam na ito kaysa sa unang beses na nakita niya si Li Shi shi.
Sa kasamaang palad, mapang-ibabaw si Li Shi shi, at ang kaniyang lakas ay hindi mas mababa sa kaniya.
Hindi nga siya tinitingnan nito sa mata. Matapos ligawan ng matagal, wala siyang magawa kundi ang sumuko.
Sa pagkakaalam niya, kailagan lamang mawala sa landas niya si Duan Ling Tian para makuha ang dalagang nagugustuhan niya ngayon. Bukod don ay wala na siyang problema.
Dagdag pa rito, maaari pa niyang makuha ang kayamanan ni Duan Ling Tian.
Sa tulong ng kayamanan na ito, ang lakas niya ay mapapataas sa mas mabilis na panahon, baka makakuha pa nang mataas na pwesto sa martial meet ng clan, at makukuha niya na ang premyong pinapangarap niya.
Sa Li Clan estate.
Nagsimulang maging abala si Duan Ling Tian mula nang makabalik siya.
Bukod sa paggawa ng Seven Treasures Body Tempering Liquid ay kailangan rin niyang gumawa ng isang uri ng medicinal liquid.
Ang medicinal liquid na ito ay tinatawag na Blood Lingzhi Refinement Liquid.
Ang Blood Lingzhi Body refinement Liquid ay isang body refinement medicinal liqud na pinag-aralan ng Rebirth Martial Emperor, kaya nitong tulungan ang proseso ng cultivation para sa defensive martial skills na magbibigay sa sinuman ng dobleng resulta.
Kahit na ang medicinal catalyst para sa Blood LLingzhi Refnement Liquid ay maaaring kunsumuhin nang diresto, ang pagtaas ng bilis ng defensive martial skill cultivation ay malayo pa kaysa sa kaya ng Blood Lingzhi Refinemnt Liquid.
Ang Blood Lingzhi Body Refinement Liquid ay ginawa mula sa 50 gramo ng limampung taong gulang na Blood Lingzhi na sinamahan ng dalawang mumurahing medicinal materials.
Dahilan para ang medicinal effect nito ay maikukumpara sa pagkunsumo ng 250 gramo ng limapung taong gulang na Lingzhi.
Bukod pa rito, mas madali itong masipsip.
"Ke Er, bigyan mo ako ng 250 gramo ng Spirit Tempering Grass, 190 gramo ng Amber Leaf, 50 gramo ng Blood Lingzhi… at 100 gramo ng malinis na tubig," inutusan ni Duan Ling Tian ang dalaga.
Sa tulong ng dalaga, hindi niya kailangan gawin lahat ng mag-isa.
Ang unang pangkat ng Blood Lingzhi Reginement Liquid ay mabilis na nagawa nang maayos.
"Ke Er, ang Frost God's Sword Technique ay isang paraan ng cultivation, kaya't mayroon
Lamang itong offensive swords skills… simula ngayong araw, ipapasa ko sa iyo ang dalawa pang martial skills, isang movement technique at isnag defensive martial skill."
Ang ipinasang martial skills ni Duan Ling Tian sa dalaga ay dalawang high grade Profound Rank skills.
Ang mga martial skills na ito ay ang pinakamagandang skills na maaring icultivate ng dalaga sa oras na ito, at hindi ito makakakuha ng atensyon.
Ang Profound Rippling Steps, isang high grade Profound Rank movement technique.
Kapag nacultivate na sa mastery, ang mga paa ay magiging anino na walang katapat na tikas.
Isa itong movement technique na naaangkop para sa kababaihan.
Ang Stealth Substitution, isang high grade Profound Rank martial skill.
Kumpara sa tipikal sa harapang paglaban sa mga atake na ginagamit ng defensive martial skills, ang defensive martial skills na ito ay binibigyang diin ang paggamit ng mas mahinang pwersa laban sa malakas na pwersa. Nakabase ito sa pagcultivate ng katawan hanggang sa ito ay maging sobrang maselan at malambot, naililihis ng gumagamit ang mga atake mula sa kanilang katawan patungo sa ibang lugar.
Karamihan sa mga uri ng defensive martial skill na harapang lumalaban ay nangangailang magcultivate ang katawan hanggang sa ang mga kalamnan ay maging sintigas ng bakal, dahilan para maging mainam ito para sa mga kababaihan.
Hindi gusto ni Duan Ling Tian na maging babaeng matitikas ang kalamnan si Ke Er pagdating ng panahon.
Kaya't ang defensive martial skill ay naaangkop talaga sa kaniya.
"Ke Er, simula ngayon, bukod sa pagpapaunlad mo ng iyong cultivation, kailangan mo rin na magbigay oras para sa iyong movement technique. Para naman sa defensive martial skill, sa tulong ng Blood Lingzhi Body Refinement Liquid, kaunting oras na lamang ang iyong ilalaan para macultivate ito."
Tumingin si Duan Ling Tian sa dalaga habang mapagpasensiya itong ginagabayan.
Tanging si Duan Ling Tian lamang ang may ganoong resolusyon.
Kahit na ang pangunahing clan ng Li family, wala masiyadong tao na makakayang gumamit nang walang-humpay sa Blood Lingzhi para matulungan ang cultivation ng defensive martial skills.
Karamihan sa mga tao ay gumagamit ng tulong ng Blood Lingzhi kapag malapit na silang makatuntong sa susunod na stage.
Katulad ni Li Yuan.
"Opo, Young Master."
Masunuring tumango ang dalaga. Nakabisado lamang niya ang dalawang martial skills na sinabi sa kaniya ni Duan Ling Tian paglipas ng ilang panahon.
Matapos bumalik ni Ke Er sa kaniyang kwarto para magcultivate, nag-isip muna sandali si Duan Ling Tian bago umalis upang makita ang kaniyang ina.
Ipinasa niya ang dalawang martial skills kanina kay Li Rou.
"Ina, sa ora sna tumuntong ako sa Core Formation Stage at makagawa ng isang Spirit Containment Pill, kailangan mo ng ubusin ang kasalukuyan mong Origin Energy. Sa oras na iyon, ipapasa ko sa iyo ang paraan ng cultivation na kapareho ng Frost God's sword Technique ni Ke Er, at sa tulong ng medicinal strength ng Spirit Containment Pill,magiging maikli na lamang ang oras na kailangan para makabalik sa dating lakas ang iyong Origin Energy, o maaring lumagpas pa rito," sinabi ni Duan Ling Tian s akaniyang ina.
Matagal na niyang gusting ipasa ang top rank na paraan ng cultivation sa kaniyang ina.
Ngunit sa kasamaang palad, ang kaniyang ina ay matagal na pinaunlad ang kaniyang Origin Energy, kaya't upang mapalitan ang paraan ng cultivation, ang kasalukuyang Origin Energy sa katawan ay kailangan munang ubusin.
Ang pag-ubos sa Origin Energy ay napakadelikadong gawain maliban kung may tulong mula sa isang Spirit Containment Pill.
"Sige, makikinig si ina sa iyo." Masunuring tumango si Li Rou.
Ang kaniyang anak ay malaki na at kaya nang alagaan ang kanilang pamilya.
"Feng, nakikita mo ba? Ang ating anak ay naging isang matatag at walang takot na lalaki."
Ang tingin ni Li Rou ay nagpaanod habang ang kaniyang eskpresyon ay puno ng kaligayahan.
Bumuntong-hininga si Duan Ling Tian.
Sa tuwing nakikita niyang ganito ang kaniyang ina, alam niyang iniisip nito ang kaniyang ama, kaya't hindi na niya ito inistorbo at umalis na.
Matapos bumalik sa kaniyang kwarto, naghanap si Duan Ling Tian sa alaala ng Rebirth Martial Emperor para sa angkop na defensive martial skill para icultivate.
Para naman sa offensive martial skills, hindi niya kailangan ng isa sa oras na ito, ang Form at Will Boxing at Sword Drawing arts naman na kaniyang pinagkadalubahasaan ay sapat na upang maging isa siya sa magagaling sa kaniyang mga kasamahan.
Sa oras na tumuntong siya sa Core Formation Stage, icucultivate niya ang high grade Profound Rank Skill, ang Finishing Touch!"
Para naman sa movement techniques, mayroon na siyang Spirit Serpent Movement Technique.
Tanging ang kaniyang defensive martial skills na lamang ang blangko.
Ang Nine Dragons War Sovereign Technique's defensive martial skill, Earth Dragon Shield, ay nangangailangan ng cultivation na nasa Origin Core Stage man lamang.
Para kay Duan Ling Tian, masiyado itong malayo, at hindi siya makapaghihintay nang matagal!
"Ang Mountain Mimicry Technique… Hindi, masiyado itong madaling makita, at mahirap itong gamitin kasabay ng Spirit Serpent Movement Technique."
"Drum Form… hindi rin!"
...
Seryosong naghanap si Duan Ling Tian sa high grade Profound Rank defense martial skills sa alaala ng Rebirth Martial Emperor. Unti-unti na rin siyang nakaramdam ng bahagyang pagod.
Kapaguran na nagmula sa kaniyang kaluluwa.
Ang pagbabasa sa alaala ng Rebirth Martial Emperor ay nangangailangan ng malaking kunsumo ng spirit energy, kaya't mahirap itong gawain kapag matagal na.
"Itong isa!"
Nang inaantok na si Duan Ling Tian, nakita niya na rin sa wakas ang isang martial skill, agad na tumalon at nagising.
Greater Teleportation, isang high grade Profound Rank defense martial skill, isnag skill na nagbibigay-diin sa paggawa sa iba ng kung anumang ginawa nila sa iyo!
Isang alternatibo na may kaparehas na epekto ng Stealth Substituiton!
Ang tanging kaibahan ay ang Greater Teleportation ay may mas mahigpit na pangangailangan sa cultivation. Ang cultivator ay kinakailangan magkaroon ng isang katawan na malambot na parang walang mga buto, pagkatapos ay doon lamang ang cultivator ay maaaring baligtarin ang atake ng kalaban at gamitin ang pwersa ng teleportation para ibalik ito sa kalaban.
Si Duan Ling Tian na nagcultivate ng Spirit Serpent Form ng Nine Dragons War Sovereign Technique ay mayroon ng mga kinakailangang ito.
Matapos pumili ng kaniyang martial skill, sinimulan n ani Duan Ling Tian ang kaniyang cultivation.
Ang una ay inilagay niya ang Blood Lingzhi refinement Liquid sa paliguang bariles at ibinabad ang buo niyang katawan sa loob.
Habang nararamdaman ang tagos sa butong lamig ng Blood Lingzhi Body Refinement Liquid, ang ekspresyon ni Dan Ling Tian ay naging seryoso nang magsimulang umikot ang paraan ng cultivation ng Greater Teleportation.
Ang Greater Teleportation ay isang defensive martial skill na nakapokus sa cultivation ng isang katawan, nagpapahintulot sa ibabaw ng katawan na makagawa ng isang defensive qi barrier.
Ang mga katangian ng defensive qi barrier na nagawa ng katawan ay magbabago batay sa nacultivate na defensive martial skill.
Sa oras na nacultivate ang defensive qi barrier, lalabas lamang ito sa ibabaw ng katawan kapag umikot ang defensive martial skill, ibinubunyag ang kakila-kilabot nitong kakayahan sa pagdepensa.
Sa tulong ng Blood Lingzhi Refinement Liquid, ang cultivation ng Greater Teleportation ni Duan Ling Tian ay malapit nang umabot sa rudiments stage ngunit gabi na.
Ang pagkadalubhasa sa isang martial skill ay nahahati sa apat na stages.
Rudiments stage, initial stage, mastery stage, and perfection stage.
Ang agwat sa lakas ng bawat isang stage ay napakalaki.
Halimbawa, ang Form at Will Boxing Collapsing Fist ni Duan Ling Tian, maaari itong tanggapin na nasa perfection stage na.
Ngunit dahil ang diwa nito ay nasa low garde Profound Rank martial skill at hindi maikukumpara sa middle grade Profound Rank martial skill, ang Howling Tiger Fist, si Li Xiao napagkamalan ang Howling Tiger Fist na nacultivate sa mastery stage.
"Sa loob ng isang buwan, ang Greater Teleportation na ito ay siguradong maayos na makakapasok sa rudiments stage."
Ang mga gild ng labi ni Duan Ling Tian ay may bakas ng pagtitiwala.
Siyempre, habang kinucultivate ni Duan Ling Tian ang Greater Teleportation, hindi rin nakalimutan ni Duan Ling Tian ang pagcultivate sa Spirit Serpent Movement Technique.