41 Li Shi Shi

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa isang sulok ng martial arts practice field.

Ang katawan ni Duan Ling Tian ay parang Spirit Serpent habang ang kaniyang pigura ay nagbago.

Mukha lang siyang mabagal pero sa totoo ay mabilis siya tulad ng hangin.

"Dapat na mapagtagumpayan ko ang initial stage sa loob ng sampung araw o pinakamatagal na ang kalahating buwan."

Gumalaw ang pigura ni Duan Ling Tian at muli siyang tumayo. Ang mga gilid ng kaniyang mga labi ay kumurba at naging malamyang ngiti.

Ayon sa alaala ng Rebirth Martial Emperor, alam ni Duan Ling Tian na ang kaniyang Spirit Serpent Movement Technique ay kasalukuyang nasa rudiment stage pa lamang at malapit nang makatuntong sa initial stage.

Kapag ang Spirit Serpent Movement Technique ay makatuntong sa initial stage, makakakuha siya ng malaking pagbabago sa kaniyang bilis.

Ang Spirit Serpent Movement Technique ay isang high grade Profound Rank martial skill. Kahit na sa initial stage, maikukumpara na ito sa isang middle grade Profound Rank martial skill sa mastery stage at isang low grade Profound Rank skill sa perfection stage.

Huminto magcultivate si Duan Ling Tian sa tamang oras dahil pagsusumikap ang susi at ang mga resulta ay hindi makukuha sa isang gabi lamang.

Handa na siyang umuwi at masipsip ang Seven Treasures Body Tempering Liquid para magcultivate upang maabot niya ang ikasiyam na antas ng Body Tempering stage sa lalong madaling panahon.

Ayon sa kaniyang nakalap, ang taunang clan martial meet ay mangyayari dalawang buwan mula ngayon.

Kung nais niyang maging isang disipulo sa inner court, kailangan niyang ipakita ang kaniyang lakas na higit sa kaniyang mga kasama sa panahon ng clan martial meet.

Ang sulok ng martial arts practice field na pinili ni Duan Ling Tian ay medyo malayo.

Nang naglakad siya at dumating sa bandang gitna ng martial arts practice field, napansin niya ang isang grupo ng mga taong nakakalat at may pinapanood na kung ano.

Naimpluwensyahan ng kaniyang pag-usisa, lumapit siya.

Sa gitna ng bunton ng mga tao, isang maganda at mahinhing pigura ang nakayo. Sa kaniyang mga kamay ay isang tatlong talampakang blade na nagpalit-anyo at naging sword luster, mahusay na inilabas ang isang bukod-tanging sword skill.

Ito ay isang napakagandang babae na nasa edad labimpito. Ang kaniyang mukha ay marikit tulad ng mga bulaklak at kasing-ganda ng buwan.

Mula nang dumating siya sa mundong ito, siya lamang ang nag-iisang babaeng nakita niya bukod kay Ke Er at kaniyang ina na may namumukod-tanging kagandahan.

Ang dalaga ay mayroong malambot at mahaba at diretsong buhok na sinasamahan ng kaniyang mga galaw, bahagyang umaalon.

Sa ilalim nang mainit na sinag ng araw, ang tatlong talampakang blade sa kaniyang kamay ay pumapagaspas ng may nakasisilaw na kinang.

Biglang lumitaw sa itaas niya ang isang ancient mammoth silhouette.

Whoosh!

Humampas ang kaniyang espada, nag-iiwan ng imahe matapos mabilis na dumaan.

Tatlong dahon na nahulog mula sa puno sa gilid ay nahati sa dalawa, unti-unting bumabagsak sa lupa.

Nang matapos ang dalaga, basang-basa na siya ng pawis.

Clap clap clap clap...

Agad na ang kapaligiran ay napuno ng tunog ng palakpakan at hiyawan.

"Katulad ng inaasahan isa sa ating outer court's top three, si ate Shi shi. Ang kaniyang Perfect stage Shadow sword ay sobrang lakas."

"Oo nga, ang paghiwa ng tatlong dahon na hindi naman nasa diretsong linya sa pamamagitan ng isang hampas lamang ng espada. Sa buong outer court, natatakot akong si ate Shi shi lamang ang may kayang gawin iyon."

"Labimpitong taong gulang at nasa ikasiyam na antas ng Body Tempering stage. May low grade Profound Rank martial skill, Shadow sword, nacultivate hanggang sa perfection stage, si ate Shi shi ang una sa listahan ng mga batang henerasyon ng mga babae sa ating Li Clan.

...

Narinig ni Duan Ling Tian ang palakpakan at hiyawan.

Top three sa outer court?

Ate Shi shi?

"Posible bang siya si Li Shi shi?"

Naalala ni Duan Ling Tian nang pumunta siya sa trade market medicine store ilang araw na ang nakalilipas, si Li Xiao at Li Yuan ay may binanggit na babaeng tinatawag na Li Shi shi sa kanilang usapan.

Nang makita siya ngayon, karapat-dapat sa kaniya ang kaniyang reputasyon!

Pagdating sa kaniyang itsura, kaunti lamang ang kinulang niya kumpara sa kaniyang Ke Er.

"Ate Shi shi, punasan niyo po ang pawis niyo."

Isang batang babae ang ngumiti nang iabot niya ang isang panyo kay Li Shi shi.

Matapos punasan ni Li Shi shi ang pawis sa kaniyang noo, ang mga itim ng kaniyang mga mata ay humapit nang mapansin niya ang isang tingin mula sa mga tao na kakaiba sa lahat.

Lahat ng tao ay namamangha sa kaniyang swords skill.

Ngunit ang taong ito ay tila iniisip na ang kaniyang sword skill ay hindi karapat-dapat seryosohin.

Sa kaniyang puso ay lumitaw ang kaunting pakiramdam ng pagkatalo at pakikipagkumpetensiya.

"Sa tingin mo ordinaryo lang ang sword skill ko?"

Sa ilalim ng mga tingin ngg mga nakapalibot na tao, dumating si Li Shi shi sa harapan ng binata, ang kaniyang tono ay may bakas ng pagtatanong.

Sa oras na ito, ang mga taong naroroon ay napansin ang binata.

"Ehh, hindi ba't siya si Duan Ling Tian?"

"Siya iyon! Naroon ako noong araw na iyon."

"Mukhang labing-anim na taong gulang lamang siya…"

"Eh, ang dalagang hindi mahiwalay sa kaniya ay wala rito ngayon. Narinig kong ang kagandahan ng dalagang iyon ay bahagyang mas mataas kaysa kay Li Shi shi."

...

Nang marinig ang mga diskusyon sa kapaligiran, ang malinaw na mga mata ni Li Shi shi ay kumislap na may bakas ng pagkagulat.

Narinig niya ang nangyari ilang araw na ang nakalilipas.

"Ang sword skill mo… ay hindi masama. Kung binawasan mo ng kaunti ang istilo, siguro ay naging mas malakas pa ito."

Si Duan Ling Tian, na pokus ng bunton ng mga tao ay normal lamang na tumango.

"Istilo?"

Ang mga taong nakapalibot ay malakas na tumawa.

"Hindi dapat iniisip iyan ng Duan Ling Tian na iyan dahil lang s amalakas ang kaniyang Hwling Tiger Fist, kaya niyang bigyan si ate Shi shi ng gabay sa kaniyang sword skills, tama?"

"Ordinaryong tao lamang, pero nagawa niyang magsalita ng walang kwenta!"

"Ang Shadow Sword's cultivation ni ate Shi shi ay marahil katulad ng Howling Tiger Fist, ngunit ang cultivation ni ate Shi shi ay mas mataas ng isang antas kaysa sa kaniya; kasama ang tatlong talampakang blade sa kaniyang kamay, makakaya niyang talunin siya nang madali.

...

Ang bunton ng mga tao ay nagsimulang kampihan si Li Shi shi laban kay Duan Ling Tian.

"Ang narinig ko lamang ay malakas ang iyong Howling Tiger Fist. Maari kayang magaling ka rin sa sword skills?"

Matalas na tiningnan ni Li Shi shi si Duan Ling Tian.

Hindi inaasahan ni Duan Ling Tian na ang pagsasabi ng totoo ay magbubunga ng galit sa publiko.

Wala siyang magawa kundi ang huminga nang malalim sa kaniyang dibdib.

Minsan hindi madaling magsabi ng totoo.

"Espada!"

Habang naglalakad nang malalaking hakbang, ibinuka ni Duan Ling ian ang kaniyang kamay sa harapan ni Li Shi shi.

Ipinasa ni Li Shi shi ang kaniyang espada kay Duan Ling Tian. Sa kaniyang mga tingin ay bakas ang pagkamangha nang mahulaan niya ang planong gawin ni Duan Ling Tian.

"Gusto pa ng Duan Ling Tian na ito na ipakita ang kaniyang mahinang kasanayan sa harapan ng isang eksperto?"

"Padalos-dalos siya!"

Halos lahat ng tao na nakapansin sa eksena ay may panghahamak na ekspresyon.

Hindi ito pinansin ni Duan Ling Tian dahil ang katotohanan na ang magsasalita para sa kanilang sarili.

Sa sumunod na sandali, pinalitan ni Duan Ling Tian si Li Shi shi. Hinawakan niya ang tatlong-talampakang blade habang nakatayo sa gitna ng bunton ng mga tao.

Umihip ang hangin at ang mga dahon ng puno ay nagsimulang bumagsak.

Whoosh!

Sa ilalim ng tingin ng lahat, gumalaw ang espada ni Duan Ling Tian.

Ngunit lahat ng naroon, kasama na si Li Shi shi ay nakita lamang ang kinang na kumikislap.

Mula umpisa hanggang dulo, hindi nila nakita kung paano ihinampas ni Duan Ling Tian ang kaniyang espada.

"Tapos na niya ang kaniyang sword strike?"

Ang lahat ay may pagdududa sa kanilang dibdib.

"Bilis, tingin!"

Isang tao ang tila may napansing isang bagay.

Ang kanilang nakita ay linya ng mga dahong bumagsak mula sa puno kanina, mga sampu o higit pa na nahati sa dalawa, unti-unting bumabagsak sa lupa.

Hiss!

Ang mga taong naroon ay hindi mapigilang malalim na lumnanghap ng malamig na hangin.

Nang maibalik na ni Duan Ling Tian ang espada at umalis ay doon lamang bumalik sa kaniyang katinuan si Li Shi shi.

Habang tinitingnan ang mapagmalaki nitong likod buhat sa malayo, ang puso ni Li Shi shi ay nakaramdam nang pagkatalo sa unang pagkakataon. Ang karangalan na maging top three sa outer court ay tila isang titulo upang kutyain siya.

Mula nang araw na magsimula siyang magcultivate, lagi syang gumagamit ng espada.

Pagdating sa kaniyang sword skills, mayroon siyang pang-unawa na higit sa mga ordinaryong tao.

Alam niya sa kaniyang puso na kung makakalaban niya si Duan Ling Tian balang-araw, kahit na ang cultivaton ni Duan Ling Tian ay mas mababa sa kaniya ng isang antas, madali siyang matatalo ni Duan Ling Tian o kahit patayin siya gamit ang sword strike kanina.

"Duan Ling Tian, tatandaan kita."

Tahimik na sinabi ni Li Shi shi sa kaniyang puso.

Nakita ni Duan Ling Tian ang pangyayari kanina bilang isang bagay na normal lamang gawin, ni hindi karapat-dapat banggitin.

Ngunit ang panggamit ng low garde Profound Rank martial skill, na Shadow sword, bilang batayan, kasama ang mga alaala ng Rebirth Martial Emperor para sa pagtatantsa…

Napatunayan ni Duan Ling Tian.

Kapag nasa buong lakas ang kaniyang Swords Drawing Arts maaari itong maikumpara sa isang middle grade Profound Rank sword skill na nasa perfection stage, o maikukumpara rin sa isnag high grade Profound Rank sword skill na nasa mastery stage.

Kapag nagawa niyang magulat pa ang sinuman, maari nitong makamit ang epekto ng isang high grade Profound Rank sword skill.

"Hmm?"

Agad na huminto sa paglalakad si Duan Ling Tian nang tiningnan niya ang daan pauwi. Nakatayo ang dalawnag pigura roon.

Tila matagal na siyang hinihintay ng mga ito.

Si Li Yuan at Li Xiao.

Normal na tumingin sa kanila si Duan Ling Tian bago nagdesisyong umikot sa kanila.

Ngunit sinong nakaalam na masiyado silang mayabang, hinarangan pa ulit ang daan ni Duan Ling Tian."May problema ba?"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay kuminang nang may panlalamig.

Hindi niya gustong gumawa ng gulo, pero hindi ibig sabihin non ay takot na siya rito.

"Duan Ling Tian, ibigay mo sa amin lahat ng perang pilak na mayroon ka!" daing ni Li Xiao.

Kasama si Li Yuan, isa sa top three ng outer court, para tulungan siya, puno siya ng tiwala sa sarili.

Kung alam niya ang kahanga-hangang sword skill na ipinakita ni Duan Ling Tian sa martial arts practice hall kanina na nagging dahilan pa upang ang isa sa top three sa outer court, si Li Shi shi, na makaramdam nang paghanga at kaniyang pagiging mababa, marahil ay hindi niya maiisip ang ganitong ideya ngayon.

Ang mga pangayayari sa mundo ay talagang kahanga-hanga.

"Gusto mo ang mga perang pilak na mayroon ako?"

Tumawa si Duan Ling Tian at tinapik ang 'makapal' nitong dibdib. "Nagdala nga ako ng maraming perang pilak, ngunit bakit ko ito ibibigay sa iyo?"

"Bakit?"

Umismid si Li Xiao, "Kung ayaw mong mahirapan ay umayos ka at ibigay mo sa amin ang mga perang pilak mo. At saka, simula ngayon, yung dalagang hindi nawawala sa tabi mo, si Ke Er, ipasama mo lagi kay Kapatid Li Yuan."

"Manahimik ka!"

Nagsalubong ang hugis-espada na mga kilay ni Duan Ling Tian. Ang kaniyang eskpresyon ay tila hindi galit, ngunit may mapaggiit na asal, at isang katakot-takot na layuning pagpatay ang bumalot kay Li Xuao.

Si Ke Er ay tulad ng isang baligtad na kaliskis sa leeg ng isang dragon para sa kaniya; hawakan mo at magwawala siya s agalit at papatayin ang taong iyon!

Ang ekspresyon ni Li Xiao ay nagging takot at ang kaniyang mga tuhod ay nagsimulang manginig.

Ang layuning pagpatay tulad ng kay Asura ay naging dahilan upang ang kaniyang utak ay bumigay.

"Hmmph!"

Malalaki ang hakbang ni Duan Ling Tian nang lumakad ito palayo nang may singhal.

Kung nasa ibag lugar lamang siya, matagal na niyang nalumpo o napatay si Li Xiao.

Ngunit ito ang Aurora City Li Clan; kapag nilumpo niya o patayin si Li Xiao, kahit na ipagsawalang bahala ito ng Li Clan, hindi ito palalampasin ng pamilya ni Li Xiao.

Matapos ang lahat, si Li Xiao ay isag pangunahing disipulo na may malalim na pinag-uagatan sa Clan.

Hindi niya maiwasang magdalawang-isip.

"Kapatid na Li Yuan, bakit hindi mo siya pinigilan?" Huminga ng malalim si Li Xiao dahil napanatag ag loob. Mayroon siyang nalilitong ekspresyon nang tumingin siya kay Li Yuan.

"Mukhang minaliit natin ang Duan Ling Tian na ito. Hindi siya ordinary." Mabigat ang ekspresyon ni Li Yuan.

Kahit na ang layuning pagpatay ni Duan Ling Tian kanina ay para kay Li Xiao, bahagyang nadala siya rito at bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

"Siguradong hindi ibig sabihin non na hahayaan na lang natin itong ganito?" Pilit ang ekpresyon ni Li Xiao.

Kumuha nang malalim na paghinga, mabagal na sinabi ni Li Yuan, "Maaari natin siyang hanapin ulit kapag ang aking Golden Bell Cover ay tumuntong na sainitial stage. Sa ilang dahilan, wala akong tiwala na mananalo ako ngayon."

"Ano?"

Puno nang pagtataka ang eskpresyon ni Li Xiao.

Hindi niya inakalang ang isang disipulo ng sangay na pamilya, at isang disipulo na may ibang apelyido ay magiging dahilan upang ang isang Li Yuan na kinikilala bilang isa sa top three sa outer court ay magdadalawang isip.

Matapos magdalawang isip nang ilang sandal, nagtanong si Li Xiao, "Kapatid na Li Yuan, dapat ko bang kunin ang kapatid ko upang gumawa ng hakbang?"

Kuminang ang mga mata ni Li Yuan habang mabagal niyang sinabi, " Ano? Huwag mo sabihin sa akin na gusto mong bigyan ng parte ang kapatid mo? Ayon sa nalalaman ko, kahit na magkapatid kayo, hindi maganda ang relasyon niyo. Pasikreto at hindi pasikreto kang tinatawag na basura ng iyong kapatid. Kapag sumali siya sa bagay na ito, nag-aalala akong lahat ng pinaghirapan natin ay kukunin lang niya.

Nagdilim ang ekspresyon ni Li Xiao.

Posible itong mangyari.

Wala nang iba pang nakakaalam ng ugali ng kaniyang kapatid bukod sa kaniya, mapang-ibabaw at walag takot!

"Sige, hihintayin natin ang Golden Bell Cover ni Kapatid na Li Yuan na tumuntong sa initial stage. Humph! Hayaan muna natin ang Duan Ling Tian na iyan na maging masaya ng ilang araw."

Mabilis na gumawa ng desisyon si Li Xiao.

avataravatar
Next chapter