webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · ホラー
レビュー数が足りません
115 Chs

Chapter 60

Crissa Harris POV'

Hindi ko naman tuloy napigilan at pinagmasdan ko yung maamo nyang mukha. Napaka soft at subtle ng features ng mukha nya. Hindi rin ako makapaniwala na ang laki na ng pinagbago nya ngayon. Sa itsura, wala. Pero sa aura at personality, dun nagkatalo. Parang ang lakas na ng dating nya. Ibang-iba dun sa dati na pretty boy type at parang ayaw sa pisikal na galawan.

Pero kung may isa pang hindi nagbabago sa kanya, yun ay yung kung paano nya ako tratuhin..

Sya nga rin kasi yung at tumulong samin ni Ty doon sa exit ng one stop shop.

"Oh pano, Crissa? Kailangan ko na ring umalis mag-iingat kayo dito ah. Ito oh, sa inyo nalang." inabot nya sakin yung baril nya. Malaki ang pagkakahawig nun sa assault rifle na gamit namin.

"Eh ikaw, anong gagamitin mo?"

"May pistol ako." nagwave sya samin at lumabas na ng pinto.

Pero nung may maalala ako, pinigil ko agad sya.

"Teka, huling tanong na. May nakita o napansin ka ba kanina sa loob ng campus na lalaking nakasuot ng brown leather jacket?.."

"Brown leather jacket?.."

"Oo. May nakita kasi ako. Pero mag-iingat ka rin ah? Baka makasalubong mo yun. Anung malay natin, baka masamang tao pala yun.." paalala ko na nagpapahiwatig. Pero hindi ko deretsahang sinabi na may iba pang grupo na nagmamatyag sa grupo namin ngayon.

Hindi naman siguro necessary na ipagkalat ko pa yun diba?..

Ngumiti sakin si Axel at saka nagthumbs up.

"Sure. May sarili rin akong grupo kaya hindi ako natatakot sa kanya kung sakali mang masamang tao nga sya at magpang-abot kami." naglakad na sya uli at nagwave sakin.

"Bye Crissa! Aagawin kita sa kanya pag nagkita na uli tayo!" pahabol nya bago kumaripas ng takbo.

Anu daw yon? Aagawin nya ako? At kanino naman kaya? Baliw din to si Axel Suarez. Anong akala nya sakin, bola ng basketball na pinag-aagawan? Tss..

Pero seriously, it's really good na malamang, nakaligtas din pala sya. At may grupo rin sya katulad namin. Sana naman, dumating nga yung araw na ma-meet namin yung grupo nya at ma-meet nya rin yung amin. Paniguradong magkakasundo ang mga kampo namin dahil malapit na kaibigan din namin sya ni Christian.

Isinarado ko na yung pinto at sinecure kong mabuti ng lock. Nagharang din ako ng couch doon para masigurong walang makakapasok.

"Buti naman at hindi mo naisipang sumama na nga sa kanya."

Halos mapaupo ako sa sobrang gulat nang pagkaharap ko, nandun na at nakatayo si Tyron. Hindi ko mabasa yung expression nya dahil medyo madilim. Pero halata sa boses nya may glint yun ng something. Di ko lang din alam kung ano yun.

"Kahit naman magpumilit sya, hindi pa rin ako sasama. Kayo ang kagrupo ko e. Kaya bakit ko naman kayo iiwan?.." paliwanag ko. Pero bigla nalang syang tumalikod sakin at naglakad.

Dere-deretso syang umakyat papuntang 2nd floor kaya sinundan ko sya. Nung makarating kami doon, umupo sya dun sa isang couch. Tinabihan ko naman agad sya.

"Galit ka ba dahil nagtiwala ako sa kanya? Tyron naman e. Tinulungan nya na nga tayo oh. Matagal ko na syang kilala at mapagkakatiwalaan talaga sya."

"Hindi porke matagal mo nang kilala, mapagkakatiwalaan mo na eventually.." bumaling sya sa kabilang side at umiwas sa tingin ko.

"Wag ka nang magalit. Sa susunod talaga, hahayaan ko nang ikaw ang mag-interrogate sa kahit na sinong makasalamuha natin. Kakilala ko man o estranghero."

Hindi sya sumagot sakin kaya pinagkakalabit ko sya sa braso nya. Hindi ko sya tinantanan hanggang humarap na sya uli sakin. Hindi naman sya mukhang nairita. Pokerface lang sya.

"Hindi ako galit. Pero kumbinsihin mo muna ako na mabuti nga talaga syang tao at mapagkakatiwalaan talaga sya. If you failed to convince me, aalis din tayo ngayon dito sa lugar na to at maghahanap tayo ng ibang lugar na siguradong safe talaga tayo." lumipat sya kabilang couch. Pero hindi ko na sya sinundan dahil hindi naman na ako makakaupo dun. Humiga na sya e.

Huminga nalang ako ng malalim. No choice na ako kundi ikwento sa kanya yung nakaraan ko. To be specific, my past with Axel. Pero wag kayong magreact agad. Hindi yan yung PAST na katulad nang iniisip nyo.

"Okay, mahabang kwento to pero papaiksiin ko nalang. Close friend namin sya ni Christian. Pati na rin nila Elvis, Alex at Harriette. Kaya kilalang-kilala na namin sya. Kabisado na rin namin yung ugali nya. At kung ikukumpara, para syang si Lennon. Unang tingin palang, halata na agad na mabait talaga." huminto ako pero nagpatuloy din agad nang bumulong si Tyron ng 'Go ahead'.

Naghehesitate man akong ikwento tong part na to, wala rin naman nang silbi. Andito na rin lang kaya ipagpapatuloy ko na.

"And si Axel, sya yung tipo ng tao na kahit hindi ko man nasuklian lahat ng pinapakita at ginagawa nya para sakin, hindi pa rin sya nagbabago. He admitted that he love me. Pero ako naman, todo explain sa kanya na, we cannot be more than friends. Hanggang doon nalang yun. Ilang beses ko syang ni-reject. Pero you know what's really good about him? Hindi sya nagdamdam at nagtanim ng inis, galit o poot sakin dahil doon. He still stayed as my friend. Nandyan lang talaga sya. May mga oras na hindi ko inaasahan, pag may problema ako, sya pa yung tutulong sakin. Para nga syang superhero e. Iwi-wish ko palang na sana dumating sya, andyan na sya agad. Then one day, I offered him na sya nalang yun maging guy bestfriend ko officially. But he insisted. And you know what he said? Hindi nya raw tatanggapin na hanggang magkaibigan nalang talaga kami hanggat hindi pa napapalitan ng ibang lalaki yung apelido ko. Hahaha! Funny right---"

Napatigil uli ako sa pagsasalita. At napailing nalang ako nang lumapit ako dun sa couch na hinihigaan ni Tyron.

"Bastos ka ha? Todo pakwento ka, tapos tutulugan mo lang din pala ako. Barilin kaya kita no?" tinignan ko sya ng masama. Pero binawi ko rin agad. "Joke lang. Hehehe."

Kumuha ako ng blanket sa isang kama doon at ikinumot ko sa kanya. Pinagmasdan ko ring mabuti yung mukha nya.

"Cute mo Tyron. Para kang bata." pinisil ko ng mahina yung ilong nya. "Pero seriously, may trust issues ka ba kaya ayaw mong magtiwala kay Axel? O may gusto ka sakin at sadyang nagseselos ka lang talaga nang may kinausap akong ibang lalaki?.." bulong ko.

Napatahimik naman ako bigla dahil sa sinabi ko. Pero maya-maya lang din, para na akong tanga dun na tumawa ng pigil.

"Pffftt. Hahaha! Hilarious right? Buti nalang talaga, tulog ka ngayon. Dahil kung gising ka at naririnig mo tong sinasabi ko, panigurado ding pauulanan mo ko ng tawa. Ilusyonada ba ako masyado? Pagpasensyahan mo na, Ty. Hindi ko na rin alam ang mga biglang lumalabas sa bibig ko. Haaayy.. Pagod lang to.." tumalikod ako sa kanya. Pero napaharap din uli ako nang parang may nahagip ang mata ko.

Was that just my imagination? Or he really smiled?

Untog mo sa pader ang ulo mo Crissa. Nang humiwalay naman sa katotohanan yang imagination mo. Itulog mo nalang yan. Ilusyonadang palaka. - says my inner voice.

*****

Day 19 of zombie apocalypse..

Bahagya akong naalimpungatan sa pagkakatulog dahil sa sobrang lamig. Naramdaman ko naman na may blanket na biglang bumalot sa katawan ko. Alam ko rin na hindi ako sa isang couch nakahiga ngayon dahil komportable yung higa ko. Pero dahil inaantok pa ako, hindi ko nalang muna pinagtuunan ng pansin yun at hinayaan ko nalang na mahulog uli ako sa malalim na pagtulog.

"Kaya sa susunod, wag ka na uling magsusuot ng ganyang damit.."

Sa susunod na pagdilat nang mata ko, maliwanag na yung buong paligid. Nakita ko na din ng kumpleto yung buong kwarto. At nakumpirma ko ngang sa isang kama na ako nakahiga ngayon. Pero sa pagkakatanda ko, sa couch ako natulog kagabi ah? Inilipat ba ako ni Tyron dito?..

Mabilis naman akong napabalikwas sa pagkakahiga. Wait. In speaking of Tyron, nasaan nga sya? Bakit wala sya dito? At bakit wala rin yung baril na binigay ni Axel? At bakit yung mga baril lang namin na wala nang bala ang natira dito?

H-hindi kaya, iniwan na ako ni Tyron dito?..

"T-tyron? Nasan ka? Tyron.."

Kabang-kaba ako habang bumabangon sa kama. At nung walang sumagot sa akin, mas dumoble pa yung kaba ko. Mabilis akong tumakbo papunta doon sa pinto. Sakto namang bigla syang lumitaw doon at buti nalang din, nagawa kong ipreno yung paa ko dahil kung hindi, nagkasalpukan na kaming dalawa.

"O-oh, anong nangyari? Bakit parang kabang-kaba ka?.." alala syang tumingin sa akin. Habang ako naman, ayun at biglang napahinga ng maluwag.

"Akala ko kasi, iniwan mo na ako dito e.." bulong ko.

"Nagpunta lang ako dun sa 3rd floor para maghanap ng pagkain. May dalawang kwarto don at nakita ko nga to." inabot nya sakin ang isang lata ng meat loaf. "Kumain ka muna."

Tumango naman ako at kinuha yun. Hindi ko na sya nalingon pa dahil nag-umpisa na akong kainin yung binigay nya pagkaupo ko sa isang couch.

"Sorry kung umalis ako nang hindi nagpapaalam. Tulog ka pa kasi e. Alanganan namang gisingin pa kita samantalang dyang lang naman ako sa taas pupunta."

"Okay lang yun.. Wag kang magsorry.." sagot ko.

Sa totoo lang, grabe talaga yung kaba ko nang hindi ko sya makita kanina. Pero ngayong nalaman kong nandito pa rin sya at hindi nya ako iniwan, grabe rin naman yung relief na nangibabaw sa loob ko.

Hindi ko kasi alam talaga ang gagawin ko kung saka-sakali ngang iniwan nya ako..

"Iiwan lang kita kapag sinabi mo. But that doesn't mean na aalis nga talaga ako. I'll always be there. Magbabantay sayo.."

Gulat akong napatingin kay Tyron. Nandun sya sa kabilang couch at may hawak na libro. Napansin nya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din sya sakin.

"Nice line, right?" sabi nya habang winewave yung libro sakin.

Napaiwas naman ako ng tingin at napayuko. Nagbabasa lang pala sya. Akala ko, sa kanya talaga nanggaling yung mga sinabi nya.

"Excerpt from the book I'll never write.."

May nadinig pa akong binulong nya pero hindi ko nalang pinansin dahil hindi ko naman narinig. Maya-maya pa, natapos na rin akong kumain. At nung ibinalik ko yung tingin ko kay Tyron, hindi na nya hawak yung libro.

Nakatingin na rin sya sakin.

"May dalawang kwarto sa 3rd floor. I think, kwarto yun nang may-ari nitong furniture shop. Naghalughog ako sa mga drawer at cabinet at may nakita akong damit na pambabae.."

Kahit hindi nya dineretsa yung gusto nyang sabihin, nagets ko naman agad kung ano yun. Pumunta na nga ako dun sa 3rd floor at pumasok ako dun sa kwarto na kulay pink yung pintuan. Halata naman na kwarto nga ng babae ito.

Nang makakuha ako ng jeans at long sleeves sa isang drawer, at ilan ding mga personal na kailangan, naligo na ako. Alam ko naman na yun yung gustong sabihin ni Ty. Ang magpalit ako ng damit. Naalala ko pa kaya yung sinabi nya nung naalimpungatan ako kanina.

Bumalik na uli ako sa 2nd floor nang matapos ako.

"Asan na yung hinubad mong damit?.."

Gulat akong napatingin kay Tyron dahil sa biglang sinabi nya. Tinago ko naman sa likod ko yung kamay ko na hawak-hawak yung mga hinubad kong damit.

"B-bakit?.. A-anong gagawin mo sa damit ko?.."

"Basta. Sumunod ka sakin."

Bumaba sya sa 1st floor kaya sumunod ako. Bingyan nya naman ako ng hanger kaya pinagmasdan ko yun.

"Anong gagawin ko dito?"

"Ihanger mo dyan yung shirt mo."

Sinunod ko naman yung sinabi nya. At pagkatapos nun, isinabit nya doon sa chandelier na nakadisplay sa tapat ng malaking bintana nitong shop.. Sa pwesto nito, kahit malayo ka palang, matatanaw mo na agad ito kapag nasa labas ka.

Ngumisi ako kay Tyron. Ngayon ko lang kasi fully naunawaan kung bakit nya ginawa yun.

"Ang galing ng naisip mo ha? Kung sakali mang hanapin tayo ng kakambal ko at mapadaan sila dito, itong shirt ko na to ang magbibigay sa kanila ng hint na nandito nga tayo sa loob.."