webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · Horror
Not enough ratings
115 Chs

Chapter 59

Harriette Kobayashi's POV

"Teka. Nasaan si Tyron at Crissa?.."

Takbo. Sa loob ng ilang minuto, puro yan lang ang ginawa namin ni Lennon at Renzo. At ngayon nga na napagdesisyunan kong huminto muna saglit para lingunin yung iba pa sa likod ko, parang gusto kong lumubog sa lupa nang makita kong wala nga si Tyron at Crissa. Hindi sila nakasunod samin at hindi rin namin sila natatanaw mula rito.

Si Lennon at Renzo, hindi na rin maipinta ang mukha habang lumilinga-linga pa rin sa paligid.

"Baka naman nauna na sila sa labas?.." sabi ni Lennon.

"Oo nga. At nagkataon lang na sa ibang daan sila dumaan kaya di natin sila nakita?.." dagdag pa ni Renzo.

Ayokong magpakakampante sa sinabi nilang dalawa. Pero..

"S-sige.. Tignan natin. Ayan nalang yung main gate.." tumakbo ako sa may daan papuntang main gate pero bago yun, hinawakan ko muna yung isang molotov at hinagis ko dun sa grupo ng undead na sumusunod na samin.

Pagkarating namin sa main gate, hindi ko halos malaman kung ano ang irereact ko sa nakita namin. Kung ano yung dami nung mga undead na nakita namin sa loob, hindi lang triple yung dami nila ngayon dito sa labas. Napakarami nila. Kalat na kalat sila at may paparating pa na malaking grupo mula sa malayo. Sobrang dami.

Bigla namang bumukas yung passenger seat ng van namin at bumaba si Christian.

"S-sila Crissa, wala ba dito?.." agad na tanong ko sa kanya na unti-unti namang ikinakunot ng noo nya.

"Bakit sakin mo tinatanong yan? Kayo ang magkakasama diba?.." tanong nya pabalik.

Hindi na ako nakasagot pa sa kanya nang makita kong dumami pa nang dumami yung undead malapit sa amin. Mabuti na lamang at alerto si Lennon at Renzo. Nagpaputok na sila agad.

"Dali. Pumasok na kayong tatlo sa van. Mauna na kayo dun sa mini-grocery na pinuntahan natin kahapon."

"B-bakit, anong gagawin mo Christian?.."

"Basta. Ako nang bahala. Sumakay na kayo." deretsong sabi nya kaya wala na rin kaming nagawa kundi sumunod.

At inaamin ko, natakot talaga ako sa aura nya.

Pero sya na mismo ang nagsabi samin na walang aalis hanggat di pa kumpleto. E bakit ngayon, pinauna na nya kami?

Ano ba talagang balak nya?

Nilingon ko uli sya habang pinapaandar na ni Sedrick yung van. Nakita ko namang sumakay na sya sa pickup.

T-teka. Aalis din sya? Hindi nya ba babalikan sila Crissa sa loob?

"Wag mong pagdudahan si Christian. Trust him. He know what he's doing."

Gulat akong napalingon dun sa katabi ko na ngayon ko lang nalaman kung sino.

"E, ano nga ba kasing gagawin nya Elvis?.." gulong-gulo nang tanong ko.

"He ain't gonna leave us. Neither Crissa and Tyron. Nakita mo naman diba na sumakay sya pickup natin? He did that as what he'd plan."

"Plan?.." takha ko uling tanong.

"Kambal sila ni Crissa. Kaya kung pano gumawa ng buwis-buhay moves yung babae, sya rin namang ginagawa nung lalaki. Mas malala nga lang si Christian dahil sa gagawin nya ngayon." kampanteng-kampanteng sabi nya na sya naman ikinainit ng ulo ko.

"Putek naman Elvis! Deretsahin mo na! Nambibitin pa e!" sigaw ko at napatawa nalang sya. Seriously, pano nya nagagawa pang magtawa kahit ganito na yung sitwasyon?..

"Christian will play a game. Sumakay sya sa pickup dahil magpapahabol sya dun sa malaking grupo ng mga undead na papalapit palang pati na rin yung iba na nagkalat. Ginawa nya yun para mailihis yung daan nila.."

Kinilabutan ang buo kong pagkatao dahil sa sinabi nyang iyon.

Crissa Harris' POV

Binalot ako ng matinding kaba nang isang di pamilyar na lugar ang bumungad sakin nang idilat ko ang mata ko. Nilingon ko naman kung kanino bang balikat ba yung nasasandigan ko.

Kay Tyron..

"Nakatulog ka. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod at dahil na rin sa wala kang tulog kagabi.. Nasa cafeteria tayo ngayon." bulong nya sa tabi ko. Parehas kaming nakaupo sa may sahig at nakasandig sa pader ngayon.

"Anong oras na ba? Bakit parang, medyo madilim na?.." tanong ko. Halos hindi ko na kasi maaninag yung paligid namin.

"Sa tantya ko, malapit nang mag-ala syete ng gabi."

Bigla akong napatayo sa pagkakaupo ko dahil sa sobrang gulat kahit na ba may kirot pa rin sa paa ko.

"Ala-syete? Edi ibig sabihin, halos anim na oras akong nakatulog? E ano pang ginagawa natin dito? Umalis na tayo dito, Tyron. Baka hinahanap na tayo nila Christian." nag-aalala nang tanong ko.

Tumayo na rin si Tyron mula sa sahig at ngayon ko lang napansin na parang hapong-hapo sya. Bakas sa itsura nya na pagod na pagod yung katawan nya.

"Kumalma ka muna, Crissa. Hindi pa tayo pwedeng umalis dito."

Bago ako makapagreact sa sinabi nya, hinaltak nya na agad ako at bahagyang pinasilip sa isang bintana. Napatakip nalang ako ng bibig nang makita ko na yung sitwasyon sa labas. Sa pamamagitan ng liwanag na nanggagaling sa buwan, naaninag ko yung di mabilang na dami ng undead na kaliwa't-kanang naglalakad. Nakakalula yung dami nila. At yung pinagsama-samang tunog ng pag-ungol nila, nakakakilabot.

"Wala na tayong bala. Kutsilyo nalang ang mayroon tayo para pangdepensa sa sarili natin." bulong nya sa tenga ko.

"W-wala na?.." nakagat ko ng madiin yung labi ko.

Shete lang. Kung yun ngang baril ang gamit mahirap na kapag marami kang kaharap, ano pa kaya kung kutsilyo lang?..

Ibinalik ko naman ang tingin ko sa labas. Sa sobrang dami nitong mga halimaw na nagkalat, mukhang kahit may bala kami, wala rin kaming laban.

Napaatras ako ng bahagya at nung maramdaman kong may naapakan ako na kung ano, mabilis kong sinilip. Sisigaw na dapat ako nang malakas nung makita kong naaagnas na braso ng undead yung naapakan ko. Buti nalang, naagapan ni Tyron at mabilis nyang tinakpan ang bibig ko.

"Yan ang wag na wag nating magkakamaling gawin. Ang gumawa ng ingay. Dahil paniguradong magiging instant dinner tayo nung mga nasa labas." binitiwan ni Tyron yung bibig ko at hinaltak na uli ako. Umupo sya dun sa may counter kaya nakiupo na rin ako.

Hindi naman nakaligtas sa mata ko yung ilang katawan ng undead na ngayon ay nakikita ko nang nakahandusay sa sahig. Nakapag-adjust na siguro yung mata ko sa dilim kaya ganun.

Lumingon ako kay Tyron.

"Hindi bababa sa sampu tong mga undead na nakikita ko dito. Paano mo nagawang tapusin silang lahat ng kutsilyo lang ang gamit mo? Sigurado naman kasi akong di ka gumamit ng baril." gulat and at the same time, amazed na tanong ko. Unti-unti naman din syang lumingon at seryosong tumingin sa akin.

"Ganun talaga kapag may pinoprotektahan ka. Lahat gagawin mo.."

Sa nangungusap na tingin na ipinukol nya sa mata ko, bigla nalang tumibok na parang abnormal yung puso ko. Hindi ko kinaya. Napabitaw ako sa titig na yun at umiwas ako. Hindi ko alam dahil pakiramdam ko kapag ipinagpatuloy ko pa yun, tuluyan na akong mababaliw.

Ako ba yung tinutukoy nya o sadyang nag-iilusyon lang ako?..

Gusto kong magwala ng big time dahil sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Mas matindi pa dun sa alien feeling na nararanasan ko sa kanya dati-rati. Mas hindi na maipaliwanag ngayon. Parang mabubutas na yung dibdib ko..

Ano ba kasi to?.. Kung may makakapagpaliwanag lang sakin nito nang buong-buo at kumpleto, napakalaking tulong na sakin noon..

"Sa ngayon, dito lang muna tayo pansamalata. Antayin nating magliwanag uli, saka tayo gagawa ng plano para makalabas." bulong nya uli na pansamantalang nakapaglihis ng mga naiisip ko.

At nang hindi lumilingon sa kanya, nagsalita ako.

"Sa tingin mo ba, nandito pa rin sila Christian sa loob? O nasa labas na sila? At kung nasa labas na nga sila, iniintay pa kaya nila tayo o umalis na sila?.."

"Sorry, pero hindi ko kayang sagutin yang tanong mo. Sa sitwasyon kasi ngayon, napakaraming possibilities.."

Nanahimik ako lalo sa sinagot nya. Sa sobrang gulo ng isip ko, halos hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko. Gusto kong matakot, umiyak at magkandarapa nang gumawa ng paraan. Pero hindi naman makakatulong yun at mas magti-trigger pa ng panganib para sa aming dalawa.

All we can do now is to stay strong and be brave..

Napahawak bigla ako sa tiyan ko. Saan ako kukuha ng tapang at lakas kung walang laman to?..

"Gutom ka na rin?.."

Nahihiya akong tumingin kay Tyron. Nakangiti na sya ngayon. Tumango nalang ako bilang pagsagot sa kanya.

"Sige. Dyan ka lang. Maghahanap ako ng pwede nating kainin."

Umalis saglit si Tyron at nung pagkabalik nya, inabutan nya agad ako ng isang pack ng biskwit. At nung maaninag ko yun, nakita kong chips delight pala yun. Isa sa mga favorite ko.

"Pagtyagaan nalang muna natin. Yan lang ang nakita kong pinakamatino dun e. Puro junk foods na yung iba. Pero eto oh.. Sana mapasaya ka nito kahit konti." may inabot sya sakin. At nung maaninag ko kung ano yun, automatic na nga akong napangiti.

Mogu mogu na lychee flavor.

"S-salamat.. Ngayon alam mo na talaga kung makakapagpasaya sakin.." sagot ko pabalik.

Tahimik naming pinagsaluhan yung cookie chips na dinala nya. Ewan ko ba dito kay Tyron dahil kung kelan nasa huling cookie na sya, dun pa sya nasamid.

Dali-dali nyang kinuha yung mogu mogu ko.

"Oy tek---"

Huli na. Bago ko pa masabing wag nyang inuman, nagawa nya na agad. Huhuhuhu. Nainuman ko na yun e.

Edi may indirect kiss na rin sya mula sakin?..

Inilipag nya yung walang laman na bote ng mogu mogu sa gilid nya. At ako naman, napayuko nalang. Nahihiya ako. Pero sya naman ang may kasalanan e. Huhuhu.. Basta hablot nalang sya.

"Okay. Quits na tayo." bulong nya. Magtatanong palang sana ako kung ano ba yung sinabi nya na yun, hindi ko na natuloy dahil sa sumunod na nangyari.

Sunud sunod na putok ng baril ang narinig namin. Hinaltak agad ako ni Tyron papunta doon sa likod ng counter at doon kami nagtago. Nakaakbay lang sya sa akin na para bang pilit akong tinatakpan. Hinayaan ko nalang sya na gawin yon dahil ako rin mismo, halos hindi makagalaw sa sobrang gulat.

Mga ilang minuto, huminto na yung mga putok. Pero hindi rin fully nagsubside yung shock at kaba na nararamdaman ko nang marinig namin na biglang bumukas yung pinto nitong cafeteria. Bigla ko nalang ding naramdaman na tinakpan uli ni Tyron yung bibig ko.

"Alam kong may tao dito. Wag kayong matakot. Hindi ako nandito para saktan kayo. Nandito ako para tumulong.." sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki. At kung hindi ako nagkakamali, eto rin yung narinig namin kanina sa may exit nung one stop shop. Kung saan kami naoverrun.

"I know it is really hard to trust a stranger. But come on, I'll drop my gun." sabi nya uli at narinig nga namin na parang may ibinaba nga sya sa sahig.

Eto namang si Tyron, binitawan ang bibig ko at lumabas sa pinagtataguan namin. At mula sa pagkakayuko ko, nakita kong itinutok nya ng deretso yung spas-12 nyang walang bala.

Hindi ko na rin napigilan at lumabas na ako. Pero nagtago naman ako sa likod ni Tyron. At nung makita ko kung sino ba yung lalaki na yon, unti-unting nawala ang kaba ko.

Sabi na e. Kaya pala pamilyar ang boses nya.. Kakilala ko nga talaga sya..

"Axel, ikaw pala yan.." bulong ko.

Ngumiti naman sya pabalik sa akin.

"Mamaya na tayo mag-usap-usap, Crissa. Ang mahalaga ngayon, makalabas na tayo dito.." sagot nya.

Umalis naman ako sa likod ni Tyron at saka ko sya kinapitan sa braso nya.

"Tara na, Ty."

Hinaltak ko sya pero hindi naman sya humakbang kaya napatigil din ako. At nung hinarap ko sya, tumambad sa akin ang di maipaliwanag na itsura nya. Parang galit na ewan.

"Kung nagdududa ka pa, wag na. I assure you Ty, mapagkakatiwalaan natin sya.."

*****

"Okay. Cleared na to. Since wala na nga yung ibang kagrupo nyo dun sa dapat ay meeting place nyo, magstay nalang kayo muna dito hanggang mag-umaga. Mukhang hindi ko rin naman kayo mapipilit na sumama sakin e.." agad na sabi ni Axel pagkatapos naming iclear tong tatlong palapag na furniture shop na napuntahan namin.

Puro undead nalang kasi ang nadatnan namin dun sa main gate. Wala yung mga sasakyan namin pati na rin yung ilang kagrupo namin. So nagdecide kami ni Tyron na humanap nalang muna kami ng place na pwede naming hintuan hanggang mag-umaga. Ipagpapabukas nalang din namin muna yung paggawa ng plano ngayong nalaman nga namin na mukhang naiwanan kami nila Christian dito.

At ngayon nga, dito kami napadpad sa isang furniture shop. Hindi naman kalayuan to mula sa school nila Zinnia.

"Salamat talaga sa pagtulong mo samin, Axel. Akala ko, matatagalan kami doon. Buti nalang dumating ka.." sabi ko.

"Kahit kailan mo naman kailanganin ng tulong, dadating ako.." bulong nya.