webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · ホラー
レビュー数が足りません
115 Chs

Chapter 44

Crissa Harris' POV

"Wait, Elvis." tinapik ko sya sa balikat tapos itinuro ko yung nasa labas. Inihinto nya rin naman yung pick-up sa tabi nila Christian.

Ginising ko si Renzo tapos sumunod na kami kay Tyron at Elvis na bumaba na rin papunta kila Christian. Gulat pa nga sya e. Akala nya lumilindol kaya ko sya ginising. Hahaha. Kakaawa e. Pulang-pula pa yung mata.

"Bakit ba, Crissa? Bakit tayo huminto?.." bulong nya sakin.

"Ewan ko rin kay Tyron e. Sinabi ko lang naman na gutom na ko tapos pinahinto nya na sila Christian." bulong ko pabalik habang tinitignan namin sila Christian at Tyron na nag-uusap.

Maya-maya pa, nagsilapitan na rin sila samin habang inaabutan kami ng mga corned tuna.

"Sorry, nakalimutan kong hindi pa pala tayo kumakain. Stop by muna tayo dito tapos pagkatapos nating mag-almusal, pag-usapan na natin yung sunod nating gagawin."

Nag-agree kaming lahat sa sinabi ni Christian tapos kanya-kanya na kaming pwesto para kumain. Dahil open field ito at madamo, yung iba naupo nalang sa sahig. Pero ako, si Renzo at Tyron, dun nakaupo sa may hood ng pick-up. Si Christian naman, katabi si Elvis at nakasandig sila sa van habang nag-uusap.

"Bagay si Christian at Elvis no? 'ElTian' zombie apocalypse love team of the year. Hahaha.." bulong ni Renzo sakin na ikinasamid ko ng wagas. Maging si Tyron din na nasa tabi ko, narinig kong napaubo.

"E-ehem. Ehemm.." hirap na hirap na sabi ko habang kinakapa yung mineral water na nasa tabi ko. Nung makuha ko yun, dere-deretso ko nang iniinom.

"E-eh Crissa, hindi sayong mineral yun. Kay Ty---"

"Bestfriend naman e! Tignan mo nga, nasamid ako! Saka ginawa mo pang bakla ang kakambal ko. Tss.." inis na sabi ko at lumagok pa ko ng tubig. Dere-deretso ko nang inubos yun.

Nanahimik naman bigla si Renzo at parang natatae habang nakatingin kay Tyron. Kaya tumingin na rin ako kay Tyron para tignan kung bakit.

"B-bakit?.." bulong ko. Napansin ko naman ang biglang pagpula ng pisngi at tenga nya.

"S-sakin yung tubig na ininom mo.." sabi nya sabay iwas ng tingin.

Sa kanya yung ininom ko..

What the..

NANINIWALA PA NAMAN AKO SA INDIRECT KISS! WAAAAA!!! HUHUHUHUH.. WALA NA ANG FIRST INDIRECT KISS KO!! TAKEN NA!! WAAAA!!

After non, hindi nako nakapagsalita uli at nanahimik nalang ako dahil sa hiya. Ni hindi rin ako makatingin dito sa dalawang lalaking katabi ko. Lalo na kay Tyron. Huhuhuhuhu.. Kung bakit naman kasi nainom ko pa yung tubig nya e. Nakakahiya..

"Anong itsura yan, Crissa? Oh. Uminom ka muna." napatingin ako kay Christian na papalapit samin. At nung makita ko naman yung ibinibigay nya sakin, muntik na naman akong masamid.

Kaya para hindi nya mahalata, mabilis ko nalang kinuha yung mineral water na hawak nya. Tapos mabilis ko ring ibinigay kay Tyron.

"U-uminom na ako e. Salamat.." sabi ko kay Christian. Nung una nga parang nagdududa pa na ewan yung itsura nya e. Pero maya-maya lang din, lumayas na sya tapos bumalik kay Elvis.

Haaayy. Buti nalang hindi na ako kinulit. Eh basang-basa pa naman ako nun palagi. At buti nalang din, hindi nagsalita si Renzo at Tyron dahil panigurado, extraordinary nanaman ang magiging reaction ng kakambal ko kapag nalaman nyang taken na ang first indirect kiss ko. Huhuhuhu.. Grabe pa man ding mang-asar yun.

Nung matapos kaming lahat na kumain, pinaliwanag na samin ni Christian yung susunod naming gagawin. Pupunta na raw kami sa school nila Zinnia dahil nandoon sya nung araw na nangyari yung apocalypse. Nakakatuwa nga lang din dahil doon din daw nag-aaral yung kuya ni Tyron at Harriette sa school na yun at nandoon din daw sila nung mangyari yung apocalypse. Kaya mas mapapadali na yung paghahanap namin sa kanila. Nasa iisang lugar lang sila.

Well I hope so.. Sana nandoon pa rin sila..

"But we won't easily proceed with that plan. Sa sobrang bagal ng usad ng byahe natin, baka mga after lunch pa tayo makarating sa university na yun. At hindi natin kayang i-search yung kabuuan non nang maiksi lang ang oras natin dahil paniguradong aabutin tayo ng dilim sa sobrang lawak nun. So ngayon, hahanap muna tayo ng isang lugar na pwede nating pagpalipasan ng gabi." pagpapaliwanag ni Christian.

"So you mean, bukas ng maagang-maaga, saka tayo mag-uumpisang hanapin sila?" tanong ko. Ngumiti naman sakin ang kakambal ko.

"Exactly. Pagpatapak palang ng liwanag. Mas mabuti na yung mas maaga diba? Kesa naman yung gabihin tayo. Napakahirap kalaban ng mga undead kapag gabi. At idagdag pa yung possibility na sobrang dami rin nila siguro sa loob ng school na yun. Chances are, nung mangyari yung outbreak, maraming students sa loob non.."

Napaisip ako sa sinabi nya. Tama yun. Dahil nung time nga nung nangyari yun, alam ko na maraming mga students ang nagpapalipas ng gabi sa loob ng school para tapusin yung mga kanya-kanya nilang mga thesis. At kabi-kabila rin yung mga colleges na may night.

"Eh mabuti nang maghanap na tayo ng lugar na tutulugan natin ngayon. Tara na." sabi ni Alex kay Christian.

"Sige. Magsibalik na kayo sa sasakyan."

Sumunod na nga yung iba at nagsipasok na sa sasakyan. Pero tumigil naman agad ako sa paglalakad papuntang pick-up at lumapit ako kay Christian.

"Hehehe.. Christian, pwede bang dun nalang ako sa likod ng pick-up sumakay?" nagpapacute na sabi ko. Kumunot naman agad ang kilay nya.

"At bakit?"

"W-wala. Ta-try ko lang. Saka para na rin makalanghap ng fresh air. Hehehe.."

"Sige, bahala ka."

Gulat akong napatingin sa kanya.

"T-talaga? Payag ka?"

"Oo na nga. Dali. Bago pa magbago isip ko." sabi nya habang itinutulak ako sa likod nung pick-up.

Napilitan naman akong umakyat na doon. Pumwesto ako dun sa may inner part which is pwede akong sumandig at magpangalumbaba sa may bubong. Tayo lang ang pwede kong gawin sa pwesto ko dahil nga katabi ko rin yung motorbike at bisikleta ni Scott. Medyo masikip pero sakto lang pag nakatayo. Kasya pa nga isa e.

Hmm. Sama ko kaya si Renzo dito? Waaa.. Oo nga. Para bestfriend goals kami. Hihihi.

Tatalikod na sana ako para bumaba pero nagulat nalang ako nang biglang sumulpot si Tyron sa likuran ko.

"H-hehehe. Nakakagulat ka naman, Ty.." sabi ko na hindi makatingin nang deretso sa kanya.

"Sorry. Hindi ba ako yung ineexpect mong makikita mo dito?.."

"E-eh??.." takhang tanong ko. Di ko kasi magets yung sinabi nya e.

Ngumiti naman sya sakin tapos tumabi sa kinatatayuan ko.

"Joke lang. Sasamahan na kita dito. Delikado rin kasi."

"Talaga? Ang sweet naman ng kakambal ko at inutusan ka pa nyang samahan ako dito." flattered na sabi ko.

"Actually, ako ang nagsuggest sa kanya na sasamahan kita.."

Biglang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. Sya ang nagsabi kay Christian na sasamahan nya ako dito. Pero bakit?..

Hindi ko na nagawang itanong pa yun dahil tanging, 'Ah, salamat!' na lang ang nasabi ko. Hindi ko rin naman kasi kayang magtanong ng ganun dahil bukod sa nahihiya ako, parang hindi rin ako handa na makarinig ng kasagutan sa mga ganong tanong. Lalo pa at BAKIT iyon. Napakaraming pwedeng isagot sa tanong na yun.

Naramdaman ko na umandar na yung pickup. Pero dahil hindi ako masyadong naging aware, bigla akong nawalan ng balanse. Muntik na muntik na akong mapahiga dun sa motorbike pero buti nalang, naalalayan agad ako ni Tyron.

"Kumapit ka kase." bulong nya.

"S-salamat.." bulong ko pabalik. Nahihiya talaga ako sa kanya e.

Tahimik na kami habang bumabyahe. Walang nagtatangka na magsalita ni isa man samin dahil kapwa na napako ang mga atensyon namin doon sa mga nakikita namin sa daan.

Ang daming mga katawan sa tabi-tabi. May mangilang-ngilan ding undead kaming nadadaanan. Napapatingin sila sa direksyon namin pero wala pa rin silang magawa para malapitan kami. Oo, mabagal lang yung takbo ng sasakyan namin. Pero di hamak naman na mas mababagal pa rin sila. At yung ilan naman na medyo nakakalapit na samin, pinapaputukan namin ni Tyron.

At sobrang astig lang ng mga moment na yun. Para kaming action star sa pelikula. Pwede na nga kaming pang-relationship goals e. Relationship na bestfriends ah? Yung bestfriend goals ba. Halos sabay kasi kami kung magpaputok e. Tapos nagfi-fistbump pa kami everytime na may mapapatumba kami.

Ewan ko pero nung mga moment din na yon, enjoy na enjoy ako. At ang sarap sa feeling. Para kasing ang close close na rin namin ni Tyron e. Yun bang wala ng awkwardness tapos para bang hindi kami dumaan dun sa stage na palagi kaming nagsasagutan at nag-aaway. Ang sarap talaga sa feeling. Parang pang-forever na..

Nung mapagod kami sa pagtayo, dun kami sa bubong ng pick-up umupo. Tinulungan nya akong makatuntong at makaupo doon. Tumabi naman sya sakin at inalalayan nya ako. Damang-dama nga namin yung malakas na hangin na tumatama samin e. At hindi masakit sa balat dahil makulimlim yung langit. Ang sarap tuloy sa pakiramdam.

"Crissa?.." bulong nya sakin. At inaamin ko, naging abnormal nanaman yung tibok ng puso ko.

Bakit ganito? Pakiramdam ko, ito lang yung unang beses na napakinggan kong may tumawag sa pangalan ko? Bakit parang nag-e-echo sa tenga ko yung pangalan ko na binanggit nya? Bakit parang napaka soothing at calming sa loob ko na pakinggan ang boses nya?..

"Uy, Crissa.." pag-uulit nya at napabalik naman ako sa sarili ko.

"H-hehe. Bakit?.."

"Yung tungkol sa kanina, hindi ko pa naman naiinuman yung tubig ko na ininom mo e.."

Gulat akong napatingin sa kanya pero umiwas din ako agad.

"Sayang nama--- ay putek."

"Ha, ano?.." tanong nya na nakakunot ang noo.

Natakpan ko ng mabilis yung bibig ko. Tumingin ako uli kay Tyron tapos nagpeace sign agad ako sa kanya. "H-hehehe I mean, buti naman.. Buti naman at hindi mo nainuman. Naniniwala kasi ako sa indirect kiss e. H-hehehe.."

Sinapak-sapak ko na yung sarili ko sa isip ko. Punyemas naman e. Ano ba yung ibinulong ko na sayang? Parang kusa nalang na lumabas sa bibig ko. Buti nalang talaga at hindi nya narinig. Tss.

"Indirect kiss?.."

Gulat uli akong napatingin sa kanya.

"Indirect kiss? Bakit, may sinabi ba kong ganon?.."

"Oo. Kakasabi mo pa nga lang e.."

Sinapok-sapok ko nanaman yung sarili ko sa isip ko. Punyemas lang, nasabi ko pala yun? Bakit di ko namalayan? Dahil lang ba to sa pagkataranta? O sadyang manhid na ba talaga ako ngayon?

Tumingin ako sa paligid para humanap ng ipapalusot. Sakto namang huminto yung van nila Christian kaya huminto din yung pick-up namin.

"Y-yehey! A-andito na tayo!" kunwaring excited na sabi ko para maisegway ko yung usapan. Bumaba ako sa pagkakaupo tapos nagtatalon pa ako. Nakita ko naman sa sulok ng mata ko na ngumiti si Tyron at umiling.

"So ako pala ang first indirect kiss mo.."

Hindi ko na narinig at napagtuunang mabuti ng pansin yung ibinulong nya dahil napako na eventually yung atensyon ko dun sa lugar na hinintuan namin.

Ito yung mini grocery na nasa labas ng compound ng school nila Zinnia.