webnovel

This Weird Nerd Is A Gangster

What will be your first impression to a person who have an old school looks with an eyeglasses?

cristineisvip · 若者
レビュー数が足りません
41 Chs

Cool Boy And The San Gokus

Amen!

Ayan! Banal na ulit ako. Hihi!

Just been from the Church.  Why? Today is Sunday.  At sinipag akong mag simba. Hihi!

"From all the evil that surrounds me defend me.. Defend me.." Ang ganda ng kantang 'to. Na i-lss ako.

*Wapak!*

*Boom!*

*Boogsh!*

*Pak!*

Ano naman yung mga sound effects na yun? Nakakasira sa pag vo-vocalize ko.

"Eto pa!!! Damahin mo ang suntok kooo!" Sabi nung mukang san goku.

"Asa pare!" Ansabe nung napaka-cool na lalaki. Habang hawak-hawak nya ang ulo ni San Goku.

"Hahaha! Laptrip! Haha!" Tawa ko habang hawak ni cool boy ang ulo ni San Goku. Nakakatawa naman talaga eh. Ang pandak nya kasi tsaka ang iksi pa ng mga kamay, 'di l naabot ng suntok n'ya si Cool boy.

Ano ba 'to! Kagagaling ko lang ng simbahan nagkakasala agad ako. Pagtawanan ba naman si San Goku.

"At sino ka naman?" Tanong pa sa akin ni San Goku.

"Pinanganak ako, okay?" At napatingin ulit ako dun sa naka side view na si Cool boy. Teka, may kamukha sya ah.

"Miguel? Miguel Luna? Is that you?" Tanong ko pa. Pero hindi eh. Mas mukhang lampa pa nga yun dito sa San Goku na to eh.

"Tss!" Sabay sinapak nya si San Goku na nakatulog agad.

"Ikaw!" Sabi ni Miguel.

"Ako?" Sabi ko sabay turo ko sa sarili ko.

"Malamang! Alangan naman kausapin ko tong mga natutulog na mga pipitsugin dito" Oo nga. Andaming nakahilatang mga San Goku din. Andami pang mga pasa. "At sigawan ang sarili ko ng,

"Ikaw!" Common sense pwede?" Sabi pa nitong look-alike ni Miguel.

"Wag po! Mabait ako! Napadaan lang po ako dit o." Sabi ko with maawa-ka-sa-akin-look.

"Hahahaha! Para kang tanga Charlotte! Hahaha!" Sabi pa ni Miguel-look-alike.

"Kilala mo ako?" Tanong ko sabay turo sa sarili.

"Malamang! Classmates tayo eh." Sabi pa, Si Miguel nga siguro to. Kamukha na kamukha eh.

"Miguel Luna? Si weird nerd?" Sabi ko.

"Yeah!" Matipid nyang sagot.

"So? Ano namang palabas 'to? 1 vs. 10" Tanong ko after ko bilangin yung mga san goku.

"Tss. Wag ka na nga!" Sabay hila nya sa akin.

"So hila-girl role ko sa palabas mo?" Asar na tanong ko. Mang hila ba kasi.

"Manahik ka nalang.. PWEDE?" Sabi nya. Nakakatakot yung tingin na yun ah.

Sa kotse..

Wow. May kotse 'tong weird na nerd na to ah. COOL! Convertible car pa. Jet black na Lamborghini. Mayaman kaya to?

"Dito bahay mo diba?" Tanong nya. Nasa tapat na pala kami ng bahay ko. Masyado akong nag-isip sa katauhan nitong WEIRDONG lalaking to.

"Wala ka na dun! Baba!" Wow ah. Wagas makasigaw.

"Teka lang.. Madami ka pang di naipa-paliwanag sa akin. Yung mga San Goku. Yung itsura mo ngayon. At bakit mo rin alam bahay ko?" Tanong ko pa.

"Tss. BABA!" Sabay bukas ng pinto ng kotse nya at lumabas na ako.

Pinaharurot nya na yung kotse nya. Ang weird nya talaga! Sakit sa bangs!

Nung nakaraan, nerd looking pa sya. Tapos ang yabang. Tapos pinahiram pa ako ng payong. Ngayon naman ang siga-siga. Kala mo naman gwapo! Tss. Pero, gwapo talaga. Lalo na kanina sa leather jacket nya.

Erase-erase! Bawal ako ma-mangha sa isang weirdo.