webnovel

This Weird Nerd Is A Gangster

What will be your first impression to a person who have an old school looks with an eyeglasses?

cristineisvip · Teen
Not enough ratings
41 Chs

New Student

"Okay. Good morning class. Please be quiet!" Bati ni Sir Bondoc sabay saway na din sa maingay na klase. "Come here!" Tawag ni Sir Bondoc dun sa isang lalaking naka-civilian. "Class, you have a new classmate. Introduce yourself iho." Sabi pa ni Sir na s'ya ring adviser namin.

"Hi Good morning. I'm Miguel Luna. 16 years old. From Maasim High School." Sabi nung new student na halatang nerd dahil sa medyo old school na pananamit at sa malaking eyeglasses nito.

"Okay. Thank you. Ahmm. You may sit beside Marcky at the back." Sabi ulit ni Sir Bondoc. Si Marcky ay ang classmate kong mahilig mag dota. Dalawa na silang four eyes ni Marcky. Hahaha! Nakasalamin din kasi si Marcky, kaso yung kay Marcky eh parang kay Harry Potter, pa-bilog.

Tumabi na si Miguel kay Marcky. Tapos nag hi-hello sa isa't isa, nag fist to fist pa nga eh. Close na agad.

Breaktime na..

Yung mga classmate ko naman kinakausap ang tahimik na si Miguel. Isang tanong-isang sagot sya. Man of few words ang peg.

Ako naman at si Marie Herrera pati narin si Jane Cabrido ay nakatingin lang sa kanila. Si Marie at Jane ang aking mga seatmates/bestfriends na maga-galing sa math at sa lahat ng subjects. Si Jane ang top 1 at si Marie naman ang top 2 sa klase ng fourth year-section two. Ako saktong estudyante lang.

Kain lang kami. Usap-usap. At nakatingin kay Miguel.

Infairness. Kahit pa na may pagka-old school s'ya at makapal ang salamin ay bakas pa rin ang ka gwapuhan n'ya.

Matangos na ilong, kissable lips, at brown eyes pa. Kahit na makapal pa salamin nya eh, halata naman ang pagka-brown ng mga mata n'ya. Matangkad pa s'ya ha at maayos naman ang tindig.

"Penge naman nyan!" Sabi ni Jane na matakaw.

"Ayoko nga! *Behlat!*" Sabi ko naman kay Jane.

"Hahaha!" Tawa naman ni Marie.

Ayun nagkulitan lang kaming tatlo. Hanggang sa matapos ang breaktime at klase na ulit.