webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · 若者
レビュー数が足りません
40 Chs

One

(Eton International Academy of Science)

(Miyaki's POV)

"Nandyan na ang F8!"

Nagtakbuhan ang mga estudyante ng EIAS papunta sa may entrance ng school, nag-uunahan at nagsisiksikan sa may bandang harapan para mas makita nila yung walong magagarang sasakyan sa may gate ng school. At kasabay na rin nun ang malakas na tilian ng nga estudyanteng naroroon. Mas lalo pang naglakasan ang mga tilian at hiyawan nila nang huminto na ang mga sasakyan at isa-isang nagsibabaan ang mga sakay  nito.

Unang bumaba ang isang matangkad na babaing may salamin at may hawak na libro. Nerdy type. Pero sa kabila ng pagiging nerd niya, hindi talaga maipagkakailang maganda ang isang ito.

Siya si Misha Dayle Nordstrom, ang tinaguriang "Geek Princess." As the title itself, matalino talaga ang isang ito. Consistent Top 1 from kinder to third year at kapapanalo lang niya bilang SSC President sa taong ito. Napakalakas ng karisma niya sa mga lalaking mahilig sa magandang geek na tulad niya. Yun nga lang, mukhang mas interesado pa siyang tuklasin ang Law of Gravity at Big Bang Theory kesa sa mag-entertain ng mga manliligaw niya.

Sa kanan ni Misha, may lumapit sa kanyang isang magandang babae na may mahaba at itim na itim na buhok, magandang pangangatawan, matangkad at medyo maldita, akala mo lahat ng tao pagmamalditahan niya.

She's Monique Khanne Bernardo, the so called "MVP Princess." Magaling sa sports, particularly in volleyball. Hindi lang yan, siya ang new model ng Avon Philippines. Aside from that, sila ang may-ari ng Bernardo Conglomerate, isang sikat na multi-trillion company sa bansa. Pag-aari din nila ang Bernardo Royalties, isang sikat na sikat na hotel sa bansa. Ang Daddy niya ang presidente ng kumpanya habang ang Mommy naman niya ang executive chef ng kanilang hotel. May ate rin siya na isang sikat na chef sa isang restaurant sa France. Sa madaling-sabi, galing siya sa angkan ng mga businessman at chef.

"Haay, after two months, we're finally back!" sabi nung lalaking kabababa pa lang sa kanyang sasakyan.

"Oh Dennison, how was your summer?" tanong ni Misha dito.

"As usual, masaya. Busy nga sa training eh." sabi naman niya.

That's Dennison Chua, the "MVP Prince." Guwapo, matangkad, moreno at may charming na ngiti na nakapang-aakit ng mga babae at mga bakla. Isa sa mga sikat na player ng national softball team. Marami ang naaakit sa kanya, isa na nga doon si............

"Baby Dennison ko! I miss you!" may bigla na lang sumulpot na babae sa gilid ni Dennison. 

Petite na pangangatawan, maputi, brunette ang buhok, brown ang mga mata at siyempre maganda.

Lexie Policarpio, the "Sweetheart Princess." She's the title holder of Miss EIAS last year at hinihintay na niya ang next successor ng korona niya. Sikat na sikat sa mga lalaki dahil sa kanyang mala-Gabriella Isler niyang kagandahan.

Pero kung gaano kaganda ang isang ito, ganun din kakitid ang utak niya. Grabe lang kung gaano niya ipangalandakan sa lahat kung gaano siya kapatay-na-patay kay Dennison kahit very obvious naman na ayaw sa kanya nito dahil ipinagtutulakan siya nito palayo.

"Lexie! Don't cling on me!" iritang sabi ni Dennison sabay hatak niya ng braso niya kay Lexie.

"Eeeehhhh!!! I miss you my love!" at muli nitong ipinulupot ang braso niya kay Dennison.

" Hoy! Ang agang landian nyan ah! Baka ma-PDA kayong dalawa!" sigaw ng Kuya Ruki ko sa kanila.

Here comes my brother......

That's Ruki Miyazako, my twin brother and also known as the "Vocalist Prince." Kayang-kaya niyang magpakilig ng mga babae. Titig pa lang niya, nakakatunaw-to-the-bones na, eh pano pa kanya kung sasabayan pa niya ito ng pagkanta? Lead vocalist siya ng Stallions, ang official school band ng academe at bukod sa pagkanta, mahusay din siyang tumugtog ng mga instruments. At katulad nga ng mga kaibigan niya, guwapo din ang Kuya ko.

"Ruki, pakisabi nga sa bruhang 'to na tigil-tigilan na ang pagpulupot sa akin na parang sawa." bungad ni Dennison sa kuya ko habang turu-turo niya si Lexie.

"Ruki, can you please tell this handsome guy that I won't leave him alone...?" sabi naman ni Lexie.

"Haay naku, nagsisimula na naman kayo." singit ni Monique.

"Wag na kayong magkulitan dyan, Baka ihagis ko lang kayo sa buwan!" ang sabad ng lalaking nasa likod na pala nila.

That guy is Marcus Anderson, the "Racing Prince."  Champion sa drag racing at hobby ang mangulekta ng mga mamahaling sasakyan. Kinababaliwan ng lahat dahil sa mala-Chris Evans niyang mukha.

"Oh Marc, nandito ka na pala!" ang salubong sa kanya ni Misha. "Kamusta ang bakasyon?"

"Okay lang, medyo masaya naman." ang sabi naman ni Marcus.

"Wait, sila Aya at Callix na lang ang wala." Dennison noticed.

"Oo nga noh," sabay lingon ni Monique sa gate ng school. "Andyan na pala ang car ni Aya!"

Bumaba na ang sakay ng kotse at halos masuka na naman ako sa sobrang inis pagkakita ko sa kanya.

She's Aya Tomines, "The Simple Princess" para sa lahat pero para sa akin ay "The Demon Princess" dahil kapatid siya ng lalaking pinakakinasusuklaman ko. Simple lang siyang kumilos at manamit pero hinahangaan naman siya ng lahat dahil sa kanyang natural na kagandahan. Editor-in-chief siya ng school paper ng EIAS pero para sa akin, isa siyang "editor na mukhang cheap."

"Hi Aya!" ang bati nina Misha kay Aya pero ngumiti lang ang bruha.

"Tara na sa classroom." ang yaya na ni Monique sa kanila.

"Wait, where's Callix?" tanong ni Marcus and right on que, biglang pumasok ang isang magarang limousine sa gate ng campus. 

Nakarinig ako ng nakakabinging sigawan at tilian galing sa mga kapwa ko estudyante. Halos magwala na ang mga tao, mostly girls at nag-uunahan sila sa pagsalubong sa kotse.

Nang huminto ito, may lumabas sa drivers seat at saka nito pinagbuksan ng pinto ang sakay ng kotse. At noong makita na siya ng lahat ay halos lumindol na sa school sa lakas ng tilian ng mga babae't mga bakla.

Tinignan ko ang lalaking yun. Seryoso ang itsura niya, ni hindi man lang ngumingiti. Nilapitan siya nina Misha at binati pero tinanguan niya lang ang mga ito.

He's Callix Jesh Bernardo, ang tinatawag ng lahat na "Ultimate Prince." Twin brother ni Monique at magiging tagapagmana ng Bernardo Conglomerate in the future. Guwapo? Oo naman. Ma-appeal? Sobra. Matangkad? Lalong oo! Captain ng basketball varsity team. Sikat na sikat sa mga kababaihan at kabaklaan hindi lang dito sa school, kundi maging sa mga kalapit naming eskwelahan.

"Wow! Sa wakas kumpleto na rin tayo! Ansaya naman!" ang halos mapapalakpak nang sabi ni Lexie.

"Dahil kumpleto na tayo, tara na sa classroom." ang pagyayaya na sa kanila ni Dennison.

Sabay sabay na naglakad papasok ang walong mga "wagas" na yun. Sila ang tinatawag ng lahat na Famous Eight-F8. Lahat sila, nanggaling sa mga mayayamang angkan na sikat sa iba't ibang larangan, at isa pa, hinahangaan sila ng mga estudyante dito....

Except me.

Wala naman talaga akong pakialam sa kanila. Basta ako, tahimik na nag-aaral at nagliliwaliw. Pero sila, kilalang-kilala nila ako dahil kapatid ko si Kuya Ruki at anak ako ng mga founders ng eskwelahan na ito. Aware sila sa existence ko dito sa paaralang ito bilang isang certified tibong nerd ng campus.

Habang naglalakad papasok ng school building silang walo ay nag-gi-give way naman ang mga die-hard admirer's nila. Para bang pumaparada sila at kami naman, nasa gilid lang. Nagmamasid. Nanonood.

Nang madaanan ng F8 ang kinatatayuan ko ay kinawayan nila ako. Ako naman, dahil sa mabait pa naman akong tao ay sinakyan ko na lang ang kabaliwan ng mga taong 'to.

Minsan tuloy, naisip ko na sana ay di na lang naging member ng F8 si Kuya Ruki, para nakakasama ko pa rin siya ng matagal. Hindi yung tinititigan ko lang siya sa malayo at nagseselos ako sa mga kaibigan niya maging sa mga die-hard admirer's niya.

Dahil wala na sila sa paningin ko ay paalis na sana ako nang bigla akong nilapitan.....ni Callix. He's smiling at me.

Bah! Naghimala ba ang sansinukob?

Si Callix Jesh Bernardo.......

NGUMITI!???

Ano naman kaya ang pakay ng unggoy na ito sa akin?

"Hi Miyaki." ang nakangiting bati niya sa akin.

"Anong kailangan mo sa'kin?" ang simpleng tanong ko lang sa kanya.

"Ahm....k-kasi.....a-ah....e-eh...." ang halos uutal-utal niyang sabi habang kakamut-kamot siya sa ulo niya.

"Ano?" ang halos mairita ko nang tanong sa kanya.

" A-ahm....h-hiramin mo itong b-bola, g-gusto mo?" sabay bigay niya ng bola ng basketball sa akin. Paagaw ko naman itong kinuha sa kanya.

"Salamat ah! Mabait ka naman pala eh. At dahil mabait ka, may gift ka sa akin." sabay kindat ko sa kanya.

"T-talaga? A-ano?" ang tila nagulat na tanong niya.

Tatawa-tawa kong kinuha sa bag ko ang Mogu-Mogu juice at Whattatops.

"Heto ang gift ko sayo, Mogu-Mogu at Whattatops." sabay bigay ko sa kanya ng Mogu-Mogu at Whattatops.

Bagama't gulat na gulat si Callix ay tinanggap naman niya ang dala kong meryendang pangsari-sari store.

"S-salamat." ang sabi naman niya sabay ngiti niya sa akin.

"Wag mo akong ngitian, para kang baliw." at umalis na ako sa mga estudyanteng nagkakagulo maging sa utu-utong unggoy na si Callix.

HAHA...

NGA-NGA KAYONG LAHAT!!