webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · Teen
Not enough ratings
40 Chs

Two

(F8's Private Room)

(12:30 pm)

(Callix's POV)

To Pink Steno Diary,

Compilation No. 473

 

Kanina, nilapitan ko si Miyaki....kasi....alam mo na, na-miss ko siya for the past two months. Ang dami kong gustong itanong sa kanya, kung kamusta ba ang naging bakasyon niya, kung saan ba siya nagbakasyon at kung nag-enjoy ba siya sa kanyang bakasyon.

 

Pero nang makaharap ko na siya, parang nilamon ng hiya ang lahat ng sasabihin ko sa kanya, sa halip, inalok ko sa kanya yung bolang dala-dala ko kanina. Waaahhh!!! Antanga-tanga ko talaga!

 

Pero nang binigyan niya ako ng Mogu-Mogu Lychee Juice at Whattatops Muffin ay halos lumutang na ako sa ere sa sobrang saya....dahil kahit na corny na pagkain ang ibinigay niya sa akin ay labis nang kasiyahan ang nadarama ko. Ganito talaga siguro ang umiibig, laging napapangiti kahit saang bagay basta't galing sa taong mahal na mahal mo.

 

Haay Diary, sana nga ay tuluyan nang mapansin ni Miyaki ang puso kong matagal nang baliw na baliw sa kanya.

 

Hanggang dito na lang Pink Steno Diary, hanggang sa muli....

 

-Callix Jesh-

 

Habang binabasa ko ang sinulat ko sa pink steno diary ko kani-kanina lang ay napapatulala ako. Kapag naaalala ko ang moment na yun kanina, ang pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng baliw sa kasaysayan, dahil nakatanggap ako ng isang bagay mula sa babaing mahal na mahal ko.

I love Miyaki since first year at hanggang ngayon ay siya pa rin ang mahal na mahal ko. Miyaki is Ruki's twin sister and daughter of the founder of this school. Kilala siya sa buong school bilang isang tibong nerd na adik sa DOTA. Sabihin nyo nang tanga ako at walang taste sa pagpili ng babae, pero anong magagawa ko, naakit na ako ng mala-Riyo Mori niyang kagandahan, idagdag pa ang  kanyang pagiging misteryoso't pagiging mailap sa lahat na lalong nagpaibig sa baliw na katulad ko. Kahit na lagi siyang nakasuot ng swagger outfit ay hindi ko talaga maiwasang matangay ng stunning beauty niya na pang-Miss Universe pageant ang dating.

Mahal na mahal ko na talaga siya sa umpisa pa lang ng journey ko dito sa EIAS....kahit na alam kong wala naman akong pag-asa sa kanya. Saka nakikita ko sa mga mata niya ang takot niyang magmahal muli.

Pero hangga't makapal pa ang pagmumukha ko, hinding-hindi ako susuko sa kanya. Handa akong gawin ang lahat, makamit ko lang ang pag-ibig niya.

Kinuha ko sa bag ko ang bigay niyang pagkain sa akin. Parang ayoko pang kainin ang pagkaing bigay niya sa akin. Ipinatong ko sa metal table ang Mogu-Mogu at Whattatops Muffin at pinagmasdan ko lang sila ng maigi. Maganda na sana ang pag-iimagine ko nang biglang.....

"To Pink Steno Diary! Compilation No. 473!"

Bigla akong napalingon sa likuran ko at nakita ko ang bwisit na si Marcus na binabasa na pala ang diary ko!!!

"Hoy! Ibalik mo yan!" sabay habol ko sa pakialamerong halimaw na 'to.

Si Marcus naman ay binasa pa ang detalye ng diary ko habang matulin siyang tumatakbo palayo sa akin.

"Sinabing ibalik mo sa'kin yan eh!" at pinilit kong habulin si Marcus habang tatawa-tawa pa niyang binabasa ang diary ko.

"Grrr...Marcus!!! Ibabalik mo yan o hindi?!!!!" ang halos mairita ko nang sabi sabay dakma ko sa damit niya at dinaganan ko siya sa pader. Hindi na nakawala pa si Marcus pero halos hindi naman niya ibigay sa akin ang diary ko.

"Whoa Cal, ang lakas talaga ng tama mo sa sister ni Ruki! You already!" ang pang-aasar pa ni Marcus habang pilit niyang itinataas ang diary ko.

"Ibalik mo na sa'kin yan!" ang sabi ko pa sa kanya pero binelatan lang niya ako sabay sabing,

"Ayoko nga!" 

"Ah.....ayaw mo ha....ano kaya kung ipagtapat ko na kay Misha ang lihim mong pag-ibig sa kanya?" ang pananakot ko sa panget na unggoy na 'to.

"Waaaaahhhhh!!!! Wag Cal! Heto na..." sabay bigay niya sa akin ng diary ko. Paagaw kong hinablot sa kanya ang diary ko with matching belat pa sa kanya. Hah! Kala nito papalag siya sa akin?!!! xD

"Next time Marcus, wag na wag ka nang makialam pa ng gamit ng may gamit. Arasso?!" sabay pingot ko sa tenga ni Marcus.

"Waaahhhh!!! Tama na, tama na! Masakit yan! Sige na, hindi na ako uulit. Pramis." at nag-cross heart sign pa si Marcus.

"Good." sabay bitaw ko na sa tenga niya. Siya naman ay hinihingal na napaupo sa sahig.

Itinago ko na ang diary ko sa bag ko at dahil bigla akong nakaramdam ng gutom sa paghabol sa alien na 'to ay napilitan tuloy akong kainin ang pagkaing bigay sa akin ni Miyaki ko...

"Uy bro, penge naman oh," ang sabad ni Marcus sa akin.

"Tse! Bumili ka ng sarili mo!" ang nag-iinis-inisan kong sabi sa panget na 'to habang kumakain ako.

"Hmp! Damot!" sabay irap sa akin ni Marcus.

"Ikaw nga ang madamot dyan eh!" ang ganting sabi ko kay Marcus sabay irap ko rin sa kanya.

"Ahm Bro matanong ko lang, si Miyaki ba ang nagbigay sayo nyan? Mukha kasing pang-sari-sari store ang mga yan eh." ang curious na tanong sa akin ni Marcus sa akin.

"Ah etong pagkain? Oo....siya ang nagbigay sa akin ng mga 'to." and I blushed slightly nang maalala ko na naman yung moment na kasama ko si Miyaki.

"Wow, ang galing naman." sabay kuha niya ng isang box ng regalo sa mesa ko. "Samantalang  yung gift ni Chiqui, nire-reject mo lang." ang sabi naman ni Marcus sabay sipat ng regalong bigay ni bruha sa akin.

"Aanhin ko naman yan? Tsaka ayoko sa babaing queen bee." ang sabi ko sabay kuha ko ng regalo ng Luciferang si Chiqui at itinapon ko ito sa basurahan.

Napakamot na lang sa ulo si Marcus habang nakatingin lang siya sa regalo na nasa basurahan na.

Well, hindi ko naman ide-deny na guwapo talaga ako since birth, pero sawang-sawa na ako sa too much attention sa akin ng mga estudyante dito sa eskwelahang ito. Sa araw-araw na lang na nililikha ni Lord sa buhay ko, puro mga ilusyunado't ilusyonadang mga estudyante ang nakaka-encounter ko. Puro na lang Prince Callix here, Prince Callix there.... haay,kelan ba ako naging prince? Eh hindi ko naman kamag-anak si Queen Elizabeth II ah! Tsaka naiinis talaga ako kapag tinatawag nila akong "Prince Callix", ang baklang pakinggan!

"Hmm.....akin na lang yung gift niya, nanghihinayang ako sa regalong yan." sabay kuha niya ng regalo sa basurahan. "Ahm Cal, labas muna ako sandali ha, bibili lang ako ng foods sa cafeteria." sabay labas na ni Marcus sa private room ng F8. Muli ay naiwan na naman akong mag-isa sa private room. Habang iniinom ko ang natitirang laman ng Mogu-Mogu ay muli ko na namang naisip si Miyaki. Kumain na kaya siya? Nasaan na kaya siya?

Dahil tinamaan na naman ako ng pagkasabik kay Miyaki ay lumabas ako ng private room para hanapin siya.